NEXT MONTH, 18TH KO NA.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa, coz atlast magiging legal na ako or madidisappoint kasi eto na naman, birthday ko na naman.
Since kasi nung nagcollege, parang ayoko na laging sumapit yung December 5. Di ko alam. Lagi nalang. Napakaassuming ko kasi. Ha ha ha. Akala ko kasi masusuklian yung mga plano ko for surprises sa mga friends ko, anyare? Umasa lang naman ako, umasa sa wala. Well, kasalanan ko naman kasi wala namang dahilan para umasa.
Last 15th ko pa ako nakaranas ng surprise talaga. And those guys never failed to surprise me talaga, kahit kelan. Kahit maliliit na bagay :----)
Someone asked me, anong plano mo sa 18th mo? Sabi ko, wala. Wala naman talaga. :---) Pangarap ko yung may 18 18 keme, pero I know naman my limits, hindi namin kaya gumanon. So simpleng kainan nalang siguro. Come what may. Wala namang excited, wala namang may pake.
Sana lang talaga, maging masaya. Isang beses lang naman to sa buhay ko. Sana, sana...











