Last month ko nagustuhang magbasa ng ebooks. Lalo na yung mga kwento sa wattpad. Si Nicole at Janine ang nag-introduce sa'kin nito. Una kong nabasa sa lahat yung "Voiceless" na pinasa sa'kin ni Nicole. At dahil nagandahan ako kahit papa'no sa story, naghanap pa ako ng ibang stories sa wattpad. Nanghingi ako ng iba pang ebook kay Nicole at Ja. Tapos sunod kong nabasa yung "She's dating the Gangster" na pinaiyak lang naman ako ng sobra. Eh kasi nakakaiyak naman talaga yung story. Okay, tama na. Basta yun. Pagkatapos no'n, nawili na ako magbasa at sunud-sunod na ang pagbabasa ko ng stories sa wattpad.
Nahilig ako magbasa nito kasi minsan nakakarelate sa stories. Yung buhay ng isang tao kapag nagmahal na siya. Karamihan sa mga nabasa ko ay yung story ng first love nila nung elementary at high school, at kung pa'no sila lumaban kapag sobrang sakit na talaga yung nararamdaman nila kasi mahal na mahal nila yung tao. Halos lahat din naman happy ending. Sinasabi sa iba na hindi imposible na yung taong mahal mo na pinapangarap at tinitingnan mo lang galing sa malayo dati, ay mamahalin ka din. Kaya nga masarap magbasa ng gan'tong stories. Nasasabihan ka rin na kapag mahal mo ang tao, kahit ga'no ka nasaktan sa una, hindi laging kailangan mag-give up.