Salamat po sa araw araw na hamon ng buhay, Kahit minsan, hindi ko maintindihan bakit nangyayari sa akin ang mga bagay na hindi ko kayang i handle, kung wari'y susuko nako sa sakit at pagod.
Pero at the end of the day, Binibigyan mo ako ng panibagong rason para ma excite harapin ang bagong araw..
Salamat po sa mga bagong taong nakilala ko, Alam kong dadaan lang yung iba, magbibigay ng lungko't o marahil saya..
Kahit na ganon, Masaya akong naging parte sila ng buhay ko, at ganoon din ako sa kanila..
Salamat po sa walang katapusang chances ng buhay..
Alam ko pong nasa tamang daan ako, Kalakip ng bukod tanging pag gagabay ninyo.
At kahit minsan ako'y naliligaw ng landas, Uuwi pa din ako sa iyong kaharian. Kung saan wala akong ibang maramdaman kundi pagmamahal at saya..
Maraming salamat po at binigyan mo ako ng pagkakataong mas makilala ka.
Ilan lang naman po ang hiling ko,
Sana'y masaya yung mga taong mahal ko..At sana'y malagpasan ng mga taong walang pamilya sa daan ang isang araw na pakikibaka sa hamon ng buhay.