Kapag galit tayo, gusto nating gantihan yung mga taong nakasakit sa atin, gusto natin magsabi o gumawa ng masasakit na salita o bagay dahil sa tingin natin, eh patas lang yun. Hindi natin naiisip na in that process, we always end up hurting ourselves more.
Yung tingin mo dahil nakagawa siya ng mali sayo, patas lang na saktan mo rin siya ng saktan, imbes na buksan mo yung puso mo. Imbes na magpatawad ka at tanggapin mong nagkamali siya, pinipili nating maging matigas sa harap ng mga mahal natin sa buhay kasi iniisip natin na dapat makita nilang malakas tayo. Na dapat ipakita natin na kaya din nating gawin sa kanila yung mga bagay na nagawa nila, para malaman nila yung sakit na nagawa nila sayo. Hindi natin narerealize na wala na tayong pinagkaiba sa kanila. Minsan mas nagiging masama na tayo dahil pilit nating jinajustify yung ginagawa natin dahil sa tingin natin eh tama lang na manakit ka rin kasi sila naman ang nauna diba?
Idadahilan mong, "Ginusto mo naman to diba? Hindi ka dapat magreklamo". Pero marerealize mo sa huli, na mas grabe na yung sakit na naidulot mo, kesa sa sakit na naibigay sa'yo at hindi mo na maibabalik yung mga nagawa mo. Dadating sa punto na sisirain na niya yung sarili niya sa kakapatunay sa'yo na nagsisisi siya. Siguro iisipin mo, "Okay lang yan, hindi naman ako ang nauna, dapat lang sa kanya yun."
Pero dapat nga ba? Kung "DAPAT" ang sagot mo, congratulate yourself, YOU'VE BECOME THE MONSTER THAT YOU HATED AT THE FIRST PLACE.