I guess, I should end this here.
Sawang-sawa na ako na ako yung laging iniiwan. Pwede ba ngayon, ako naman? Ako naman yung lalayo para hindi ako gaanong masasaktan. Lagi na lang akong iniiwanan at napag-iiwanan.
Salamat sa misunderstood messages, sa mga kilos na masyadong na-over think, sa mga tingin na kunwari, may kahulugan.
I was nothing for the past months. Napakasarap kasing mag-assume.
Actually, the only thing that's holding me back is this thing that I feel for you... that I have to let go.
Akala ko kasi appreciated ako. Akala ko mahalaga ako. Akala ko, may posibilidad... yung pag-asa.. Akala ko, hindi na ako magiging back-up girl.
Patay na patay na ako dahil sa akala. Bocha.
At ngayong tina-type ko bawat salita rito, pinipigilan ko yung pagpatak ng luha ko dahil nandito ang tatay ko. Umiyak na nga ako hanggang nakatulog ako kagabi, tapos ngayon iiyak na naman ako.
Nakikita ko na yung mangyayari sa dulo. Babalik lang naman tayo sa pagiging estranghero sa buhay ng isa't isa. Yung mga kinatatakutan kong marinig, alam kong malapit ko na ring marinig.
Binubuo ko na nga yung kastilyo ko, saka naman dumating yung malaking alon. P*nyeta.
Heto talaga yun John Jonnie, umuurong ako kahit mahal na kita. Inaamin ko na. Pero hindi ko na kayang magmahal sa taong hindi naman ako kayang mahalin pabalik. Matagal na akong napagod sa pagiging martir. I don't want to be taken for granted. Yun kasi yung nararamdaman ko. Sorry ha, ambisyosa kasi ako.. at ilusyonada. Dapat umpisa pa lang, hindi na ako nahulog sayo.