nagtinda ako sa kanto ng sopdrinks at yosi
sa gutter ng kalye lang ako naka-upo kasi wala akong nadalang monoblock
nakaubos naman ako ng isang case na sopdrinks kaya okay na
10am siguro ako natapos magtinda
pagkauwi ko, kumain ako kasi gutom na talaga ako
spaghetti ang kinain ko tsaka cake
hindi ko ininit yung spag
nagkwentuhan kami ni ate tiffany tapos umakyat na ako sa kuwarto ko
natulog ako kasi 5 hours lang tulog ko kagabi eh magpapasalamin ako
pagkagising ko, alas tres na!
naglinis muna ako bago kumain
bandang 5pm umalis na ako ng bahay
sumakay ako ng trike pa-SM
pagdating ko dun jusko hindi ako pinapansin nina ate
buti nalang mataray ang mata ko at napansin ng isang kuya kaya siya ang nagassist sa akin
bumili muna ako ng frame sa department store
yung mga ate hindi na din ako pinapansin
akala yata wala akong pambili
porket naka tsinelas lang ako tsk tsk
tapos yung isang babae walang pakelam sa akin. nakakainis talaga! wala siyang pake.
nakaraos naman sa pagpili ng frame. pagbalik ko sa e.o inassist naman agad ako. buti nalang kung 'di~ charaught!
nahirapan ako nung sinusukatan ako ng lens
tsaka parang tinatamad na yung optometrist eh! nakakainis
nagdeposit lang muna ako ng 400 (600+ yung lens)
umuwi nalang ako para kumuha ng pantubos
pero bago ako umuwi nagbooksale muna ako :D
nakabili na naman ako ng isang cute na libro: rebound rituals HAHAHA
ireregalo ko to someday sa isang kakilala. naisip ko nga sa ate ko nalang eh HAHAHA
naglakad lang ako pauwi. ang dilim sa riles poreber! buti nalang may kasabay akong ale
pagdating ko sa bahay kumuha agad ako ng pera tapos sabi ko kay mama babalikan ko na yung salamin
ayaw ni mama na umalis ako. sabi niya bukas nalang
hindi lang ako nagpapigil kasi gusto ko na makuha yung salamin ko para bukas ng umaga masubukan agad
pagpunta ko ng e.o edi binigay ko yung receipt ko sa babae
muntanga! tinanong pa ako kung akin yung salamin
nakikipagchismisan pa siya dun sa isang babae habang inaassist ako kaya ang bagal bagal niya
sasabihin ko sana na "hindi yata nakakahiya sa inyo. upo nalang muna ako. intayin ko kayo matapos mag-usap"
porket naputikan ang mga paa ko dahil umulan at naka tsinelas lang ako?! asaaaar
sinuot ko na agad yung salamin ko
nung unang suot ko parang okay lang pero habang tumatagal parang hindi okay :|
naglaro ako ng guitar freak para matest ko yung salamin
napadaan ako sa e.o tapos nagkatinginan kami nung babaeng nakikipagtsismisan sa oras ng trabaho imbes na unahin akong customer niya
habang naglalakad ako sa foot bridge napansin kong hindi nga okay yung salamin
naisip ko, kaya siguro mali kasi hindi 8 hours ang tulog ko kagabi
basta bukas pa malalaman ang final answer kung tama ba to or nagaadjust lang mata ko or sadyang mali ang lahat :L
maglalakad lang dapat ako pauwi pero naisip kong mangubra ng pautang sa TODA
isa lang ang nasingil ko. wala daw yung iba sabi nung dispatcher. hindi daw bumibiyahe
meron naman akong mga naispatan na talagang makunat! jowskopow~
pagbaba ko ng trike, habang naglalakad ako papasok ng sabdibisyon, feelin ko ang sexy sexy ko HAHAHA
ang linaw kasi ng panignin ko at ang ganda rin ng aking salamin eh LOL
pagpasok ko ng bahay binati agad ni mama ang salamin ko
ang panget daw ng pinili kong frame. hindi pwede sa tulad kong clumsy
tapos nagluto ako ng dinner ko
naglinis ng mukha at nagtoothbrush
nagpalit ng bed sheets at humarap sa computer
ang sakit ng right eye ko