Asan ka na HAPPINESS?
Alam mo yung feeling na nakangiti ka pero alam mo sa sarili mong hindi ka masaya? Yun bang pakiramdam mo may kulang sayo? Ni yung dahilan ng kalungkutan mo hindi mo alam kung san nanggagaling. Hindi mo alam kung may namimiss ka lang ba o wala, kung naguguluhan ka ba sa nangyayari sa buhay mo o hindi. Ang hirap sabihin kung bakit ka nagkakaganyan. Siguro namimiss mo lang na may karamay sa lahat ng bagay. Yun bang sa hirap at ginhawa, yung taong magpapatawa sayo sa oras na problemado ka, sa oras na naiiyak ka na at gusto ng bumitaw. Nakakamiss no? Iba talaga kapag may isang taong nagpapasaya sayo. Ibang iba. Sa mga oras na ‘to, malungkot ka man o masaya huwag na huwag kang susuko. Ipagpatuloy mo lang kung anung nakakapagpasaya sayo pero siguraduhin mong wala kang natatapakang iba o nasasaktan dahil ang kasiyahan kung minsan panandalian lang yan, minsan masaya ka, minsan hindi na. Pero kahit anung mangyari lagi mong tatandaan na may isang taong ikaw ang dahilan ng pagngiti nila sa kanilang mukha yun bang makita ka lang nila nakangiti, masaya na sila.










