First meet-up na naattendan namin ni kailurkey :">
Yeedeey! checked na ang MU sa wish list chaar haha. Uy wag ka effort talaga kami ni bee haha nag field trip kami sabus how sweet naman :"P tapos yun pag dating namin sa SM Calamba hindi muna kami agad ngapproach sa mga blogger haha eh kahiya? At walang kakilala talaga so hinintay lang muna namin si kuyajeuz. Umakyat pa kami sa second floor para magmasid hoho. Then~ nakita na namin dumating na si kuya so yun lakas loob lumapit sa kanya nagintroduce na kami ganito ganyan may nakawayan ko pa nga yung si nagtatagongbata? kala ko nga di siya blogger nun una eh hehe. Tapos pinakilala kami ni kuya sa ibang blogger ang nakuha ko lang na url is iloveusrsyly? Tama ba? at si batangmaligaleg? hahaha sila lang tanda ko na url. Ay pati pala si iamjvee at si hiponglollipop tama!? At yung sa last si yohandroid hehe eeh kasi di talaga ako magaling umintindi ng url at may pag ka bingi ako hoho. So yun enjoy kahit saglit sana naaalala pa kami ng mga nakilala namin :D dumating pala kami dun mga 2pm umuwi ng mga 3+ o 4pm na? Ay ewan haha. So yun nag long ride ulit. Sarap ng feeling makasama yung love mo sa mga long trip kahit matagal sa biyahe hehe :"P pero sayang wala nasama sa group picture! Ay may naalala ako nakasama kami sa ngiisang picture namin hoho. Tag na lang po~ So yun haba na Good evening! hindi na sayang ang effort kasi nagenjoy naman din kami :") atska perstym yun! :D. Nice meeting you po mga organizers at sa mga bloggers :) sa ulitin po.











