2nd day of school.
1st absent.
seen from United States
seen from United States
seen from Sweden

seen from Bangladesh
seen from Armenia
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Russia

seen from United States
seen from Sweden
seen from United States
seen from Malaysia
seen from United States
seen from Germany

seen from China
seen from Mexico
seen from United States
seen from Russia

seen from United Kingdom
2nd day of school.
1st absent.
Ang Ambisyosong Estudyante
hoy gagraduate na ko no! yabang mo magsalita! di ako ambisyoso. sus? porket ba undergrad ung tao wala ng karapatang magsabi ng totoo? eh totoo naman na pagkatapos mong magaral ng halos dalawang dekada, uupu ka lang sa harap ng kompyuter o ng salamin at tatawaging mam at ser ang mga kagaya mong nagaral lang din ng dalawang dekada. idagdag mo pa sa listahan ng gagalangin mo ang mga customer at kliyente mong feeling mo, mas cute at may pinagaralan ka pa kesa kanila. tignan mo tong kaibigan ko. kumuha ng kursong tinatawag na Akawtansi. medyo maganda sa pandinig pero ngayon nagrereklamo sa baba ng sweldo. mas mataas pa daw yung kinikita ng kapatid nyang namamakla. sino nga ba ang makukuntento sa 10k-15k per month? kung single and ready to mingle ka malamang ok lang. pero iba na ang usapan kung ikaw yung laging panalo sa laru ng tinapay. a.k.a. Bread Winner. etong kapatid ng pinsan ng kaibigan ko, Inhinyero. maganda na sana ang reputasyon nya dahil pasado na sa pinakaboring na exam ang Board Exam. Pero di pala dun nagkakatalo. kung di ka talaga pinagpala ng sipag, tyaga at talino, samahan mo pa ng tyambang maka-top 5 man lang sa board, wala ka ding pinagkaiba sa ordinaryong manggagawa dito sa Pinas. sabi nila, depende daw sa uri ng Engineering. Pero kung tutuusin, depende talaga ito sa kung anung klaseng animal ka pag nasa loob ka ng eskwelahan. yung Tyahin ng pamangkin sa tuhod ni aleng bebang, Tisteniring. graduate ng Education dahil bigo sa Engineering. pahirapan pa kung anung pipiliing major. Pero dahil praktikal, nagmajor in english nalang. tatlong taong nagturo mula sa mga chikiting na preschool hanggang sa sekondarya. pero dahil sa pangangailangan ng pera para sa mga kapatid nyang parang alligators kung kumain, bagsak sya ngayon sa call center sa Makati. duh? at least ngayon marunung na syang magmake up at magpakulay ng buhok. isama mu pa ang high end nyang cellphone at mala british accent nyang pagsasalita. eh ikaw anu nga ulit kurso mo? ha? tinatanong kita anong course mo. aahm... of course! you know? ah alam ko na. Titseniring ka din no? no I'm not! nursing ako! di nalang ako magkokomento sa kurso mo. pero sa panahon ngayon, libo libong nurses ang pumapasa sa Boring exam. at pagtapos non, yung iba sa kanila walang mapaglagyan. pero wag kang magalala malay mo magNumber 1 ka? at maipadala ka agad sa ibang bansa. malay mo sa London, masasanay kang makipagrayot. o sa Iraq isasabak ka sa gera. malay mo? di naman masamang magambisyon. tutal, ang pagaaral at pagtatrabaho ay parte lang talaga ng buhay. di ito ang kabuuan. mahirap maging estudyante sa Pilipinas. di lahat ng graduate ay umuunlad. at bibihira lang din ang undergrad na nakahiga lang para kumita ng pera. may dahilan kaya ito pinapahalagahan. kung bakit nagtutuon ka dito ng 27% ng buhay mo. di lang para maipagyabang ka ng Nanay mo sa kapitbahay o maipost mo sa facebook na graduate ka na. kundi para maging mas mataas ang porsyento mo na maging instrumento sa pagangat at pagunlad. at hindi maging palamunin lang, tagaasa, tagahingi ng pera, tagacharge ng cellphone pagkatapos ilowbat kakatext at kakamobile internet. para kahit di ka man maipagmalaki, eh di ka rin magiging dahilan ng kahihiyan. at higit sa lahat, para magawa mo ang kung anumang pangarap ang mayron ka nung paslit ka pa lang. para sayo ito, para sayo ang edukasyong inaambisyon mo. Kaya magiging choosy ka pa ba? eh wala naman sa kurso yan, nasa pagkatao mo yan, nasa ambisyon at dahilan kung bakita ka nangangarap. naniniwala ako na walang estudyanteng palpak. pero merong tamad, pacute, dota, inom, bisyo, barkada, insecurities, at pagiinternet lang ang alam. ikaw! sana di ka ganyan. sana lang...