Gusto kong marinig mo’ng lahat ng aking sasabihin Para malaman mo ang naging dulot mo sakin Akala ko hindi ko kaya pag wala ka Ikaw kasi yung palaging nandiyan ‘pag ako ay nag-iisa Nung iniwan mo parang gumuho ang mundo Paulit-ulit na sumisigaw at humihingi ng saklolo Hindi makatulog sa gabi kakaisip kung bakit ka biglang naglaho Nagdadasal na sana ako’y muling balikan mo Pero pagkatapos ng ilang linggo ay nasabi ko… Na kaya ko, kaya ko palang wala ka Nasanay lang siguro dahil noon ay lagi kitang kasama Hindi ka naman pala isang malaking kawalan Nagtataka tuloy ngayon kung bakit kita iniyakan Naalala ko noon, isang buwan ata ‘yon Pakiramdam ko lahat ng love song ay isinulat para sa akin Halos isumpa lahat ng magkasintahan na nakikita ko sa daan Habang ako’y mag-isang naglalakad dahil ginawa mong tanga at pinaghintay sa wala Nakita kita May kasama kang iba Gusto sana kitang lapitan Hihilingin na ako’y iyong balikan Ang sakit isipin Na wala man lang paalam sakin Halos ‘di na nakakain Gustong ibalik ang dati Pero pagkatapos ng ilang linggo ay nasabi ko… Na kaya ko, kaya ko palang wala ka Nasanay lang siguro dahil noon ay lagi kitang kasama Hindi ka naman pala malaking kawalan Nagtataka tuloy ngayon kung bakit kita iniyakan Hindi naman pala ganong kasama kapag ikaw ay wala Sinanay mo kasi ako noon, iiwanan rin pala Bahala ka sa buhay mo, kung ayaw mo edi ‘wag mo Dahil kaya ko, kaya ko na ‘pag wala ka Nasanay lang siguro dahil noon ay lagi kitang kasama Hindi ka naman pala malaking kawalan Nagtataka tuloy ngayon kung bakit kita iniyakan Akala mo siguro hindi ko kaya na wala ka Pero hindi, nasanay lang pala ako talaga Kaya sa susunod na makikita ka parang wala na lang Hindi ka na mahalaga, bahagi ka na lang ng nakaraan