Kung lalabas ka sa pamamahay mo ngayon patungo sa kalyeng katabi ng iyong prestihiyosong subdivision, imposible ata na makakita ka pa ng isang sinaunang Jejemon.Â
Ay, teka lang muna. Hindi ko pa pala naipapaliwanag sa inyo kung ano nga ba ang isang sinaunang Jejemon.
Sila ang mga taong nakasuot ng maluluwang na jersey at pantalon o basketbol shorts na halos kalahati na lamang ng puwit ang natatakpan. Kadalasan, kapag kumukuha sila ng litrato, may kung ano-ano pa silang ginagawa sa mga kamay nila at nakalabas pa ang kani-kanilang dila.Â
Halos sampung taon na ang nakalipas mula nang maging laganap ang kanilang kultura. Marami sa atin ang nandiri na para bang mayroong nakahahawang sakit ang mga miyembro ng nasabing grupo.Â
Nakakainsulto raw sa karamihan kung paano sila magpahayag ng kanilang sarili (hal. M@h41L111 K1TZZH@@HhhHh bH@Bh3313 qQ0U0h). Marami man ang napangiwi kapag nakakasalubong sila sa daan, hindi pa diyan nagtatapos ang kanilang paglalakbay. Tulad ng mga sinaunang jejemon, may isa namang kultura ang umusbong noong mga nakaraang taon.Â
Sa aking pagoobserba, lagi silang nakasuot ng may mga tatak na bagay, maski t-shirt na Supreme o Thrasher, fanny pack na Off White at Vans na sapatos. Kadalasan din, makikita sila sa Bonifacio High Street o Shangri-la Plaza. Ngunit, sa pamamagitan lamang ng ilang buwan, ang ganitong klaseng pananamit ay naging popular sa mga tao na nasa ibabang antas ng lipunan.Â
Simula nang maging bansag ang ganitong istilo ng pananamit at sila pa ang gumagawa nito, natawag tuloy silang âJejemon 2.0â. Sa sobrang naging tanyag ang mga hypebeasts, sumikat pa ang kantang âHayaan mo Silaâ ng Ex-Battalion dahil sa kanila. Nakuhanan pa nga silang sumasayaw sa loob ng mall gamit ang nasabing kanta.
Gaya ng mga jejemon, nakalikom din ang mga hypebeasts ng masasamang salita mula sa sangkatauhan, maging sa personal man o sa social media. Â
Gumawi tayo sa mga taong nagsasabi ng mga lait tungkol sa mga Jejemon at Jejemon 2.0. Dahil sa konsepto ng norms, marami sa lipunan ang nagkaroon ng negatibong reaksyon mula sa mga taong sumusunod sa ibang tema ng pananalita maski pananamit. Kadalasan din ang mga indibidwal na nandidiri kapag nakikita ang mga nasabing tao ay nasa gitna at mataas na antas sa lipunan. Marahil takot silang makakita ng mga taong hindi sumusunod sa kung ano ang normal lalo na, kadalasan nasa mababang antas ang mga taong tinutukoy. Halimbawa na lang kung paano magsalita o mag-type ang mga jejemon, marami ang nabahala sapagkat mahirap intindihin ang kanilang uri ng pamamahayag. Sino ba naman ang nasa wisyo para mag-type ng âh0iY mUzZzztTZxahhhHh nUahhHz! k@InnzX nUahHm4nnnNNn tAu minzxxzszanNâ? Mapapansin natin na ang inaapi ay ang mga taong nasa ibabang antas ng lipunanâna kapag sila ang tumataliwas sa kung ano ang normal, mayroong mas malaking tyansa na sila ang aapihin.Â
Kapag nga naman may nakasabay ka sa jeep na gusgusin at nakasuot ng sira-sirang damit, ngunit Ingles ang gamit niyang wika, malamang mapapaisip ka kung nababaliw ba ang taong âyon. Kabaligtaran naman ito na kapag nakakita ka ng taong mukhang sosyal na kung magsalita parang ganito âeow pohzâ, mapapakunot ka lamang ng noo. Mapapaisip ka siguro na, âah, baka ganyan lang talaga siya.â Sa nasabing mga senaryo sa itaas, para bang mas aapihin ng masa ang naunang tao dahil sa kanyang pananalita at ang lengguwaheng gamit niya at hindi ang huli dahil nga sa kanyang estado.Â
Sa kaso ng mga jejemon, napaisip ako kung ano nga ba ang tamang wika? Para bang ito ang nagdidikta sa katayuan ng isang tao sa lipunan tulad na lamang ng pera o iba pang may tatak na kagamitan. Tila bang malabo ang linya kung ano nga ba ang tama at maling wika. Sa totoo lang, imposible na maging tiyak tayo sa konsepto ng wika. Ang tanging kakayahan lamang natin ay ang pagtanggap na ang wika, hindi pupuwedeng matukoy sa isang kahulugan lamang. Napakalawak nito para ilagay sa isang kahon at hindi na buksan. Patuloy itong nagbabago at nakadepende pa sa bawat kulturang popular na sisikat sa mga susunod na henerasyon.
Sanggunian: Jay Jay. (2018, January). Hayaan Mo Sila Dance Contest ng mga Hypebeast sa Mall. Retrieved from: youtube.com/watch?v=H3QsfE7XzIM