Hindi na ako muling lilingon pa.
seen from United States
seen from China
seen from United States

seen from United States
seen from Belarus
seen from China

seen from United States
seen from Türkiye

seen from United States

seen from Belarus
seen from United States
seen from Uzbekistan

seen from United States

seen from United Kingdom
seen from China

seen from Singapore
seen from United States
seen from Israel

seen from Singapore

seen from Netherlands
Hindi na ako muling lilingon pa.
Sa totoo lang, hindi ako marunong magsalita. A-BA-KA-DA, Ano na nga ba? Nakakainis naman. Hindi na nga ako makalikha ng salita, hindi pa ata makabasa. At oo, inaamin ko na. Isa akong mangmang. Sige na, tawagin mo na 'kong inutil, tanga, bobo, walang alam. Mahal pasensya na, Pasensya na dahil simula nang sinabi mong MA-- MAsaya ako kapag kasama kita; MAhalaga ka sa buhay ko; at MAkita ka lang, buo na ang daigdig ko ay para bang lahat ng HALigi ko ay unti-unting gumuho sa bawat HALik mo ako'y nanlulumo at di kalaunan, HALit na ang pusong inialay ko para lang sayo. Pero kasalanan ko. Ako naman 'tong si KIre na nahulog agad sa kislap ng tala sa iyong mga mata. Ako 'tong umasa sa bawat KIbot mong tila nagsasabing mahal-- saglit lang hindi ko pa kaya. At ako itong dapat makaramdam ng KIrot. dahil kasalanan ko. Kasalanan kong nahulog ako sa'yo. TAnggap ko na; na may mga katagang sadyang hindi mo mapapadama. TAma na; hindi mo na kailangang ipamukha pa na isa akong tanga TApos na. TAkot pa 'ko ng wala ka pero TApos na. Ayoko na. At mahal, hindi pa rin ako marunong magsalita. Hindi NA ako marunong magsalita. Dahil nang matutunan kong baybayin ang mga patnig na KI-MA-TA-HAL ay wala na akong gusto kundi isaayos ito. Isaayos ang sarili ko upang sa takdang panahon. O kahit bukas kung kakayanin ko na. Kahit ngayon kung posible pa. Kahit araw-araw pa, aking sinta; gagawin ko. Babaybayin ko ang mga salitang MA-HAL-KI-TA, hanggang sa tumagos ang bawat pantig sa kaluluwa mo at tumatak ang mga letrang to sa puso mo Mahal Kita. Pero ngayon, marunong na akong magsalita. Kung hindi nyo napapansin, mga bes kanina pa! Ang dami ko nang nasabi! Ngayon, isa na lang ang sasabihin ko sa'yo. Mahal pa ba kita? A-BA-KA-DA A-BA-KA-HIN-DI-NA Iniibig pa ba kita? Mahal, Hindi na.
Tinanong kita noon kung mahal mo pa ba, ang sabi mo ‘Hindi na’. Kasabay na iyong pagsagot ang siya namang aking muling pagtatanong kung masakit pa ba. Lumipas ang isa, dalawa, hanggang sa tatlong segundo bago mo sinabing ‘hindi na’. sa iyong matagal na pagsagot nung panahong iyon akin na agad naramdaman kung gano pala ka hirap ang lumimot at magpapaalam sa mga aalala na kayo mismo ang bumuo.
Message from a friend. :)
Sabihin mo nga, gaano karaming salita pa ang kailangan kong isulat para mapalitan ang isang letra? Tang ina
"Isang Letra" ni Juan Miguel Severo
“In one moment I was feeling everything and I was feeling nothing.”
Kami Garcia, Beautiful Creatures
Hindi Na
Hindi na kita mahal Pero minsan iniisip pa rin kita At kung nagsisisi ka na ba Sa mga kasalanang ginawa mo
Hindi na kita mahal Pero madalas iniiwasan pa rin kita Hindi dahil hindi ako nagtitiwala sa sarili ko sa tabi mo Kung hindi dahil hindi kita pinagkakatiwalaan
Hindi na kita mahal Pero minsan sinusubaybayan pa rin kita Hindi dahil gusto ko malaman kung anong nangyayari sayo Kung hindi dahil nakasanayan ko
Hindi na kita mahal Pero madalas akong nagtatanong Kung pinapatawad mo na ba ako Sa mga pagkukulang ko sayo
Hindi na kita mahal Tandaan mo yan Hindi na kita mahal Tandaan mo
Hindi nako aasa't maghhntay.
Alam mo yung nakakatakot?
Sa 19 years ko dito sa Legazpi, ngayon ko lang naranasan ang matakot ng ganun. Yung tipong hindi ka makalingon, di ka makatigil sa paglalakad,, hindi ka makabwelo gumalaw. Panong hindi ka magiging ganun kung may napansin kang sumusunod sayo?
Nung una, hindi ko naman sya napapansin. Ang alam ko lang, kasakay ko sya sa jeep at kasabay ko rin syang bumaba. Given yun, kasi sa mall ako bumaba. Given na maraming bababa dun. Kaya wala akong pakialam. Hanggang pumasok ako dun sa Service Center kung san ko pinaayos yung printer. Mga 10-15minutes akong naghintay pero hindi pa daw nagagawa. Kaya balikan ko na lang daw after an hr or less. Sa paglabas ko, nakita ko sya sa tapat ng Service Center. Pero di ko pa rin pinansin.
Pumasok ako ng mall, sa tapat ang nung center. Pumasok ako ng Jollibee para magCR and kakain sana. Kaso, wala akong gusto dun. Paglabas ko, nakita ko ulit sya. Dun ako kinabahan. Coincidence lang ba nasa labas sya nung center at nasa labas din sya ng Jollibee? And the moment nung naglakad ako palayo eh nagsimula na rin syang gumalaw? Hindi naman di ba?
Hindi na ako nakakain. Kasi kabado na ako. Kabadong-kabado. Ni hindi ko magawang lumingon, natatakot akong makita syang nakasunod. Ayaw kong tumigil kasi baka biglang pagtingin ko, katabi ko na lang sya. Kaya nung tumawag yung kaklase ko, sinagot ko. Para maging aware sya na may kausap ako. Nagkataon naman na tumatawag si Dee dun sa isa kong phone. Hindi ko makuha kasi nasa loob ng bag, eh ayaw ko nga tumigil maglakad.
Pagpasok ko ng center, hinanap ko ulit yung phone ko. Dun ko nasagot si Dee. Hindi ko alam kung iniisip nyang busy ako kausap yung kaklase ko. Pero yung totoo, hindi talaga ako makausap ng matino. Dahil takot talaga ako.
Nung nalaman kong hindi ko makukuha yung printer, aalis na dapat ako. Pero nag-alangan ako. Pano kung nasa labas pa sya? Anong gagawin ko? Pero tiningnan ko yung oras. 5:30 na. Late na ako sa klase ko. Lumabas na ako.
Paglabas ko, nakita ko sya across the street. Binalewala ko na lang at agad sumakay ng jeep na nakaparada sa harap ng center. Ang kaso, di gumagalaw yung jeep. Natatakot ako na baka sumakay din yung stranger. Nagkataon naman na sa paglingon ko, may isa pang jeep na pwedeng sakyan. Na medyo puno at alam kong aalis na. Kaya lumipat ako.
Pagsakay ko, medyo nakahinga na ako. Pero takot pa rin talaga ako. Di ko alam kung namumutla ako o ano. Talagang tahimik lang ako at nakatitig sa bag ko. Yun lang. Tapos pagkuha ko ng pambayad ng pamasahe, pag-abot ko sa harap, nakita ko yung stranger. Nasa driver's seat. Lalong kinabahan ako. :( Tapos si Dee, galit pa. Hindi ko na alam kung ano pa dapat maramdaman.
Buong byahe pa-school, di ako mapakali. Iniisip ko yung gagawin ko the moment na pumara ako. Nakakapraning. Hanggang malapit na ako sa school. Medyo madilim pa naman na. Kaya nung pagbaba ko, tawid agad ako. Hindi ako lumingon, kung bumaba man sya o hindi. Dire-diretso ako sa pagtawid, pumasok ng gate hanggang sa building. Kailangan ko pang umakyat ng 3rd floor kasi dun ang room namin. Nangangatog yung tuhod ko habang paakyat.
Pagpasok ko ng room, nakayuko ako. Habang nagtatawanan yung buong klase, ako walang imik. Kahit nag-brownout at naghiyawan mga kaklase ko, wala akong reaksyon. Kasi takot talaga ako. Hanggang sa nakwento ko sa kaklase ko. Then, medyo nawala na.
Sa totoo lang, takot na takot na talaga ako. Bahay-School na lang ako. At di ako aalis ng bahay kung mag-isa. Hindi na talaga. :(