Importansya ng Radyo
Maraming bagay na ang naimbento upang mapadali ang buhay ng tao, yan ang nagagawa ng teknolohiya sa ating lahat. Isa na doon ay ang radyo, ito ay isang gadyet na nakatutulong sa ating lahat upang makapaghatid ng mga balita sa ating bansa , masama man ito o maganda. Bagama’t nakatutulong ito sa atin dahil sa mga positibong epektong naidudulot nito sa lipunan tulad ng madali itong makaakses ng mga balita at nakapagbibigay ito ng opurtunidad sa mga tao na naghahangad maging isang DJ ay hindi mawawala ang mga masamang epekto na maaring maidulot nito sa atin at sa lipunan tulad nalamang ng pagiging biased nito sa mga balita na maaring ireport nito, maaring kung anong panig ang kanilang mas pinaniniwalaan ay yun lamang ang kanilang ibalita upang yun ang mas paniwalaan ng mga tagapakinig, isa pa ang ay pagbabagong teknolohiya na ang radyo ay unti unti ng hindi binibigyang pansin ng mga tao dahil sa mga sikat na social media tulad ng facebook, twitter, tumblr at iba pa na nakapagbabahagi din ng mga balita at ito ay merong larawan na mas ikiniaaaliw ng mga gumagamit ng mga applications na iyon na ang radyo ay wala.
Mas madalas paring pakinggan ang Fm kaysa sa Am na parte ng radyo na mas nagbibigay ng mga balita. Ang mga kabataan kasi sa henerasyong ito ay laging iniisip ang kung ano lamang ang uso. Ang madalas nalamang making ng balita sa radyo ay ang mga matatanda sapagkat ito ang kanilang nakagisnan dahil sa ito ang unang instrumento na naghatid ng mga balita, Sa panahon ngayon ay hindi nalamang din Filipino ang ginagamit ng mga tao na lenggwahe sa radyo kundi gumagamit na din sila ng iba pang lengguahe. Sa paraang ito uunlad din ang Filipino, ang ating sariling wika.










