Sa totoo lang isang malaking exception yung ginawa kong pagtanggap na yun. Hindi ko inintindi yung mararamdaman ko noon dahil ang akala ko hanggang dun lang. Akala ko, hi, hello, kamusta, ah, okay part lang. Kahit sabihan niyo na ko ng assumera, feelingera at tamang hinala wala akong pakialam. Dahil yun talaga yung nararamdaman ko, hindi maalis sa isip ko yung mga ganung bagay. Alam kong sobrang sama ko sa part na to pero, sobra na kasi. Hindi ko sinabing may masamang ginagawa pero, hindi ko talaga kaya. Siguro, hanga na din ako sa sarili ko nung mga oras na kayang kayang kaya ko magtiis kasi gusto ka nilang kasama at gusto nila yung company mo, kahit ganun hindi ko inintindi yung sarili kasi gusto ka nila, wala akong pakialam sa nararamdaman ko basta masaya sila. Pero hindi na, iba na. Alam kong ako din yung gumawa ng dahilan kung bakit umabot sa ganun. Pero kasi hindi ko na talaga kaya. Ngayon, hindi ko alam kung pano magexplain kasi ayokong manakit at ako talaga yung may mali. I can’t put my feelings into words kasi sanay akong ako yung iniiwan, kahit na umabot na sa ganito hindi ko parin kayang manakit at mangiwan ng kaibigan. Okay yes cheesy corny at walang sense, pero kahit na barubal ako at walwal sa buhay, ganun ako kahina pagdating sa kaibigan. I really am sorry. I can’t say my reasons straight and forward kasi ganun ako ka-weak, hindi ko ma-justify at hindi ko masabi kasi ganun ako kabaluktot, ganun ako kaduwag. Kasi alam kong mageend lahat as in lahat kapag sinabi ko kung bakit at ayokong maging dahilan kung bakit pati sila mabawasan ng kaibigan. Titiisin ko nalang yung mararamdaman ko, kesa mawalan pati sila. Kasi, pag umabot sa part na andun ako tapos iiwas ka pati sakanila, dude, ako mismo iiwas sakanila para hindi mo lang sila iwan. I know who they’ll choose.
Thank you for making me laugh, even when I don’t want to smile. Thank you for keeping me. Salamat sa mga effort na binigay mo. Salamat talaga for being my proxy sometimes. Thank you for doing what I can’t do for them. Thank you din kasi, in those times na feeling ko sasabog ako, sayo ko nalalabas minsan yung galit ko ng hindi mo alam at hindi ka napipikon. Ay. Pikon ka pala. Salamat din for keeping the real me. Kahit na ganito ako kagago at ganito ako katangina, kahit na mali pala yung first impression mong di ako “makabasag pinggan” at barubal pala ko, thank you, for being my friend.
Sorry kung hindi ko masabi to ng harapan or kahit manlang sa kahit anong paraan. Sorry hindi ko talaga kaya. Ganun ako kaduwag. Sorry kung feeling mo tinataboy kita. I’m sorry for doing the same mistake. Sorry for not being enough. Sorry for not giving back everything you did for me. Sorry dahil maarte ako. Sorry dahil gago ako. Sorry dahil tangina ako. Sorry talaga. Diba sabi ko kahit daigin ko pa si Arroyo, magsosorry parin ako. I’m sorry for being such a puzzle, kung hindi mo ko magets most of the time. I’m sorry. Sorry din dahil duwag ako, bading ako, at wala akong paninindigan. Sorry talaga. Hindi ako mauubusan ng sorry. Kaya ko pa magisip ng mga sorry sa totoo lang. Pero baka kasi tamarin ka magbasa kaya, next time.
Good bye, this is the part where I had tons of practice saying but I never had the chance to say to. Hindi ko to gagamitin sayo, kasi alam kong magkikita at magkakasama pa tayo. At siguro, mapaguusapan pa to, kasi alam kong hindi tayo susuko hangga’t hindi tayo nabibigyan ng hustisya. Sorry talaga ulit.
I hope you read this in time, at hindi dahil may nagpabasa sayo or whatnots. Sana basahin mo to ng bukas ang utak, well not literally kasi kadiri yun. I mean open-minded at open-hearted. Sana maintindihan mo ko. Alam kong pag nabasa mo to, hindi mo parin magegets yung dahilan ko, pero putangina dude, it’s a start.