Recently, we were endorsed in our cooperating school na, meaning nasa labas na kami. Field Study Era na, at mukhang kailangan kong i-prepare ang sarili ko para sa mga plot twist na aking mararanasan within 120 hours of our field study. Good luck sa mental health talaga haha, but this kind of learning is what I really want simula pa nung nagka pandemic. I want an experiential type of learning para lalo akong natututo. So far, ito pa lang yon and baka mauna pang magpademo teaching yung resource teacher ko kesa sa aking subject teacher ay yare. Malalamang wala pa akong experience, nakupo.
Anyway, sobrang daming ganap last October, I can say that that was one of the best month ngayong 2022. Hopefully, ganito rin yung mga remaining months ng taon para masaya at satisfied ako. Sobrang stressful naman kasi ng last quarter noong 2021, kung anu-anong sakit ang nararamdaman ko hayop.
Buti na lang medyo okay na me, mental health na lang talaga dapat alagaan ko then less stress para di sumakit ang tiyan. Nakakasakit ng tiyan kasi yung stress, based on my research haha. Kaya kung nababasa mo ito, hopefully ay di mo maranasan yung mga naranasan ko na nabottle up yung emotions at sinarili, walang outlet para mailabas yung stress and voila, nagbackfire sa physical health. Build a healthy coping mechanism para malabanan ang maagang pagkamatay ng nerve cells at ng living cells haha. Seryoso yon!
Back to my FS, ang daming sasagutan sa libro, hangang 20 episodes yata yon e dalawang books yon, FS 1 at 2, good luck sa akin sa pagsagot hanggang sa pasko. Naiimagine ko na naman na nagno-noche buena ako: kumakain ng spaghetti at lumpiang shanghai habang maluha-luhang sinasagutan yung mga activities sa FS Books. Plus, yung thesis pa.
Speaking of that thesis, share ko lang. Muntik na mareject yung proposal ko, putek. Parang ayaw naman tanggapin ng mga panelist na isang malaking problema ang disaster preparedness lalo na at prone tayo sa disasters, both foreseen and unforeseen. Sadt, di ko lang madepensahan nang maayos yung proposal at ngayon, ngayon gumagana yung utak ko para sagutin nang maayos yung tanong ng mga panelists huhu. Regrets yarn? Buti na lang nakaligtas pa rin haha. Thanks, Ma'am F.
Awit lang sa part na after that, hindi na naman nagparamdam yung thesis partner ko. Sana mabilaukan yon pag naalala niya na may partner siyang naghihingalo sa thesis at hindi niya man lamang maisipang i-chat kung kumusta na yung sitwasyon ko. Guato ko na talaga mag data gathering tas revise revise lang para mabawasan ko yung pag-ooverthink mg mga bagay-bagay. Ang problema ko nga lang ay isa akong hangal na procrastinator na nababaliw kapag iniisip ang maraming school works.
Hopefully, before the year end, okay na yung thesis. Ipagdadasal ko yan. Gusto ko na maranasan yung book binded na thesis na may pangalan ko sa cover at kumpleto ang pirma. I claim that energy.
Siguro yan lang muna. Summary sa rami mg ganap kapag full f2f na ang klase. Sana ay maging maayos lahat at maipakilala ko nang maayos yung sarili ko sa mga students na i-oobserve ko sa FS. Grabe kasi stage fright ko.
Bakit ba ako nag-teacher?😭