If Lucifer could go back and time and undo his choice to give Eve the apple, would he?
What are your thoughts?
seen from Chile
seen from South Korea
seen from China

seen from Russia

seen from United Kingdom
seen from China
seen from United States
seen from Yemen
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from T1

seen from Italy

seen from Russia

seen from France
seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from Russia
If Lucifer could go back and time and undo his choice to give Eve the apple, would he?
What are your thoughts?
hexen.
Crowley the tempter and Serpent of Eden
I realy love this character and that why I HAD TO draw him. 😍
Aziraphale will follow soon. 🥰
Don't steal my artwork, reblog and sharing with link back is fine.
Thank you. 🖤
New artwork in progress. Crowley in the Garden of Eden. I'm in love with Good Omens and with Crowleys long hair. 🖤
Don't steal it, reblog and link back is fine. Thanks
Forbidden Apple SP
Chapter 1
The Teacher
NAGISING AKO NANG makaramdam ako ng sakit mula sa aking noo. Walang duda. May pumitik sa noo ko. "Araaay!" reklamo mo habang pupungas-pungas pa.
"Hoy, batugan! Baka gusto mo nang bumangon?" May naulinigan kong boses. At ito ay galing kay...
"J-Jairus," sabi ko sabay inat. Umupo ako at pinagmasdan siya. Naka-apron siya at may hawak na sandok. Napangiti ako. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Tch. Sa pagkakatanda ko, ikaw ang may sabing kailangan mong gumising ng umaga tapos—"
Bumangon ako nang may maamoy na sobrang bango. Narinig kong kumalam ang sikmura ko. Ngumiti na lang ako at masayang lumapit sa kusina.
Simula kahapon, nakatira na si Jairus sa katabi kong kwarto. Nangungupahan kasi ako sa isang apartment. Although may tenant naman talaga sa katabi kong silid e alam n'yo na kung pa'no iyon napaalis ng magaling na si Jairus. Either by charm or by harm. Dahil magkatabi lang kami ng silid, nagbigayan kami ng kopya ng aming mga susi kaya malaya kaming nakakapasok sa silid ng bawat isa.
Kaya hindi na rin ako nagulat nang si Jairus ang gumising sa 'kin. Actually masaya pa nga ako eh. Kasi after 6 years, matitikman ko na rin ang pagkasarap-sarap niyang luto! Uwah. Heaven. This is life!
"Wah. Ang daming pagkain at lahat sila mukhang masarap!" sabi ko habang kumikinang ang mga mata at tinititigan ang mga niluto ni Jairus na nakahain sa mesa. Kulang na lang ay tumulo ang laway ko sa sobrang excitement na matikman silang lahat.
Inirapan ako ni Jairus at tinignan ako pailalim.
"You are really good at changing the direction of our discussion, huh?" sarcastic niyang sabi.
Ngumiti lang ako at ini-snob ang pagkamasungit niya. Lumapit siya sa kanyang niluluto at nag-concentrate dito. Lumapit ako sa kanya tapos niyakap ko siya sa likuran.
"Wah. Ang bangu-bango naman ng niluluto mo, anong tawag d'yan?" tanong ko habang nakatingin sa niluluto niya.
"Tch. Ilayo mo nga ang mga kamay mo sa 'kin kung ayaw mong ikaw ang isangkutsa ko!" reklamo niya. Ngunit dahil pasaway ako at sobrang na-miss ko siya, hindi ko siya sinunod. Bagkus e lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Hehehe.
"Apple! Ano ba?" Naku. Yari na. Tinawag na niya 'kong 'Apple'. Malamang galit na 'to. Tinignan ko siya. Haha. Namumula siya. At halatang hindi siya kumportable sa pagyakap ko sa kanya. Yieeh. Haha. Today's my day. Victory!
"Apple," seryoso niyang sabi.
"Hmm?"
"Bibitawan mo 'ko o ikaw na dito?"
Sumimangot ako sabay bumitaw sa kanya.b"Hmp. Para naglalambing lang eh," pabulong kong sabi tapos umupo na 'ko sa tabi ng hapag-kainan.
"From now on, I am banning you to use that term."
"Eh? Yung 'paglalambing'?"
"Yes. It sounds awfully disgusting to me."
"D-disgusting?" tinawag niya bang disgusting 'yung ginawa kong pagyakap sa kanya? "Alam kong hindi pa ko naliligo o nagsisepilyo pero 'yung tawaging mong disgusting ang pag—"
"Kumain ka na bago pa lumamig 'yung pagkain."
"Hmp. Ayoko nga."
"What?" tanong niya na parang nagpanting ang tenga niya sa sinabi ko. Tipong napalingon pa siya sa 'kin nang di oras.
"Ayoko. Gusto ko sabay tayong kakain."
"Tch. Do what you want," pagalit niyang sabi tas binaling niya na ulit ang atensyon niya sa niluluto niya.
"Jairus."
"Bakit na naman?"
"M-mahal kita." Anim na taon ang hinintay ko para masabi lang sa kanya 'yun. Ayokong dumating ang panahon na magsisisi ako dahil hindi ko nasabi sa kanya ang gusting-gusto kong sabihin.
"Ha—" Natigilan siya at napalingon ulit sa 'kin. Nag-blush siya. Napangiti ako. "Huh?! Tch! Tumigil ka nga. You're teasing me, aren't you?"
So he treats what I've said as 'teasing'? Mukha bang inaasar ko siya?
"You feel the same way, right?" nahihiya kong tanong.
"Eh? About teasing?"
"Hindi!" pairap kong sabi sabay simangot. "Tch. About me."
"You are not making any sense." I can't believe that he's an airhead when it comes to love. Haaayst.
"M-mahal mo din ako, di ba?" Paglilinaw ko. I want to clear things up. I want to believe what Miss A told me 6 years ago. That Jairus love me before I love him. Now, I am confused. Kasi kahit kelan hindi ko man lang narinig sa kanya yung three magic words na gusto kong marinig.
"Hey Apple Juice. I'm not the type of person to put in words how I feel so stop daydreaming that I will tell those embarrassing words just to satisfy the woman inside you," cold niyang sabi.
"Hoy Jairus, woman ako inside out kaya wag kang epal d'yan." Tch. Tawagin ba raw na daydream ang pag-aasam ko na sabihan niya 'ko ng 'I love you'? Aish.
"Eeeh. Really?" sabi niya in an irritating tone, "but I can't see any difference between—"
"Wala ka talagang puso alam mo 'yon?"
"Just accept what I'm telling you."
"Ha? At bakit nama—"
"Because I'm just stating the truth."
"Tch. I hate you."
"Hah! Don't worry. Your words will not affect me. Haha," pang-iinis niya sabay lapag sa lamesa nu'ng niluto niya. Umupo siya sa tabi ko.
Hinampas ko siya nang malakas sa inis ko.
"Whoa. I never know you are capable of initiating violence, Apple Juice."
"Sus! Para hinampas lang kita eh."
"Yes, but that's one form of violence, you know."
"For your information, verbal abuse is much worse than what I did awhile ago," sabi ko tapos pinandilatan ko siya ng mata.
"W-who is verbally abusing you?" gulat na gulat niyang taong. Tokwa. Hindi niya na-realize na siya ang tinutukoy ko?!
"Tch. Kumain na nga lang tayo," sabi ko.
Sabay kaming nagdasal then kumain. Nawala ang badvibes ko sa kanya dahil sa sarap ng luto niya. Seriously, bakit ba lahat ng bagay na wala ako ay nasa lalaking 'to? Talino, galing sa pagluto at kung anu-ano pa. Hmp. Hindi ko tuloy maiwasan na kundi dahil sa sama ng ugali niya at kayabangan niya e maaari na siyang maturingang 'perfect' eh. Pero dahil walang taong perfect, hindi na siguro magbabago ang kasamaan ng ugali niya. Hahahayst.
"Apple Juice, bakit mo nga pala gustong gumising ng maaga? It's just unusual."
"Unusual kasi Sabado ngayon, ganu'n ba?"
"Yes."
"Kasi kailangan kong mag-prepare ng lesson plan."
"What?"
"Sabi ko lesson plan."
"For what?" tanong niya sabay kagat nu'ng mansanas na kinuha niya sa basket na nakapatong sa lamesa.
"Eh? Hindi ko ba nasabi sa 'yo? Nagtuturo ako ngayon sa isang private co-ed school," sabi ko sabay subo ng isa sa mga niluto niya na hindi ko alam ang tawag pero mukhang Chinese cuisine.
"S-so what you are trying to tell me is that... you are a t-teacher?!" 'Yan ang naging reaction sa 'kin ni Jairus after niyang mabilaukan sa mansanas na kinakain niya.
Inirapan ko siya. "Oo nga sabi eh. Bakit ba gulat na gulat ka? Talaga bang wala sa itsura ko ang pagiging teacher?" sabi ko sabay simangot sa kanya.
"Mansanas, n-nagbibiro ka lang, di ba?"
"Ano bang masama kung maging teacher ako? Hmp. Sumusobra ka na, Jairus ah!"
"S-so... totoo nga? T-teacher ka?"
"Oo nga sabi."
"How can someone like you become a teacher?"
"K-kung pinagdududahan mo ang credentials ko, pwes ipapakita ko sa 'yo kung gusto mo."
"Seriously..?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"I feel sorry for the younger generation."
"H-huh? A-at bakit naman?"
"Kung ikaw ang magiging teacher nila, ano na lang ang matututunan nila?"
"Grabe k—"
"Are you planning to destroy the world?"
"H-huh?!"
"Apple Juice, for someone like you to bea teacher is the most unfortunate and destructible thing that can happen to earth. Your teaching can be a mass destruction, do you know that?"
"Anong kinalaman ng 'mass destruction' sa pagtuturo ko? Tch. OA ah!" sabi ko sabay irap. Tch. Gusto ko sanang kumain nang kumain kaso nakakawalang gana 'yung mga pang-aasar niya sa 'kin. Tch. Nakakainis.
"I'm not exaggerating. Resign as soon as possible, Apple Juice, before you infect the children of today of your idiocy."
"Now you are being rude."
"No, I'm just stating what's on my mind."
"Then stop telling me what's on your mind!" sabi ko sabay irap sa kanya.
"First, pinagbawalan mo 'kong ma-inlove sa iba at lumayo sa 'yo tapos pagbabawalan mo kong magsalita? Whoa. That's a fresh way of being hated, Apple Juice."
"Eh kasi nakakainis ka eh. Do I look like an incompetent teacher to you?"
"Yes. Not only that—" Nilagyan ko ng buong mansanas ang bibig niya nang manahimik siya sa pagvo-voice out niya ng mga opinyon niyang sobrang harsh at nakakapang-insulto.
"Alam ko na nakatira tayo sa bansang may demokrasya at may karapatan ang bawat isa na sabihin ang kanilang opinyon pero kung walang mabuting maidudulot ang opinyon mo e please lang wag mo na sabihin."
Ibinaba niya ang mansanas sa bibig niya bago sumagot ng, "What I am saying will benefit the future generation."
"Ewan ko sa 'yo, Jairus."
Nakakatampo. Nakakatampo. Bakit ba siya ganyan? Waaah. Sabagay, lagi naman siyang ganyan. Kaso iba na kasi ngayon. He's making fun of my profession! Hindi naman yata tama 'yun! Go, Apple. Lumaban ka! Wag kang padadaig sa kayabangan ni Jairus!
"Ah! Alam ko na!"
"What is it?"
"Why don't you come to my class on Monday and see how I teach? Ano ha?" Wahaha! What a bright idea, Apple! Siguradong masusupalpalan ko na siya ng kagalingan ko sa pagtuturo! Yes!
"Tch. I think it will be just a waste of time to watch you teach your students. And I don't really think that the right term to use is 'teach'. Kasi baka hindi naman talaga sila—"
"Then how can I convince you that—"
"Hmm. No need to convince me. I will investigate it myself."
"Investigate?" M-mukha bang isang kaso ang pagiging teacher ko at kailangan niya pang imbestigahan?
"If I think that you are not making any hazardous—"
"Don't treat my way of teaching like biochemical weapons!"
"Wala naman akong nabanggit na tungkol sa biochemical weapon ah."
"But you said hazardous."
"The term 'hazardous' are not only used in that topic, Apple Juice," pagmamayabang niya. "Tch. You don't know that? Hah! I am amazed that you passed the LET. It must be a miracle that now you are a teacher."
He is definitely mocking me again. Aish. "Sorry naman. Literature teacher kasi ako."
"Whoa. I'm surprised."
"Surprise your face. Hmp."
"I never know that you want to be a literature teacher because I've never seen you so interested with books."
"Hah! 6 years have passed. Marami nang nagbago 'no."
"Sabagay. Mas dapat ko pa lang ikagulat kung naging Math teacher ka. Naku, siguradong—"
"O tama na! Wag ka nang humirit pa!"
"Tch. Fine," sabi niya na mukhang disappointed kasi hindi niya natapos ang panlalait niya.
Pagkatapos kong kumain ay naghugas ako ng pinggan.
"Oo nga pala. Hindi ko nasabi ang prize mo 'pag napatunayan kong karapat-dapat kang maging teacher."
"P-prize?" parang biglang kuminang ang mga mata ko sa narinig ko. Uwah. Ano kayang prize 'yon?
"Yes. Ayaw mo ba?"
"S-syempre gusto ko!"
"Hmm. Ano bang gusto mong prize? Nawala sa isip ko 'yung naisip ko kanina. Tch."
Wow. Seryoso ba siyang ako ang pinapipili niya ng prize na gusto ko? Wuhahaha. Nae-excite na 'ko!
"Hmm. How about, you will spend your day with me on a date tapos sasabihin mo sa 'king mahal m—"
"Tch. Don't you think that it's too easy for me to do?"
"Eeh? Akala ko ba ayaw na ayaw mong—"
"Well, that depends actually."
"Tch. Basta 'yun ang gusto ko. Maging mabait at sincere ka lang sa 'kin ng isang buong araw masaya na ko nu'n."
"Masyado namang simple ang kaligayahan mo."
"Sorry ha! Tch."
"Oh. Kapag natalo ka, ano kayang magandang ipagawa ko sa 'yo? Hmm."
"That will never happen kasi ako ang mananalo! Hahaha!" sabi ko habang nakapamaywang pa. Tapos na kong maghugas at ngayon ay papunta na 'ko sa banyo para maligo.
"Hah! Hindi ka naman masyadong overconfident n'yan?" sabi niya na nakasandal sa pintuan ng banyo habang naliligo ako.
"Ganun talaga. Kaya kahit ano pa ang maisip mong ipagawa sa 'kin, wala ring silbi kasi matatalo ka lang at uuwing luhaan."
"Hahaha. I can't imagine that."
"Well, I can."
"Fine. Fine. If I will win, you will clean my room and do all of my laundries for the rest of your life," narinig kong sabi niya pagkalabas na pagkalabas ko ng banyo. Kasalukuyan kong pinapatuyo ang buhok ko habang pina-process ng utak ko ang sinabi niyang consequence kapag natalo ako.
"F-for the rest of my life?!" late reaction ko. Siraulo ba siya? Eh di ginawa niya na 'kong alila nun?!
"Yes. May angal?" nakangisi niyang sabi habang nakatitig siya sa 'kin. "Confident kang mananalo, di ba?"
"P-pero—"
"Now it's decided so goodluck with your 'teaching' skills, Apple Juice," nang-iinis niyang sabi as he narrowed his eyes and patted my head.
Chapter 2
The Phone Book
LUMIPAS ANG MGA araw. Dahil sa tindi ng challenge na binigay niya sa 'kin ay talagang todo effort ako sa paghahanda sa lahat ng klase ko. I always make sure na alam ko ang tinuturo ko. Alam ko kung ano ang lesson at implication ng bawat tula, nobela o maikling kwento na isinasalaysay ko sa klase. Late na 'ko natutulog kaka-memorize ng lessons at kakabasa ng future topics. Ayoko kasing mapahiya sa mga estudyante ko na nag-advance reading kung sakaling may itanong sila tapos hindi ko masasagot.
Isa pa, hindi ko alam kung kelan susulpot bigla si Jairus. And I can't afford to lose to him. Alam kong lagi akong talo sa kanya pagdating sa pag-crack ng mga codes noon, pero kung sa profession ko na ang pinababasehan, aba! Ibang usapan na ata 'yun.
I don't know how he will grade my skills but I... will not be defeated.
Isang umaga, nagulat ako nang nagising ako sa harap ng study table ko. Tokwa. Nakatulog na pala 'ko habang nagpe-prepare ng lesson kagabi. Hayst. Nung nag-aaral pa ako, parang never atang nakatulugan ko ang pag-aaral dahil hindi naman talaga ako ganu'n kasipag mag-aral. Pero ngayong guro na 'ko, madalas na sa 'king mangyari 'to. Nagugulat na lang ako isang umaga na imbis na sa kama ako matulog e sa harap na ng study table ko. Oo, katulad ng nangyari ngayon.
Ang pinagtataka ko lang e nang nag-inat ako, napansin ko na may nalaglag sa lapag na kanina ay nakapatong sa likod ko. Yumuko ako at dinampot 'yun.
Eh? Jacket? Kaninong jacket na itim ito? Wala ata akong natatandaang meron ako nito.
Inamoy ko iyon. Ang bango. Hmm. Pero hindi ito dahil sa perfume. Pero basta. Ang bangu-bango. Parang naamoy ko na 'to dati eh.
Habang nag-iisip ako, biglang pumasok si Jairus sa kwarto.
"O,. gising ka na pala?"
"Ay hinde. Hindi halata," papilosopo kong sagot sa kanya.
"You shouldn't push youself too hard," sabi niya sabay lapit sa 'kin. Kalmado ang kanyang tinig. Mukhang good mood ata sya. Nagulat ako nang bigla niyang kunin sa kamay ko 'yung jacket na napulot ko sa sahig kanina. "Hindi naman ganu'n kahirap maglinis ng silid at maglaba, di ba?" nakangisi niyang sabi.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hah! Hindi ako papatalo 'no. Hmp!"
"Mukhang nag-enjoy ka sa pag-amoy sa jacket ko ah," sabi niya habang binubuksan 'yung ref. Bigla akong namula. Waaah. N-nakakahiya. S-sa kanya pala 'yun! Kaya pala parang pamilyar 'yung amoy! That's his scent. Waaah.
"Ahahaha. Hindi ko naman inamoy no. A-asa ka naman. Haha!" pagsisinungaling ko.
"Liars go to hell, don't you know that?" nakangisi niyang sabi nung nilingon niya ulit ako.
"Che!" sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Grabeee. Grabeng pahiya points na ito.
"If you want to smell me that much the why don't you just go to my room? You have your own copy of my key, right?" nang-aasar niyang sabi.
Lalo tuloy akong namula.
"I—I will never do that, idiot!"
"Eh~ So now you are calling me an 'idiot'? Kindly explain to me how did I became an idiot because I haven't thought about being one eversince I was born," mayabang niyang sabi habang hawak-hawak niya sa dalawa niyang kamay 'yung mga gulay na kinuha niya sa ref.
"Ah... um... " Argh! Ang hirap naman. Bwisit ka, Jairus! Bwisit ka! Umagang-umaga, inaasar mo na naman ako! Aish.
"Oh, you can't think of any reason. That's sad. I know you really want to prove it. But I guess, you cannot prove something unless it is true, right?"
"Tch. Oo na. Tama ka naman palagi eh."
"Haha. Hindi naman sa ganu'n. I'm not always right. It's just that.. you are always... no should I say often... wrong."
Sinimangutan ko siya. "Hmp. Bwiset!"
ACTUALLY, TUWING UMAGA, kapag almusal, at gabi, kapag hapunan, na lang kami nagkikita ng mayabang na si Jairus. Ang sabi niya sa 'kin, maliban sa secret investigation niya ay busy siya sa kanyang trabaho. Hindi naman kagulat-gulat na naging chef siya kaagad ng isang high-class na hotel dahil sa galing niyang magluto. Ang sabi niya pa, nagpapart-time din siya bilang tutor ng mga anak nu'ng pinaka-boss niya sa hotel na 'yon.
Du'n naman ako hindi makapaniwala. I don't think that Jairus is that type of person who can stand teaching kids. Hah! Sa iksi ng pasensya niya at sa attitude niya na laging nanlalait? Tch. Tignan lang natin kung may tumagal na bata sa kanya! Hahaha.
"Hmm. Nung nasa school ako, naisip kong tawagan ka," nakwento ko sa kanya bigla habang magkatabi kami at nakaupo sa bench ng isang park malapit sa apartment kung saan kami nakatira. Linggo iyon ng umaga at palubog na ang araw. Ang ganda ng langit. Kulay red orange at ang sarap ng simoy ng hangin. Napaka-romantic ng paligid.
'Kasi namimiss na kita,' 'yun sana 'yung sasabihin ko kaso wag na lang. Baka barahin niya lang ako. "Kaso naisip ko na... wala kang cellphone."
"Huh? Sinong may sabi sa 'yong wala?"
"Eeeh?! S-so meron kang cellphone?"
"Yes. Actually kabibili ko lang kanina," sabi niya sabay labas nu'ng cellphone sa bulsa niya.
"Whoa. Oo nga 'no," komento ko. At bakit mas mamahalin at mas maganda pa ang cellphone niya sa 'kin? Waaah. Nakakadismaya naman! Akala ko pa naman ang isang taong tulad niya ay hindi magaling sa gadgets! Sa ganu'ng field ko na nga lang siya mayayabangan tapos sablay pa! Aish. Fail, Apple! Fail.
Pinahawak niya sa 'kin 'yung cellphone niya. Agad kong tinignan 'yung phonebook. Mga pangalan siguro ng boss niya 'yung 'andito. "Grabe! Bakit hindi mo ka'gad sinabi na may cellphone ka na?"
"Bakit? Tinanong mo ba?"
"H-hindi."
"O e 'yun naman pala eh."
"K-kahit na! Nakakatampo. Bakit 'yung mga boss mo nakaphone book ang mga numbers pero 'yung number ko wala d'yan?"
"Kasi hindi ko alam ang number mo. And I don't think there is a need to know it."
"A-ano? Bakit naman?"
"'Cause I can talk to you anytime I want to. I just have to wake you up in the morning or go to your room at lunch," cold niyang sabi.
"K-kahit na." Palibhasa kasi hindi niya naiintindihan ang nararamdaman ng isang babae! Iba kaya 'yung excitement kapag nakaka-text o nakakausap mo sa phone ang taong mahal mo! Aish.
"Tch. Fine, fine. Then save your number, idiot," sabi niya in an irritated tone then inabot niya sa 'kin ang cellphone niya. I happily accepted it and immediately saved my number. Pagkatapos nu'n ay ibinalik ko na sa kanya ang cellphone niya nang nakangiti.
"Why did you put a period before your name?" tanong niya habang nakatingin sa CP niya. Magkasalubong na naman ang kilay niya at mukhang lalong uminit ang ulo.
"Para ako ang unang-una sa phone book mo," proud kong sabi.
"Tch. Don't you know that period also symbolizes an end?"
"End?" ulit ko sa tanong sinabi niya.
"You don't want to put an end to something that has just started, do you?" sabi niya sabay tingin sa 'kin.
"Hmp," sabi ko sabay halukipkip. "Sige na. Alam mo na ang lahat."
"Huh?"
"Wala. Sabi ko nga eh. Babaguhin ko na," sabi ko sabay agaw ng CP niya sa kamay niya. Kaso napansin ko, may 'Aaron' at 'Allan' na nakaphone book dun. Pa'no ko magiging una? Hmm. Ah! Alam ko na. Hehe.
"Ano na namang kalokohan 'to?" sabi niya nang ibalik ko na sa kanya ang cellphone niya.
Tumawa lang ako nang bahagya.
"'Haha' your face. Bakit triple 'a' ang nilagay mo dito? How should I read this...'aaaple'? Tch."
"Para una 'ko sa phone book mo."
"You purposely mispelled your name just for that?" tanong niya na parang hindi makapaniwala sa ginawa ko. Bago pa 'ko makapagsalita ay nakapagpatuloy na siya. "You sure are a petty person, aren't you?"
T-tinawag niya ba 'kong mababaw?
"Sorry naman kung mababaw akong tao!" sigaw ko sabay tayo at lakad palayo. I really hate him! I really do! Lagi na lang niya 'kong dina-down. Lagi niya na lang akong nilalait. Kahit sino naman mapupuno sa kanya, di ba? He compared my teaching skill to a mass destruction. Tapos ngayon, sasabihan niya kong petty? This is all too much. Even though he didn't really mean it, sobra naman 'yun.
I hate to say this pero di na rin ako nag-e-expect na susundan niya 'ko. Ganun naman 'yun. Feeling niya kasi siya lang 'yung may karapatang magpaimportante. Aish. Bwiset!
Saktong nakakita ko ng bus sa may highway. Sumakay ako du'n nang hindi nag-iisip. Makalayo lang ako kahit saglit sa nakakabadtrip na Jairus na 'yun, masaya na 'ko.
Looking back, alam kong ganu'n naman na talaga ang ugali niya. Naitanong ko tuloy sa sarili kung paano ko nakayanang tumira sa iisang kwarto kasama ng lalakeng 'yon. I wonder why imbis na lalo kong mainis sa kanya, his arrogance became one of the reasons I fell inlove with him. Now I can't believe myself. Arghh.
Siguro nagiging selfish lang ako. Dahil I am expecting something from him. Ngayon pa na after 6 years eh nakita ko na siya ulit. Somehow, I'm expecting he will... just a little bit—just a little bit lang naman—act just like someone who is in love with another person. Kaso hindi ko naman 'yun nakikita sa kanya. I know that he cares for me. Ginigising niya ko minsan sa umaga, pinagluluto niya 'ko... pero hindi niya ba naiisip na kulang pa 'yun?
We are in a relationship, right? Or doesn't he have the slightest idea that we are? Geez. Ang labo naman. Kaya hindi ko masabi-sabi kina Cindy at sa klase ko na 'yung taong inakala ko at inakala rin nila na patay na 6 years ago ay nagbalik na at boyfriend ko na ngayon. I can't imagine introducing him to them. Kasi in the first place, hindi naman ako sigurado kung pareho ba kami ng perspective pagdating sa relasyon namin.
Wait.
Is there any space for a relationship in his brain?
Arghh. Now that's one difficult question to answer. And I don't want to answer that myself. I also don't want that to be answered by him. Baka hindi ko magustuhan ang marinig kong sagot. And just like what happened earlier, I will just feel disappointed and hurt.
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone sa aking bulsa. Tinignan ko 'yun. Tumatawag siya. Great. His first phone call was due to this small and petty fight.
I hate him. But I hate myself more. Cause I answered his call immediately. Bwisit.
How can I contradict myself in just a split second?
Chapter 3
The Winner
BAGO PA 'KO magsalita, nauna na siya. "Nasa'n ka?" he asked in a bossy tone. Hindi ako sumagot. Then another question came in. "Hey, I know you can hear me." Hindi pa rin ako sumagot. Tumingala ako sa langit. Gabi na pala. Aish. Ang bilis ng oras.
"Can you please stop making me worried?!"
Eh? What's with that? Parang nagpa-panic siya na ewan. Narinig ko na hinihingal siya. Teka. Tumatakbo siya? Hinahanap niya ko?
"I can't afford to lose someone important to me again!"
Beep. Beep. Beep. Bigla kong napindot 'yung end call. Natigilan ako sa sinabi niya. That line. It made my heart twinge. Kumirot ito. Masakit.
Six years ago, Jairus lost his only family—his older brother Jin. In the past, he lost everything to avenge his brother. No wonder he has developed a fear of losing anyone anymore.
So... I am someone important to him.Napangiti ako.
"Manong, para po," sabi ko. Lumapit ako sa kundoktor at nagbayad. Pagkababa ko, huminga ako nang malalim. Then I called him.
"Hel—"
"Look, I'm sorry."
Nagulat ako sa sinabi niya. He apologized? T-to me? M-may lagnat ba siya?
"Kung anuman 'yung nasabi ko na kinainis mo, please don't take it to heart. I'm just—"
"So sasabihin mo na joke lang 'yun lahat?" A-ano ba, Apple? Bakit sinusungitan mo naman siya ngayon? Akala ko ba papatawarin mo na siya?
"N-no."
"Kung hindi 'yun joke, ano 'yun?"
"I—I still have no idea what it means to be going out so..."
"So?"
"Please bear with me."
Now that left me speechless. Given his personality, I wonder how many tons of courage did he has to build and how many kilos of pride he has to swallow para lang masabi ang mga salitang 'yon. "Hah! At bakit ko naman gagawin 'yon? I'm not considerate enough t—"
"I found you."
Eh? Lumingon ako. At nakita ko nga siya. Tumatakbo palapit sa 'kin. Pawis na pawis siya at hingal nang hingal sa pagod. Bigla akong namula. Bumilis ang tibok ng traydor na puso ko.
Wait. So... he really had been looking for me all this time?
Nang lumapit siya sa 'kin, bigla niya kong niyakap nang mahigpit.
"Seriously, don't do this again, okay?"
Hindi na 'ko sumagot bagkus ay niyakap ko siya pabalik. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. His warmth. Aaah. Parang ang tagal ko nang hindi nararamdaman ito.
Siguro nga nagkamali ako. Mali na i-impose ko kay Jairus ang mga bagay na gusto kong maging siya. Kasi in the first place, I fell in love with him, not because he's sweet or kind or anything that he's not. I fell in love with him because he's him and not anybody else.
Dahil sa nangyari, sinermunan niya 'ko nang bonggang-bongga dahil sa pagiging petty ko to the extend na nagawa ko pang mag-walk out sa harapan niya. He told me to grow and act my age. Hindi na raw ako bata.
In short, dahil sa ginawa ko, ako ang nagmukhang masama. Hindi na 'ko sumagot. Baka lalo pang humaba ang 'Homily' niya. At dahil pinagod at ginutom ko raw siya kakahanap sa 'kin, kailangan ko siyang ilibre ng C2 (Apple flavor syempre) at apple pie. Kaya ayun, nag-stop over kami sa isang convenience store bago umuwi.
Habang naglalakad kaming dalawa, nakita namin sina Miss A at Q-chan sa may tapat ng apartment namin.
"Ah. Q-chan! Ms. A!" masaya kong tawag sa kanila. Napansin kong may dala silang bouquet ng bulaklak na kulay pink. Wag n'yo na 'kong tanungin kung anong bulaklak 'yun, hindi ko rin alam. Haha.
Lumingon naman sila at lumapit samen. "Himala ata at napasyal kayo dito," komento ni Jairus.
"Acually, we have an excess delivery of apple flowers. Gusto sana namin ni Miss A na ibigay sa 'yo, J para ibigay mo kay Apple kaya lang... magkasama pala kayo. Haha. Sayang. Wala ng element of surprise."
"Tch. As if I will give her one," pairap na sabi ni Jairus.
Sumimangot ako at hinampas siya bahagya sa braso. "Ang sama mo talaga!"
"Haha. J talaga o. Hindi ka na nagbago kay Apple," sabi ni Q-chan. "I thought you would actually accept our offer since apple flowers were honored by the ancient Celts as a symbol of love."
Biglang kumislap ang mga mata ko. "S-symbol of love?"
Tumango si Miss A in a calm and elegant way. Tumingin ako kay Jairus. Tumingin siya sa 'kin.
"Hah. Fine."
"Yehe—"
"I'll give you a bouquet of it if you will win in the challenge I have given you," nakangisi niyang sabi. Tch. Ang saya ko na sana eh... kaso biglang bawi! Aish. Nagtawanan lang si Miss A at Q-chan.
"Hanggang ngayon ba naman, Jairus?" tanong ni Miss A.
"Tch. Ginusto niya 'yan eh."
"Tungkol saan 'yung challenge?" curious na tanong ni Q-chan.
"About her teaching."
"Teaching? Aah. Haha. You are really a bully, J."
"Ha? Why would I bully her?"
"You have a habit of bullying someone you love," singit ni Miss A.
Umiwas ng tingin si Jairus. "Hah. I do not remember doing that."
"Koo~ Deny-deny pa! Alam ko naman na kaya mo siya laging inaasar ay dahil natutuwa ka kapag naiinis siya."
"Ha?!" nakakunot noong tanong ni Jairus.
"Usually, a girl looks prettier or cuter in the eyes of a man when she's mad," paliwanag ni Miss A.
"Eh? G-ganun ba 'yun?" react ko tapos tumingin ako kay Jairus. "Totoo ba 'yun, Jairus?"
Hindi siya tumitingin sa 'kin.
"See? Guilty," nakangiting sabi ni Q-chan.
"Tch. You girls, stop making fun of me," pairap niyang sabi.
"Hahaha. Pikon," asar ko sa kanya.
"Apple Juice, will you shut up?"
"A-apple Juice?" patanong na sabi ni Q-chan.
"Nakalimutan mo na ba, Lyla? Yun yung laging tinatawag ni Jairus kay Apple."
"Aaah. So it's a term of endearment?"
"Tch. Endearment? Not a chance," sagot ni Jairus.
"Sus! Eh as far as I know, ikaw lang ang tumatawag ng ganu'n kay Apple eh. Di ba Apple?" sabi ni Q-chan.
Tumango ako. "Simula nang magkakilala kami, 'yun na ang tawag niya sa 'kin."
"Whoa. S-so nu'ng una mo palang syiang makita—" sabi ni Q-chan habang nakaturo ang kamay kay Q-chan.
Namula si Jairus sa hindi ko malamang kadahilanan sabay sabing, "Hey! It's not like that!"
"Eeeeh. Really?" naningkit ang mata ni Q-chan. Halatang nang-aasar.
"Tch. Magsiuwi na nga kayong dalawa," naiinis na sabi ni Jairus.
"Hindi man lang natin sila papasukin at papainum ng juice?" tanong ko sa kanya.
"No. Sa tingin ko nasabi na nila ang pakay nila dito. Di ba, Q-chan?"
Nakakatakot 'yung glare ni Jairus aky Q-chan. Whoa. Ang tagal kong hindi nakita ang spine-chilling glare niyang 'yun ah!
"Fine, fine. Aalis na kami," sabi ni Q-chan na napangiti lang sa sama ng titig ni Jairus sa kanya. "Ayaw nga pala ni J na iniistorbo siya kapag kasama niya ang kanyang piiiiinakamamahal na si—"
"Uwi. Umuwi na nga kayo."
Tumawa lang si Q-chan tapos lumapit siya sa 'kin. "Apple, kahit ganyan 'yang si J, i-cherish mo siya, okay?" Tumango ako. Ngumiti siya. Tapos iniabot niya sa 'kin ng bouquet na dala nila ni Miss A. Napangiti ako. Ang ganda pala ng mga apple flowers. Ngayon lang ako nakakita nito.
Maya-maya, nagpaalam na sila. Habang pinagmamasdan ko sila palayo, bahagya akong nakaramdam ng kalungkutan. Naisip ko na, kung may alternate universe lang na tinatawag, o kaya ibang timeline, siguro mas magiging masaya kaming lahat. Yung tipong buhay si Red at Jin. Yung tipong walang solving of codes, walang game, walang kailangang mamatay at masaktan.
Kaso... imposible naman 'yun. Ang mga nangyari na ay hindi na maaaring baguhin pa. Dahil bago palang kami ipinanganak, nakasulat na ito sa libro ng aming kapalaran.
"CLASS, NARINIG N'YO na ba ang tungkol sa novella na "First Love" na isinulat ng isang Russian na si Ivan Turgenev?" tanong ko sa klase ko isang araw. Lahat sila nakatingin lang sa 'kin. Yung iba kumunot ang noo. Yung iba umiling. Yung iba, nakipagtinginan sa katabi. Nagtanong kung sino ang nakakaalam. Confirmed. Wala. Ayos.
Ngumiti ako at nagpatuloy. "Ito ay tungkol sa isang 16 years old na lalaki na na-inlove sa isang napakagandang babae na mas matanda sa kanya."
"Ilang taon po yung babae?" tanong ng isa.
"21."
"Tapos ano pong nangyari?" tanong pa ng isa kong estudyante.
"Yung lalaki na tinutukoy ka ay si Vlamidir. Isa siyang noble—meaning, nagmula siya sa isang respetadong pamilya. On the other hand, Zinaida, 'yung girl, ay nanggaling sa isang napakahirap na pamilya."
"Wow. Parang "Pangako Sa 'Yo" lang nila Echo at Kristine!" komento ng isa.
"Haha. Oo nga 'no? Pero may iba sa kwentong 'to."
"Hindi sila nagkatuluyan?" curious na tanong ni Erika na sa pagkakaalam ko ay ayaw na ayaw ng tragic ending.
"Well. Ganto kasi 'yun. Si Zinaida kasi, katulad nga ng sinabi ko kanina, sobrang ganda niya. Marami siyang manliligaw. Masasabi nating medyo paasa siyang babae. At isa sa mga pinaasa niya ay walang iba kundi ang ating bidang si Vladimir."
"Ang sama naman niya!"
"Lagi niyang ikinukumpara 'yung pagiging bata ni Vladimir sa kanya na isa ng young adult. Pero naniniwala si Vladimir na kahit bata pa siya, pagmamahal nga ang nararamdaman niya para sa magandang dalagang 'yun. Tapos isang gabi, nadiskubre niya ang tunay na minamahal ni Zinaida."
"So meron po talagang lalaking mahal 'yung malanding 'yun?"
"Grabe. Hindi naman siya malandi. Haha. Ikaw naman, Erika."
"Eh kasi Ma'am eh! Nakakainis siya! Ayoko pa naman sa paasa," sagot ni Erika.
"Uy! May pinaghuhugutan!" asar nu'ng isa kong estudyanteng lalaki. Tapos umingay na. Asaran. Kantyawan. Maya-maya, pinatahimik ko sila at nagpatuloy na.
"Ang tunay pala na minamahal ni Zinaida ay walang iba kundi ang ama ni Vladimir."
"HA?!" halos lahat sila violent reaction.
"Ang saklap naman nu'n, Ma'am!"
"Kawawa naman siya."
"Ang hard nun!"
"Aww. Bakit tatay niya pa?"
"Sus! Kaya pala ayaw pumatol sa bata kasi mas trip niya ang matatanda! Hahaha!"
Sari-sari ang kanilang reaksyon. Nang humupa na ang ingay nila, nagpatuloy na ulit ako. "Hulaan n'yo kung anong nangyaring next," sabi ko.
"Ma'am. Ayawan na. Hindi naman sila magkakatuluyan eh," sabi ni Erika.
"Baka 'yung tatay niya at ang babae ang nagkatuluyan!" komento nung isa.
"Ang tunay na nangyari ay hindi nakatuluyan ni Vladimir o ng tatay niya si Zinaida."
"Nye! Eh sino ang nakatuluyan nu'ng babae?"
"Isang mayamang lalaki. Nabalitaan lang ito ni Vladimir."
"Married to riches. Tch," iritableng sabi nung isa kong estudyante.
"Tapos namatay daw si Zinaida nu'ng ipanganak niya ang anak nila nung mayamang 'yun."
"Serves her right!"
"The end na 'yun, Ma'am?"
Tumango ako. Nadismaya naman sila.
"Kaya nga First Love ang title, di ba? Kwento 'yun ng first love ni Vladimir."
"Sad."
"Bittersweet."
"Unforgettable."
"Tama kayo," nakangiti kong sabi. "Hindi naman kasi lahat ng first love experience ng isang tao ay masaya. Yung iba, katulad nga ng sinabi n'yo e sad and bittersweet. Generally naman kasi, kahit sino, hindi makakalimutan ang mga first love nila, di ba?"
"Sabagay, Ma'am. Tama kayo d'yan," komento ni Lian na tila lumungkot upon remembering her dead boyfriend.
"Speaking of love Ma'am, sino po 'yung kasama n'yo nung isang araw?" tanong ni Erika.
"Eh?"
"Nakita ko po kayong magkayakap du'n sa may bus stop sa bandang—"
"A-ahh! Haha. Y-yun ba?" Oh my gosh. Hot seat mode on! Anong sasabihin ko?
"May boyfriend na kayo, Ma'am?" tanong ng isa. At nagsunud-sunod na ang mga katanungan nila. Wala na kong choice. Go.
"A-actually kasi... naalala n'yo pa 'yung nakuwento ko sa inyo dati? Yung lalaking namatay dahil sa pagliligtas sa 'kin?" Tumango naman sila. "Hindi man kapani-paniwala pero... after 6 years, nagbalik siya. At nalaman ko, kelan lang na, hindi naman pala talaga siya namatay."
"Wow. Nakakakilig naman! Talagang bumalik siya para sa 'yo Ma'am! Waah!" tuwang-tuwang sabi nung isa.
"Ma'am, describe him naman o! Gwapo ba?"
"Hmm. O-oo." Pero hindi siya kasing gwapo ni Red, I will admit. Hahaha. "Mahilig siyang kumain ng apples."
"Whoa. Hilig niyang kainin kayo, Ma'am?" papilosopong tanong ng isa kong estudyanteng lalaki na pagkakulit-kulit. Namula tuloy ako bigla at lalong naglakas ang hiwayan.
"H-hindi no! Apples. As in mansanas. Yung prutas. H-hindi ako."
"Aaah."
"Ma'am, pwede ba namin siyang makita?" excited na tanong nung isa.
"Eh? N-naku. Hindi naman 'yun nagpupunta sa school. B-busy 'yun."
Saka sa tingin ko, siya yung uri ng tao na ayaw na ayaw sa mga makukulit na mga bata. Sus. Eh ang iksi-iksi ng pasensya nu'n eh. Ayoko rin na makita ko ng mga estudyante ko na laking inaasar ng lalaking yun. Naku. Stress lang.
"Ma'am, may dala akong Candied Apples. Gawa ng tita kong nag-Japan dati. Gusto n'yo, ibigay ko na lang sa boyfriend n'yo para pumunta siya rito?" Sheda. Sa ganda ng pain niya, siguradong pupunta nga 'yon 'pag ipinaalam ko ang tungkol sa premyo. Umingay na naman ang klase. Kino-convince nila kong i-text ko raw si Jairus. At dahil ang iingay nila at ayaw kong makagambala ng ibang nagkaklase e tinext ko na si Jairus. Manahimik lang sila.
Text ko: Ui. Pwede mo ba kung puntahan sa school?
Maya-maya, nagreply siya ng: Tigilan mo nga ko. Busy ako.
Anu ba 'yan? Kahit sa text, ang sungit-sungit!
Reply ko:Kapag pumunta ka ngayon, bibigyan kita ng Candied Apples.
Wala pang ilang segundo, nag-reply agad siya ng: Kokonyatan kita pag niloloko mo lang ako.
Reply ko:Di kita niloloko.
Reply niya: Fine. I'll be there in a few minutes.
Reply ko: Ingat ♥
Lalagyan ko sana ng salitang 'mwah' sa dulo kaya lang baka mainis pa siya lalo kaya hindi ko na lang ginawa. Ang mahalaga, pupunta siya.
10 minutes later, dumating na siya. Nagtilian ang klase. Akala mo may artistang dumating. Hindi ko tuloy alam kung bulag lang ba sila o ako ang bulag eh. Unang-una sa lahat, hindi naman super gwapo si Jairus para tilian. Sa katunayan pa nga, mas inakala ko pa ngang murderer siya (which is totoo pala) nung una ko siyang makita eh. Sila naman, tuwang-tuwa. Napaka-'cool' daw ni Jairus. Para daw siyang matinee idol o action star sa palabas.
Dinumog siya ng mga estudyante kong babae. Tanung nang tanong. Nakakagulat lang kasi mukhang hindi naman siya naiinis sa kakulitan nila. Baka nagkamali nga ako. Baka hindi naman talaga siya yung tipong galit sa mga kabataan.
"Kuya, ano pong name n'yo?"
"Jairus. Why?"
"Ah. W-wala lang po. Ang hot n'yo po kasi. Kyaah." Ano ba 'yan? Tch. Ang lakas ba talaga ng pheromone ni Jairus? Parang di naman. Pero may isang tanong na nakagimbal ng pananahimik ko sa teacher's table ko.
"Kuya Jairus, ano pong masasabi n'yo kay Ma'am Apple?"
Pareho kaming natigilang dalawa ni Jairus. Napatingin siya sa 'kin. Ako naman, napatingin sa lesson plan ko ngayong araw. Kinakabahan ako. A-ano kayang sasabihin niya? Siguro naman hindi niya ko ipapahiya sa mga estudyante ko, di ba? Hindi naman niya sasabihing ang tanga-tanga ko o napakababaw kong tao, di ba? Waaah. Nakakaloka.
"She's..."
Napalunok ako. Pasimple kong inaabangan ang sagot niya sa tanong ni Erika.
"She's the sweetest apple I've ever tasted."
Napaangat ako ng ulo at napatingin sa kanya ng di oras dahil sa sinabi niya. Sinalubong ako ng kanyang warm eyes at angelic smile. Automatic ang pag-iwas ko ng tingin. Automatic ang hiyawan. Tilian. Sigawan ng mga mamamatay na ata sa kilig na mga babae.
Pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko habang 'yong puso ko kabog nang kabog.
Waaah. P-pa'no kung iba ang maisip ng mga estudyante ko sa sinabi niya? "Ahaha. T-tigilan mo na nga 'yan, Jairus at baka iba ang—"
Biglang nagring ang bell. Time na pala. Uwian na.
Masayang umuwi ang mga bata. Ako naman, nakaupo pa rin sa kinaroroonan ko. Nginingitian at kinakawayan ang kada isang estudyante na lalabas at magpapaalam sa 'ming dalawa.
Nang nakaalis na ang lahat at kami na lang ang natitira, lalo akong kinabahan. Waah. Anong sasabihin ko?
"Apple Juice, nasa'n na 'yung pinangako mong Candied Apples?" tanong niya sa 'kin.
"E-eh?" Sorry. Hindi ako nakikinig dahil sa pagkatuliro. Waah.
"Sabi ko 'asan na 'yung pinangako mo."
"Ah. E-eto." Lumapit ako at iniabot ko sa kanya ang mga mansanas na minatamis na nakaplastik.
"Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?"
"Umm... p-para sunduin ako..?" dahilan ko.
"Eeeh. I see."
"Tungkol sa sinabi mo kanina. Umm.." Hindi ako makatingin sa mga mata niya! Kainis naman o!
Tumalikod siya sa 'kin bigla. "You've won."
"Eh?"
"And that's my way of s-saying... err... nevermind," biglang iritable niyang sabi sabay lingon niya sa 'kin. Napansin ko na parang medyo mapula ata ng konti ang mukha niya? "Tch. Halika na nga," sabi niya sabay hatak niya sa kamay ko. "Umuwi na tayo."
"Eh?"
"Anong 'eh?'"
"Ano 'yung dapat mong sasabihin na hindi mo sinabi?"
"W-wala 'no."
"Meron eh. Sabi mo... 'and that's my way of saying..' Anong kasunod nu'n?"
"Wala nga. Kulit."
"Ano nga?" pagpupumilit ko habang naglalakad na kami pauwi. Kalalabas lang namin ng school grounds.
"Fine," he said as he rolled his eyes, "that's my way of saying..."
"Saying...?"
"Thanks...?"
"Eeh. 'Yun lang?" na-disappoint kong sabi.
"Oo. Thanks for the Candied Apples," naka-smirk niyang sabi.
"Eeh. Hindi 'yun 'yon eh!"
"Eh ano ba dapat?"
Umiwas ako ng tingin habang yung pisngi ko nag-iinit na naman. "Eh di yung.."
"Yung..?"
"Ang daya mo talaga!"
"Sa'n mo gustong mag-date tayo next week?" bago niya ng usapan.
"Hmm. Kahit saan."
"Tch. Saan yung 'kahit saan'?"
"Basta. Ikaw na mamili."
"Tch. Ang gulo mo, alam mo 'yun?"
"Haha. Eh kasi naman, basta magkasama tayo, okay lang kahit saan tayo magpunta eh," nahihiya kong sabi.
"You really don't get embarrassed by saying that, huh?"
"Hmp. Alam mo kasi, kapag mahal mo ang isang tao, hindi ka nahihiyang sabihin ang nararamdaman mo. Tch. Di katulad ng isa dyan."
"Tch. Nagkamali ata ako ng sabi. You failed actually," nakangising sabi ni Jairus saken.
"Oy wala ng bawian!"
"Haaah? Sinong may sabi?"
"A-ako."
"Maghanda ka nang maglinis ng kwarto ko at maglaba ng mga damit ko. Cause one day, I'll ask you to be my wife."
Bigla akong namula. At natulala. At kinabahan. "Eh? A-ano ulit?" Tama bang rinig ko?
Binilisan niya ang paglalakad. "Tch," pairap niyang sabi. "Why would I say something that I've already said?"
"Eeeh? Pakiulit naman o!"
"Ayoko nga."
"Please?"
"A-yaw!" nakangisi niyang sabi habang nauuna na siya sa paglalakad. Samantalanag ako, habol nang habol sa kanya. Sumimangot ako. Gusto ko sanang marinig ulit 'yung sinabi niya para makasigurado ako na tama ang pagkakarinig ko kaso ayaw niya. Haaay.
"Jairus naman e—"
Nagulat ako nung bigla niya 'kong hinalikan.
Yes, he kissed me. Just like in a romantic movie or a fairytale.
In the most magical way possible.
The End
Author's Note Forbidden Apple is basically a fanfiction of the jdrama Liar Game's Nao and Akiyama. I still ship Toda Erika x Matsuda Shota after all these years. Even though they won't be real life couples, I wish they will co-star in another drama or movie.
Forbidden Apple Epilogue
Apple
EEEEEEHH?!! PAGDILAT KO ng mga mata nang magising ako sa aking silid-sa aking sariling kama, 'yan ka'gad ang nagsusumigaw sa isip ko. E panong hindi ako maghi-hysterical mode? May katabi lang naman ako sa kama ko ngayon! At ang pinakanakakagimbal pa e nang yumakap siya sa 'kin bigla, naramdaman kong pareho kaming naka-undies lang! Waaaah! Golly! Anong nangyayari? Lord, please tell me, anong malaking kalokohan itong nangyayari?
Napapikit ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. As in! At dahil napakatahimik ng paligid ay halos marinig ko na ang sarili kong tibok ng puso-ang sarili kong paghinga. Huminga ako nang malalim habang mahigpit na nakahawak sa kumot (na pinaghahatian naming dalawa). Relax, Apple. Relax! Nananaginip ka lang! Nananaginip ka lang!! Okay. Pagbilang ko ng tatlo, magiging okay din ang lahat.
One... Two... Three...
Pagdilat ko ng mga mata, tumingin ako sa katabi ko, a-andu'n pa rin siya! At ngayong sobrang lapit na ng natutulog niyang mukha sa mukha ko e may na-realize akong isang bagay na sana kanina ko pa na-realize nang magising ako! Kamukha niya si J! Aaaah! Lord! Kelan pa 'ko naging gantong klaseng babae? Hindi naman ako ganu'ng character, di ba? Hindi naman ako basta-basta makikipag-one night stand sa isang lalaking hindi ko kilala at ang masakit pa e kahawig ni J, di ba?! Hindi ko 'yun magagawa, di ba? Di ba? Waaah. Eh ano 'to? Sino 'tong lalaking nasa tabi ko ngayon? Sino siya?
Naputol ang paghi-hysterical mode ko sa isip ko nang bigla akong makarinig ng ungol mula sa lalaki. Tapos lalo siyang yumakap sa 'kin. Gaaaah. Lalo ko tuloy naramdaman 'yung skin contact namin sa isa't isa. At hindi ito nakakatuwa. Hindi, hindi, hindee!
"Apple Juice," narinig kong bulong nu'ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko. Tinignan ko siyang maigi. Sinuri. Whew. Safe! Tulog pa rin siya. Baka nananaginip lang. Pero ang pinagtataka ko... p-pa'no niya nalaman ang nickname (er... long name?)ko na... ang tunay na J lang ang may alam? H-hindi kaya si... J 'to?
Tumingin ulit ako dun sa lalaki. Kamukhang-kamukha niya nga si J. Hindi lang basta kahawig. Kamukha niya pero... anim na taon na ang nakakaraan nu'ng mamatay si J kaya imposibleng... siya 'yun. Imposible.
At dahil imposibleng mangyari 'yon, kailangan ko nang makaalis sa lugar na 'to as soon as possible! Habang pilit kong inaabot ang mga damit ko sa sahig sa gilid ng kama gamit ang isa kong kamay ay nakakapit naman 'yung isa kong kamay sa kumot na nagsisilbing tapis ng katawan ko. Habang ginagawa ko 'yun, naisip ko kung anong maiisip ni J sa heaven-kung nasa heaven nga ba siya ngayon kasi hindi ko alam. Ang sabi kasi ni Miss A e nawala na nang tuluyan ang existence niya. Kumbaga sa buong mundo, kaming tatlo lang, ako, si Miss A at Q-chan, ang nakakaalala na minsan may nabuhay na nilalang na Jairus Mendoza ang pangalan. Actually, hindi lang si J. Yung memory ni Jin at K ay nananatili pa rin sa 'kin. Magpahanggang ngayon.
Back to the topic, siguro, tatawagin niya 'kong mababang uri ng babae dahil sa sitwasyon na ito. Haay. Lord, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nakagawa ako ng isang bagay na hinding-hindi ko inakalang magagawa ko. Ganu'n na ba 'ko kadesperada? Sa loob ng anim na taon matapos niyang mamatay, hindi pa rin ba ko nagsasawa? Hindi pa ba 'ko napapagod na... mag-move on?
Sa wakas, naabot ko na 'yung t-shirt ko. Isusuot ko na siya nang biglang...
"What are you doing?"
Para 'kong naging bato sa pagkakaupo ko sa kama pero no choice ako but to face him. He was such an eyesore. Sobra. Pa'no ba naman kasi, pati 'yung sama ng pagkakatitig niya sa 'kin ay katulad na katulad ng kay J. Hindi ko tuloy mapigilang hindi kabahan. Nagbigay ako ng isang pekeng ngiti sa kanya at sabay tawa nang bahagya. Wala akong masabi.
"Tch. Now you're ignoring my question. Are you practicing your right to remain silent?" pairap niyang sabi. I'm amazed. Kuhang-kuha niya ang ugali ni J. Ito ba ang dahilan kung bakit nagawa kong matulog kasama siya kagabi? Dahil he reminded me of how J looks, stares, talks-
Bigla niyang pisilin ang isa kong pisngi. Napatingin ako sa kanya. Tapos umiwas ulit. Gusto ko na namang umiyak. Katulad ng palagi kong ginagawa these past 6 years 'pag naaalala ko si J. Kapag nakakakita o nakakarinig ako ng mga bagay na magpapaalala sa 'kin sa kanya, lagi akong ganto. Lagi akong naiiyak. Niyakap ako bigla ng estrangherong 'yon. Habang nakayakap siya sa 'kin ay hindi maalis sa sarili ko na nag-fail ako sa pagtatago ng bra ko dahil sa napost-pone kong pagsusuot ng t-shirt ko. Pero wala akong lakas na lumaban sa kanya. I just let him embrace me.
Maya-maya, nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong siya sa 'kin, "Male-late ka na."
Eh? Male-late na ko? Saan?
Bigla akong nagmulat ng mga mata. Hingal ako nang hingal at pinagpapawisan ako nang malamig. Luminga-linga ako sa paligid. Walang dudang silid ko nga ito. Tumingin ako sa sarili ko. Nakasuot ako ng damit. Thank God. Tumingin ako sa tabi ko. Wala na 'yung lalaking kamukha ni J.
Eh? W-wag mong sabihing... panaginip nga lang 'yung kanina? Nahiga ulit ako sa kama at huminga nang malalim. I can't believe myself. Pa'no ko nagawang makapanaginip ng ganung uri ng eksena? Haaay. There's no doubt about it. Iisa lang ang sagot sa tanong ko. Siya. That reminds me, today is his 6th death anniversary. Hindi lang siya actually, pati sina Jin at Red, 6th death anniversary ngayon. Bumuntong hininga ako. Anim na taon na. Anim na taon na pero walang nagbago. Gan'to pa rin ako. Hindi makaalis sa kung saan ako nakatayo six years ago. Hindi maka-move forward.
I realized something crazy. I must be a genius. A genius of idiocy. Alam kong hindi ito ang gustong mangyari ni J. Katulad nga ng sinabi ni Miss A dati, he wanted me to free myself from him. But somehow, I just couldn't do it.
Naisip ko nga... parang tatlong buwan lang naman kaming nagkasama. Napakaiksing panahon n'on. Tatlong buwan lang. Pero... 'yung impact nu'n sa 'kin... hindi mawala-wala. Ayaw matanggal. Parang mantya sa damit. Makapit. Kahit anong pagsusumikap kong tanggalin, hindi matanggal-tanggal.
Siguro kasi... ako mismo sa sarili ko... ayoko siyang makalimutan. Magbago na ang lahat wag lang ang nararamdaman ko sa kanya. Dahil feeling ko, I can't be myself anymore kung mawawala na lang basta 'yung feelings na 'to. Kaya-
Biglang nahagip ng mata ko 'yung relo. 7:45 na. Oh my goodness! 7:45 na?! Takte! M-male-late na nga ako! Agad akong tumayo sa higaan at nagmamadaling pumasok sa CR. Kahit napakalamig ng tubig dahil simula na ng Ber month e naligo na 'ko. Tiis-tiis din. Waaah. Ang ginaw!
Habang nagmamadali akong magbihis ng uniform ko e chineck ko 'yung mga voice mail sa 'kin. "Apple, akala ko ba magbe-breakfast tayo sa canteen ngayon? Nasa'n ka na? On the way ka na ba? Text mo ko ASAP."
Gooosh. Nakapangako nga pala ako kay Cindy ngayon, 'yung classmate ko sa X Academy na ngayon ay katrabaho ko na. Speaking of X Academy, nu'ng matapos 'yung game six years ago, naglaho din ito bigla. Nagulat na lang ako nang sa ibang school pala kami naka-enroll. Mabuti na lang at hindi nawala 'yung mag units na na-take up ko na. Nakabalik naman agad ako sa pag-aaral. 'Yun nga lang, dahil wala na kong scholarship ay kailangan kong maging working student. Nairaos ko naman kahit papa'no. Pati ang Masters ko. Haha. At ngayon, isa na kong full-time literature teacher sa isang private co-ed academy.
"Ate App-este-Ma'am Apple pala. Hehe. May quiz po ba mamaya?"
Si Erika 'yun. 'Yung batang tinulungan ko nung panahong depressed siya at binalak niyang magpakamatay dahil sa mga paa niya. Dahil sa makabagong teknolohiya e meron na siyang mga paa ulit. Ngunit syempre, dahil artificial ang mga ito, hindi na siya nakakapag-ballet. Ang ginawa niya na lang e naging assistant instructor siya sa isang ballet school as a part-time job. Actually, estudyante ko na siya sa lit. At ngayon nga e daig pa namin ang tunay na magkapatid dahil sa closeness namin.
Pagkatapos kong magbihis ay binuksan ko ang ref. Na-disappoint ako nang wala akong makitang mansanas du'n. Aish. Makabili na nga lang mamaya pag-uwi. Nakagawian ko na kasing kumain ng mansanas. Isa 'yun sa mga paraan ko para lalo kong maalala si J. Saka naisip ko na, katulad niya, kailangan ko ding ituring bilang pag-asa ang mga mansanas. Pag-asa na one day, magiging okay din ako at matatanggap ko rin ang mga nangyari sa nakaraan.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas ng apartment na tinutuluyan ko. Ini-lock ko ang pinto at nag-commute na ko papuntang school. Pagkarating ko du'n ay saktong nakasalubong ko sa hallway si Cindy.
"Ngayon ka lang pumasok?"
"Haha. Tinanghali ako ng gising eh."
"Ay naku. Nakakatampo ah."
"Sorry. Naghintay ka ba ng matagal sa 'kin kanina?"
"Well, hindi naman ga'no. Nagugutom na din kasi ako kanina. Kaya um-order na 'ko ng pagkain. Anyway," sabi niya sabay kapa du'n sa handbag niya. May inilabas siyang nakaplastik na half-sized footlong at saka inilagay ito sa mga kamay ko. "Here," nakangiti niyang sabi. "Alam kong hindi ka pa nag-aalmusal. Make sure to eat it bago ka pumasok sa klase mo this morning, okay?"
"Haha. Nakakahiya naman."
"Chos! Wag ka nang mahiya sa 'kin. Para sa'n pa't naging magkaibigan tayo kung hindi-"
"Sige na nga. Haha. By the way, may ikukwento ako sa 'yo."
"OMG. Don't tell me may sinagot ka na sa mga manliligaw mo?"
"Sira. Hindi 'no." Biglang nalungkot ang mukha ni Cindy. Natawa tuloy ako. "Okay~ so this is about your looooong lost love?"
"Y-yeah?"
"At ano naman ang tungkol sa kanya this time, aber?" tanong niya habang patuloy pa rin kaming naglalakad sa hallway.
"Napanaginipan ko siya."
"Na naman?"
"No, this time, it's different."
"Ano naman ang difference niyan sa mga dati mong panaginip sa kanya?" Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at saka bumulong ng, "Napanaginipan kong magkasama kami sa iisang kama kung saan pareho kaming naka-undies lang."
"Waah. OMG! Really?" Tumango ako kahit medyo nahihiya. "You are-seriously!"
"Eh?"
"You really need to move one girl! Iba na 'yan! Yung mga fantasies mo nagde-delve deeper habang tumatagal na hindi ka nagkaka-boyfriend!"
"Eeeeh."
"No 'eeeeeh', my friend. You need to move on. Wala naman tayong magagawa kung 'yung taong mahal mo e wala na sa earth! And honestly, ikaw lang ang nagsasabing nag-exist ang taong iyan. How can I let you continuously believe na totoo siya? Hindi kaya... ilusyon mo lang ang Jairus na 'yun?"
"Hell no. Totoo talaga siya, Cindy," sabi ko. Medyo hindi ko nagustuhan ang tono niya ng pagsasalita pero pinalampas ko na lang. It can't be helped. Hindi niya naman kasi talaga nakilala si Jairus eh.
Biglang nag-ring ang bell. Nagpaalam na siya sa 'kin. Ako naman, sinimulan ko ng kainin 'yung binigay niya. Mabilisang kain lang bago ko pumasok sa classroom.
"Good morning cla-" Bago ko pa matapos ang usual na pagbati ko sa kanila e napansin ko agad na may kaguluhan sa room. Napakunot tuloy ako ng noo. Anong nangyayari? Lumapit ako sa kumpulan. Nakita ko 'yung isang estudyante ko na umiiyak. Tinanong ko 'yung isa kung bakit siya umiiyak, ang sabi e namatay daw 'yung boyfriend.Ngumiti ako at inutusan ang klase na bumalik sa kanya-kanyang mga upuan.
"Okay. Para gumaan ang pakiramdam ni Lian, I will tell you a story." Nang sabihin ko 'yun, napansin ko na naglabas agad ng mga notes 'yung iba. Akala siguro nila part 'yun ng lesson ko for today. Well, partly... but... not really.
"No need to take down notes. This story will not be included in our next meeting's quiz." Nakita ko ang relief sa karamihan sa mga mukha nila dahil sa sinabi ko. "Today I will just tell a story similar to Lian's situation. It is a story of a girl close to my heart and I hope that it will help Lian's heart to slowly mend itself."
Binigyan ako ng simpleng ngiti ni Lian habang pinapahid niya pa rin ang mga luha niya. Maya-maya, nagsimula na 'kong magkwento.
"There is this one girl who hates her name. Hindi niya alam kung biyaya ba o sumpa na nagkaro'n siya ng gano'ng pangalan. Basta ang alam niya lang, her name is one of the reasons why she suffered a lot. Nung mga panahon na 'yon, nawawala ang mga magulang niya at kamamatay lang ng lola niya. Ipinagtabuyan siya ng mga kamag-anak niya. Then may magkapatid na tumulong sa kanya na makakuha ng scholarship sa isang prestigious university. Later, naging boyfriend niya 'yung isa sa magkapatid. Sadly, nu'ng anniversary nila, nalaman niya na niloloko lang pala siya ng boyfriend niya. At hindi pala tunay na magkapatid ang dalawa. Lovers pala talaga sila."
"Ang lupit naman ng mga 'yun, Ma'am!" react nung isa. Ngumiti lang ako sa kanya at nagpatuloy ulit.
"Dahil sa sobrang sakit, naisipan nung babae na magpakamatay. Pero hindi 'yon natuloy. Kasi may nagligtas sa buhay niya. Isang lalaki na matalino pero sobrang yabang at sobrang sungit. Surprisingly, that man loves her name so much. Dahil sa lalaking 'yun, natutunan niyang ma-appreciate ang sarili niyang pangalan-ang sarili niyang existence. 'Yung lalaking 'yon din ang nagturo sa kanya nadapat pinapahalagahan ang buhay. Di nagtagal, nahulog ang loob niya du'n sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit siya na-inlove sa napakaaroganteng lalakeng 'yon but she did. Sa tingin niya, 'yung pagmamahal niyang 'yon sa lalaki ay hindi dahil sa lagi nitong pagligtas sa buhay niya. She believes that it is because of a magical and unexplainable reason. Kaya lang... bago niya pa masabi ang nararamdaman niya sa lalaking 'yon, may nangyari."
"A-ano pong nangyari, ma'am?"
"Y-yung lalaking 'yon na tinutukoy ko ay..." Hindi ko maipagatuloy. Napatingin ako sa mga mukha ng mga estudyante ko, especially Lian. Lahat sila ina-anticipate ang susunod kong sasabihin. I tried to control my emotions. I let out a forced smile saka ako nagpatuloy
"P-patay na."
"P-pa'no po siya namatay?" tanong ni Lian.
"N-namatay siya dahil sinagip niya 'yung babae sa bingit ng kamatayan. D-dahil sa katangahan nu'ng babae, kailangang isakripisyo nu'ng lalaki 'yung buhay niya." Maiiyak na 'ko. Teary eyed na 'ko. Waaah. Baka maiyak ako bigla sa harap ng klase ko! Waaah. Wag naman sana!
"Ngayon... y-yung babae... sinisisi niya 'yung sarili niya. Naisip niya na.." Napansin kong nagsimula na namang tumulo ang mga luha ni Lian. Gaaah. Ayokong mahawa! Ayoko! "..k-kung hindi dahil sa kanya... h-hindi mamamatay 'yung lalaki. Kung hindi niya siguro nakilala 'yung lalaki, hindi sana ito mamamay. H-hindi sana..."
Wala na. Tuluyan na akong naluha. Nagulat ang mga estudyante ko. Puno ng pagtatanong ang nasa mga mukha nila.
"Ma'am Apple," sabi ni Lian. Parang nahulaan nya na. Ngumiti ako at pinahid ang luha ko, "Yes. That girl was... me."
A
"HAH! SINASABI KO na nga ba at makikita kita rito," sabi ko habang ibinababa ang binili kong bouquet of flowers sa puntod ni Jin at Red. Halos magkatabi lang kasi ang mga puntod nila.
"Si Q?"
"Hindi siya pupunta. Busy siya sa flowershop na ipinatayo niya. Well, it is really me who manages it but she voluntered herself to handle it just for this day."
"Tch. Stubborn, eh?"
"Not as stubborn as you, though," may halong pang-aasar ang tinig ko but he just ignored it. I smiled then continued. "Have I ever told you that her shop is called-"
"Let me guess, Red Queen, right?"
"I was surprised. How did you-?"
"Napadaan ako du'n kanina. We talked a little bit. She confessed a few things about the past... na si K pala ang pumalo sa ulo ko ng bat... na naging dahilan ng pagkamatay ko."
"Yes, I've instructed K to do so. It's one of the game's pre-requisites after all."
"And just as you said, she was so busy handling the customers."
"Well, anyway, I think she's already in the process of moving on. Hindi katulad ng isa d'yan."
"Tch. Wag mo nga akong paringgan, Miss A."
"Stop calling me that. The game was already over."
"But A stands for Alas right? Aren't you aware of it's meaning?" he smiled sarcastically. A huh? Now he's teasing me.
"How shallow. That question embraces your failure as a man."
"Hah! Ano namang kinalaman ng-"
"You should not tell a woman something as rude as that. I know what's the meaning of that but it's unneccessary to reveal it. It's not like I'm sad unlike these past few years."
"Heh~ " mayabang nyang sabi. "I thought you wouldn't-"
"Jairus," seryoso kong sabi sabay tingin sa kanya. Natigilan siya. "I still believe that the real reason why you did not die is because Jin wants you to live. Although I know that you're ready to die for her, sa tingin ko... hindi 'yon ang gustong mangyari ni Jin. I believe that even though his soul-his entire-being has been manipulated by the Devil, that short moment before he died, alam ko na siya mismo-your pure-hearted older brother Jin-was the one who've said that."
'I'm sorry for..everything.'
"I couldn't deny the fact that what he had done were too much for a revenge. He planned it all too well. Even his death. Even your life after his death. Honestly, I still couldn't believe that it just rooted from a simple jealousy that melted into pure hatred."
"I know what you mean. I can't really bring myself to hate him, even after he did all those things."
"Don't tell me stupid reasons like 'cause he's still my brother after all'."
"No," matigas niyang sabi habang nakatingin sa 'kin. "It's not like that at all. I can't hate him because I will just loathe myself even more. After all, I am the reason why he became like that. If it weren't for me, you and him could've-"
"So that's your reasoning."
"Eh?"
"Sinisisi mo pa rin pala ang sarili mo sa nangyari. Kaya ba in-admit mo ang mga kasalanang ginawa niya?"
"Y-you've heard of that?"
"Of course. Hah! What do you think of me? Tch. Seriously, bakit mo ginawa 'yon? You are in jail for this past few years because of admitting all his heinous crimes-"
"Well, that includes what I did as well-"
"Kahit na. I was actually amazed that you've grown into a stupid man like that. In the same way that I was also amazed at our police."
"What do you mean?"
"No evidence. No testimonies to prove that you're guilty but still they've put you in jail just because you wanted to. Do you know how crazy that sounds? For me, it's just plain stupid. A complete waste of time."
"Maybe for you, but not for me."
"Yeah, right. That is why even after you have gotten the President's parole, you still haven't forgiven yourself." Nanahimik lang siya. I continued while staring right in front of him. "What about her?" Umiwas siya ng tingin. I expected his reaction. He did not want us to talk about her. "When will you tell her?"
Still, hindi pa rin siya sumasagot. Now I'm loosing my patience.
"Hey, Jairus. Hindi ako pumayag na magsinungaling para sa 'yo dahil gusto ko. I just agreed to do that because I thought you are just preparing yourself before you meet her personally! And what did you do? Put yourself in jail for 6 years? Would that solve anything? May nagbago ba? Hindi ba lalo mo lang pinahirapan ang sarili mo? Hindi ba mas lalo mo lang pinahirapan si Apple?"
"Tch! JUST SHUT UP, OKAY?!" he snapped. "This is not your problem so don't-"
"Hah! Not my problem? What the hell is that?! Ano ba talaga ang dahilan at ayaw mong malaman ni Apple na buhay ka?!"
"This conversation is not making any sense anymore. I'm leaving," sabi niya sabay talikod.
"Are you running away from her?" Natigilan siya sa tanong ko. "Right. You are definitely running away. Tch. What a coward. I can't believe that you are the same Jairus I once kne-"
"I AM NOT A COWARD!" sigaw niya. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa 'kin nung nilingon niya ko.
"Then care to explain why are you doing this to her? You're hurting her, hindi mo ba alam?"
"Hah! I wonder about that," nakangisi niyang sabi.
"What are you saying?"
"She's better off without me."
"Huh?!"
"I've already seen her," sinabi niya habang nakatingin sa di kalayuan. "Right after I went out of jail, I came to see her. I was just about to approach her but I stopped myself. I realized I have no right to do that. Because Jin, my brother, was the one who destroyed her life. And just thinking that Jin became like that because of me... s-sa tingin mo ba kaya kong harapin siya?! What would I say to her?!"His words made me... speechless. "And thinking how she have matured so much. I don't think she will still need me."
"No, you are wrong," sabi ko sa kanya. Finally, I've picked the right words to say to him. "Even though time could make any feelings fade. I still believe she's still-"
"I don't want to hear that." Tumalikod na siya ulit. Na-badtrip ako. After picking what words I should say to him, babarahin nya lang ako ng ganon?? How could he?!
"If you are doubting if she still feels the same way about you then why don't you just ask her?"
"Tch. Are you not listening? I've already told you that I'm not gonna-"
"Well, I guess it doesn't really matter. Para sa 'kin, may boyfriend man siya o may asawa na, it doesn't matter. What matters is making her choose you... again." Pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ko, tuluyan na siyang umalis.
I averted my eyes in front of Jin's grave.
Please make your brother realize what he have been missing all his life. I hope that after all what happened, he would let himself felt even a little bit of happiness.
Even a little bit of... happiness.
Apple
WAAAAH. NAPAKATIRING NAMAN ng araw na 'to! I couldn't believe na nakwento ko 'yung love story namin ni J, kung lovestory man ang maitatawag do'n, sa klase ko. Waaah. Nakakahiya! Napaka-immature ko pa talaga bilang teacher! Well, may good results naman akong nakuha kahit pa'no e... napagaan ko ang pakiramdam ng estudyante kong si Lian.
Ang nangyari pala e nag-mountain climbing sila ng boyfriend niya. At nu'ng malalaglag siya, sinalo siya ng boyfriend niya. Unfortunately, tumama 'yung ulo ng boyfriend niya sa isang matulis na bato kaya ito namatay. Kaya pala habang nagkukwento ko kanina sa klase e nagsimula ulit siyang umiyak. Because what I told in class sounded almost the same as how she was feeling. Masaya ko kasi kahit pa'no nakatulong ako.
Pababa ako ngayon sa isang tindahan ng mga prutas. (Pababa kasi yung slope nung lugar.) Bibili ako ng madaming mansanas para may stock sa ref. Hassle naman kasi kung bibili ako araw-araw.
"Hello po!" masaya kong bati kay manong tindero.
"O, ikaw pala 'yan hija! Bibili ka ba ng mga mansanas?"
"Opo. Ang galing n'yo talaga! Hehe. Pa'no n'yo nalaman 'yun ha?"
"Eh 'yun lang naman ang binibili mo sa tindahan ko eh."
"Ahahaha! Oo nga po 'no? Hahaha! Hindi ko kagad narealize! Hahaha!"
"Parang ang saya mo ata ngayon, hija? Dati-rati 'pag pumupunta ka rito e umiiyak ka pa ah?"
"Haha. Uso na po kasi ngumiti ngayon kahit deep inside e malungkot, manong! Haha."
"Ah ganun ba? Sige, dahil d'yan, bibigyan kita ng big discount."
"Wow. Talaga po? Ang swerte ko naman sa inyo manong!"
"Ilan bang bibilhin mo?"
"20 po."
"O sige, pag ginawa mong 25 pieces, 300 Pesos na lang ang sisingilin ko sa 'yo."
"Talaga po?"
"Oo naman."
"Thank you po manong!"
After kong kunin ang isang malaking supot na brown na papel na punung-puno ng mansanas ay nagpaalam na 'ko kay manong. Paakyat na 'ko sa slope para makauwi ng bahay nang biglang may mga naghabulang mga bata sa harapan ko. At dahil nagulat ako sa kanila e may nalaglag tuloy na isang mansanas du'n sa supot na hawak-hawak ko. Nagpagulung-gulong 'yon. Pupulutin ko sana ito kaya ko yumuko kaso late ko na na-realize na dahil sa ginawa ko ay lalong naglaglagan paibaba 'yung mga mansanas sa supot ko. Sinundan ko ito paibaba at nu'ng kukunin ko na yung isa e huminto at nag-bounce ito sa paanan ng isang lalaki.
"S-sorry po-"
Nung nag-angat ako ng ulo, muntik na 'kong mapaupo sa gulat. Nanlaki ang mga mata ko. And my heart, it just skipped a beat.
"Tch. Have you been living your whole life being deceived?" sabi ng isang pamilyar na lalaki. Pasimple kong kinurot ang sarili ko dahil gusto kong magising sa katotohanang ilusyon lang 'yung nakikita ko pero andu'n pa rin siya sa harapan ko. At kahit ga'no karaming kurot ang gawin ko sa braso ko, hindi pa rin nawawala ang bilis ng tibok ng puso ko.
Maya-maya, tumingin siya sa 'kin. Seryoso ang mga mata niya. Tapos pinulot niya 'yung mansanas sa may paanan niya. Pinagpagan ito nang konti at saka kinagat.
"J...?" Sa wakas ay natanong ko rin.
"Tch. How careless of me to expect anything but ignorance from you," pairap niyang sabi sabay baling kay manong tindero. "Hey old man. Kung ayaw mong i-report kita sa barangay, baka gusto mong ibigay ang sukli ng babaeng 'yon?" He sounded bossy and clever as ever. Dahan-dahan akong tumayo, still in a daze-still couldn't keep my eyes off him.
"S-sukli? A-anong sinasabi mo?" tanong ni manong tindero sa kanya. "Correct me if I'm wrong but your apple cost P10 each, right?"
"Oo."
"Hah! Now you've admitted it," sabi nya sabay ngisi at tingin nang masama kay manong.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"That stupid woman over there," sabi niya sabay turo sa 'k-teka! T-tinawag niya ba 'kong 'stupid woman'?! "25 piraso lang ang binili niya. That cost only P250 but then, siningil mo siya ng 300. Isn't that too much? Given that you have mentioned earlier that you would give her a big discount, aren't you deceiving her?" Eh? O-oo nga no. 25 times 10 is equal to 250. Waaah. Bigla akong namula sa pagkapahiya. T-tama siya. Mali nga ako.
Dahil sa takot ni manong tindero sa masamang pagkakatitig at powerful na tinig niya ay ibinalik sa 'kin ni manong yung 100 ko. Bale 'yung 50 daw na excess e yung 'big discount' na sinabi niya. Pagkatapos nu'n ay siya mismo ang pumulot isa-isa nu'ng mga gumulong na mansanas. Inagaw niya sa 'kin ang supot na brown at inalagay doon lahat ng napulot niya. All throughout hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. At hindi ko pa rin alam kung totoo ang lahat ng nangyayari. Ayoko rin naman kasing masaktan 'pag na-realize ko na panaginip na naman ang lahat. Ayoko na kasi nakakapagod. Nakakapagod saktan nang paulit-ulit ang sarili at-
Naputol ang mga iniisip ko nang bigla niyang kunin ang isa kong kamay. Sumunod lang ako habang naglalakad siya. Hindi maalis ang mata ko sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Mainit ang kamay niyang iyon. Is it okay for me to assume na... buhay nga talaga siya at hindi ghost ang kasama ko ngayon?
Naglakas loob ako. Huminga ako nang malalim at huminto ako sa paglalakad. Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Pinisil ko 'yun nang bahagya. Saka ko 'yun iniangat nang bahagya at idinikit sa pisngi ko. Napansin kong nakatingin siya sa 'kin. Pumikit ako. At isa-isang naglalaglagan ang mga patak ng luha sa mga mata ko.
"T-t-totoong i-ikaw yan, di ba... J?" Inagaw niya bigla 'yung kamay niya mula sa pagkakahawak ko saka siya tumalikod sa 'kin.
"Tch. Now you're being rude to me, Apple Juice. I know that you hate me for being the reason why my brother did all those horrible things to you and your parents but-" He paused, holding his breath. Tapos huminga siya nang malalim. Then, he faced me. But then he looked away. "Isn't it better if you will call me by... m-my name?"
"P-pero," nakayuko kong sabi. Now I'm beginning to feel embarrassed. Waaah. Bakit? Because I'm seeing for the first time in my life that J is stutteringin front of me?
"Tch. Yes, I'm now giving you the permission to call me by my r-" Nag-angat ako ng ulo. Tumingin ako sa kanya. He was blushing. My heart beats faster than ever. My tears fell and landed on the ground. Yumakap ako sa kanya. Lalong lumala ang buhos ng mga luha ko.
"J-Jairus," sabi ko sabay bunghalit ng iyak. Wala na 'kong pakelam kung paano naging posible ang nangyayari ngayon. Kung ito man ang tinatawag na himala, Lord, super maraming salamat po. Tatanawin kong malaking utang na loob ito habang nabubuhay ako.
Naputol ang pag-e-emote ko nang hinawakan ni Jairus ang dalawang braso ko at inilayo niya ko sa kanya. "Lumayo ka nga sa 'kin! Nadudumihan mo ang mga mansanas na hawak ko!"
"Eeeeh?!" M-mas nagke-care pa siya sa mga mansanas na hawak niya kesa sa 'kin? Now I'm hurt. Completely hurt. Sumimangot ako sa kanya at pinahid ang mga luha ko. "Napakasama mo talaga. P-pagkatapos mong mawala nang ilang taon, k-kung tratuhin mo ko parang-"
Parang hindi mo ko na-miss. Hindi ko masabi. Nahihiya ba 'ko o... natatakot akong marinig mula sa kanya ang sagot?
"Hah!" pairap nyang sabi. "Parang ano ha?"
"Ewan! Ewan ko sa 'yo!" sumbat ko sa kanya. "Nasayang lang lahat ng pag-aalala ko sa 'yo. 'Yung mga luha ko, ibalik mo lahat!"
"Huh?!"
"K-kung buhay ka naman pala, bakit ngayon ka lang nagpakita sa 'kin? Alam mo ba kung ga'no kasakit sa 'kin na-" Napahinto ako. Na mabuhay nang wala ka? I couldn't say it. I was too embarrassed to say it.
"Apple Juice, what are you trying to say? Sorry but I can't understand your incoherent and stupidly constructed statements."
Kinuyom ko ang mga kamay ko. Makapanlait talaga siya wagas. He could even say those rude words in front of me. Umiiyak na nga ko't lahat-lahat tapos lalaitin niya pa 'ko?
"I hate you," sabi ko sabay tingin nang masama sa kanya.
"I know."
"Pero hindi 'yon dahil sa ginawa ng kuya mo. Dahil 'yon sa simpleng dahilan na naiinis ako sa 'yo. Kasi hindi mo man lang sinabi sa 'kin n-"
"Because I don't want you to know."
"Ikaw, galit ka ba sa 'kin?"
"Why would I?"
"Kasi ganyan ka sa 'kin eh."
"Lagi naman akong gan'to sa 'yo ah." Tinignan ko siya nang masama saka ko inagaw sa kanya 'yung supot ng mga mansanas. In the first place, akin naman talaga 'yon eh. Tumalikod ako at naglakad nang mabilis. Akala ko pa naman... akala ko pa naman..
"I don't really have the reason to see you again. That is the reason why..." Huminto ako sa paglalakad at nilingon ko siya.
"Kung ikaw wala, pwes ako meron! I-I... I want to see you again. Like this. No.. I want to see you everyday of my life. These past six years wala akong ibang ginawa kundi pagsisisihan ang lahat. Na kung hindi dahil sa 'kin hindi ka namatay. That time... that time... I was prepared to die to save your life but instead you-"
"You're mistaken. I did not save your life. You saved it yourself."
"Sinungaling ka. Sinungaling ka!"
"Huh?"
"H-hindi ba pwedeng... hindi ba pwedeng marinig ko sa 'yo na... g-gusto mo rin akong makita?" I sounded desperate but that's just how I feel. He just looked away. Still, expressionless. Like my words didn't affect him at all. Lalo lang akong naiyak dahil do'n.
"You..." Napaangat ako ng ulo nang nagsalita na siya. "Can you stop crying? It's making me feel worse." This time it's different. He looked hurt. He looked like he was suffering a lot. "Do you..." Finally tumingin na din sya sa mga mata ko. "Do you think... I want to stay away from you?"
Ako 'yung umiwas ng tingin. His eyes, they were about to cry. At hindi ko alam kung bakit ako 'yung nasasaktan sa mga titig niyang iyon.
"I wanted to. I've always wanted to... but I couldn't. When I think about being with you, the idea alone of wanting to be with you-that makes me feel more guilty. Because I don't feel that I deserve to be happy. I-"
"You do. Everyone deserves to be happy."
"Stop making me-" Bigla ko siyang binato ng mansanas. Na-disappoint ako nu'ng hindi siya nabukulan sa ulo kasi nasalo niya ito ka'gad. Badtrip naman 'yung bilis ng reflexes niya! Aish!
"Kung ayaw mong maging masaya, e di ako na lang ang pasayahin mo! Problema ba 'yon ha?" Natawa siya nang bahagya sa sinabi ko. Ako rin natawa.
"If I make you happy, I will just feel happy as well and that-"
"Tsk. Tsk. Tsk. Nagkamali ako ng tingin sa 'yo, Jairus."
"Ha?"
"You are not that genius after all."
"Hah! In what way?"
"Kung naging masaya ka in the process of making me happy, it's not your fault. It's mine. Kasi ako ang nagsabi sa 'yo na gawin mo 'yun."
"Tch. Dahil naisip mo 'yan akala mo matalino ka na?"
"Wala akong sinabing matalino ako. Ang gusto ko lang sabihin, mas nag-iisip na ko ngayon. Di gaya mo," mayabang kong sabi.
"Tch," pairap niyang sabi. Inirapan ko rin siya tapos nagsimula na ulit akong maglakad. Naiinis ako sa kanya pero at the same hindi ko rin soya masisi. Alam ko naman na naging napakahirap sa kanya ng lahat. Ang ikinatatampo ko lang naman ay 'yung pagtrato niya sa 'kin. Hindi ba pwedeng-
Nagulat ako nang bigla niya kong hatakin tapos niyakap niya ko nang sobrang higpit.
"Lumayo ka nga sa 'kin! Nadudumihan mo ang mga mansanas na hawak ko!" gaya ko sa sinabi niya kanina.
"Just stay still and don't move,"utos niya. Napalunok ako. At lalong kinabahan. A-ano bang..? Sa sobrang lapit niya sa 'kin ay naririnig ko na ang tibok ng puso ko... Eh? Sa 'kin ba 'yun o sa kanya?
Napatingin ako sa kanya. He was still embracing me. The back of his ears, namumula iyon. Namula din tuloy ako.
"Jairus-"
"I promise to make you happyin one condition."
"A-ano naman yun?"
"Please forgive me, my brother and everyone who have caused you pain these past few years."
"Sus. 'Yun lang pala e-"
"I'm not kidding."
"Neither do I."
"Can you promise that?"
"O-oo naman."
"Then..." Kumalas na siya ng pagkakayakap sa 'kin. Tumingin siya sa mga mata ko. "I won't hold back anymore," he said. Then he smiled. That remarkable smile na madalang pa sa blue moon niya ipakita. That angelic smile.
"Eh? A-anong ib-"
Bigla niya kong hinalikan. Wide-eyed pa 'ko sa gulat nu'ng una pero nagawa ko ring isara ang mga mata ko and feel this overwhelming sweet kisses from him. Then I cried. I was so happy I cried.
After those kisses, pareho kaming nahiya afterwards. We both blushed and became speechless... like it was the first time we've ever kissed. Later, nagkaro'n na 'ko ng courage na kausapin sya ulit.
"Now you are forbidden, Jairus," nakangiti kong sabi.
"Huh?"
"You are forbidden to love anybody else but me. You are also forbidden to stay away from me. We have a 2 km rule remember?"
"Tch. That's stupid." Nag-pout ako dahil sa sinabi niya. Bright idea pa man rin 'yung naisip ko tapos ganu'n siya!
"Don't pout. You might make me less happy."
"Hah! So nag-eenjoy ka talaga sa panlalait sa 'kin no?"
"Whoa. P-pa'no mo nalaman?" sabi niya na tila nagulat sa sinabi ko.
"So nag-eenjoy ka nga?" Hindi ako makapaniwala!
"Well, I have to admit it. Honestly, ever since I met you, I realized there is actually a person living in this world without a brain in her skull."
"Hoy meron naman 'no!"
"Meron ba?"
"Meron nga sabi eh!"
"Di nga? Seryoso?"
"Oo nga kasi!"
"Tch," sabi niya na mukhang nanghihinayang. "Akala ko talaga wala eh."
"JAIRUS!!"
Buong akala ko, dahil wala na ang lola ko ay wala nang magtatanggol sa pangalan ko-sa pangalan kong puno ng kontrobersya at misteryo na pinalilibutan ng kadiliman at sadyang ipinagbabawal. Isang makasalanan ngunit makasaysayang pangalan na gumuhit ng aking kapalaran bago pa man ako ipinanganak.
Pero akala ko lang pala 'yun. Dahil nagbago ang lahat nu'ng makilala ko siya-siya na nagbigay ng panibagong kahulugan sa aking pangalan.
Ako si Apple. Apple Cruz.
At ito ang aking storya.
Forbidden Apple: Prologue-Ch 9, Ch 10-20, Ch 21-29, Ch 30-37, Ch 38-45, Epilogue
Forbidden Apple Chapter 38-45
3 8
T H E M I S S I O N
Q
TUMATAWA NA TILA nakakaloko si K nung sabihin ko ang mga salitang 'yon. "That's funny, Q!" Ngumisi lang ako sa kanya. I couldn't believe that he will still deny it. About his existence.
"You know you can't hide it from me," confident kong sabi sa kanya. "Hah! Akala mo si Jin at Ms. A lang ang nakakaalam ano? Ng tungkol kay Red?"
"How did you-"
"Nu'ng ipinaliwanag sa 'tin ni Miss A ang mission natin. From that moment, nahulaan ko na ang tunay mong pagkatao. At ang tunay na pagkatao ni Red."
Isang taon na ang nakakalipas nu'ng mangyari 'yun: ang pagpapaliwanag sa 'min ni Amelia ng tungkol sa game na pinaplano ni Jin.
"B-bakit mo ba kasi ako dinala dito, ha, K? Akala ko ba nabuwag na ang Kilusan? Eh bakit-"
"Manahimik ka nga, Q!" naiirirang sabi ni K sa 'kin.
Nang gabing 'yon, hinikayat na naman ako ni K na tumakas sa bahay-ampunan. Syempre, nagkunwari ako na hindi ko pa alam ang tungkol sa narinig kong usapan nila ni Jin kaya nagrereklamo ako sa kanya.
"Bakit ba kasi tayo 'andito?!"
"Kakausapin tayo ni Ameli-"
"From now on, you must call me 'Ms. A'," nagulat kami nang biglang sumulpot sa harapan namin si Amelia. Nakaitim siya na suit at maiksi na ang kanyang buhok.
"O-okay, M-ms. A," sabi ko.
"Sigurado ba kayong hindi kayo nasundan?" tanong niya.
"Oo naman! Sus!" sagot naman ni K sa kanya.
"Good."
"Care to explain what are we gonna do?" diretsahang tanong ni K sa kanya.
Ngumiti si Amel-este-Ms. A at saka nagpaliwanag. "Batay sa huling kahilingan ni Jin, kailangan nating tapusin ang larong plinano niya."
Aaah. So tinatago nila sa 'kin na buhay pa si Jin ah? Okay. I will remember that. Dapat itago ko sa isip ko ang tungkol sa nalaman ko.
"L-laro?" nagpanggap ako na walang alam. Kailangan kong maging matanong para hindi sila magsuspetsa sa 'kin.
"Yes, Lyla," sagot ni Ms. A, "and this game serves as his revenge for his brother."
"Revenge?" that word again, "anong ginawang masama sa kanya ng kapatid niyang si Jairus? Akala ko ba in good terms sila?"
"Hah! Akala mo lang," sagot ni K sa 'kin.
Spell BADTRIP. Akala ko lahat alam ko na. Meron pa palang hindi. That suspicious reason why the game must be completed. Bakit kailangang mag-revenge ni Jin sa kapatid niya? Aish. I don't have any idea. Ang alam ko lang, pinasok niya ang mundo ng pagiging assassin dahil gusto niyang mapag-aral at maalagaang maigi ang kapatid niya. I don't see enough reason why would Jin hate his brother so much. Saka sa kwento naman niya e mukha namang mabait si Jairus, masungit nga lang. Pero kahit na, di ba? Aish. Ang gulo!
"Moving on, this game requires you to sacrifice your life," sabi ni Ms. A.
"What? So we need to die to play the game??" tanong ko. Tumango naman si Ms. A.
"That's bullshit!" react ni K.
"O, may angal ka, K?" tanong ni Ms. A habang nakangiti. Halatang may halong pagbabanta ang titig niya kay K. Nakita kong napalunok ng laway si K at napaubo.
"S-sabi ko nga wala eh," sabi niya, "b-but I'm sure naman na may kapalit ang pagsa-sac-"
"Yes, of course."
"A-ano naman 'yun?"
"Power," nakangiting sabi ni Ms. A. Parang nagliwanag ang mukha ni K sa narinig. Ako naman, napairap lang. Aish. Yung K talaga na 'yun o. Makarinig lang ng power, nag-iiba na ang mukha.
"Really? As in superpowers?" nagpapakainosente kong tanong.
"Not really. Pero... parang ganu'n na nga."
"Ang gulo ah."
"It's because the power that you will gain from sacrificing your life is just borrowed to Jin's power."
"M-may power si Jin? P-pa'nong-?"
"Ay naku, Q! Wag ka na ngang matanong! Aish! Kaya hindi natatapos sa pagpapaliwanag itong si Miss A eh!"
"Tch. Balimbing," komento ko.
"Anong sabi mo?!"
"Wala! Hmp!" sagot ko.
"Anong power ang mapupunta sa 'kin?" excited na tanong ni K na ini-snob lang ang sinabi ko.
"The power to gather information."
"Tch. Yun na naman? Boring."
"Eh ako po?"
"Teleportation."
"W-WHAT?!" violent reaction ni K. "Teka! Lugi naman ata ako du'n! Unfair!!"
"Hah! D'yan ka nagkakamali, K. When the time comes, you will know how advantageous your power is."
"Tch. Fine," sabi ni K na mukhang hindi convinced. "Eh ikaw? Anong power ang pinahiram sa 'yo ni Jin?"
"The power to control life and death." Pareho kaming napanganga ni K. Wow lang talaga. Di ba parang kapangyarihan na 'yon ng isang Diyos?
"Huhulaan ko, ang powers na pinapahiram ni Jin ay naaayon sa isang ranking," sabi ni K.
"Tama ka."
"And that ranking falls under the Face Card category."
"F-Face Card?" kunwari-walang-alam-pero-meron kong tanong kay K.
"Since Jin holds the Face Card Joker na rare sa mga deck of cards at usually ay mas malakas sa Ace sa ibang card games, I guess you hold the Ace Card, right?" Tumango si Ms. A at ngumiti. "And I will hold the third most powerful card which is the King. Then, Queen naman ang kay Q," paliwanag ni K na sinang-ayunan naman ni Ms. A. Lumapit sa 'kin si K at may binulong.
"Naks, Queen talaga kita," bulong niya. Agad naman akong namula dahil du'n pero binura ko na lang sa isipan ko dahil alam kong binibiro niya na naman ako.
"Wait. May Jack pa, di ba?" tanong ko.
"Aaah. Baka 'yun ang para sa kapatid niya! Pfft-hahaha! Hindi naman halatang may galit siya kay Jairus 'no? Hahaha! Nasa kanya 'yung pinakamahinang card! Wuhahaha!" tuwang-tuwang sabi ni K.
Nang umubo-ubo si Ms. A e saka lang natauhan si K na magtino at magseryoso.
"Shall I explain what will your mission-"
"Go ahead, Ms. A," putol ni K sa sasabihin palang ni Ms. A. Mukhang na-intimidate ito dahil sa inasal ni K kaya umirap siya saka nagpatuloy na sa pagpapaliwanag.
"K, you have to defeat Jairus in order for you to win."
"Win? Teka, anong premyo ng mananalo?"
"You will get your throne."
"Throne?"
"Yes, as a King. Ano ba ang expected na meron ang isang hari na gusting-gusto mong magkaroon ka?"
Nagliwanag na naman ang mga mata ni K sa galak. "Power."
"Yes, Jin's power will be given to you."
"And if I lose? What will happen?"
"You will turn into nothingness."
"Teka, mas malala pa 'yun sa pagiging patay ah."
"That's right. In that way, you cannot be born again."
"Aish. Tuso talaga 'tong si Jin kahit kelan! Eh pano si Q? Anong mission niya? Kalaban ko rin ba siya?"
"No," sagot niya sa tanong ni K saka siya tumingin sa 'kin. "Lyla, you serve as K's assistant."
"What? Bakit kailangan ko pa ng assistant?!"
"Because that is what Jin has planned," mataray na sabi ni Ms. A sa kanya. "May sasabihin ka pa?"
"S-sabi ko nga wala na eh," sabi ni K na mukhang defeated kay Ms. A, pero mamaya-maya din e may itinanong siya. "Wait. Kung assistant ko siya, ibig sabihin ba nu'n, 'pag natalo ko-"
"Yes, she will also turn into nothingness."
"Grabe naman!"
"I think it is a just decision. Kaya nga kailangan n'yo magtulungan... 'yan ay kung gusto n'yong manalo," nakangising sabi ni Ms. A.
"Tch. As if naman na may choice kami, di ba?" sabi ko.
"Eh ikaw, Ms. A. Anong role mo sa game na 'to?"
"Moderator. Mediator."
"Wow ah. So hindi manganganib ang buhay mo kahit sino ang manalo? Tch. Ang unfair talaga ni Jin kahit kelan," reklamo na naman ni K.
"Watch your mouth. Wag mong kalilimutang kaya kitang patayin sa isang pitik lang ng daliri ko," nakaglare na sabi ni Ms. A. Napatango na lang si K na halatang naalarma sa pagbabanta ni Ms. A sa kanya. Ayan kasi. Ang tigaaaas-tigas ng ulo. "Anyway, shall I move on to the next?"
"Y-yes," sagot ko.
"The game revolves around a girl named Apple. Apple Cruz."
"Sino naman 'yun?" tanong ko.
"Nagpunta ko rito para mag-explain ng details ng game. Hindi para sumagot ng mga nonsense na tanong n'yo." Napalunok na lang ako ng laway at napatikom ng bibig sa sinabi ni Ms. A. Epal kasi 'tong si K eh! Ayan tuloy, pati sa 'kin HB si Ms.A! "You and K will win if you can kill Apple. On the other hand, it's Jairus' victory if he can save her life."
"So to kill her is to live. And to let her live is to die, tama ba?"
"As expected of you, K. You are really a fast-learner." Mayabang na ngumisi si K na tuwang-tuwa sa papuri sa kanya kahit alam niya naman na inuuto lang siya ni Ms.A. Tch. "On the day of her high school graduation, Lyla," sabi niya sabay tingin sa 'kin.
"Yes?"
"You will ask her to accept a scholarship grant to study for free in a university called 'X Academy'."
"Wala akong natatandaang may ganu'ng klase ng university."
"Pwes, you will see it personally. But that can wait."
"O-okay."
"Kapag nagtanong siya kung kanino galing ang scholarship, ang sasabihin mo, sa benefactor niya."
"Sinong benefactor naman 'yun? Si Jin?"
"Nope. Si K."
"A-ako?" nabiglang tanong ni K. "Pa'nong magiging ako e hindi naman ako may-ari ng school na 'y-"
"You will be."
"H-huh?"
"Stop reacting like an idiot and just listen to what I am saying!!"
"S-sorry naman. Eto na nga eh. Makikinig na."
"Kailangan mapapayag mo siya, Lyla. Then, ihahatid mo siya sa X Academy tapos sa kanyang dorm. After nu'n, magpapaalam ka sa kanya. But make sure she will not remember you."
"Hah? Pa'no mangyayari 'yun?" tanong ko.
"It's a psychological thing. Ang tawag ata dun e 'psychogenesis'. That day, there will be a traumatic incident that she would want to erase from her memories. You just have to make sure na kasama ka sa mga parts ng memory niya na makakalimutan niya."
"P-pa'no ko naman gagawin 'yun?"
"Geez. Madali lang 'yun. You are going to wear a black suit, just like this one," sabi niya sabay turo sa suot niya. "You will wear black shades then after you do the talking, you will ask her to forget about you. Sabihin mo sa kanyang ulitin ang sinabi mo hanggang sa mawala ka na sa paningin niya. Well, using your powers of course."
"E-effective ba 'yun?"
"Jin has proven it already."
"O-okay. After nu'n..?"
"You and K will pretend to be siblings."
"W-what? Kami? Magkapatid?!" react ni K.
"Yes, and you two will befriend Apple. Magpapakilala kayo bilang-"
"Lyla at K?" tanong ko.
"Nope, you will not use your real name Lyla."
"Eh? Eh bakit si-"
"Magpapakilala kayong sina SquaRED at Cubic Jimenez. Kambal na anak ng isang scientist at isang mathematician."
Sabay kaming natawa sa sinabi ni Miss A. Maluha-luha ako sa kakatawa. "Hahaha! Pfftt-what's with those weird names?? Hahaha! S-sigurado ka ba Ms. A na ideya 'tong lahat ni Jin? Wahaha! Ang corny kasi eh!" sabi ko.
"Well, yes. Siya ang nakaisip niyan."
"Ang korni talaga ni Jin kahit kela-" Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko e nagsalita na si Ms. A.
"You will only share those names with Apple. The rest of the student body will call you by your nicknames."
"Ano namang ininickname namen sa mga baduy na pangalang 'yon?"
"Red and Q-chan."
"R-Red?"
Napatingin ako kay K dahil sa reaction niya. Halatang hindi niya nagustuhan 'yon. Napakuyom siya ng palad at halatang kinu-curse niya si Jin sa isip niya.
"Yes, may problema ba, K?" tanong ni Miss A.
"W-wala," paiwas niyang sagot.
Napangiti lang ako ng panahon na 'yun. Dahil sa reaksyon niyang 'yun, napatunayan kong tama ang hula ko. Ang tunay niyang pangalan ay walang iba kundi... Red.
"And that's how-"
"Hah! How can you learn about my real identity just by observing my reactions?" hindi convinced na tanong sa 'kin ni K pagkatapos kong sabihin sa kanya kung pa'no ko nalaman ang tungkol sa tinatago niyang pagkatao.
"Tch. Not only that, K, remember what Ms. A said? 'You will not use your real name Lyla.' That only means that at the start of our mission, you must use your real name, K. Because that was what Jin wanted you to do."
"Well, that's because-"
"Why don't you let him come out? Kahit minsan lang?"
"Eh?"
"Stop pretending, K. Come on. I want to talk to him."
"Huh? Kanino?"
"Kanino pa ba? Eh di kay Red. Sa tunay na... Red," sabi ko sa kanya with a sly smile on my face.
Apple
PAGKATAPOS NG ISANG masaya at fulfilling na araw ay bumalik na 'ko sa dorm, just to find out na may isang taong pamilyar sa 'kin ang naghihintay sa labas. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako nu'ng mga panahon na 'yun. Siguro sa galit. Siguro dahil sa ginawa niyang pagpapahirap kay J. Siguro nga. Siguro dahil lang 'yun do'n.
Napaatras ako nang magtama ang mga paningin namin. Nagulat ako nang bigla niya 'kong niyakap. Sobrang higpit ng yakap niya. Nanlaban ako.
"Ano ba? Bitawan mo nga ko! Manyak ka! Manyak!!" sigaw ko habang hinahampas-hampas ko siya.
"Apple, bakit mo ba 'to ginagawa sa 'kin? H-hindi mo na ba 'ko naaalala?"
"Eh?" Parang huminto ang tibok ng puso ko sa narinig ko. Natigilan ako at napatingin sa kanya. Pamilyar... napakapamilyar ng mga 'yon. 'Yung maamo at mabait niyang mga mata.
Niyakap niya ulit ako. Hindi na 'ko nakapanlaban pa. Hindi ako maaaring magkamali. Ang taong nasa harapan ko ngayon... ay walang iba kundi si...
"R-Red?"
"Oo ako nga 'to, Apple. Waah. Akala ko hindi mo na ko maalala. Grabe... sobrang... na-miss kita."
A-ako... rin?
3 9
T H E S P L I T P E R S O N A L I T Y
Apple
TEKA, TEKA, TEKAAAA! Masyado 'kong nabibilisan sa mga pangyayari! WHOA! Breath in, Breath out! Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at lumayo ako sa kanya nang konti.
"W-what's wrong, Apple?" nag-aalalang tanong ni Red sa 'kin. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hinde, hinde, hinde. Imposibleng siya si Red. Kahit gaano pa niya ipagpilitan sa 'kin iyon ay hindi na 'ko pwedeng maniwala. Tama! Hindi totoo si Red. Ilusyon ko lang siya. Ang nasa harapan ko ay walang iba kundi si K na balak na naman akong lokohin. Tama, si K 'yun.
"Apple?" tawag niya sa 'kin habang papalapit siya sa 'kin.
"Hindi mo na 'ko mauuto, K!" sigaw ko sa kanya.
"Hindi ako si K, alam mo 'yan." Tinakpan ko ang mga tenga ko. Hindi totoo si Red. Hindi siya totoo.Di ba sina K at Q mismo ang nagsabi na hindi sya nag-eexist?
'Huh? Walang kapatid si Q-chan. Are you sure that that Red you are talking about is not just fantasy? Did he really exist?'
'Apple ano ba? Hindi ko talaga kilala ang tinutukoy mo. Hindi kaya ilusyon mo lang ang lalaking 'yon?'
At hinanap ko pa nga ang mga sulat at stuff toys na bigay niya noon sa mga drawer ko pero wala akong nakita. Kahit 'yung picture naming magkasama sa wallet ko, wala rin. Sapat nang ebidensya 'yun na kathang isip ko lang siya, di ba?
"Tama na, K," sabi ko sabay tingin sa kanya. Namumula na naman ang mga mata ko. Bakit pa kasi kailangan niyang ipaalala ang lahat? Bakit kailangan niya pang umakting na katulad na katulad ni Red? What benefit will he gain from it? Wala naman, di ba? Kasi... ilang araw na lang... panalo na siya, di ba? "Tama na! Hindi pa ba sapat na ikaw na ang panalo? Ha?!"
"I thought that you recognized me," sabi niya na mukhang disappointed. "H-hindi pala."
"Stop acting like hi-"
"But I'm really Red."
"Hindi ka na nakakatawa, K ha-"
"I know that K did mean things to you while using my body per-"
"A-ano?!" Wait lang ha. Ano daw? 'While using my body'? Brain processing. Brain processing-ERROR! Hindi ko gets! Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya? N-na ginamit ni K ang katawan niya? What kind of joke is that?! Ano 'to, lokohan?
Huminga siya nang malalim saka nagsalita. "You see, K and I share the same body."
"H-huh?!"
"In other words, K and I are just the same. Although, ako talaga ang pinakamay-ari ng-"
"Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasasabi mo," putol ko sa kanya. Pa'nong magiging iisa sila? Tch! Lahat naman ng idadahilan niya para utuin ako e 'yung pang kaimposi-imposib-
"I'm sure na narinig mo na ang tungkol sa mental disorder na-"
"M-mental disorder?" tanong ko with matching panlalaki pa ng mga mata. Alam kong may pagka-distorted ang utak ni K pero hindi ko alam na may serious brain damage na pala siya!
"Yes, and it is called DID."
"DID?"
"Dissociative Identity Disorder." Napalunok ako. Never been heard! A-ano 'yun? "Mas kilala sa tawag na," pagpapatuloy niya, "Split Personality."
"EH?!" gulat na gulat kong sabi sa kanya. "I-ibig sabihin, k-kayo ni K ay," sabi ko habang nakaturo ang kamay ko sa kanya, "ay-"
"Kakasabi ko lang kanina, di ba? Kami ay iisa. Well, actually, K is just a part of me."
"S-so... ikaw talaga si R-Red?"
"O-oo nga. Haha," natatawang sabi niya. Tapos ngumiti siya-that gentle smile na alam kong si Red lang ang kayang gumawa.
"R-Re-" I was about to fall for his smile but then bigla kong naalala, "Hah! Sa tingin mo ba m-mapapaniwala mo 'ko? Hahahaha!" sabi ko sabay tawa nang malakas. Dinuru-duro ko siya. "Ikaw K ha! Alam kong masyado kang matalino pero hindi. Mo. Ako. Mauuto! Nevah! HMP!"
"Apple, alam ko na maraming ginawang masama sa 'yo si K pero... iba ako sa kanya-"
"Hinding-hindi mo 'ko mako-convince na ikaw si Red!"
"B-bakit naman?"
"Dahil ilusyon ko lang siya! Lahat ng ebidensya na nag-exist siya sa buhay ko, lahat 'yun, nawala! That only means that-"
"It's all true. Pinalabas lang nila K and Q na ilusyon ako para maisagawa ang plano nila. But that doesn't mean that I didn't exist."
"P-pinalabas? A-anong ibig mong sabihin ha?"
"They purposely took the evidences of my existence from your dorm room."
"What? Pa'no mangyayari 'yun?"
"Remember that K serves as the school owner right? He has the power to-"
"Hah! Lokohin mo lelang mong panut! Tch," habang sinasabi ko 'yun, a part of me was already convinced by what he is saying. K-kasi possible naman talaga, di ba? Na kunin nila ang mga 'yun? Dahil in the first place, they are just things. The memories-those memories still lives within me. At kahit ga'no ko i-deny... alam ko na... totoong nangyari sila. Naging kami ni Red at totoo-totoo siya. Hindi isang kathang isip. Hindi isang ilusyon.
Wait.
Sa mundong ginagalawan ko ngayon, nothing is impossible. Kaya hindi ako pwedeng maniwala ka'gad. Naloko na 'ko nang ilang beses ng Hudas na lalakeng 'to tapos... magpapaloko na naman ako sa kanya? Hah! Never. Never again, Apple.
"I was aware about what happened. That is why I can explain everything to you if you want."
"H-ha?"
"Mapatunayan ko lang sa 'yo na totoo ako at seryosong... m-minahal talaga kita," he blushed while saying that. "First, gusto kong malaman mo na 'yung past natin, totoo lahat 'yun. I really fell in love with you."
"Tch. Kapal nito! Magsisinungaling p-"
"Totoo 'yun. But unfortunately, nalaman ko na lang na may masama pa lang balak sina K at Q nang biglang i-take over ni K ang katawan ko nu'ng araw na dapat magce-celebrate tayo ng anniversary natin. Actually, hindi ko alam kung kailan ako nagkaro'n ng isa pang personality. Hindi ko rin alam kung kailan nagsimulang i-take over ni K ang katawan ko. Ang naalala ko lang e 'yung plano nila na... p-patayin ka."
"Hah! Kung ikaw talaga si Red at totoong minahal mo nga ako, bakit hindi mo sila pinigilan ha?!"
"I tried doing that but I couldn't. Masyadong malakas si K. Sa tingin ko nga e may kapangyarihan pa siyang hawak. Hindi ko lang alam kung sa'n niya nakuha 'yon saka-"
"Ano ang ebidensya mo na sinubukan mo ngang tulungan ako, aber?"
"Remember nu'ng tatalon ka sa tulay? Huminto ka nu'ng makarinig ng kanta, di ba?" That reminds me... o-oo nga 'no. Kanta pa nga 'yun ni Taylor Swift eh. Badtrip na badtrip nga ko nu'n kasi patama pa 'yung kanta. Istorbo tapos-
WAIT. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya.
"W-wag mong sabihin sa 'kin na ikaw ang nagpatugtog nu'n?"
"Oo. Ginamit ko ang cellphone ni Q nu'n. Saka ako rin 'yung lalaking pumigil sa 'yo na tumalon sa tulay. 'Yung lalakeng sinungitan mo pa nga dahil sabi mo, iniistorbo kita sa pagpapakamatay mo," habang nagsasalita siya, hindi ko mapigilang hindi mapanganga. S-siya 'yon?
"Haha. Naalala mo na ba?"
"P-pa'nong magiging ikaw 'yon ha? In the first place, dapat ma-recognize ko ang boses mo dahil kilala kit-"
"Have you ever heard of 'Psychological Noise'?"
"Eh?"
"Isa 'yun sa mga posibleng dahilan kung bakit hindi mo 'ko nabosesan, because your head is so full of negative thoughts about dying. Am I right?"
"B-baka nga dahil do'n kaya-" OMG! So siya nga 'yon? Pinigilan niya 'kong mamatay pero- "HOY! Ayos ka ah!" sigaw ko sa kanya nang may maalala ako bigla. Halata naman sa kanya ang pagkagulat sa inasal ko. Inirapan ko siya at saka ko nagpatuloy, "tandang-tanda ko pa 'yung araw na 'yon. Lalung-lalo na nu'ng bago ako tumalon, naramdaman kong may tumulak sa 'kin mula sa likod. Kung ikaw 'yung lalaking kausap ko nu'ng gabing 'yon, eh di ikaw din ang tumulak sa 'kin!!"
"No, hindi ako 'yun."
"Hah! Nagmamaang-maangan ka pa? Ang kapal din naman ng mukha mo eh 'no?" galit na galit kong sabi sa kanya.
"Hindi nga ako 'yun, Apple. That time, I was about to pull you away from that bridge but then K interfered."
"Aah. So idadahilan mo na tinake over na naman ni K ang katawan mo tapos siya ang tumulak sa 'kin, ganu'n ba?"
"O-oo. Tama ka."
Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya. Oh no. Hinde, hinde, hinde. Hindi maaaring siya si... Argh! Hinde! P-pero masyadong elaborated ang lahat para maging kasinungalingan. Kung ganu'n...
"Naalala mo pa ba nu'ng kinausap ka ni Ma'am Ana at sinabi niyang kinakamusta ka ng Benefactor mo?" Tumango naman ako. "That was me. I was so concerned about you. And about your new life."
"So aware ka nga talaga sa mga nangyayari sa 'kin."
"Oo. I can see what's going on through K's eyes. Para akong isang kaluluwang nasa loob ng sarili kong katawan. Ngunit hindi ko magawang kontrolin ito dahil kay K. Kaya alam ko ang lahat ng mga ginawa sa 'yong masama ni K," malungkot niyang sabi. "Katulad ng sa pagbunggo niya sa 'yo sa hagdan at sa suffocation na in-attempt niya sa isang closed room. Pati' yung pagsisinungaling niya sa 'yo tungkol kay J, 'yung pag-deny nilang dalawa ni Q ng existence ko. Lahat 'yun aware ko. Kaso wala akong magawa. Kasi hindi niya 'ko binibigyan ng chance na magamit ang sarili kong katawan."
"So aware ka rin na... a-apat na araw na lang ang itatagal ko dito sa mundo, ganu'n ba?" tanong ko sa kanya saka ko siya binigyan ng isang mapait na ngiti.
Matamlay siyang tumango. "I-I'm sorry, Apple. Knowing my personality, alam mong hindi ko ginusto n-"
"S-sinabi sa 'kin ni Q noon na pagnanalo sila," binago ko ang usapan. Ayoko na kasing maalala yung taning ko, "makukuha ni K ang kapangyarihan ni Ms. A, totoo ba?" Tumango si Red. "Alam mo ba kung bakit gusting-gusto ni K ng kapangyarihan?" tanong ko. "To the point na kailangan niya pang sumali sa ganitong wortless na laro para lang do'n?"
"B-because it was something that was taken away from my family."
"Eh?"
"I haven't told you this before but-I came from a very influential and powerful family. Underground ang business ng pamilya ko." I can see the sadness in his eyes habang nagkukwento siya. Somehow, I felt sorry for him too. "siguro, dahil na rin du'n kung kaya maraming tuma-target noon sa mga buhay nila. Though I am aware of that, grabe 'yung trauma na naranasan ko nu'ng mamatay sila. They were killed actually. I was just 19 back then. Naging ulila ako tapos may lumapit sa 'king isang lalaki. His name is Jin."
"J-Jin?" gulat na gulat kong tanong sa kanya.
"Oo. K-kilala mo siya?"
"S-siya ang kuya ni J."
"Ah... I see."
Tumango ako sabay sabing, "hindi ako makapaniwala. A-anong sabi sa 'yo ni Jin nu'ng araw na 'yun?"
"Hindi ko masyadong maalala. Maybe K was the one who talked to him at hindi ako masyadong nakinig sa pinag-usapan nila," sabi niya sabay pause. Mukhang may pilit siyang inaalala. "W-Wait lang," sabi niya pa tapos maya-maya, "Aaah! Baka nu'ng mamatay ang parents ko, baka nu'ng time na down na down ako, saka ako nagkaro'n ng split personality. Maybe that was the reason why K was born-to find out who killed my parents and to bring back the power and authority that we once had."
"S-so possible na 'yun ang dahilan kung bakit ganu'n si K?"
"O-oo. Sabi nga nila, DID occurs when you want to deny the painful reality that you are experiencing. "
"Pagkatapos nu'n, hindi mo na ulit nakita si Jin?"
"Umm... I guess... siya 'yung nagpadala sa 'kin sa bahay-ampunan. Du'n ko nakilala si Lyla."
"L-Lyla? Sino 'yun?"
"Si Q."
"EH?!" gulat na gulat kong reaksyon. My gosh! M-matagal na pala talaga silang magkakilala? "I-ibig sabihin, a-alam ni Q na ikaw at si K ay iisa?"
"N-nu'ng una, hindi ko alam. Actually, kani-kanina ko lang nalaman. I overheard K and Q's conversation. Pinipilit nga ni Q na makausap ako. Nagulat na lang ako nang biglang bigyan ako ni K ng chance na magamit ulit ang katawan ko."
"Whoa. Sinapian siguro si K ng espiritu ng kabaitan," sabi ko.
"Haha. Don't forget that I am also K. Hindi naman talaga masama si K. S-sa tingin ko, gusto niya lang ma-fulfill ang mga bagay na hindi ko kayang gawin, katulad nga ng sinabi ko kanina, about finding-"
"Ngayon naman siguro ay may clues ka na about their death, di ba?"
"I am not really sure about that. Pero sa tingin ko, alam ni K kung sino ang pumatay sa parents ko. It's just that he doesn't share those kinds of information with me. Unless na lang na gising ako nu'n at nakikinig ako sa usapan nila ng kung sino."
"E di bakit hindi mo na lang tanungin si K? Gusto mo ako ang magtanong sa kanya?" sabi ko sabay halukipkip. "Hoy K na nasa loob ni Red! Sabihin mo na kung sino ang pumatay sa mga magulang niya kundi kakalbuhin kita!"
Natawa naman nang bahagya si Red sa sinabi ko. "Haha. Habang ako pa ang nagkokontrol ng sarili kong katawan ay hindi mo siya makakausap."
"Eeeh? Seriously? Pero... kahit suspect man lang, wala kang ideya kung sino?"
"Well, ayokong mag-judge ng tao pero-"
"So, meron nga."
"M-meron pero-tuwing nakikita ko kasing kausap siya ni K, mukha siyang mabait at malambing na tao. I don't think he can do that kind of thing to my parents."
"Eh bakit pinagsususpetsahan mo siya?" Umiwas ng tingin si Red at parang nag-aalangang magsalita. "Ano?"
"K-kasi as the original owner of this body, alam ko at nararamdaman ko na may malaking galit si K sa kanya."
"S-sino? Alam mo ba ang pangalan?"
"Oo. S-si Jin."
"H-HUWAAAT?!" violent reaction ko sabay tawa nang malakas, "Hahaha! Imposible 'yun Red! Base sa pagkakakwento sa 'kin ni J, isang napakabait na tao ng kapatid niya! Kaya imposibleng-"
"Hah! Really? Sinabi talaga 'yun ni Jairus? Hahaha!"
Nagulat kaming pareho ni Red nang may marinig kaming boses. Agad kaming napalingon. At paglingon na paglingon ko, gusto ko na ka'gad magpanggap na wala akong makita. Goosebumps! As in! Grabe! Kinikilabutan ako.
His smile is the exact definition of the word 'HELL'. Napalunok at saka nagsalita ng, "J-Jin?!" Ngumisi siya at tumingin sa 'kin with his face na mas nakakatakot pa sa pinakanakakatakot na nightmare ko.
"Nice meeting you again, Red and Apple."
A
"Miss A, how's Jairus?" nagulat ako nang biglang magpakita si Q sa aking harapan. Well, using her borrowed powers. Ngumiti ako and in a subtle manner, I asked her to sit down beside me. She thanked me and smiled slyly. Now that's pretty obvious of her. But that's okay. I'm ready for any conversation with her.
"We can now expect him with atroubled face," nakangiti kong sabi sa kanya.
"That's just to be expected," she commented.
"I am surprised with your recent conversation with K, huh?"
Tumawa siya nang bahagya. "So you too, Miss A? Hindi mo rin nakutuban na alam kong buhay pa si Jin?"
"No, not at all. You are good at hiding things," sabi ko sa kanya.
"Well, that's because it will complicated things if K knew from the start that I know about that."
"You have a point, Lyla."
"Na-miss ko ang pagtawag mo sa 'kien Lyla, Amelia," sabi niya sabay ngiti.
Tumawa ako nang bahagya tapos tinignan ko siya nang masama. And with a serious face I said, "I don't remember allowing you to call me by my name."
"Well, I just tried it. It feels... nostalgic."
"What are you hiding?" seryoso kong tanong sa kanya.
"Haha. Ano bang sinasabi mo Ms. A? O ayan ha. Tinawag na kitang Ms. A."
"Are you still jealous about me being Jin's-"
"Haha. That's history, Ms. A."
"So... wala ka nang gusto kay Jin? Hah! I thought you are still-"
"Simula nang marinig ko ang usapan nila at malaman ko na siya ang pumatay sa mga magulang ko, I realized that I shouldn't completely fall for him. Kahit na ang pagkakakilala ko sa kanya ay isang napakabait at napaka-gentle na tao, hindi pa rin maalis sa 'kin na... kaya lang siya naging mabait sa 'kin ay dahil sa guilt na naramdaman niya sa pagpatay sa mga magulang ko."
"You are wrong. Jin is not really a bad person."
"Yeah right. Syempre, ipagtatanggol mo siya dahil-"
"Let's not just talk about him if you are just-"
"Fine," sabi niya sabay irap. Mukha siyang nairita. Well, I just don't get why I have to explain to her my own reasons for keeping my faith to Jin. It's not like I owe her an explanation.
"Then, let's talk about something interesting instead, Miss A," sabi niya.
"Ano naman 'yun?"
"Alam ko naman na alam mo ang tungkol dito kaya hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa," sabi niya na biglang sumeryoso ang mukha. "Anong binulong ni Jin kay K nu'ng gabing 'yon na naging dahilan ng pagpayag ni K sa game na 'to?"
For a moment, nagulat ako sa tanong niya. Well, hindi ko naman kasi inaasahan na 'yon ang itatanong niya. But then, as I regained my composure, I managed to give him a smile.
"Hah! Bakit mo naman natanong, Q?"
"I am just curious about it. That's all."
"Then, why don't you ask K personally?"
"Tch. Alam kong hindi niya naman 'yun sasabihin."
"How about Jin?"
"I never talked to him after that incident. Saka baka hindi niya rin alam na alam kong buhay pa siya."
"Okay. I will give you a clue," sabi ko sabay smirk sa kanya.
"What is it?"
"Yung binulong ni Jin kay K-it has something to do with his real reason for joining the game."
"S-so hindi 'yung pagkamit ng power ni Jin ang talagang objective niya?"
"Hindi. It is to protect someone important to him."
"Huh? I don't get it. K? Duh? Wala sa personality ni K na magkakaro'n ng someone na nais niyang protektahan! Hahaha!"
"Bahala ka. Nasa 'yo naman 'yan kung gusto mong maniwala sa mga pinagsasasabi ko o hindi eh."
"Tch. Fine. Then, who's that person?"
"That's... for you to find out."
"Eh? Tch! Ano ba 'yan!" reklamo niya bago tumayo.
"Haha. Sabi ko, bibigyan kita ng clue. Hindi ko sinabi na ibibigay ko ang sagot."
"Tch. Bagay na bagay talaga kayo ni Jin! Pareho kayong tuso! Hmp!" sabi niya tapos bigla na lang soyang nawala. Ngumiti na lang ako at tumingin sa kawalan.
You still have things to find out Q. Because you don't really know K... er... should I now address him as... Red?
4 0
T H E P R A Y E R
A
"HOW ARE YOU, J?"
Pagkatapos kong makipag-usap kay Q ay binisita ko si J sa office niya. I want to talk with someone who I can be easily picked on. And Jairus is the perfect person to talk with. Pikon. Mainitin ang ulo. Asar talo. Lalung-lalo na't he was seeing terrible things in front of him-which he cannot do something about.
He glared at me, just as I expected. "I am craving for apples. Can you give me some?" Nagulat ako sa naging reaksyon niya. He didn't get mad? Parang hindi ata siya ang Jairus na nakilala ko kung ganu'n. "It's been days since I've tasted one and I-"
"Wait," sabi ko. A teasing smile started to play in my lips, "are you craving for apples or for Apple? Which one do you-" Bago ko pa matapos ang pang-aalaska ko sa kanya e natigilan na ka'gad ako. His glare intensified. Mas nakakatakot. Napalunok ako. "Look. I'm just-"
"Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, Ms. A," madiin niyang sabi. Tumawa ako nang bahagya sa sinabi niya. That's what I've been waiting for actually. Tinaas ko ang aking dalawang kamay. A sign of defeat. Though just a pretense. Just an act.
"Haha. Fine. Fine. I will bring you some," nakangiti kong sabi. "It's not like they're hard to produce using-"
Nagulat ako sa biglang pagngisi ni Jairus. Then, he did his confident 'Ninoy Aquino' pose on his table. "Right. Using my brother's power," sabi niya sabay taas niya sa kanyang kanang kamay- Holy shit.
Parang saglit akong natulala. Napanganga ko at nanlaki ang mga mata. P-paanong napunta sa kanya ang Face Card ni Jin?! Eh binigay niya sa 'kin 'yun kapalit ng hiling niya, di ba? A-alam ko nasa 'kin 'yun eh. Nasa drawer ko. What the-
Paano niya nakuha 'yun gayong magkausap kami ni Q kanina sa office ko? Wag mong sabihing-
Binilisan ko ang reflexes ko. I tried to steal it away from him. Pero imbis na maagaw ko sa kanya 'yung card e nahawakan niya 'ko sa braso.
OMG. This isn't good.
Bigla akong pinagpawisan nang malamig. Habang nakapulupot sa isang kamay ni Jairus ang dalawang braso ko, nakapalupot naman ang natitira niyang kamay sa leeg ko. Sinubukan kong manlaban pero walang epekto. He's younger. He's a man. Anong laban ko?
Should I kill him just because of something like this? No. A big no. Jin will never forgive me if I do that. "A-anong plano m-" Bago ko pa mapagpatuloy ang sasabihin ko, na-surprise ako sa paglapat niya ng edge ng card sa leeg ko. No doubt, he will use it as a weapon to kill me. Katulad nang muntik niya ng magawa nu'ng na-caught off guard niya si K noon.
He smiled devilishly, saka siya tumingin sa 'kin. "Just as what you are thinking, Ms. A. Kinabahan ako bigla. He's in his lunatic state again. Out of control. Full of angst. Full of hatred. Full of desire to take revenge. Full of desire to kill-to kill me.
"H-hah!" I tried playing it cool. Acting calm like I was just anticipating his sudden attack. "I-I know you can't kill me, Jairus," nakangisi kong sabi. I pretended that I was not worrying about my life-this second life na once nawala na, hindi na maibabalik pa. "I know you can't," dagdag ko.
"Tch. That's not for you to decide, Ms. A," sagot ni Jairus. His aura told me he's confident about his plan. And there's no way I can stop him. He is determined-determined to what?
"Eh?" I asked. Naguluhan ako bigla. What is he trying to tell me?
Tumingin siya sa paligid. Sa ceiling, sa dingding, sa nakabukas na TV screen kung saan makikitang nasa harapan nila Apple at Red si Jin.
"Hoy, Jin! Alam kong naririnig mo 'ko kaya makinig ka sa 'kin!" he shouted. I smiled secretly. So this is what his plan, huh? "Hindi ko alam kung anong masamang ginawa ko sa 'yo. I have no idea why you hate me this much! Hindi ko rin alam kung bakit mo 'to ginagawang lahat. Pero iisa lang ang sinisigurado ko sa 'yo," his voice became scary and shaky because of so much anger. "Lay a hand on apple and she-" pagbabanta niya sabay tingin sa 'kin. Lalo niyang idiniin ang card sa leeg ko, "-will die."
Buong diin niyang sinabi 'yung huling dalawang salita gamit ang kanyang mga matang sobrang nanlilisik at tinig na nakakapanindig balahibo.
"And even though you were once my best friend, the only family I ever had," this time, nakaramdam ako ng paghihinagpis sa boses niya, "isusunod kita. Tandaan mo 'yan!"
Hah! That was the most unbelievable lie you have ever said, Jairus! To kill your beloved older brother for the sake of the life of the one you love? Tch! That's foolish!
"Bibilang ako ng tatlo," dagdag ni Jairus, "kapag hindi ka pumunta dito, alam mo na ang mangyayari."
Confirmed. He's desperate-desperate in trying to protect Apple in every means possible. Even to the extent of doing this crazy stupid 'hostage' thing. Geez.
"Isa.." Umiling ako sa aking sarili at ngumiti. This time, nakahinga na 'ko nang maluwag. Hearing what J's odd plan is all about made me feel relieved.
"Dalawa.." I'm sure... Jin will not come. He knows more than everybody else that J will not kill me. Even though he have the reasons to. Kasi alam na ni Jairus, with his young age, 'yung hirap, 'yung sakit, 'yung regret ng isang taong inuusig ng kanyang kunsensya. Killing is not something he can afford to do again. And Jin's not going to fall for his trap. Because Jin will not put his feelings for me on top of his priority: his revenge.
"Tatlo.."
I widened my smile saka 'ko tumingin kay Jairus. Nagtaka siya at luminga-linga sa paligid. Walang Jin na dumating.
Hah! Your plan failed, Jairus.
Kinuha ko ang card sa kamay niya habang wala siya sa sarili. "Tch. What do you expect, Jairus? Hahaha! Jin will not-"
"I am surprised that you have now the guts to threathen me like that... my beloved little brother."
No. How can this b-JIN?!
Jin smirked at us. No, he smirked at Jairus, like he was anticipating his long-awaited reunion with his younger brother, who was the root cause of all his evil doings. The reason why he became a murderer. The reason why the game existed.
Apple
NAPAKAPIT AKO SA braso ni Red dahil sa takot nu'ng papalapit na si Jin. Kung nakakatakot si Jairus, mas nakakatakot siya. Siya ang hari ng lahat ng mga nakakatakot na tao sa buong mundo. Ang pagtitig sa kanya ay parang pagtitig sa kamatayan-no. Joke lang. OA lang ako. Haha. Eh pa'no ba naman kasi, spell NAKAKATAKOT! Define FEAR! Siya na 'yun! Siyang-siya na!
Nang mga panahon na 'yun, gusto ko sanang patigilin ang oras. At sa pagtigil nito, gagalaw ako at hahatawin ko siya ng malaking martilyo sa ulo at lilipad siya palabas ng earth papuntang Venus. Para masaya. Para wala nang gulo. At para hindi na ko kinikilabutan at natatakot nang gan'to.
Kaso syempre, isang malawak na produkto na naman 'yun ng imahinasyon ko. Resulta ng mga kwento ng yumao kong lola tungkol sa mga fairytales at kung anu-ano pang kwentong pangbayan. Haaay. Kung pwede lang sanang magkatotoo ang imahinasyon, di ba? Eh di sana... mayaman na ko, joke. Wala du'n ang usapan. Epal lang. Haha. Makapag-joke ako sa sarili ko wagas eh 'no? Pa'no naman kasi, nakatitig pa rin sa 'kin nang masama ang kuya ni J habang nakangisi. Bakit ba kasi siya naparito? Wag mong sabihing magbibigay na naman siya ng pulang sobreng may code? Utang na loob wag na! I've had enough! Saka hindi na nagpapakita si J...
Bigla akong nalungkot. Waaah. J, miss na kita.
At dahil hindi na siya muling bumalik, wala nang tutulong sa 'kin mag-solve. Wala nang sisigaw sa 'kin na ang tanga-tanga ko kasi kahit simpleng code lang hindi ko masagot. Wala nang sisigaw sa 'kin na gamitin ko ang utak ko dahil nagde-depreciate na. Wala nang mangungulit sa 'kin na bumili ako ng sandamakmak na mansanas. Leche naman. Ba't parang... naiiyak ako?
'Nu ba naman 'yan o! Wag naman ngayon! Wrong timing!
"I never know that you will grow into a beautiful young lady after the last time we've met, Apple," sabi ni Jin na siyang pumutol sa string of thoughts ko.
Biglang bumalik sa 'kin ang gabing 'yun. Two years ago. Yung gabing 'yon na hindi ako pinatahimik maging sa panaginip ko. Na saka ko lang naalala lahat dahil sa severe headache na naranasan ko.
"Pero liban don, walang nagbago sa 'yo. You are still foolish... just like before," he added while grinning. Oo. Tanga ko. Napakalaking tanga. Utu-uto. Nagpauto ako sa 'yo. Kaya ngayon, nangyari ang lahat ng 'to. Kasalanan ko ang lahat. Kung alam ko lang, kung alam ko lang e di sana... hindi nakakaranas ng paghihirap ang taong mahal ko ngayon.
"B-bakit ka nagpanggap na si Mang Ricky?" bago ko ng usapan. Ayoko na ulit kasing ungkatin pa ang nangyari noon. Baka sumakit na naman ang ulo ko. Saka isa 'yung tanong na binitawan ko sa kanya sa listahan ko ng mga katanungan sa aking isipan.
Tumawa siya nang malakas. Kainis. Kontrabida laugh. Ala Max Alvarado.
"Akala ko ba alam mo na ang dahilan, Apple?"
"May ideya ako pero-"
"Then let it be the answer! Haha. Just as simple as that."
"Anong ginawa mo sa tunay na Mang Ricky ha?"
"Oh. About that old man?" nakangiti niyang sabi. "He went to heaven early. Oh~ May God have mercy on his soul," nang-iinis niyang sabi habang nagpipigil ng tawa sa sarili.
"H-hayup ka!"
"Hindi ah. Tao ako."
"Hindi kahit kailan man magiging tao ang turing ko sa 'yo!" sigaw ko sa kanya.
Napatingin ako kay Red. Mukhang tama ang hinala niya. Si Jin nga ang pumatay sa mga magulang niya. Napansin kong nagpipigil ng galit si Red. Nakakuyom ang palad niya at nakatingin siya nang pailalim kay Jin ngunit wala rin siyang nagawa. Namayani kasi ang takot sa kanya. Nanginginig pa rin siya sa takot at kaba.
"Bakit kailangan mong pumatay ng mga tao ha?" tanong ko.
Tumawa ulit siya nang malakas bago siya sumagot na tila nakakaloko. "Dahil may mga taong nais pumatay ng kapwa nila ngunit hindi nila magawa nang personal. Kaya inuutos na lang nila sa iba. Convenient, isn't it?"
"H-hindi ako makapaniwala," sabi ko. I felt my eyes sore. Nakakasuyang tignan ang tulad niya. Hindi siya tao kundi isang demonyo. Wala siyang puso. He has no sense of morality or whatsoever.
"Hindi ako makapaniwala na ikaw at 'yung ikinukwento sa 'kin ni J na mabait at responsableng kuya ay iisa. Hindi mo ba alam kung ga'no kalaki ang respeto sa 'yo ng kapatid mo ha? Hindi mo ba alam kung ga'no ka niya kamahal?"
Wala na. Badtrip. Tuluyan nang nagbagsakan na parang rain shower ang mga luha ko. Daloy nang daloy. Ayaw huminto. Sheda naman.
"Tch. Kamahal? Hah! That's bull-"
"A-alam mo ba nu'ng inakala niyang namatay ka, alam mo bang kulang na lang patayin niya ang sarili niya para langpumalit sa 'yo? Alam mo bang hanggang ngayon nagi-guilty pa rin siya sa pagkawala mo? Alam mo bang dahil sa paghahanap niya ng katarungan para sa 'yo, n-nagawa niyang pumatay ng mga inosenteng tao ha? Tapos... tapos... bigla ka na lang magpapakita na parang isang malaking joke lang ang lahat! Hindi mo alam kung ga'no kasakit sa kanya ang lahat! Hindi mo alam 'yun kaya wag na wag mong sasabihin na hindi ka mahal ni J! Dahil mas mahal ka niya... kesa sa sarili niyang buhay!"
Tatlong magkakasunod ngunit dahan-dahang mga palakpak ang binigay niya sa 'kin. Katulad na katulad ng isang nakakalokang pamosong commercial sa TV dati na ang agenda ay mang-asar.
"Amazing. Just amazing," sabi niya na tila imbis na intindihin niya ang sinabi ko habang umiiyak nang bongga e nagbingibingihan lang siya at nang-inis pa. Ang drama niya. Kunwari na-touch siya sa sinabi ko. Plastik!
Sa sobrang inis ko, gusto ko siyang saksakin na lang ng ballpen. O-mas realistic 'yun, di ba? Kaso bigla kong naalala, kahit may dala kong ballpen, kung may dala naman siyang patalim e wa epek pa rin. Nyii. Ayoko nga. Mapaaga pa ang kamatayan ko! Nyay!
Para makabawi, through words na lang. Tutal parang puputok na rin naman ako eh! Grrr! Ang sama niya sobraaa!
Yumuko at at pinahid ko ang mga luha ko. Then, I stared at him with grudging eyes. "S-sana. Sana nga namatay ka na lang! Mas mabuti kung talagang namatay ka na lang!"
I never expected na bigla siyang mag-ii-snap dahil sa sinabi ko. Mas devilish ang mata niya ngayon. Susugurin niya na sana 'ko, at oo, tama ang hula ko, may dala siyang patalim sa kanyang suot na damit. At hawak niya na 'yun ngayon.
Titili sana ako, magtatago sa likod ni Red ngunit hindi 'yun natuloy lahat dahil in the middle of his attack, bigla siyang natigilan. Tapos tumingala siya at tumingin sa paligid.
Anyare?
Nagkatinginan kami ni Red ngunit pareho kaming walang ideya sa inaasal ngayon ni Jin. Lalo na nu'ng ngumisi niya at tumawa na naman. Nang tumingin siya sa 'kin, napadiretso ako bigla ng tayo. Syempre, 'andun na naman 'yung kaba factor. Takte! Muntik niya na 'kong patayin kanina! Shedaaa! Baka ituloy niya! Oh nooo!
Lumapit siya sa 'kin. Pipikit na sana ako at itutuloy ang na-postpone na pagtili at pagtago sa likod ni Red kaso imbis na saksakin niya 'ko ng patalim na hawak niya ay ginulu-gulo nya ang buhok ko. Pati si Red nabigla sa ginawa ni Jin. A-anong nangyayari? Can somebody explain to us kung anong uri ng saltik ang sumapi sa kapatid ni J?
"Tch. Seems like it's not your day to die yet, Apple," nakangiti niyang sabi, "since your prince, despite his restraints, still tried saving you."
Bago pa ko makapag-react, nawala na lang siya bigla na parang tutubi patrol-este-kabute-este-kukote-este-ano nga ulit 'yung sinasabi ko?!
"Apple, a-ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Red. "Bigla kang namula at-"
"EH?!" gulat na gulat kong sabi. Hinawakan ko ang pisngi ko. Peste. Ang init. Uwah. Bakit kaya? D-dahil ba... bigla 'kong naalala si J nang sabihin 'yun ng kuya niya?
'...your prince, despite his restraints, still tried saving you.' '...your prince, despite his restraints, still tried saving you.' '...your prince, despite his restraints, still tried saving you.' Paulit-ulit na rumehistro sa utak ko ang mga salitang 'yun. I-is it safe to assume that Jairus is the 'prince' he is referring to?
Wah. Sana hindi naman ako masyadong assumera nang lagay na 'yun, di ba? P-pero... W-What if... hindi naman talaga niya 'ko intensyon na saktan? Pa'no kung ginawa niya lang' yun para iligtas ako? Pa'no kung...
Aish. Ayan ka na naman sa senseless what ifs mo Apple eh!
Reality, paki-sampal mo nga ako! Nag-iilusyon na naman ako. Tch. Siguro, nagkamali lang ako ng rinig, o kaya naman, may secret message 'yung sinabi ni Jin. Hindi 'yun talaga ang meaning! Kailangang i-decode p-
Leche! Ano ba, Apple? Napapraning ka na naman! Aish.
Wag ka nang umasa please. Wag na. Masasaktan ka lang. Mas masarap pumanaw nang may buong puso kesa kalahati lang. Di bale nang puro gasgas ang puso kesa naman hindi kumpleto. Kasi tuluyan mong binigay sa taong mahal mo-na in-assume mo na mahal ka rin-pero in the end, nag-assume ka lang pala talaga. Nothing more. Nothing less. No to assumeras. Rawr.
"Tch. That jerk interfered again," pabulong na sabi ni Red na parang nanghinayang na nainis na ewan. Napalingon tuloy ako sa kanya. Saka ko lumapit at tinignan siya nang masama.
Despite that, nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita. "Aish! Jin was about to kill you-Argh! Darn! I could've won quickly without dirtying my hands."
Habang nagsasalita siya, tinitignan ko pa rin siya nang masama. Masamang-masama.
"What?" tanong niya na mukhang naasar sa 'kin.
"K..?"
Ngumisi siya. "Yes, Apple? Hah! You're pretty used to it, huh?"
"Leche. Eh madali lang naman hulaan 'no. Kasi hindi naman masama ugali ni Red. Tch. Di tulad ng isa d'yan," pairap kong sabi.
"Haha. Stop that, Apple. Pwede kitang patayin ngayon kahit ayaw niya," banta niya sa 'kin.
"Para saan pa? Hindi ka ba makapaghintay ng ilang araw ha?"
"Haha. Sabagay."
"Bakit tinake over mo na naman ang katawan ni Red ha? Bastusan ba 'to? Kinakausap ko pa siya kanina ah!" protesta ko.
"Well, he was ashamed of himself kaya I voluntarily save his face from being embarrassed."
"Ashamed? Bakit naman?"
"Cause he can't protect you," sabi niya sabay tawa. "Hahaha! That's why I hate the concept of falling inlove. It makes you weak. It takes away your strength. Your power. You rational sense. Everything."
"Hindi mo dapat sinasabi 'yan."
"At bakit naman? Mali ba 'ko?"
"H-hindi. Actually... tama ka," amin ko.
"Oh see?" sabi niya sabay ngisi. "Falling inlove is stupid."
"But I am stupid," sabi ko sabay glare sa kanya.
"Akala ko pa naman pinagsisisihan mo 'yang ginawa mo."
"Ang ma-inlove kay J?"
"Yes, isipin mo nga. Kung hindi ka na-inlove sa kanya, sure win na kayo. Pffttt-kaso hindi ka nag-iisip. Hahaha!" sabi niya sabay bunghalit ng tawa. "You didn't even think of stopping yourself from falling for him even if you know that he is always trying his best to protect and save your life. Haha. If you don't regret it, then, I will ask you," dagdag niya sabay lapit sa 'kin. Tumitig siya sa mga mata ko at naging seryoso bigla ang mukha niya. "Sino sa 'tin ngayon ang mas masama ha?"
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Bigla, parang maiiyak na naman ako.
"A-alam ko naman 'yun eh. Pero anong magagawa ko?" sabi ko sabay tingin sa kanya. Pilit kong kinokontrol ang sarili ko para hindi ako maiyak kasi ayokong umiyak sa harapan ng isa sa mga taong nagpahirap kay J. At pati na rin kay Red. Kaso... kaso... hindi ako nanalo sa emosyon ko. Tuluyan na naman akong naiyak. Habang kinukumbinsi ko ang sarili ko na... hindi naman ako ganu'n kasama. Hindi. Hindi ako kasing sama ng taong nasa harapan ko ngayon. Hindi.
"Anong gagawin ko kung hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na ma-inlove sa kanya? In the first place, kasalanan din naman 'yun ni J eh! Kung hindi siya naging mabait sa 'kin, kung nagsungit na lang siya forever e di sana hindi aabot sa ga'nto! Eh di sana... hindi ko mare-realize isang araw na mahal ko na pala siya!"
"Aahh. So you are telling me na si J ang may kasalan-"
"N-nakakainis kasi siya eh. Bwiset. Bwiset! Sabi niya... wala na siyang pakelam sa 'kin. Tapos... tapos..."
"Tch. You know what? That serves you right, idiot," sabi ni K. "Remember that we are just doing these things because of our mission. No feelings attached."
"Oo na! Tch. Pwede ba, K? Wag mo na ngang ipagduldulan sa 'kin ang mga bagay na 'yan!" sabi ko sabay pahid ng mga luha ko. "Alam ko naman na kahit magdrama ako, in the end, ako pa rin ang may kasalanan ng pagkatalo niya kaya hindi mo n-"
"Ang tinatanong ko kanina sa 'yo e kung bakit hindi mo pinagsisisihan ang ginawa mo. Tch. I did not ask you to rant in front of me. We are enemies after all. Stop showing your weak side. It pisses me off."
Tumingin ako kay K. Oo nga naman. Ang epal ko kasi. Nadala na naman ako ng kadramahan ko. Pinag-isipan ko ang lahat. At na-realize ko na... tama. Wala nga 'kong pinagsisisihan. Aish. Bakit ba 'ko nagdududa kanina sa sarili kong nararamdaman? Eh ano ngayon kong hindi niya 'ko mahal? Does that even matter? Ang importante... mahal ko siya. Tapos.
"Naiintindihan ko na mali na mahalin ko siya. I understand that in my head kaso... kaso... wala eh. Before I knew it, nahulog na 'ko sa kanya." Umiling ako at ngumiti. Namumuo na naman ang mga luha sa mga mata ko. Kainis. "Hindi. Hindi ako nagsisisi. Bakit? Kasi naniniwala ako na... kahit mawala ang lahat, kung meron kang pag-ibig sa puso mo, ayos lang."
"Tch. That's stupid," sabi niya na mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Na parang 'yun na ang pinakawalang kwenta kong naging desisyon sa buhay ko. Ang pangatawanang na-inlove nga ako.
"Because of me, he lost everything. Ako ang nagsimula ng lahat. Kung hindi ko tinulungan si Jin nu'ng gabing iyon, hindi mawawala ang lahat kay J. And I would gladly accept my death and lose everything-even my life-para pagbayaran ang nagawa kong kasalanan sa kanya. Alam kong iniisip mo na napakatanga ko para sabihin ito pero, gusto kong piliing mamatay dahil sa pag-ibig."
"Tch. bahala ka sa buhay mo," sabi ni K sabay talikod. "Whatever you'll say, I will become the winner anyway."
Pagkaalis niya, pumasok na 'ko sa dorm room at nahiga sa aking kama.
I hope and pray to God in heaven, na pagkatapos kong makain ang forbidden apple sa ika-pitong araw, He will forgive Jairus from all his sins. I want him to live. Even if I will have to die.
4 1
T H E C O N F R O N T A T I O N
A
BINITAWAN AGAD AKO ni Jairus nang makita niya si Jin. They started glaring at each other. I can feel the presence of anger between them.
Somehow... I don't like what will about to happen.
Ngumisi si Jairus saka umiwas ng tingin, like seeing his dead older brother alive and talking and creating havoc in his life, is the most ridiculous thing that can ever happen to him. Pero anong magagawa niya? He's alive. He's here.
And their most awaited confrontation is about to start.
Apple
FIFTH DAY. 4:09 PM.
Nasa library ako at gumagawa ng mga thank you cards sa mga naging bagong kaibigan ko habang nag-aabang na dumami ang mga librong nakatambak sa mga lamesa. Mas maganda na kung isahang balik na lang. Nakakapagod kasi magsoli ng mga libro sa kani-kanilang bookshelves lalo na kung paisa-isa. Tch. Tapos malaman-laman ko na lang 'yung kakasoli ko lang e hiniram na naman tapos itinambak sa lamesa? Nakakaasar 'yun, di ba?
Kaya uupo muna 'ko sa may gilid at tatapusin ko ang mga card na 'to. At least, kahit sa maiksing panahon na nakasama nila, maramdaman man lang nila, through this hand-made letter na na-appreciate ko sila at masaya 'ko na naging parte sila ng buhay ko-este-ng second life ko. (Pag buhay kasi parang isa lang. Eh pangalawa ko na 'to. Haha. And this will be my last.)
Friday na Friday pero hindi ko mabanggit 'yung abbreviation na paborito kong banggitin bilang estudyante. 'Yung TGIF. Thank God It's Friday. Waaah. How can I thank God that it is already Friday kung sa Sunday mamamatay na 'ko?
Nakakapanlumo, di ba? But there's no use sulking. Hindi ko naman pwede pabagalin ang oras. Kung may kapangyarihan ako na mapa-slowmo 'yun, it will just give me more pain. Lalong mahirap. Torture. Nakakabaliw. Nakakaloka. At ayoko nu'n. Kasi kung ngayon nga e pinipilit kong kayanin ang mga natitirang araw ng buhay ko, lalo pa 'pag tumagal pa. Baka di ko kayanin. Tapos yung extention hindi mo alam kung hanggang kailan? Sus! Wag na. Mas malala 'yun. 'Yung hindi mo alam kung kailan ka machuchugierts? Mas okay na 'to. At least, makakapaghanda ako. Katulad nito. Katulad ng ginagawa kong thank you cards.
Teka. May bigla akong naisip. May kwenta pa ba 'tong ginagawa ko?
Sabi kasi ni J, if I die violating that no-to-love rule, I will turn into nothingness. Can I equate that to someone who never existed? 'Pag namatay ba 'ko sa Sunday, it's as if hindi ako nabuhay?
Lahat ba ng tao hindi na 'ko maalala? Hindi na 'ko matatandaan? Lahat ba sila kusang malilimutan na minsan sa buhay nila, may babaeng Apple Cruz ang pangalan na nakilala nila, nakasama, naging kaibigan o kagalit, nakausap o nakapalitan ng simple greetings like 'hi' or 'hello'? Na kapag tinanong sila ng 'kilala mo ba si Apple?' ang sagot agad nila ay isang masakit at nakakadurog ng puso na 'sino yun?'
What if... mabuhay si Jairus? What if... dinggin ni God ang tanging hiling ko na wag na siyang ma-punish dahil sa pagkatalo niya sa game? Ibig sabihin ba nu'n, makakalimutan niya na rin ako? Sasagot din ba siya ng 'sino yun?' 'pag may nagtanong sa kanya ng tungkol sa 'kin?
Napayuko ako at nalungkot. Kung mamamatay pala 'ko tapos hindi niya rin ako maalala, na parang hindi niya 'ko nakilala in the first place, then,anong kwenta ng desisyon ko? Balewala din pala. If he will not remember me then my upcoming death will just be... meaningless. Walang saysay. Walang kwenta.
"Apple, naka-out ba yung book natin na Hope ni Lesley Pearse?" naputol ang pagsesenti mode ko nang bigla kong maulinigan si Ma'am Ana. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya. Inulit niya lang muli ang tinanong niya kanina.
"Hope? Ah! Yung may babae po sa cover?" Tumango si Ma'am Ana. "Ay opo. Nung umaga po may nanghiram."
"Ah ganu'n ba? Sige sasabihin ko," sabi niya sabay ngiti tapos itinuon niya na ulit ang atensyon niya sa isang estudyanteng nanghihiram nu'ng book.
Hope, eh?
'Because, apples remind me of the past. For me, an apple a day, means hope-hope that one day, I will find in my heart... his forgiveness. A hope that through avenging him, he will get the justice that I seek for him.'
Napangiti ako upon remembering that. For someone like me who hates her name the most, that line-that very line of him-moved my heart. Now that I've think of it, bakit kaya nung time na 'yun, hindi ko man lang sinabi sa kanya? Na sobrang saya ko kasi... binigyan nya ng bagong kahulugan ang pangalan ko. Bakit kaya?
Hope. Pag-asa. Something that helps a human to survive and carry on with his life.
Napangiti ako. Tama. There's no use sulking. Serving as a hope to someone is more than enough... more than enough para i-convince ang sarili ko na lahat ng bagay may kabuluhan.
And my existence has a purpose. And that is... to be his... only... hope.
A
"I'M GLAD TO finally see you," nakangising sabi ni Jin.
"I feel the opposite," Jairus replied coldly.
Tumawa nang malakas si Jin. "Is that how you treat your older brother? I thought you would say, 'I miss you kuya!' or something like that. Haha!"
"Why did you start all these?" His tone became serious. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Walang katinag-tinag sa pang-iinis sa kanya ni Jin. Nawala ang ngiti ni Jin sa tanong ni Jairus. Saka siya naglakad-lakad at lumapit sa 'kin. He tapped my right shoulder tapos pinaurong niya 'ko sa likod niya.
I want to ask why but my mouth refused to follow my command. Nanahimik ako at hinintay ang kanyang sasabihin.
"Isn't that supposedly my line?" nakangising sabi ni Jin, staring back at Jairus. Although may pagkapalabiro ang pagkakasabi niya nu'n, I can feel that there is depth in his answer. There is depth in his stare.
"Tch. So you are putting all the blame on me?" pairap na tanong niya sa kapatid.
"Hah! Because you are..." sagot ni Jin habang pinandidilatan ng mata si Jairus. "..the reason why all these things must happen."
"I don't know what you are talking about, Jin." His deadly glare remained.
"Isn't it unfair on my part to be your reason for doing all th-"
"You deserve it, Jairus," Jin said in a serious tone.
"I don't remember doing anything bad to you, J-"
A sarcastic laugh. That laugh stopped Jairus from talking. "Your mere existence is already a sin."
"What?" tanong ni Jairus na hindi maintindihan kung ano ang ibig ipakahulugan ni Jin sa sinabi niya.
"The fact that you were born in this world is something I cannot forgive."
"Tch. Ano bang sinasabi mo? We are brothers, right? How come you're say-"
Umiwas ng tingin si Jin. I saw his eyes stare from different direction. His fiery eyes. Its heat-I could feel. He gritted his teeth and clinched his first.
"You-!"
"Jin!" pigil ko sa kanya sabay hawak sa kamao niya.
"Don't stop me, Amelia," sabi niya sabay tingin nang masama sa 'kin. I was taken aback by his response. Agad akong nanahimik na lang. Ayokong lalo siyang galitin pero-
"Tch," sabi niya sabay ngisi kay Jairus. "Do you think I want to be your brother? Hah! Don't make me laugh!"
"Hindi kita maintindihan, Jin."
"Tch. I thought you are genius," he said in a mocking tone. "How come you can't understand what I'm talking about?"
"W-why..." Jairus said in a low tone. "..do you h-hate me?"
"Fine! Allow me to express my disappointment by raising my hands," sabi niya sabay taas ng dalawang kamay, "seems like I overestimated your brain capacity, Jairus."
"I thought we are-?"
"First, I want to clarify this to you: I never considered you as my brother. Not even once."
"So you hate me because I exist, am I right?"
"Whoa. Finally! You are using your magnificent brain!" sabi ni Jin in a hilarious voice. I am surprised na mas mahaba ang pasensya ni Jairus ngayon. Hmm. Well, that's probably because... he loves (or should I say loved?) his brother very much, who unfortunately... hates him to death.
"Honestly, hindi ko kahit kelan man naisip na may galit ka pala sa 'kin. I thought-"
Ngumisi si Jin. Bumungisngis. "Remember what I said to you before? Yung tungkol sa mga magulang natin. Sinabi ko sa 'yo na wala na silang pakialam sa 'tin kaya iniwan na lang nila tayo basta-basta. Those were all... lies."
"Huh?"
"Before you were born, I was happy with my life. Mom and dad, they cherish and love me so much. I was so happy-that's... until you came," he emphasized his last three words, glaring at Jairus. "Simula nang ipinanganak ka, napunta na ang lahat ng atensyon nila sa 'yo. At such a young age, you manage to impress everyone. You are genius. You are everything all the other parents in this damn broken world want as their own child. That is why mom and dad constantly brag about you being like this and that. You are everything-everthing I am not. You are everthing. And I... who once were their 'everything' became nothing... nothing in their eyes. Like I never existed. Like you are their only son. You have taken everything away from me. Mom and dad. My happiness. My-"
"I don't think you are-"
"Shut up! Wala kang alam, Jairus! Wala. All you know is to flaunt yourself. Pretend to be a good damn kid. A perfect kid in everyone's eyes. Then that time arrived. Binalak nilang magpa-anul ng kanilang kasal."
"What?! I-I haven't heard of th-"
"At alam mo kung anong masakit Jairus? Nung paghahatian na nila tayong dalawa... n-nu'ng mamimili na sila... both of them wanted you," nakangiti si Jin habang nagkukwento. Ngiting peke. Ngiting alam mong may itinatagong sakit-sakit na ilang dekada niya nang kinikimkim. Then a teardrop fell from his eye. "Both of them have chosen you. See? Nobody wanted me. Nobody had chosen me."
Tumingin ako kay Jairus. This revelation was quite a shock to him. Of course, because he didn't know. He's clueless. Yumuko siya. I knew he will feel guilty about it.
"Alam mo nu'ng narinig ko 'yun? Nagdilim ang paningin ko.I tried killing you. Yes, natutulog ka nu'n. Kumuha ko ng kutsilyo sa kusina. Unfortunately, nagising sila. They stopped me. Pero hindi sila nagtagumpay. Because I was taken by my hate that time, I accidentally killed them both," nakangisi niyang sabi. "Paulit-ulit, Jairus. Paulit-ulit ko silang sinaksak like some young freaky kid in thriller movies."
"Y-you killed our parents..?" hindi makapaniwalang tanong ni Jairus.
"Well, I am not planning to. But I did," sabi ni Jin na mukhang naging semi-serious na ang tone. Nagbalik na naman siya sa unpredictable na side niya. Yung side na hindi mo alam kung nakakaloko o seryoso. Kung nagbibiro ba o hindi. Siya lang ang nakakaalam. Minsan, nahuhulaan ko ngunit hindi sa lahat ng panahon ay naiintindihan ko ang mga hidden meaning sa bawat lumalabas na salita sa bibig niya.
Ngumisi siya. Nang-iinis na ngisi. "Haha. I guess... that can't be helped, eh?"
"HAYUP KA!" Nagulat ako nang biglang kinuwelyuhan ni Jairus ang kuya niya. "'Can't be helped'? Tch! Bakit kailangang sila ang patayin mo? Ha? Mga magulang natin sila! Mga magulang natin!"
Tears started to fall out of Jairus's eyes. Those tears are full of hate. Of regret. Of guilt. A mixture of everything.
"DAMNIT! Sana ako na lang! Sa 'kin ka lang galit, di ba? Bakit? Bakit dinamay mo pa sila? Wala silang kasalanan sa 'yo, di ba? MAGSALITA KA JIN!!"
Jin smirked, and using his force, tinanggal niya ang mga kamay ni Jairus na nakahawak sa kwelyo niya.
"Tch. Sa tingin mo ba hindi ko 'yan naisip, ha? I've though of that a millions times already! Na kundi dahil sa 'yo hindi ko sila mapapatay!! Because of you nagawa kong patayin ang mga taong bumuhay sa 'kin!!"
"So you are saying that it's me..? It's my fault that they died..?"
"Yes. And you should feel guilty," madiin niyang sabi. "Because it's your fault they died. Because of protecting their precious child, they sacrificed their lives. Isn't that awful?" nang-iinis na dagdag ni Jin.
"I don't understand. Kung galit na galit ka sa 'kin to the extent na tinangka mo 'kong patayin, bakit hindi mo na lang 'yun ginawa ulit?! Bakit kailangang magpanggap ka bang mabait sa 'kin? Why do you have to let me believe that you are such a damn good older brother to me?"
"Well, I have to convince everyone that I am not capable of killing anyone-especially our parents," he said while constantly having his sly smile.
"Pinag-aral mo 'ko, binuhay-lahat ng 'yon? Lahat ng 'yon ay dahil lang s-"
"Don't get me wrong Jairus," he said in a pokerfaced expression sabay tingin sa kapatid niya. "Ginawa ko ang lahat 'yon hindi lang dahil ayokong makulong. I did that so I can start getting everything that you have taken away from me. Slowly."
"What?"
Ngumisi siya at sinamaan ng tingin si Jairus. "First, I let you believe that I am such a good person na kayang gawin ang lahat para lang sa kanyang pinakamamahal na kapatid. In short, gaining your trust. Unfortunately, while I'm on my step two, I discovered that someone knew that I was the one who killed our parents. He threatened me. Forced me to become... an assassin. A paid murderer. It turned out that he was impressed by my disguise."
"S-so 'yung pinangpapaaral mo sa 'kin ay-"
"Yes. Galing lahat 'yun sa pagpatay ko. Oh, should I mention some of those you know personally na pinatay ko ang mga magulang?" he asked sarcastically.
Nanlaki ang mga mata ni Jairus. "W-wag mong sabihing-"
He gave a creepy smile and answered, "Yes. Hindi totoong nawawala ang mga magulang ni Apple. Dahil matagal na silang patay. Hahaha. Matagal ko na silang... pinatay."
4 2
T H E R E G R E T
A
AN EXPECTED ATTACK. Sinuntok ni Jairus sa mukha ang kanyang kuya. Nanlilisik ang mga mata niya. Mas nakakatakot kesa kanina. Parang papatay ang titig niyang iyon.
"Y-you killed her parents because of money?" tanong ni Jairus. His tears. 'Andyan na naman. But he doesn't mind it. Jin smiled saka siya tumango ulit. Another blow. But this time, on Jin's stomache. I saw him in pain but his smile never fades.
"Alam mo ba ha? Alam mo bang dahil sa 'yo... dahil sa 'yo... she suffered alot from her relatives?!"
"Hey, her relatives have nothing to do with me. I just killed her parents. And incidentally, siya din ang tumulong sa 'kin para mapeke ko ang sarili kong pagkamatay. That's all," nakangisi niyang sabi.
"A-ANONG SABI MO?!"
"I met Apple in the past. High school pa siya no'n. And she was like a Good Samaritan who helped me with my plans. Can't believe it, Jairus? Hah! That's because I instructed her to forget about our meeting. Hahaha!"
"DAMN YOU!" Isa pang suntok sa mukha. "Bakit mo sya sinali sa laro ha? BAKIT?!"
"Oh, Amelia specifically chose her. You know how a girl can be a weakness, right?"
"D-dahil lang do'n? Ha? Dahil lang do'n dinamay mo siya sa paghihiganti mo sa 'kin?!"
"No. Not really. I think she's the type of person who can easily be fooled. That's why it's easier to use her-"
Another hit. Followed by another. And another. Galit na galit si Jairus. Sobrang galit na galit siya. Gusto kong sumigaw. Gusto ko silang pigilan. But I know that I will just be a nuissance if I do that. Alam kong ito ang pinakaaabangan ni Jin sa lahat. Ang makaharap ang kapatid niya-ang kapatid niyang umagaw ng lahat sa kanya. Their parents, his happiness, his sanity-everything. Ang hindi ko lang alam, bakit hinahayaan niyang patuloy na suntukin siya ni Jairus?
I thought everything that we planned together, the game, Apple's involvement; I thought it was for his revenge. Eh anong ginagawa niya? His smiling while droplets of blood started to appear outside his lips.
I want to cry for him. He doesn't deserve to be treated like this. He doesn't deserve to be accused-to be judged. Why is he explaining his side in a tone which makes the other party think that it was his entire fault? He's not the bad guy here. It was Jairus' fault. If it weren't for him, hindi naman mangyayari ang lahat ng 'to eh. Sabihin na nating wala siyang alam. He's innocent. But ignorance is never an excuse. And it will never be.
Yes, Jin is a killer. A hired killer. But deep in side, he is a good person. He is. I know. Not because I love him... but because I know who he really is..
Six years ago, nu'ng medyo mahaba pa ang buhok ko at nasa twenties pa lang ako, I've met a guy. And I never thought that this weird guy would change my life... forever.
I was taking out some of the flowers of the shop where I was working part-time. It was a fresh Monday morning. A fresh start for the expected busy day in the month of February.
At para sa isang napakaaliwalas at napaka-promising na araw, isang napakadalang napangyayari ang makakita ng isang lalaking umiiyak sa isang sulok. Sa tabi ng flower shop.
I was about to approach him but I stopped myself. The moment I saw his clothes soaked with blood, naisip ko nang... I should not involve myself with that kind of person. After all, he was... a dangerous guy.
Babalik na sana 'ko sa shop kaso may tumapik sa balikat ko. That moment, gusto ko nang tumakbo. Pero hindi ko nagawa. Mas namayani ang takot at kaba sa sa 'kin. I slowly tilted my head towards his direction.
"A-anong-"
"I never know that all people judge others with their appearance," he said na mukhang na-disappoint sa 'kin. His face was still wet with tears but his expression changed from sad into a bossy one.
"Look, mister, I am not-"
"Amelia? Naiayos mo na ba ang mga bulaklak du'n sa labas?" nailinigan kong sabi ng boss ko.
"O-opo! Papasok na din po ako!" sigaw ko sa may loob.
Ngumisi 'yung lalaki. "Amelia, huh? Tch. Bagay sa 'yo ang pangalan mo."
"E-excuse me?" I feel suddenly offended because talked like he was someone I knew.
Tumawa niya bigla tapos nagsalita ulit. "A blend of two Medieval names: the Latin Emilia and the Latin German Amalia, meaning "work". Amelia-a workaholic young woman with a not-so-good attitude towards strangers."
His manner of talking. His intelligent answer. His confident smile. His humor. Those completely erased my opinion about him.
"A huh? So what if I am?" mataray kong sagot.
"Nothing. I was just thinking if I can talk to the owner of this store and-"
"A-anong balak mo?" I quickly asked. Alarmed in some ways. Naisip ko kasi nu'n na baka i-badmouth niya 'ko sa boss ko at masesante ako nang di oras. Mahirap na.
Tumawa siya nang bahagya. "Relax, Amelia. I was going to ask her about the language of flowers."
"Eh? Bakit naman?" Somehow, I felt pissed off by this jerk. Pwede naman niyang itanong sa 'kin! Mukha ba 'kong walang alam sa mga bulaklak? Hindi ba given na 'yun? Or is it because of my attitude that he started to doubt my knowledge about my work?
Nagulat ako sa biglang pagbabago ng expression ng mga mata niya. They were extremely sad and mourning.
"I lost my parents last night. I want to bring them flowers for their burial."
"Oh. My bad. Please accept my condol-"
"Can I talk to your boss now?" he asked, na parang gusto niya nang ialis sa topic na 'yun ang usapan.
After ko niyang ma-meet ang boss ko, na katulad ko ay natakot din sa mga damit niya ay iniwan ko na sila. After several minutes, nakita ko siyang lumabas ng shop na may dalang malaking bouquet ng sari-saring bulaklak na napakaganda ng pagkaka-arrange.
Kaso may napansin ako sa mga pinili niyang bulaklak. Star of Bethlemen, Yellow Rose, Eglantine Rose, Rue, Cypress at Bird's Foot Trefoil kasi ang mga iyon. Kung sa language of flowers, that would mean, atonement (para saan? Atonement of sins ba ang gusto niyang sabihin?), apology, extreme betrayal (ano 'yun? He wants to apologize for betraying someone?), a wound to heal (does that mean he caused other's suffering?), regret (and that he regret what he have done?), death (itong sa Cypress gets ko pa kasi namatayan nga siya ng mga magulang) and lastly, revenge (kanino siya magre-revenge?).
Connecting all of those clues, naisip ko na baka gusto niyang ipaghiganti ang mga magulang niya dahil sa pagkamatay nito. But some parts are not in sync. Is there a possibility na siya ang pumatay sa mga magulang niya?
An image of his sad face flashed in my memory. No, I don't think, based on the way he spoke to me awhile ago, he could do that. If you are the killer, would you dare go back to the scene of the crime to offer some flowers?
The questions in my head were answered by him, personally, when I met him one Saturday evening near the shop.
"Oy Ms. Workaholic. Sabadong-Sabado, busy ka pa rin?" 'Yun ang paunang bati niya. Ang balak ko pa sana e ii-snob-in ko ang kanyang presensya kaso wala eh. Kinausap niya na 'ko. He started a conversation. Of course, I have to respond. Unless I want to be called 'rude' or 'snob' for real.
I looked at him. His eyes were bloodshot. Pulang-pula. Naka-droga kaya 'tong lalaking 'to? He's a dangerous guy after all, wasn't he? But then I paused for a moment. Stopping myself from starting another trend of offensive thoughts in my head.
First, even though his eyes were red, they look miserable. Mukha siyang hindi natutulog. Or is he a zombie? No, of course not. Not in this era, Amelia.
Ngumiti siya. His smile was contagious in a different way.It could make you sad.
"H-hindi mo ba itatanong..?"
"Eh?"
"You saw me, right? You know, crying like a-"
"Oh. That," naisip ko na, in-open niya' yung topic. Meaning, he wants to talk about it. I guess there's nothing wrong with that, right? "If my deductions were right, you killed your own parents, right?" I asked with a poker face. I want to hold on to my emotion. I don't mean to offend him but I am just not the type who will hide what I wanted to say, especially if I was given the chance to express my thoughts to another individual. Especially to a stranger.
I was surprised by his reaction. He laughed. Yes, wholeheartedly. Then, tumingin siya sa 'kin.
"For someone who suspects me of killing my own parents, aren't you-"
"Oh yes. You can say that just by my manner of talking to you is already an evidence that I am taking my guard down."
Mukhang natuwa siya sa sinabi ko. But he said something outrageous that even an imaginative person like me wouldn't have imagine.
"Have you, by chance, fallen in love with me?"
"Do you wanna die right now?"
"Hah!" he said, still amazed by my way of responding to him, "I guess it's my line..?"
"Probably," nakangiti kong sabi. That moment, hindi ko alam kung bakit ako ngumiti. Or why did I even think that talking to a killer can be an interesting experience.
Tumawa ulit siya. Tapos sumeryoso na.
"Honestly, aren't you a bit scared of me?"
"Killers kill because they have the reason to. And you, I believe, have no reason to kill me, right?"
Naniniwala ako don'. If I ever have the chance and the self-confidence, I will kill my stepfather. He deserves to be brutally murdered. Seriously.
"Heh~ somehow, I am amazed by your-"
"Yes. It was already written all over your face."
"Haha. Is that so?"
"Com'on. Tell me."
"Huh?"
"What's your reason?"
Silence. Now I realized something. He really did regret what he has done. And the depth of his guilt cannot be counted just like the stars floating in the dark vast evening sky. I waited for his response. Pero hindi dumating 'yon. Kaya tinignan ko siya sa mga mata niya. His eyes suddenly looked scared.
"Haha. Don't worry. I will not contact the police after your confession."
"Haha. That's not it. It's just that-"
"You killed for a petty reason?"
Tumango siya. Tumawa ako nang bahagya. "Then let's see how petty it is. Com'on. Magsimula ka na."
He told me everything while crying. Yes, while crying. For a mere stranger talking to another stranger, it was amazing that during that time, I felt that he did nothing wrong. He was so full of it. He wanted to breakaway. To escape. Kaya niya 'yun nagawa.
And those tears. I don't think they are fake. Jin's tears are always real. It's not something he can fake. Unlike his smile and words and actions and facial expressions-unlike all of them, his tears are real."
Apple
SIXTH DAY. 7:34 AM
Kahapon, pagkatapos kong gawin ang lahat ng mga dapat kong gawin sa school like yung pagtapos ng library duty ko at pamimigay ng mga thank you cards e umuwi na 'ko. Habang naghihintay ako ng antok nu'ng gabi, na nakakainis lang kasi ang tagal ako dalawin, naisipan kong umuwi sa tita ko. Oo, sa mga kamag-anak ko. Makita ko man lang sila for the last time, di ba?
Kahit kasi pinagtabuyan nila 'ko, may utang na loob pa rin ako sa kanila. Syempre, sila kasi ang nagpa-aral, nagpakain at nagpatira sa 'kin sa loob ng apat o limang taon. Hindi biro 'yun. Lalo na kung hate na hate nila ako? Aba! Achievement na nila 'yun na napagtiisan nilang patirahin ako nang ganu'n katagal sa kanila!
Kaya eto, umagang-umaga, tagos hanggang bones na nga ang lamig ng Ber month e 'andito ko sa harap ng bahay nila. Kabababa ko lang ng bus kanina at ngayon, parang nagdadalawang isip na naman ako tumuloy.
Naisip ko kasi na baka ipagtabuyan na naman nila 'ko. Yung tipong babati ka palang ng 'magandang umaga' e pagsasaraduhan ka na nila kaagad ng gate. At take note: may kasamang poot 'yun. Magdadabog pa sila at asahan mo nang may kasamang reklamo. Aish. Pa'no ka ba naman gaganahan bumisita 'pag ganu'n, di ba?
Pero dahil nag-aksaya na rin lang ako ng pamasahe at ayokong mamatay nang hindi ko sila nakakausap ng matino (sana) e minabuti kong pindutin ang doorbell. Nung napindot ko 'yun, parang naduduwag na naman ako. Parang gusto ko tumakbo, yung katulad ng ginagawa ng mga batang malakas ang trip na pipindot ng doorbell tapos tatakbo na lang bigla palayo? Yun. Parang ganu'n ang gusto kong gawin kaso bago ko pa mautusan ang dalawa kong paa, nagbukas na agad ang pinto.
Si tita. Ang laki ng ipinayat niya. Ang laki rin ng itinanda niya. Ang lalim ng eyebags niya. Mukha siyang haggard. Walang pahinga at puyat lagi. Ang alam ko, almost two years (o lagpas na?) nu'ng huli kaming nagkita pero feeling ko tumanda siya nang sobra sa itsura ngayon.
"A-Apple?"
Syempre, ine-expect ko nang magugulat siya kaso may nangyaring unexpected.
"Opo, ako po ito. Umm, tita, ano-" Mag-e-explain pa nga lang sana ko kaso bigla niya 'kong niyakap nang mahigpit saka siya humagulgol. Eh? Anyare kay tita?
"Huhuhu. Anak, mabuti at dumating ka! Ang nanay at tatay mo! Huhuhu! Natagpuan na namin ang mga bangkay!" Umiiyak siya habang nagsasalita. Ako naman parang na-frozen. Hindi ako makapagsalita. As in nanlaki talaga ang mga mata ko sa pagkagulat. Teka. Brain processing... brain processing. Ano ulit 'yung sinabi ni tita? B-Bangkay? I-ibig sabihin ba nu'n ay-? "Huhuhu. Anak, pinatay sila. N-naagnas na ang mga b-bangkay nila nu'ng matagpuan ng mga pulis sa isang bakanteng lote sa Pasig nu'ng isang linggo. Huhuhu!" Nagpatuloy ulit si tita sa pag-iyak. Ang higpit pa rin ng pagkakayakap niya sa 'kin.
Ako naman, hindi pa rin makapaniwala. S-seryoso ba 'yun? P-patay na... sila?
Ni hindi ko na nga maalala ang mga mukha nila. Ni wala nga akong memorya na kasama ko sila. Ni hindi ko pa sila nasasabihan ng... 'ma, pa, I love you.' Hindi ko p-
Pakiramdam ko nu'n, napaka-cruel ni God sa 'kin. Tanggap ko na ngang mamamatay na 'ko bukas e... pero bakit naman kailangang pati mga magulang ko pa? A-akala ko ba, nawawala lang sila? A-akala ko b-
Nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko. Sunud-sunod. Lord, bakit? Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito? Bakit?
4 3
T H E I M P O R T A N C E O F L I F E
Apple
SIXTH DAY.
2:24PM
Nakatitig lang ako sa puntod nila. Nakatulala. Hindi makapaniwala.
Mugto na ang aking mga mata. Pero kung bibigyan pa 'ko ng chance ni Lord, gusto ko pang lumuha. Lumuha nang lumuha. Hanggang sa... hindi ko na kaya.
Isang buwan na daw mula nang matagpuan ang bangkay nila sa Pasig. Naisip ko tuloy... Pasig? Ang layo kaya nu'n sa Caloocan! Pano'ng... pano'ng napadpad sila do'n?
Sabi pa raw ng mga pulis, nade-decompose na raw ang mga bangkay nang matagpuan nila. Buti raw at nakakita sila ng IDs sa mga bulsa nila, kundi ay hindi sila maa-identify.
Pagkatapos ng konting pag-iimbestiga, ayun, bongga. Wala silang ideya kung sino ang may gawa. Sabagay, ano nga ba ang aasahan ko sa mga pulis, di ba? At dahil matagal na pala silang patay ay wala na ring nagawa sina tita kundi ipalibing sina mama at papa isang araw matapos na ma-transfer ang bangkay nila sa bahay nila tita.
Pinahid ni tita ang kanyang mga luha at nag-sign of the cross saka tumayo na mula sa pagkakaluhod sa tapat ng puntod nila mama at papa.
Tinapik niya ako sabay sabing, "Tara na, hija. Tara na."
Kahit isang buwan na ang lumipas ay hindi niya pa rin matanggap ang mga pangyayari. Although may ideya na siya na maaaring wala na ang mga ito dahil ilang taon na silang nawawala, hindi niya alam na ganu'n pala kasakit 'pag dumating na ang katotohanan. Na tama siya ng hinala. Na patay na nga sila. Na wala na siyang magagawa. Na huli na ang lahat.
Napakuyom ako ng palad. Kung sino man ang gumawa nito sa mga magulang ko... hindi ko siya mapapatawad. Hindi. Hinding-hindi. Isasama ko sa pagkamatay ko ang galit ko sa taong 'yun.
Actually, kung isang computer game nga lang 'tong buhay ko, gusto kong tadtarin siya ng armalite, tapos ubusan lahi. Lahat ng kalahi niya, totodasin ko. Kaso bigla kong na-realize na... reality nga pala ito at hindi ako isang gamer. Isa pa, kulang na ang nalalabing oras ko para magbalak pa ng kung anu-ano. Dahil ilang oras na lang, susunod na 'ko sa kanila... sa kabilang mundo.
Oops. Sorry. Mali pala. Impossible pala akong mapunta sa heaven or hell. Magdi-disappear nga pala ako. Mawawala ang aking existence. At wala ni isang... makakaalala sa 'kin. Wala ni isa.
Pagkauwi namin sa bahay nila tita, agad kong napuna na maraming nabago. Parang patay ang mga kulay ng kurtina at sofa. Ang dingding, may agiw. Walang buhay. Parang si tita. Parang ako-soon. (Takte. Parang palabas lang sa TV. Coming soon.)
"Apple hija, dumito ka muna kung gusto mo," sabi niya.
Umiling ako at ngumiti. "Wag na po, tita. T-talagang dumalaw lang po ako."
"I'm sure na napagod ka sa byahe mo. Ang layo pa man din ng Maynila rito."
"Naku," sabi ko sabay tingin sa kanya. "Hindi naman po gan'un kalayo ang Maynila sa Cal-" Bigla akong napahinto. Pa'no nalaman ni tita na nasa Maynila ako? Eh di ba mula nu'ng pinagtabuyan niya ko e wala na siyang balita sa 'kin? Sa parehong paraan na wala na rin akong balita sa kanya? O e pa'no niya nalaman?
"Ah. Siguro nagtataka ka kung pa'no ko nalaman kung sa'n ka tumutuloy, ano?" tanong ni tita habang nakangiti nang bahagya. Somehow, parang gusto ko siyang sabihan na mas kailangan niyang magpahinga kesa sa 'kin. Mukha siyang pagod na pagod. Sa maraming bagay na hindi ko alam. At sa iilang bagay na maaaring alam ko ngunit hindi ko na pinilit na alamin.
Tumango na lang ako. Medyo awkward pa rin kasi. Imagine yourself na nakikipag-usap sa taong kulang na lang e hagisan ka ng pinagbanlawan ng kanyang mga labada para chumupi ka sa tapat ng bahay nila? Di ba parang ang hirap gumalaw? Uncomfortable? Tapos 'pag dalaw mo after two years, ganto kayo. Parang walang nangyari. Ano 'yun, kalimutan na lang? Haha.
Hindi naman sa gusto kong magtanim ng galit sa kanya. Nakakapanibago lang. Hindi lang ako sanay at... hindi ito ang ine-expect ko. After all these years kasi, I'm expecting na wala na 'kong babalikan. Wala na. Ngunit, sa marami at paulit-ulit na pagkakataon, mali na naman ako ng hinala. Kelan ba naging tama ang hinala ko, tanong ko lang. Aish. Basta, kung isa-summarize ko ngayon ang nararamdaman ko, masasabi kong undefined. Char! Meganon? Oo, kasi hindi ko ma-explain. Pinaghalu-halung halu-halo este-pinaghalu halong emotions. Pagkailang, lungkot, konting saya, hiya at kung anu ano pa.
"Ang totoo niyan, may dalawang kabataan na lumapit sa 'kin ilang linggo matapos kitang palayasin sa pamamahay ko. Sinabi nila sa 'kin na naninirahan ka sa isang dormitory sa isang private university sa Maynila. Nung malaman ko 'yun, nawala ang bigat ng pakiramdam ko. Ang totoo kasi niyan, anak, pinagsisisihan ko ang ginawa ko sa 'yo. Naging malupit ako. Pagpasensyahan mo na ako, ha? Medyo tumatanda na," paliwanag niya sabay tawa nang bahagya. Teka. D-dalawang kabataan? Dalawang tao lang ang pumasok sa isip ko. Posible kayang sina... Q at Red iyon?
"Umm... n-nagpakilala po ba sa inyo ang sinabi n'yo po na dalawang..?"
"Hindi eh. Basta ang sabi nila, nasa mabuti kang kalagayan kaya wag na raw akong mag-alala. Ang galing nga eh. Alam nila na nag-aalala ko sa 'yo kahit hindi ko naman sila kilala."
Naalala ko 'yung hula ni J dati. May kapangyarihan si K na makakuha ng mga information sa ibang tao. Baka 'yun ang dahilan kaya...
Wait lang. Bakit naman nila kakausapin si tita? In the first place, balak naman talaga nila kong patayin, di ba? Bakit kailangang i-rest assured pa nila ang tita ko na okay lang ako kung... hindi kaya... hindi naman talaga sila likas na masama?
Iwinasiwas ko agad 'yung ideya na yun sa isip ko. No, Apple. Hindi sila mabuti. Between K and Q, wala ni isang mabuti. Tanging si Red lang ang talagang may concern sa 'kin. Siya lang.
Pagkatapos ng konting kamustahan, nagpaalam na rin ako kay tita. Although nagpipilit siyang matulog man lang daw ako sa bahay niya e humindi ako. Gusto ko man ay hindi maaari. Kasi iilang oras na lang ang nalalabi sa 'kin. Hindi ako pwedeng mag-seating pretty na lang sa isang lugar at maghintay ng aking own version ng 'end of the world'.
Hinatid niya 'ko sa bus stop. Niyakap niya 'ko nang mahigpit at hinalikan niya 'ko sa pisngi.
"Apple hija, s-sorry sa... lahat ng kalupitang ginawa ko sa 'yo," sabi niya bago siya kumalas sa pagkakayakap sa 'kin. Ngumiti ako at sumagot ng, "Kalimutan mo na 'yun, tita. Matagal na 'yun."
Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkalungkot. Gusto ko man siyang samahan at manatili pa ay hindi maaari. Isa pa, wala na rin namang gaanong silbi 'yun. After several hours, mabubura na sa memorya niya na naging parte ako ng buhay niya.
Mas mabuti nang nabigyan ko siya ng kahit paano ay maayos na pagpapaalam. Mas mabuti na 'yun.
Habang nasa bus, napangiti ako bigla. Akalain mong mahal din pala ako ng tita ko? Dati iniisip ko noon kung posibleng pasok ako sa qualifications ng isang future Cinderella eh.
Kasi di ba 'yung tita ko... perfect sa madrasta role? Tsaka... kasi di ba kulang na lang e tawagin niya 'kong Cinderella sa ginawa niyang pag-alila sa 'kin? At kulang na lang e sabitan siya ng trophy na 'Madrasta Award' dahil sa galing niya sa pagtataboy sa 'kin?
Kaso hindi ko siya stepmom. Tita ko siya. At hindi ako si Cinderella.
Dahil kung bibigyan ako ng pagkakataong makasama ang prinsipe ko at manatili sa tabi niya habang buhay, hindi ko lang basta iiwan ang sapatos ko na akala mo e mysterious creature, ibabato ko pa sa kanya. Para hindi niya 'ko makalimutan. Para hindi nya ko makalimutang... hanapin. At ibalik sa 'kin ang kapares ng sapatos ko. Ang kapares ng... puso ko.
Bigla akong nalungkot. Kainis. Baliw-baliwan na naman ako. Bakit kasi napunta sa Cinderella ang usapan? Di ba kay tita lang? Aish. Yung imagination ko naman, maka-full force ng energy wagas. Sabagay, last na hirit niya na 'yan. Haha.
Binuksan ko ang cellphone ko. Ang dami kong na-receive na mga mensahe. Isa-isa ko 'yung binasa.
Apple, aalis ka na ba talaga ngayon? T^T Please wag na! Gusto pa kitang maging kaklase next sem at sa susunod pa!
Ako rin naman e kaso imposible na 'yun.
Apple, susulat ka okay? Saka 'pag nalulungkot ka, just call me beybi. *lol* Siguradong pag narinig mo ang boses ko e makakalimutan mo ang mga problema mo!
Loko 'to. Maka-beybi wagas. Haha.
We may be separated by distance but our newly-built friendship will never die. I love you Ate Apple! Ingat sa byahe! Mwah!
Nose bleed pero nakaka-touch. Parang ayoko na ulit mamatay bigla! Waaah!
Basta pag nasa ibang bansa ka na, wag mo kaming kalilimutang padalhan ng postcards ha! Nga pala, Apple, size 7 ang paa ko! :D
Leche naman 'tong isang 'to. Ano 'ko mangingimbansa para mag-shopping? Kailangan sinasabi ang size ng paa? May pinatago ba siya sa 'king pera pambili? Haha. Tawa much lang. Sabagay, hindi naman nila alam na wala nang balikan 'to. End is end. Game over.
Binasa ko pa 'yung iba. 'Yung iba, nakakaiyak na nakakatawa. Overall, napangiti ako sa mga text messages nila. Nakakainis. Gusto kong umiyak kaso baka ma-dehydrate na 'ko. Gusto kong umiyak kaso pagod na 'ko.
Nakakapagod din palang umiyak 'no?
'Yung feeling na masarap ito sa pakiramdam kasi it eases your pain pero mare-realize mo na isa ang pagluha sa mga bagay na may limitasyon. Katulad ng kaligayahan, may limitasyon. Hindi forever.
Pagkababa ko ng bus, naglakad-lakad muna ko sa may parke malapit sa dorm ko. Ang lakas ng ihip ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Tumingin ako sa malayo. Palubog na ang araw. Tumingin ako sa relo ko, 5:45pm na pala.
Ilang oras na lang ba?
Ayoko compute-in. Bobo 'ko sa Math. Ayoko ring sumakit ang ulo kaka-solve. Kasi ayoko rin namang malaman aung sagot. Ayoko.
Maya-maya, nahagip ng mata ko ang isang batang babae. Siguro naglalaro sa 12 to 14 ang edad niya. Napa-wheelchair siya. Nakatirintas ang mahaba niyang buhok at nakasuot siya ng isang colorful na bestida. Napansin ko na papunta siya sa pinakamataas na bahagi ng park kung saan ang dulo ay isang makitid na slope.
Napaisip tuloy ako bigla. Bakit wala siyang kasama? Ang hirap kaya pagalawin ng wheelchair mag-isa. Ang alam ko kasi e mabigat 'yun. Saka mukhang fragile 'yung babae. Parang kapag hinawakan siya e mababasag na lamang siya bigla na katulad ng isang manipis na boteng babasagin.
Naisipan kong lapitan siya at tulungan. Tutal naman e malapit lang naman ang dorm ko at wala pa 'kong naiisip na gawin bago tuluyang magdilim.
Habang papalapit ako, papalapit din siya nang papalapit du'n sa makitid na slope. Binilisan ko ang lakad kasi kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.
Maya-maya, huminto siya sa pinakatuktok. Sinilip niya 'yung ibaba. 'Yung kakitiran ng scope. Napansin ko na namutla siya at napapikit. But soon after ay nakita kong tinigasan niya ang pagkakatitig sa ibaba. Magkasalubong ang mga kilay niya. Tila determinado.
Ano ba ang balak niyang gawin?
Huli na nang mapansin kong namumugto ang mga mata niya. Naigalaw niya na ang wheelchair at mabilis siyang hinatak ng gravity paibaba. Dun lang nag-strike in sa 'kin ang lahat. Ang babaeng 'yon... gusto niyang mamatay.
"ANG BREAK!! APAKAN MO ANG BREEEAAAAK!!!" sigaw ko habang tumatakbo paibaba habang sinusubukang abutin ng mga kamay ko ang wheelchair niya. Nakarinig ako ng tili mula sa kanya. Takot. Pagkataranta. Binilisan ko pa ang pagtakbo. Malapit na! Konting-konti na lang at maabot ko na 'yung handle ng wheelchair niya!
Habang inaabot ko 'yun, napatingin ako sa ibaba, isa iyong riles ng tren. At saktong may paparating na lumang tren. Napapikit ako. Lord! Please let me make it on time! Tulungan n'yo kong iligtas ang batang 'to!
Ilang segundo bago siya masagasaan ng tren ay nahawakan ko na ang handle ng wheelchair niya. Agad ko 'tong iginilid. Dahilan para pareho kaming matumba.
Lumapit ako sa kanya at tingnan kung nasaktan siya. Nakahinga ko nang maluwag nung hindi naman. Ligtas siya. Thanks, Lord. Maaasahan Ka talaga.
Umiiyak ito. Iyak nang iyak. Hinawakan ko siya sa mga balikat niya at tinignan siya sa mga mata.
"Bakit mo tinangkang gawin 'yon ha?!" tanong ko sa kanya. Hindi niya 'ko sinagot. Umiyak lang siya nang umiyak. "A-alam mo bang masamang magpakamatay ha?!"
"W-wala kang pake!" Sa wakas ay sumagot din siya. Kaso naasar ako sa sagot niya. Sabihan ba raw ako nang ganu'n after kong iligtas ang buhay niya? Eh kung kontayan ko kaya siya?! Tch! 'Tong batang 'to o! Aish!"S-sana hindi ka na lang nakialam!" dagdag niya habang umiiyak.
Sa inis ko, sinampal ko siya. Agad siyang napatingin sa 'kin habang sapo ang kaliwang pisngi niya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang resentment. Ang pagtatanong. Ang pagkalito sa ginawa ko.
Hindi ko na namalayang tumutulo na rin ang mga luha ko. Hindi ko ine-expect na iiyak ako after ng ilang beses kong pagpigil nito kasi nga made-dehydrate na 'ko sa kakaiyak. Hindi ko alam pero umiiyak ako ngayon habang sinusumbatan ang batang ito.
"A-alam mo ba ha? Milyung-milyong tao sa mundo ang gustung-gustong mabuhay pa. Na kahit isang araw man lang may maidagdag ang Diyos sa buhay nila. Na kahit isang saglit lang ay bigyan sila ng pagkakataong makapiling ang mga mahal nila sa buhay.
"Milyung-milyong tao ang umiiyak gabi-gabi habang pinipilit nilang mabuhay. Lumalaban sila sa mga sakit na walang lunas. Sa mga sugat na hindi humihilom. N-nilalabanan nila ang kamatayan dahil gusto nilang mabuhay, gusto pa nilang mabuhay k-kaso... kaso hindi na pwede. Tapos ikaw... ikaw... magpapakamatay ka?! Ha?! Alam mo ba na ang swerte-swerte mo ha? K-kasi ikaw pwede ka pang mabuhay hangga't gusto mo e kam-"
"Aanhin ko pa ang buhay kung hindi ko na magalaw ang mga paa ko ha?! Sabihin mo nga!! " sigaw niya sa 'kin.
Ngumiti ako sa kanya nang bahagya, still umiiyak pa rin. "Mga paa lang 'yan. H-hindi ba, ang mas mahalaga ay... buhay ka?"
"P-pero," sabi niya sabay yuko, "hindi na 'ko makakapag-ballet. Hindi na."
"Hindi pa ito ang katapusan ng mundo mo. Bata ka pa," sabi ko sabay pat sa ulo niya. "Marami ka pang pwedeng magawa kahit hindi mo na magagamit ang mga paa mo."
Pagkatapos kong sabihin 'yun, bumunghalit siya ng iyak tapos yumakap siya sa 'kin. Napangiti ako at niyakap ko siya pabalik. Hinagud-hagod ko ang likuran niya.
Ang sarap sa pakiramdam nang ganto. Nakapagligtas ako ng buhay. Naalala ko tuloy bigla si J. Yung taong nagturo sa 'kin ng kahalagahan ng buhay. Yung taong dahilan kung bakit nabubuhay pa 'ko hanggang ngayon. Yung taong nagsabi sa 'kin na hindi dapat ginagawang rason ang paghihiganti para mabuhay. Dapat mabuhay ka para sa sarili mo. Live your life to the fullest. Para 'pag namatay ka, wala kang sisisihing iba. Dahil nabuhay ka sa paraang gusto mo.
Sa kasamaang palad, 'yung napakaarogante at mayabang na taong 'yun na nagturo sa 'kin ng kahalagahan ng buhay ang siya mismong hindi maka-apply ng sarili niyang tinuturo. Hindi siya bagay maging teacher. Haha. Napangiti ako. Napatingin sa langit.
J, nasa'n ka na ba? Gusto kitang makita kahit saglit lang.
Kahit isang segundo lang. Kahit siguro kahawig mo lang na tao okay na. Kahit picture. Kahit xerox copy ng picture. Kahit ano basta kahawig mo okay na. Gustung-gusto kitang makita. Bago man lang ako mawala, gusto kitang makita.
Marami akong gustong sabihin sa 'yo. Pasasalamat. Paghingi ng tawad at...
Pinahid ko ang mga luha ko. Hindi ito ang panahon para mag-emote. Baka isipin ng batang kasama ko ngayon e emotera ko. Mahirap na. Ang ganda pa naman na ng impression niya sa 'kin.
"Bakit kung magsalita ka parang alam na alam mo ang pakiramdam ng isang taong gustong mamatay?" tanong niya habang tinitulungan ko siyang maupo ulit sa wheelchair. Nang naiupo ko siya ay pumwesto ko sa likuran niya at hinawakan ko ang handle ng wheelchair para matulungan siyang makabalik sa park.
"Kasi naranasan ko na 'yan," sabi ko sa kanya.
"T-talaga po? So naranasan n'yo na ring pong..?"
"Yup."
"Pero hindi n'yo po tinuloy?"
"Actually, tinuloy ko." Teka, pa'no ko ie-explain sa batang 'to ang lahat? "Kaso due to sudden turn of events, eto, buhay ako ngayon." Mamamatay na nga lang. Hahahay.
"M-may tumulong din po ba sa inyo katulad ng... ginawa n'yong pagtulong sa 'kin?"
"Oo. Siya ang dahilan kung bakit buhay pa 'ko ngayon."
"Eh nasan po siya ngayon?"
"H-hindi ko rin alam eh," amin ko. Ano ba naman 'yan? Na-hot seat ata ako. Ang dami namang tanong ng batang ito.
"Pero isa lang ang alam ko."
"Ano?"
"Kahit nasa'n man ang taong 'yun ngayon, mahal na mahal ko siya." Napatingin sa 'kin ang batang kasama ko. "Oo, mahal na mahal ko siya," nakangiti kong sabi.
Matapos ko siyang maibalik sa parke ay agad naman kaming nakita ng nanay niya siguro. Lumapit iyon sa amin at niyakap ang anak niya. Alalang-alala ito.
Pagkatapos ng ilang minuto e sige naman siya ng pagpapasalamat sa 'kin. Ngumiti na lang ako at nagpaalam na. Na-realize ko kasi bigla na gabi na pala. Kinabahan tuloy ako at naging aware sa oras. Paalis na ko nung biglang tinawag ako nu'ng bata, "Ate!" Nilingon ko siya at ngumiti ako sa kanya. "Maraming salamat," nahihinya niyang sabi.
"Sus! Wala 'yun!"
"A-ako nga po pala si Erika."
"Ah. Oo nga 'no, hindi pa pala tayo nagpapakilala sa isa't isa. Haha. Ako naman si Apple. Apple Cruz."
"Ang ganda naman po ang pangalan n'yo, Ate Apple."
"Wahaha. Parang hindi naman!" pabiro kong sabi.
"Ate..." Tumahimik siya pagkatapos e nagsalita ulit. "Sana... sana magkita na ulit kayo ng taong mahal mo."
Ngumiti ako atsaka tumalikod na ulit para makapunta ng dorm habang tinatago ko ang kalungkutan ko.
Sana.
Sana nga.
4 4
T H E F A I L E D P L A N
Q
I LIED TO Miss A.
At sa tingin ko, nakumbinsi ko siya na wala na talaga akong gusto kay Jin. Pero ang totoo, hindi naman nagbago ang nararamdaman ko. Kahit pa alam kong siya ang pumatay sa mga magulang ko, walang nagbago. Oo, walang nagbago.
Because I believe that love is not a rational thing. It's not something to think about thoroughly. Because love doesn't make any sense in the first place. It's a term which does not fall under any 'right' or 'wrong' category. It's a feeling you can't control over. It's a feeling you cannot fight with. It's like a trap you cannot escape.
'What are you hiding?'
That question of her. Kinabahan ako nu'ng tinanong niya 'yon. Sabagay, she's Jin's girlfriend. She's really smart and all. Alam na alam niya kapag may binabalak ka against her. Tch. Napakalakas niya makiramdam. But I guess her suspicion was now gone.
I let her believe that I was overwhelmed and speechless about her challenge-challenge na malaman kung anong real objective ni K sa pagsali sa game na 'to. The truth lies with Jin's whisper. But I don't really care about it.
K and me were not really that close to begin with. We have different reasons for joining this game (though the right word is not 'joined' but 'chosen'). Meron siya at meron ako. At wala na kong pakialam sa kung anuman 'yung kanya. As long as I can please Jin, anything is okay.
Pagkatapos kong maglaho sa harapan ni Miss A, to cut our nonsense conversation, sinigurado kong sa pagbabalik ko sa office niya e wala na siya d'on. I know for a fact that Jairus is staying in his old office. It's an information K recently acquired. Pero hindi namin alam kung bakit siya nando'n. At wala naman din akong pakialam pa sa Jairus na 'yon. He's already a loser in my eyes. A trash. A garbage. I should not concern myself with the reason as to why he is staying in his old office.
Instead, I must make the most out of the situation. And do what I planned to do.
Just as I expected, pagbalik ko d'on, wala na si Miss A. I quickly searched for anything na pwede kong magamit para ma-contact ko si Jin. Anything para malaman ko kung pa'no tanggalin si Jin sa sitwasyon niyang 'yon. Because I know that Jin's power-may kapalit iyon. Kahit hindi niya alam kung sinong nagbigay sa kanya n'on (at hindi ko rin alam kung sino), alam ko, may kapalit iyon. And if my guess is right, it will be his life. At hindi ko hahayaang mangyari yon.
Kailangan kong gawin ang lahat ng makakaya ko para gawin 'yon. Because I am the only one who really cares about him. Ako lang. Ako lang.
Wala akong nahanap na makakatulong sa 'kin kundi ang lumang picture nila ni Miss A. I immediately rip it off in the middle. Syempre, 'yung picture lang ni Jin ang kailangan ko. 'Yun lang.
Kinuha ko 'yung card sa bulsa ko. Yung Queen Card. Tapos kinuha ko sa kabilang bulsa ko 'yung lighter. Sinindihan ko 'yun. Ayos. My ritual will about to... begin.
I closed my eyes and prayed. "To the powerful unknown being who've lent his powers to Jin Mendoza, please hear my request. Please hear my prayer. Take away everything from me, even my life, just don't take away his. To the powerful unknown being who've lent his powers to Jin Mendoza, please hear my request. Please hear my prayer. Take away everything from me, even my life, just don't take away his."
"To the powerful unknown being who've lent his powers to Jin Mendoza," sa pangatlong beses, inilapit ko na ang card ko sa sindi ng lighter. Now it touched the fire. I felt like my body is also burning. But I still continued to pray. Becausae this is for Jin's sake. For his sake.
"Please hear my request. Please hear my prayer. Take away everything from me, even my lif-" Ngunit bago ko matapos ang pagdadasal ko, bigla na lang may sumigaw ng...
"STOP THAT, STUPID!!"
Napadilat ako at nakita si K. Hawak niya na ang card ko. Inagaw niya 'yun sa kamay ko. Pinatay niya ang apoy doon. Tumingin siya sa 'kin nang masama.
"Baliw ka na ba? Bakit tinangka mong gawin 'yon?!" galit na galit ang tinig niya.
Tumawa ako nang bahagya at ngumisi sa kanya. "Haha. Wag ka ngang umakting nang ganyan, K. Pffft. Hindi bagay sa 'yo." Nagulat ako kasi bigla niya 'kong pinalo nang bahagya sa ulo. "Aray ha! Hoy K! For your information, wala ka nang karapatang saktan-saktan ako n-"
"Sa tingin mo ba umamakting lang ako ha?!"
"Oo," mabilis at diretso kong sagot. He looked away, feeling disappointed. "Tch. Seriously? Are you that worried about me..? Haha. Funny, K."
"Hah! I just can't believe that you are actually going to erase yourself just to save that asshole."
"Hey! Wag mo ngang matawag-tawag na asshole s-"
"Yeah, right. Ms. Head Over Heels Inlove."
"Shut up! It's none of your business, jerk!"
"Hah! Unfortunately, it is my business," sagot niya with an arrogant tone.
"H-huh? At bakit naman, aber?"
"Kapag namatay ka bago mamatay si Apple, sa tingin mo ba mananalo ko? Baliw ka ba?! Kung gusto mong mamatay, pwede bang panalunin mo muna ko?! Tch!"
"Aah. I see. Sorry naman boss ha? I forgot our mission. Kailangan nga palang manalo muna tayo bago-"
"That's right," putol niya sa sinasabi ko. "That's why you must never do this stupidity again, okay? "
"Pa'no mo nga pala nalaman na 'andito ako at plano kong-"
"My power. Tch. Of course I will know where you would go. Hay naku! Nawala lang ako saglit tapos kung anu-ano na ang ginagawa mo. Aish."
"Pwede ba?! Karapatan kong gawin ang mga bagay na gusto ko!"
"I can't believe that you will save the person who killed your-"
"Pake mo ba! Buhay mo ba 'to ha!?"
"Tch. Sabi ko nga eh."
SILENCE. Maya-maya, tumingin na siya sa relo niya tapos tumingin siya sa 'kin. "Let's go back now. There are still a few hours left. After that, I will totally give you back you freedom, my Queen."
"Duh? Don't call me Queen. Baka magbago ang isip ko at tuluyan kitang i-betray!" pagbabanta ko.
"Hah! As if naman na gagawin mo," full of confidence niyang sabi.
"T-talaga! Tch."
Tumawa na lang siya nang bahagya sa response ko. Maya-maya, hinawakan ko ang kamay niya at... sabay kaming nawala sa lugar na 'yon at bumalik sa..earth.
Oh well. Maybe this is not the perfect time for my plan. But I will surely do it after Apple dies. Yes, after that girl, dies.
A
"ARE YOU FINISHED?" sarcastic na tanong ni Jin as he wiped away the stains of blood beside his lips. "I still have things to tell you, my dearest little brother."
"Tch. Like what?!" pagalit na tanong ni Jairus na kasalukuyang humihingal dahil sa pagod sa pagsuntok nang paulit-ulit sa kuya niya. Until the end, Jin never fought back.
"Q and K, their parents-"
"Pati ba naman mga magulang nila? Ha?!"
"Tch. Actually, there are a lot more. Hindi ko na mabilang. While constantly killing individuals for money, I've met someone and that person gave me these powers," nakangisi niyang sabi. "These powers that helped me... to start the game."
"The game to exact your revenge on me," dugtong niya sa sinabi ni Jin.
"Hah! At ngayong mukhang nakaganti ka na, it's now my turn... to end it all." He raised his right hand like he was holding something while his gaze was still on his younger brother. Then, he quickly closed his fist. Nagulat ako nang biglang nagkaro'n ng matinding earthquake. No, I guess this can't be called an earthquake because you are not in earth! This LD Agency is just a virtual reality and this will about to-
"J-Jin, anong-?" tanong ko habang nakapatong ang dalawang kamay ko sa ulo ko. Hindi niya ko sinagot. He's still smirking. Then he laughed sarcastically.
Napatingin ako kay Jairus. His eyes shifted on the TV screen on his left. There on the TV screen, makikita si Apple, papasok sa dorm room niya. That room's clock started to run berserkly. Bumibilis ang oras. Sobrang bilis at...hindi ito namamalayan ni Apple.
Lalong lumakas ang pagyanig sa paligid. Ang mga kisame ng office ni Jairus ay isa-isa nang nagkakaro'n ng mga crack. Gumagalaw ng kusa ang mga silya at lamesa.
"P-please Jin! Stop this!!" sigaw ni Jairus sa kanya.
"HAHAHAHA! Since she's about to die, why not make it really quick?"
Sinugod ni Jairus si Jin. He tried stopping him but... it's too late. Napatingin kami pare-pareho sa TV screen. At sa wakas... napansin na rin ni Apple.
Ilang segundo na lang, magtu-twelve na. Ilang segundo na lang, kailangan niya nang kainin ang forbidden apple. Ilang segundo na lang, mamamatay na siya.
Nadagdagan lalo ang tensyon sa pagtawa nang malakas ni Jin. Nagulat ako nang bigla siyang umubo ng dugo. Paulit-ulit. Parang bumubulwak ang dugo na nagsisilabasan sa bibig niya.
Si Jairus, nagulat at natulala sa sinapit ng kanyang kuya.
Agad akong lumapit kay Jin. At lalong kinabahan. Kasi kahit anong gawin ko, hindi tumitigil ang pagbulwak ng dugo sa bibig niya. Kahit nasa 'kin ang kapangyarihan niya, hindi ko magawang patigilin ang pagbuga niya ng dugo.
Could this be... the sign that his borrowed powers are beginning to take a toll in his own life?
Hinde. Hindi ito maaari. Mamatay na ang lahat. Wag lang si Jin. Wag lang siya.
For the first time in my life, I've let my tears fall down on my cheeks. "J-Jin!" umiiyak kong sabi. "Itigil mo na 'to! Please! Itigil mo na!!"
Ngumiti lang siya at nagpatuloy pa rin sa pag-ubo. Kitang-kita ko sa kanya ang matinding paghihirap.
"A-Amelia," sabi niya habang umuubo at hirap na hirap sa pagsasalita, "some things are not meant to be... stopped. Especially when they are all... planned."
Planned? Ha?! Eh bakit hindi ko alam ang tungkol dito?! Bak-
Napatingin ako bigla sa screen. Apple's already holding it. And she's about to bit the bloody red... Forbidden apple.
4 5
T H E F O R B I D D E N A P P L E
Apple
PUMASOK NA 'KO sa dorm room ko at dumiretsong humilata sa kama ni J. Wah. Nakakapagod ang napakahabang araw na 'to. Bigla kong naramdaman na kumukulo ang tiyan ko. Gaaah. Ano ba naman 'yan, tiyan?! Alam kong hindi pa kita pinapakain maski ano mula kaninang umaga pero makisama ka naman! Haller? Mamamatay na 'ko few hours from now tapos ganyan ka pa! Wrong timing ka eh! Aish.
Bumangon ako kahit tamad na tamad akong kumilos. Lumingon ako sa may kusina. Napabuntong hininga ako. Buti pa 'yung mga nakalinya na mamamatay sa Bilibid o sa kahit saang presinto, pinapakain ng masarap bago mamatay. Eh ako? Malapit na nga akong mamatay pero eto, walang makain! Waaah. Jaaaay! Maliban sa nami-miss na kita, nami-miss ko na rin ang luto mo. Haaaay. Kawawa naman ako. Baka mas mauna kong mamatay sa gutom kesa sa pagkain ng forbidden apple na 'yun. Hay.
Kumalam ulit ang tiyan ko. Argh! Anong gagawin ko? Magluluto ba 'ko ng pagkain? Eeeeh! Masasayang lang ang nalalabi kong oras kung magluluto ako. Baka by the time na matapos akong magluto e alas-dose na. Imagine that? Isusubo ko pa lang 'yung niluto ko e game over na? It's such a waste kaya wag na lang! Tama! Titiisin ko na lang ang gutom ko.
P-pero... sa'n ka nakakita ng namatay na kumakalam ang tiyan? Wah. Nakakaloka naman. Humiga ulit ako sa kama. Tumitig sa kawalan.
Ngayon ko lang na-realize na malungkot mamatay nang mag-isa. It's not like gusto kong may mamatay din kasabay ko. Kaya ko nga kakainin ang forbidden apple, di ba? Para hindi na ko makapandamay ng iba. Pero... haaay.
It's not also like kailangan ko ng moral support na magchi-cheer sa 'kin ng 'kaya mo 'yan!' Hindi naman 'yun appropriate sa sitwasyon ko. Mamamatay na nga tapos 'kaya mo 'yan!' pa ang isisigaw? Adik much lang? Siguro... ang kailangan ko e... siya. Kung makikita ko siguro siya bago ko mamatay ay magiging masaya ako. Kahit saglit lang, magiging masaya ako.
Lord, if You make such a miracle happen, I'm not going to ask for anything ever again. Promise ko 'yan sa 'yo.
Waaah. Pero parang hindi na mangyayari 'yon. Hindi naman fairytale ang buhay ko. Hindi naman siya darating o susulpot na lang bigla kung kailan ko gusto. Hindi naman kasi siya isang fictional character na pwedeng i-customize. Hindi rin naman siya knight in shining armor o prinsipe. Wala naman kasi talagang taong ganu'n. Saka, reality pa rin 'to kahit ga'no man ka-unrealistic ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Reality pa rin 'to. Reality pa ri-
Bigla akong napalingon sa orasan. T-tokwa! A-anong nangyayari? Bakit ang bilis ng paggalaw ng orasan? Agad akong napabangon bigla at napatitig sa orasang 'yon sa kwarto ko. Shedaaaa! Ganun pa rin! Ayaw huminto! Kung kanina 7 pm pa lang, ngayon 10 pm na!! Oh my God! Hanuvah, Lord? Kakasabi ko lang na reality 'to tapos-! Tapos ganto?! Bakit ba atat na atat po Kayong mamatay ako? Waaaaah. Wag naman! Konting oras na nga lang ang natitra sa 'kin tapos papabilisin n'yo pa ang oras-
Hmmm. Baka naman may sira lang 'tong orasan? Pwede. Huminga ako nang malalim at nag-relax. Tama. For sure, 7 something pa lang. Tama. Chillax lang, Apple. Bawal ang praning dito, okay?
Gamit ang silya, umakyat ako at kinuha ang nagloloko at ang lakas maka-joke na orasan. Tinanggal ko ang battery nito at-
Muntik na kong mahulog sa silya nang makita ko na mabilis pa rin itong gumagalaw! Takte! Wala ng battery pero gumagaw pa rin?! Shocks! Bumaba ako sa silya at nagsimula na 'kong kabahan. For real. Teka... for real na ba talaga 'yon? B-bumilis ang... oras?
Binuksan ko ang TV. Fast forward x32 ang lahat! On the back of my head, naisip ko na, hindi kaya sila nahihilo niyan? Galaw sila nang galaw. Pero syempre, hindi na 'yun ang main concern ko dahil wala naman silang taning na kagaya ng sa 'kin. Ang main concern ko ay 'yung oras!
Tinignan ko ang cellphone ko. Ganu'n din. Sobrang bilis din ng oras. Tumingin ako sa labas ng bintana. Lalong nanlaki ang mga mata ko. Naka-fast forward ang lahat. Halos hindi ko na makita ang mga tao sa lansangan maliban sa galaw nilang sobrang bilis. Napaupo ako sa silya. Hindi ako makapaniwala. A-ano ba talagang nangyayari? B-bakit ako lang ang hindi naapektuhan ng pagbilis ng oras? Nye. Mali. Ako ang pinakaapektado ng oras.
Ayoko man tignan ulit ang orasan dahil natatakot akong malaman kung anong oras na e wala akong magagawa. Dahil mas mahirap kung lumagpas ako sa takdang oras ng pagkain ng ipinagbabawal na prutas. Napalunok ako ng laway at napatayo nang di oras nang makita kong quarter to twelve na. Gosh! Q-quarter to twelve na!! Nataranta 'ko at di ko malaman kung anong gagawin. Nanginginig ang buo kong katawan. Lalung-lalo na ang mga kamay ko nang buksan ko ang ref at ilabas ang pulang-pulang forbidden apple. Sa sobrang pagkapula nito ay kakulay na ito ng dugo. Sobrang natatakot ako. Waaaah. Tumingin ako sa orasan. Nak ng tokwa! One minute left na lang!
Nagulat ako nung may nag-appear na maliit na note sa tangkay ng mansanas. Nakasulat du'n ang 'eat me'. Bigla ko tuloy naalala ang mansanas na kinain ko dati para mabuhay ulit ako. Gantong-ganto rin 'yon. At kung tama ako, may nakasulat ding ganto du'n sa mansanas. Wuuuh. Breath in. Breath out. Para kay Jairus. Tama. Para kay Jairus. Gagawin ko 'to.
Huminga ako nang malalim at inilapit sa bibig ko ang mansanas.
Ilang segundo makalipas, nakarinig ako ng nakakatulilig na alarm. Parang sa kampana ng simbahan. Parang sa Cinderella movie ang dating ng kalembang na 'yun. Parang when the clock strikes twelve echos lang ang dating. But this time, it's different. Because in Cinderella, when the clock strikes twelve, mawawala na ang magic. Sa 'kin naman, when the clock strikes twelve, mawawala na... ako.
Pumikit ako at nagdasal. A short prayer na sana... dinggin ni God 'yung only wish ko. At 'yun ay ang... mabuhay si Jairus. Na sana... hindi siya maparusahan dahil sa pagkatalo niya sa game. Sana... mabuhay pa siya. Pagkatapos kong magdasal, dumilat ulit ako. Sakto. Three seconds.
Three... Two... One...
A tear fell from my eye as I bite the forbidden apple. Goodbye, cruel world. Goodbye, Philippines. Goodbye, Jairus. Hello, death.
Eh?
Habang nginunguya ko ang kinagat kong mansanas, pumikit ulit ako. This must be like Snow White's poisoned apple. Kailangan ko munang lunukin nang maigi bago 'ko mamatay. Okay, go. Ayan, nalunok ko na.
Eh?
Tumingin ako sa sarili ko. Teka. B-buhay pa rin ako? Tumingin ako sa hawak kong mansan-HA? N-nawala?! Tumingin ako sa paligid. Sa orasan. Sa lahat. Back to normal na ang lahat.
EEEEH?!! Lalo akong nataranta. A-anong nangyayari? Bakit maayos na ulit ang takbo ng oras? Bakit 12:02 na pero hindi pa 'ko namamatay? Bakit hindi pa ko namamatay?!
Hindi. May mali. Baka may mali akong ginawa. Hindi 'to maaari. K-kailangan kong mamatay kundi... kundi... lalong mapapahamak si-
Napatayo ako bigla nang may narinig akong kumakatok. Lalo 'kong kinabahan. S-sino kaya ang kumakatok na 'yon? T-teka. W-wag mong sabihing si... Jairus? Weeeh. Hahaha. Tama na nga, Apple. There's a limit sa pagiging ambisyosa mo. Syempre, imposible namang si Jairus .yon. Isa pa, hindi dapat .'yung identity nu'ng kumakatok ang pinoproblema mo kundi ang malaking question na 'bakit hindi ka pa namamatay', di ba?
Nagpatuloy ang pagkatok ng kunsino man 'yun sa pinto ng dorm room ko. Nakakakaba naman. Pero baka naman... si Kamatayan 'yon? Oo, baka ito yung way ng pagpatay sa 'kin. Kukunin ni Katamayan ang kaluluwa ko at-
"Apple? Andyan ka di ba?"
Nanlaki ang mga mata ko.
"M-MISS A?!"
Q
"DAMN! BAKIT HINDI pa namamatay si Apple?!" galit na galit na sabi ni K. Sinipa niya 'yung silya na malapit sa kinatatayuan ko.
"H-hindi ko rin alam, K," natatakot kong sagot. Hindi ko pa siya nakikita na gantong nagalit sa tanang buhay ko. He was even scarier than Jin right now. Nagulat ako nang bigla niya 'kong kinuwelyuhan. Nanginginig na 'ko sa takot. Lalo na sa titig niya.
"Hyup ka! Sinasabi ko na nga ba eh! Kinampihan mo ang Jairus na 'yon dahil lang sa kamukha siya ni Jin!" bintang niya sa 'kin tapos sinampal niya 'ko sa pisngi. Agad akong naluha.
"Hindi ko nga magagaw-"
"Anong hindi magagawa?! You can do anything right? For your Jin?!"
"P-pero-"
"Wag ka nang magpaliwanag, Lyla! You fooled me!! Buong akala ko, tayo ang mananalo. Tapos ganto? Ganto?! SHIT!!" sabi niya tapos sinuntok niya ang pader. Nagdugo ang kamay niya pero ininda niya ito.
"A-ayos ka lang ba?"
"Wag kang lumapit sa 'kin! Hayup ka!!"
"Hoy K! Sumusobra ka na ah! S-sinabi na ngang hindi ako 'yon eh! Hindi ko rin alam kung bakit hindi pa siya namamatay! H-hindi ko rin alam. P-please naman maniwala ka sa 'kin o!"
"So you are telling me that Jairus defeated me? Me?! Hah! That's crazy!!"
"K..."
"Ano?!" Bigla akong hindi makapagsalita sa takot sa nakikita ko ngayon. Si K. Si K... n-na- "Ano nga sabi eh?!"
"N-n-na-" Nauutal ako. Hindi ko masabi. Natatakot ako. Hindi. Hindi ito nangyayari. Napatingin si K sa sarili. Napansin niya na rin. Lumalabo na siya. Napatingin siya sa 'kin. Nakita kong nabalutan ng takot ang buo niyang katawan.
"K.." marahan kong sabi. Lumapit ako sa kanya at sinubukan kong hawakan siya pero... tumatagos ang mga kamay ko sa katawan niya. Lalo akong naluha.
"K... b-bakit? P-pa'nong..?" Napangiti nang mapait si K.
"Magsalita ka K!! Bakit ikaw lang? D-di ba dapat a-ako rin? Bakit? Magsalita ka please!" Lalo pa siyang lumabo kesa kanina. Ngumiti siya sa 'kin. Malamlam na ngiti iyon. Parang ngiti ng isang taong... magpapaal-
Nanlaki ang mga mata ko. Naalala ko ang sinabi ni Miss A sa 'kin nu'ng nakaraan: 'Yung binulong ni K kay Jin-it has something to do with his real reason for joining the game'; 'It is to protect someone important to him.'
A-at naaalala ko rin ang reaksyon ni K nang may ibinulong si Jin sa kanya nang gabing iyon: 'G-gagawin ko ang lahat wag mo lang siyang idadamay dito!!'
"Hindee. K... w-wag mong sabihin sa 'king-"
Itinaas ni K ang dalawa niyang mga kamay saka siya nagsalita ng... "Seems like... you have already realized. Aaah. I lose. Great," nakangiti pa rin niyang sabi na parang hindi talaga siya galit kanina. He's now showing me his carefree attitude. Napailing ako. Hindeee.
"K... b-bakit? Bak-"
"Wag ka ngang umiyak. Tch. Ang pangit mo," sabi niya. This time, hindi ko na makita ang mga paa niya.
"Badtrip ka. S-so even from the start... e-even from the start of t-the game... p-plinano mo n-"
"Yes. You will not die. Jin promised me that," he said without looking at me.
"K. Siraulo ka ba?! B-bakit mo ginawa 'yon?! H-hindi ba unfair 'yon say-"
"No, it's not. I joined the game because of Jin's promise."
"Stop kidding around!! To protect me, huh?! Tch! That's unbelievable! A-akala ko ba... kaya ka sumali ay dahil gusto mong kunin ang kapangyarihan ni Jin. Ang throne. Ang-"
"That was what I am planning to, at first."
"Eh bak-"
"I really hate you, you know?" sabi niya sabay tingin sa 'kin.
"Alam ko. Alam ko, ayaw mo nga kong makasama, di ba? Alam ko 'yun. Alam na alam ko kung ga'no mo 'ko kinaiinisan dahil feeling mo wala naman akong silbi sa 'yo. I know how you always try to persuade Miss A to already eliminate me because I serve no real purpose in the game. Kaya nga hindi ko maintindihan. W-why did you-"
"Galit ako sa 'yo hindi dahil do'n."
"Eh?"
"In the midst of wanting to be powerful," sabi nya sabay iwas ng tingin sa 'kin, "I found a weakness."
"You're not making any sense."
"You are that weakness, idiot!" sigaw nya saken. "Tch. Shit. Wala na kong tuhod. Argh."
"Y-you hate me for being y-your weakness..?"
"Yes. Countless of times I just want to kill you. You're a nuissance!"
"Wag ka ngang sumigaw! At sorry naman kung napakalaki kong hadlang sa mga plano mo!" sigaw ko rin sa kanya. Still, tears kept on flowing down my cheeks.
"Q."
"Wag mo nga ko tawaging Q eh!"
"Pero para sa 'kin... ikaw ang nag-iisang Queen ko."
"Do you think I will believe that?"
"Yeah, right. Right. Hindi nga naman ako kapani-paniwala eh."
"Stop this joke right now, K! H-hindi ka na nakakatuwa ah!"
"Ilang beses mo na 'kong tinawag na K ngayong araw ah? Shouldn't you just call me by my real name?"
"Ah. Great. So now, you are Red. Hi, Red. Where's that asshole K? Naduwag na ba siya kaya ikaw ang pumalit para kausapin ako?"
"Tch. Now you are calling me an asshole."
"No, not you. I am pertaining to-" Natigilan ako bigla. "So you're impying n-"
"Yeah. I'm Red and K. I just made up that 'Split Personality' thing to validate what contradictions and inconsistencies I've done in the past."
"So ginawa mo lang 'yun para mapatawad ka ni Apple?"
"Yeah. You can say that. Aww. Shit. Now I don't have my belly."
"For someone na mamatay na, aren't you a bit relaxed?"
"Q," seryoso niyang sabi sa 'kin. "I didn't really fell for Apple. Seriously. I just felt that I need to do that so she will not hate me that much."
"Bakit ka nagpapaliwanag sa 'kin?"
"Tch. Still playing dumb huh?"
"Red."
"That's better," nakangiti niyang sabi.
"Are you..." Bigla na namang pumatak ang mga luha ko. Kanina okay na 'ko eh. Leche kasi 'tong lalaking 'to. Ang dami daming araw bakit ngayon niya lang sasabihin sa 'kin ang lahat ng 'to?
"Hmm?"
"Are you really... going to... die?"
"Hindi ba halata?"
Natawa ako nang bahagya sa sinabi niya pero hindi pa rin mawala ang mga luha ko. At ang bigat ng nararamdaman ko. I know for a fact that I never once thought that this selfish, bossy and 'genius' guy na naging partner ko sa game na 'to, ang tanging kaibigan kong lalaking kasing edad ko. I never thought that... he will have that kind of feelings towards me. And even though I haven't treated him like a normal guy before, hindi ko maiwasang masaktan... masaktan kasi... huli na. His feelings-there's no way I can reciprocate it because I-after all I-I am still in love with Jin. And it hurts me to think that this guy, na akala ko e ubod ng sama sa 'kin, ay kailangang mamatay para maprotektahan lang ako.
"Q, live for me, okay?" nakangiti niyang sabi. Napatingin ako sa kanya. Ulo na lang ang meron siya ngayon. His other body parts were completely gone. Like stardusts vanished in mid-air.
"Siraulo ka ba?" sigaw ko.
"Eh?"
"You selfishly kept me alive, so don't you dare believe, even for one second that you can go off and die, IDIOT!!!"
Natawa lang siya sa sinabi ko tapos ngumiti siya at sumagot ng.. "Lyla, don't like me, okay?"
Maya-maya lang, naglaho na siyang tuluyan. Wala man lang akong nasabi. Iyak lang ako nang iyak. Unfair ka, Red. Napaka-unfair mo. Napaka-unfair mo. Siraulo ka. Hayop ka.
Is that your way of tormenting me? How can I live... if I know that you have to die for me? Don't you think it's unfair, Red? Don't you think so too?
Apple
A-ANONG GINAGAWA NI Miss A dito? D-diba nasa LD Agency lang siya palagi? EH?! W-wag mong sabihing-
"Buksan mo ang pinto," utos niya.
"O-opo!" sagot ko sabay bukas ng pinto. Pagbukas ko ng pinto, siya nga ang nakita ko. Still as pretty and elegant as ever. Nakafull-black pa rin siyang damit at maiksi pa rin ang buhok niya. Ilang buwan na ba buhat nang huli kaming magkita? At bakit ko pa ba 'yun iniitindi? Di ba mas dapat kong intindihin e 'yung kalagayan ko ngayon? Aish.
"You seemed to be confused more than surprised to see me, Apple. That's pretty... unexpected," mahinahon niyang sabi.
"Ahh... eh kasi po... a-ano..."
"How about... you let me come in so we can talk it over?" she asked then smiled casually. Tumango naman ako at pinapasok siya agad. Nang makaupo na kami pareho ay umubo isya nang bahagya saka nagsalita. "I know you have so many questions in your head right now."
"T-tama po kayo."
"First of those, I believe, is the reason why you did not die on the specific date and time that you're supposed to die, am I right?"
"O-opo. Bakit po ba?"
"Because... Jairus died... in your place."
"P-po?!" Nanlaki nang literal ang mga mata ko sa pagkagulat. Hindeee. M-mali ako ng dinig, di ba? J would not do that kind of stupidity. Hindi siya stupid na tulad k- "That's the truth, Apple," dagdag ni Miss A. Umiling-iling ako.
"H-hindi 'yan totoo," sabi ko. Nagbabadya sa pagpatak ang aking mga luha. "H-hindi 'yan totoo... d-di ba?"
Pokerface pa rin ang mukha ni Miss A as she deemed, "He died for y-"
"HINDEEEEE!!!" sigaw ko. Napatayo ako. Tinakpan ko ang mga tenga ko. "HINDI YAN TOTOO!! H-hindee." Isa-isang naglaglagan ang mga luha. Ang mga mainit na luhang kanina pa gustong kumawala.
"He asked me to reverse the rule of the game."
"R-reverse..?"
"Yes, because he fell inlove with you even before you realize your own feelings for him."
"Eh?" Parang huminto ang pag-inog ng mundo. Parang hindi na ito ang mundo. Parang hindi na... kapani-paniwala ang lahat. Parang... parang... malabo na sa 'kin ang lahat.
"The reason why he told you a lot of hurtful words in the past is because... he was preparing you to forget about him,"paliwanag ni Miss A.
Naalala ko bigla ang mga masasakit na sinabi niya sa 'kin dati: 'You can kiss anybody even if you don't have any feelings for-'; 'It's better if you will stop bothering me. You're on your own now.'
Hindeee.
"Ang dahilan kung bakit kailangan niyang umalis sa side mo ay dahil din d'on. He doesn't want you to know about his plan. Kasi alam niyang... mag-a-against ka rito. He asked me to banish him from earth. Para mawalan na siya ng access rito. Para hindi ka na niya makita. At para hindi ka na rin mahirapan pa... kapag nawala na siya."
"M-miss A, b-bakit n'yo hinayaang gawin niya 'yon?"
"Well, you can say that it is his strategy to win this game."
"W-win?"
"Yes. Dahil buhay ka, siya ang nanalo."
"A-ano namang kwenta ng pagkapanalo niya... kung... kung kailangang siya ang mamatay?"
"Well, it's his decision, anyway. It's not like something I or you have control over."
"P-pwede ko bang makita k-kahit man lang... kahit mang bangk-"
"You are forgetting something important, Apple."
"Eh?"
"Once you have gained your second life and died, you will turn into nothingness. Honestly, everyone who knew him will later forget that once... a certain individual named Jairus Mendoza existed."
"I-ibig sabihin... m-makakalimutan ko rin siya?"
"No, it's my personal decision not to erase your memory of him."
"S-salamat, Miss A. Maraming salamat."
"No, don't thank me. I am expecting that Q will also ask me to do the same thing on herself."
"S-si Q po?"
"K lose because Jairus won. And the punishment will be death. He also turned into nothingness. Like Jairus."
"Eh bak-"
"K joined the game because he wants to protect Q."
"K-kaya hindi rin namatay si Q, ganu'n po ba?"
"Yes. You can say that both of you are in the same situation. Er... no. My mistake. You're alot more blessed than her."
"Eh? Pa'no n'yo po nasabi?"
"The fact is... hindi ka naman talaga namatay."
"P-po?"
"In this game, you have to sacrifice your life to gain a borrowed power from Jin. All the participants, except you, have powers. That only means one thing."
"H-hindi talaga ako... n-namatay."
Miss A nodded. "Everything was just made up. Para matuloy ang game. Para-"
"N-nasa'n si Jin?"
Umiwas ng tingin si Miss A. Her pokerfaced mask is now gone. Isang malungkot na mukha ang pilit niyang ikinukubli sa bigla niyang pagngiti sa 'kin. "Like them, he also died."
"P-panong-?"
"Apparently, he lied about those powers."
"Eh?"
"Hindi lang sa kanya ibinigay ng basta-basta ang kapangyarihang iyon. He actually sold himself to the Devil. Like Faust."
"S-sino po si Faust?"
"Tch," sabi ni Miss A sabay irap sa 'kin. Mukha siyang na-disappoint sa hindi ko malamang dahilan. "As expected, you know nothing about literature, are you?"
"Well, anyway, those powers that he used to created the game and to execute all his plans, lahat 'yun, may kabayaran. And that is... his life. Actually, late ko na 'yun na-realize. All the things that he said to me in the past. About acquiring those powers. Yung pagbabago niya. His attitude. His way of thinking. All those things jive with my conclusion. He sold himself to the Devil for a wish to take his revenge against his brother. But before he can completely execute his plans, the Devil has partly taken over his body. At unti-unti... he became the Devil himself. It seems like he expected that the Devil will take away his soul sooner or later. At dumating nga iyon. In front of Jairus and I, he died. It was such a cruel sight, Apple." I saw the excruciating pain in her eyes as he sighed and looked at me in the eyes. "Ah. By the way, Apple."
"Po?"
"I'm sorry."
"Bakit po kayo nagso-sorry?"
"Jin was the one who killed your parents."
"P-po?" Parang hindi ako makapaniwala. S-siya na k-kapatid ni Jairus ang pumatay sa mga magulang ko?
"I'm apologizing in his behalf. And I also would like to apologize dahil nadamay ka pa rito." Umiling ako saka bahagyang ngumiti sa kanya.
"If it's not for this game, I will not meet Jairus."
"That's an unexpected optimistic answer, Apple."
"I have no other choice but to be strong," sabi ko habang pinapahid ang mga luha ko. "He chose to die for me. I have no choice but to live, right?"
Ngumiti lang si Miss A at saka niyakap ako.
"Sana ikaw rin Miss A. Be strong too. I don't know your relationship with Jin pero sa tingin ko, isa siyang napakahalagang tao sa 'yo k-kaya-"
Kumalas sa pagkakayakap si Miss A at tumingin sa mga mata ko. Mas mukha na siyang human nga 'yon. Hindi na stoic. Hindi na emotionless. Hindi na pokerfaced. Cause I can really feel her pain and sincerity right now.
"Do not think about me. I was once your enemy, Apple."
"Galit ako kay Jin dahil sa ginawa niya. Sa totoo lang gusto kong ako mismo ang pumatay sa kanya. Pero... dahil sa sinabi n'yo po na... ine-expect niya rin na mamamatay siya after ng game, sa tingin ko... by dying... he wants to atone all his sins. A-at sino ba naman ako para hindi siya patawarin, di ba? In the first place, may kasalanan din naman ako. Kung hindi ko siya tinulungan dati, hindi naman mangyayari ang lahat. Kaya Miss A-"
"I'm sure, Jairus will be happy."
"Eh?"
"Because you are now using your head." Natawa ako nang bahagya sa sinabi ni Miss A.
"P-pati ba naman 'yon, alam mo, Miss A?" Nag-blush tuloy ako bigla.
"Yes. I know everything that happened. Well, not really all but... most of them." Bigla kong naalala ang mukha ni Jairus. Sumikip ang dibdib ko at naluha na naman.
"S-sorry, Miss A. H-hindi ko lang mapigilan," dahilan ko. Pinahid ko ang mga luha ko pero wa epek pa rin. Tulu nang tulo.
"In case you have already forgotten what I've said earlier, Jairus, that stubborn guy, really loves you." Lalo kong naiyak sa sinabi ni Miss A. "And I guess, he wants you to free yourself from him."
P-pano ko naman 'yun gagawin? H-hindi naman ganu'n kadaling... H-hindi nam-"
"Because this game is already over, Apple... He wants you to live freely. He wants you to fall in love again. Because you are not forbidden to fall inlove anymore. You are no longer forbidden, Apple."
Forbidden Apple: Prologue-Ch 9, Ch 10-20, Ch 21-29, Ch 30-37, Ch 38-45, Epilogue





