PA-TENGKYU
(WARNING: MAHABA)
Tinanong ako ni Makkie kanina "So gagraduate ka na talaga?" Sabi ko oo, maliban na lang kung mamatay ako bukas o hindi ako magising mamaya. Pero para no regrets, magpapa-thank you na ko. Hindi ko kayang bilangin o isaisahin yung mga taong marapat kong pasalamatan pero susubukan ko.
Sa aking mga numero unong fans, sa Nanay at Tatay ko na 20 ++ years akong pinagtikisan at pinagbuhusan ng pasensya, pagmamahal at lahat lahat na, pati na sa aking mga number two fans, charot!, sa mga utol ko at mga kamaganak namin, kilala ko man o hindi, labyu. Special mention siyempre sina Mamang Nor at Tita Pang na walang sawa sa gabay at suporta, pangaral, viber message at calls at allowance every month. Siyempre din ang at lahat ng mga Mamang, Papang, Tito at Tita. Tenkyu. Pati na din sa mga kapitbahay at mga manok na nakatay, asong nagbantay at ipis na pinatay, salamat!
Sa aking Pundasyon. CamCS. Singkwenta ka na, salamat sa pag-aruga sakin ng 12 years. Sa lahat ng mga alagad ng simbahan, kaibigan, kamag-aral at guro, na nagtiwala sa isang batang paslit mula sa munting paaralang ito, Kay Kuya Raf at sa mga extension ng aking pamili sa mga Mami at Dadi ko sa school, utang ko po sa inyo ang pundasyon ko sa buhay.
Sa aking UP family. CHAAAR Ang dami niyo pls pero kung taga UP ka, tiyak kasama ka rito, kahit nagpost ka lang ng samting sa UPM Files o Overheard, kasama ka dito. Sa mga kapuwa ko grad waiting (ilang oras na lang! hihihi takits) Di tayo sa pagsablay matatapos dahil may bayang naghihintay ng ating serbisyo.
Sa aking pinakamamahal at ubod ng clingy na QTS, alam na LABYU SO MATS
Sa OrgASM, ang nag-iisang org na nagpainit at nagpasarap sa buhay ko sa UP *insert OrgASM clap here* dabest tayong lahat mula sa mga hindi inabutan, sa inabutan pa, sa naabutan, at sa mga parating pa lang. Sa mga JUNIORS, SOPHIES, FRESHIES at sa mga di na namin aabutang freshies, UGH.
Sa Pre-Law, salamat sa experience at karangalang maglingkod bilang miyembro STP!
Sa DSS, lalo kina Ate 1, Mama Mary at Madame Shawi at sa alaga naming daga, salamat poes. Hi Ruth. Hi Ren.
Sa Block 7, dudes, 4 years! IMBA. Di tayo nagsawa sa isa't isa (hindi nga ba? char) di matatawaran yung 4 years na yun. Tara enroll uli tayo sa August?
Sa mga propesor na nagpanday sa amin para maging mga tigasin at astiging AS Majors saludo (+ bow + kowtow + halik sa lupa) po ako sa inyo, gayun din sa mga propesor na hindi man AS e nanjan at gumabay, salamat sa pagpapatikim sakin ng malupeeett na singko at masarap na uno
SA BRADS, my college life is dabest with you homemates, dahil hindi lang basta dorm room ang Rm 10 at 11 (at 12 at 14 din)
Sa lahat ng Iskolars ng Bayan, salamat sa isang matingkad na UP experience.
Sa mga Kuya Guards, Caf Concessionaires (!@#$%^L*P*N*A), Philcare peoples at kung sino pa man na nakasalamuha ko at ng iba pang iskolars ng bayan, APRUB!
AT SA LAHAAAAAAAAAAAT ng mamayang Pilipinong matapat na nagbabayad ng buwis, utang po namin sa inyo ang ilang bahagi ng aming tuition. Salamat.
Sa Mateo Family, salamat po sa karangalan, tulong at aral. Ma'am Grace, kung nasan man po kayo, gagradweyt na po ako.
Kay Oble, na super seksi ng pwet, you rock, literal. Binago mo kami, ginawang zombie ganyan.
LOOOOOORD (patawad!) kasi huli ka sa listahan pero OK lang naman, di naman kita nalimutan.
PS: Oo mahaba na to pero wait... importante to hahaha. Sa mga naging crush ko hahahahaha. You inspired me to finish my studies. CHAAAAAR.
Peace. Love. Service. At Rakenrol.
Roezielle Joy A. Iglesia (2010 15652)
BA Social Sciences (Area Studies) - minor in Student Assistanceship
Magna-kis slash Magnanakaw slash Magna Cum Laude
Iskolar ng Bayan