Iba't ibang klase ng mga tao sa Tumblr
Tae ang haba ng title. Hahaha!
Sa halos dalawang taon ng pagiging Tumblogger ko, maraming klase na ng tao ng nakasalamuha ko dito sa Tumblr. Marami naman ang maganda ang tingin ko, marami din ang pangit. Nakakatuwa sila sapagkat, madali ko silang nadiskubre dito.
Anak ni Rizal - Sila ang mga klase ng bloggers napakatalino, napakawitty, nationalistic, may sense ang bawat post, at hindi mawawala ang humor sa kanila.Nahahati sila sa dalawa. Ang una ay nagpopost ng kwento tungkol sa sarili o sa ibang tao. Sa mga kwento nila, makakapulot ka ng aral, idea, o opinyon. Ang pangalawa naman ay yung mga blogger na nagbibigay ng makabuluhang opinyon sa bawat issue o sa kahit saan. Si Rhadson (matabangutak), Mikkey (isangmalakingoven) at Kuya Rain (amateurdreamer) ay tatlo sa mga nakilala kong Anak ni Rizal.
Troll - Sila ang dakilang mangungupal, punumpuno ng katatawanan at kalokohan. Sila ang laging nagpapatawa sa buong Tumblrverse. Tulad ng mga Anak ni Rizal, nahahati sila sa dalawa: ang may sense na Troll at ang walang utak na Troll. Ang may sense na Troll, witty din sila tulad ng Anak ni Rizal, pero pure comedian. May sense silang kausap, kahit nakakatawa sila. Kumbaga, nakakatawa sila at nakakatuwa. Si Beben, Gyno, Dale, Kuya Eekol, at Kuya Liam ang iilan sa mga Troll dito. Ang Walang-Utak na Troll naman, sila yung nangungupal ng walang sense. Makikita sila sa mga kupal na Anon o sa mga iilang troll blogger.
Model/Diyosa - Sila ang mga gwapo't magaganda sa Tumblr. Yung tipong may effort man sa pagpapagwapo/pagpapaganda o wala, gwapo't magaganda pa rin sila. Minsan nga nakakailang kapag gusto mo silang makausap, kasi baka tarayan o iignore ka nila (pero hindi, kasi mababait din naman ang iilan sa kanila). Si Blair, Mako, Popoy, Jed, Maica, at Nadine ang iilan sa mga nakikilala kong Model/Diyosa.
Literary Geeks - Sila ang mga bookworm, Potterhead, Demigod Geeks, at kung anu-ano pang book reader. Mahilig silang magcite ng quotes, at lahat ng Tumblr posts nila puro related sa paborito nilang book. Since Half-Wizard, Half-Demigod ako, almost lahat ng post ko ay tungkol kay Harry Potter and Percy Jackson and the Olympians. Ako, si Areli (smilinggeek), at si Benny Jane (patronushisfaceaway) ang tatlo sa mga Literary Geeks dito.
Hubadero/a - Sila ang mga adik sa TTH! Present sila lagi sa TTH tracked tag mo. Kung hindi picture, text post na mahalay ang mababasa mo. Nahahati din sila sa dalawa: ang tunay na TTH at ang mga hipon.
Artists - Sila ang mga artistic blogger. Magaling sila sa photography, arts, at marami silang talento. Ang artist ay pwedeng MAS student, singer, musician at marami pang iba, basta naipapakita mo ang artistic talents mo. Si Cedie at si Vinquilop ang dalawa sa mga kilalang Artists dito sa Tumblr (at proud ako kasi magaling silang Mapuan MAS students).
Elites - Sila ang mga rich and almost snobbish bloggers. Maaari silang maging anak ni Rizal, Literary Geeks, o Artists, pero dahil nasa high social class sila, inilagay ko sila sa Elite group. Sila yung mayaman na mayaman na mayaman na mayaman (repeat until fade). May tendency silang maging matapobre, at picky sila pagdating sa mga bagay bagay (food, clothing, etc). Si kuya Lerry at si Hamira ang dalawa sa kilala kong nasa Elite group.
Porn Lovers - Ang mga mahihilig sa porn, produkto ng TTH. Sila yung laging may sex video sa blog o may porn GIFs. Minsan gusto kong i-categorize si Beben dito hahaha
Nabubuhay-sa-Tumblr - Sila yung laging umaattend/nag-oorganize ng meet ups, laging may puna sa mga tumblr issues, at kinakarir ang mga facebook groups na related sa Tumblr. Hindi sila mabubuhay kung wala ang Tumblr. Bawat likes, reblogs, TAs ay mahalaga sa kanila. Yan ang nangyayari sa ibang "Tumblr Famous" ngayon. Yung iba naman, pinapakialaman pati tumblr ng iba, kesyo pangit daw o walang class.
Kimpoy Fans - Hahahaha ewan ko ba, nung "sumikat" lang ang blogger na si Paolo "Kimpoy" Feliciano, lumitaw ang mga di mabilang na tagahanga. Yung iba ayos lang, pero yung iba ang OA. Yung tipong nang-aaway ng blogger kapag tinuligsa ng blogger na yun si Kimpoy. Para namang may care si Kimpoy sa mga tumutuligsa sa kanya. Nakakatawa lang, sa sobrang admiration nila kay Kimpoy, nagiging warfreak yung iba. May nag-effort pang gumawa ng hate blog para kay Kuya Rhadson hahahaha.
Random Bloggers - Ang mga bloggers na walang category. Iba't ibang bagay ang pinopost nila. Jack of all trades kumbaga. Kahit ano ipopost, basta may maipost lang sa araw na ito. Marami sila, too many to many mention. Maraming magagaling na Random bloggers, dahil almost lahat kasi nagagawa o naipopost nila dito. Random Blogger din ako, pero mas pronounced ang pagiging potterhead ko.
Anon Haters - Sila ang mga kupal na bloggers na gumagawa ng anon account para siraan ang isang blogger. Kadalasan sila ang mga gumagawa ng issue dito sa Tumblr. Nakakairita sila. Yung gumawa ng TumblrPilipinasGossip account ay isa sa mga anon haters dito. Kadalasan ang iisa lang idn ang anon hater at yung Nabubuhay-sa-Tumblr.takutan
Bashers - Ang mga "kinakakatakutan" sa Tumblr. Pag may tanga, nagkamali (pero ininsist ang pagkakamali), epal at papansin, panigurado lilitaw ang mga Bashers. Nahahati din sila sa dalawa, yung alam kung kelan titigil at yung isa na walang pakundangan ang pag-bash. Si Original Mapanlait ang isa sa mga kilalang bashers dito.
Tanga/Jejemon - Simula nung minention ni Vice Ganda ang Tumblr sa Showtime, biglang dumami ang mga gusto magkaroon ng Tumblr account. Maraming tanga at ginawang friendster ang tumblr sa "pagpapaganda" ng kanilang blog. At may mga bloggers din na jejemons, ansakit lang din sa mata. Yung tipong ita-TA ka nila pero hindi mo maintindihan ang gusto nilang iparating (dahil nga jejemon). Dahil sa mga Tanga at Jejemon kaya lumitaw ang mga bashers.
Bakit hindi ko sinama ang "Tumblr Famous" sa mga categories? Kasi kahit saang category makikita mo sila, kahit sa TANGA/JEJEMON category.
Abangan ang aking year-end special... :)
















