Kylers Padilla dejk
Okay. Wala lang. Trip ko lang sulatan ka. Kase naman kinakain nako ng konsensya ko, sarap ko nga daw eh. Sa tuwing nagtatampo ka, alam ko naman kasalanan ko (malamang ikaw nga yung nagtampo eh) Kase naman, iss eto na hindi ako sanay ng ako ang sumusuyo. Hindi mo alam yun kase hindi ko naman sinabe sayo. Nung time na nag away tayo ng malala at kinanta mo yung Bumalik Kana Sakin by Silent Sanctuary (yung lyrics sinabe mo sakin para maplease ako), pinilit mo pa ako at sobra ka makapangsorry kinikilig ako deep inside pero nangingibabaw yung pride ko. Yun ata ang namana ko kay mommy, ang pagiging mapride. Kainis! Pero srsly, nabanggit ko naman sayo may nakapagsabe sakin na blogger na ligawan daw kita, para magbati na tayo. Sorry pero nasabe ko na din sayo na hindi ako lalake at hindi ako pinanganak para manligaw. Spoiled brat kase sorry. So ayun gusto ko lang malaman mo na masaya ako kase andyan ka kahit pinagbabawalan mo ko magtumblr alam ko namang hindi mo ko matitiis. Basta thank you, nablangko nako. Hahahahaha ge. May kasunod pa to. Next time na.

















