Watch 24 Oras: Mga classroom na kaya ang mga kalamidad, target maipagkaloob sa proyektong Kapuso Schools video
#NewsPolitics - #video - #Classroom, #Kalamidad, #Kapuso, #Kaya, #Maipagkaloob, #Oras, #Proyektong, #Schools, #Target

seen from United Kingdom

seen from United Kingdom
seen from Germany

seen from T1

seen from United States
seen from Türkiye
seen from China
seen from United Kingdom

seen from Italy
seen from New Zealand
seen from United States

seen from Hungary
seen from Malaysia
seen from United States
seen from Türkiye

seen from Australia
seen from United States

seen from Germany
seen from Yemen
seen from China
Watch 24 Oras: Mga classroom na kaya ang mga kalamidad, target maipagkaloob sa proyektong Kapuso Schools video
#NewsPolitics - #video - #Classroom, #Kalamidad, #Kapuso, #Kaya, #Maipagkaloob, #Oras, #Proyektong, #Schools, #Target
5 Tips Kung Ano Ang Pwedeng Gawin sa Panahon ng Kalamidad
5 Tips Kung Ano Ang Pwedeng Gawin sa Panahon ng Kalamidad
Kahit ang Pilipinas ay nabibilang sa lugar kung saan palaging may bagyo at lindol, patuloy pa rin sa pagkitil ng buhay, pagkawasak ng tirahan o kaya pagkasira ng pinaghahanap buhay ang mga kalamidad na ito gaya ng bagyo, baha, landslide at lindol. Bakit kaya palagi na lang ganito ang mga nangyayari. Hindi pa ba natututo ang bawat isa na maghanda sa mga ganitong sitwasyon? Dahil regular itong mga…
View On WordPress
Ondoy Memories (Originally posted at my Facebook account, 9/26/2012)
Noong Setyembre 26, 2009 nangyari ang pina-kahindi ko malilimutang araw. Iyon ay ang kasal nina Tita Ningning at Tito Edieson de Leon at ang araw na nagmulat sa mga mata ng mga taong nakatira sa NCR at Southern Luzon o ang tinatawag na "Ondoy." Ginising kami ng 7:00 ng umaga para magbasta sa kasal. Ang tanda ko pa nga, Sabado noon. Buti na lang, wala kaming practice ng modern dance noon dahil may pupuntahan kaming kasal (Di'ba Lindsay at Zelle?). Noong araw pa namang iyon, napakalakas na ng ulan. Pagsapit ng 9:00, umalis na kaming buong pamilya at pumunta sa Santolan sa Pasig para sa kasal. Mabigat ang trapiko noon dahil sa lakas ng ulan. Maririnig mo pa nga sa loob ng sasakyan kung gaano kalakas ang pagtama ng mga patak ng ulan sa bubong ng aming sasakyan. Pagdating namin, naghintay muna kami sa pagpatak ng 10:00 ng umaga para sa simula ng seremonyas. Sa kalagitnaan ng kasal, tumawag ang mga tindera namin at sinabing pumasok na raw ang tubig sa loob ng bahay. Lingid sa kaalaman namin na tataas pa ang tubig baha, pinaakyat lang namin sa elevated portion ng bahay namin ang mga gamit na maaaring mabasa. Mabilis na umangat ang tubig baha ayon sa mga tindera namin na nag-akyat ng mga gamit sa itaas ng aming bahay. Nang papalapit nang matapos ang kasal, tumawag muli sila at sinabing hanggang baywang na raw ang tubig baha. Dahil dito, na-stranded kami sa loob ng simbahan ng ilang minuto. Medyo kinakabahan na ako noon dahil bahagyang pumasok ang tubig sa loob ng simbahan; kaya naghanap kami ng maaaring tulugan at lugar kung saan kami magpapatila ng ulan. Hindi pa kami nakakaalis ng simbahan at tumawag muli sila at sinabing lagpas tao na ang baha sa loob ng bahay. Ang nahanap naming evacuation site ay ang P&G factory malapit lang doon sa simbahan. Alalang-alala kami sa mga tao at mga gamit sa bahay namin, ngunit wala na kaming magagawa. Pero dahil nga kasal iyon, syempre, may handaan sa loob ng evacuation site. Medyo kaunti lang ang mga pamilya sa loob na kasama namin noong mga oras na iyon. Suot ko pa noon ang aking white t-shirt, black pants, black shoes, at black socks na sinuot ko. Karton lamang ang aming hinigaan habang naghihintay ng balita. Kinabukasan, naghintay muli kami ng ilang oras para humupa ang baha at makauwi sa aming tahanan. Habang papauwi, may nakita akong lalaking nakahiga sa kalsada na mukhang nasagasaan ng trak doon sa tapat ng Marquinton (Robinson's Supermarket). Dahil hindi pa humuhupa ang baha sa parte sa amin, minabuti na ng aming mga magulang na maglinis sila ng tindahan at kami namang mga bata ay manatili sa 2nd floor ng tindahan namin. Halos maggagabi na nang makauwi kami. Napakaraming putik ang nasa daanan. Mabaho. Makalipas ang ilang linggo, nalinis na ang 75% ng aming bahay. Nang bumalik na ang klase, ang dala kong notebooks ay mga nabaha. Dahil doon, minabuti ng aming adviser na si Mrs. Magbanua na gawing "birthday gift" ang mga bagong school supplies. Laking pasasalamat ko sa kanya dahil sa kanyang ginawa para sa akin, pati na rin sa mga kaklase kong nagbigay ng tulong. Ngayong lumipas na ang tatlong taon mula ng trahedya ng Ondoy, naalala ko pa rin ang mga pangyayari sa amin. Kung maituturing, masuwerte kami dahil walang nasaktan sa aming pamilya. Napinsala man, mas importante ang buhay namin kaysa sa anumang gamit na nabaha. Ipanalangin sana natin ang mga taong binawian ng buhay noong kasagsagan ng Bagyong Ondoy. Mahalin natin ang ating kalikasan upang hindi na nito tayo balikan at magdulot ng pinsala. Sana ay naging aral ito sa ating lahat at nang sa gayon ay hindi na maulit muli ang trahedyang kumitil ng mga buhay, sumira ng mga kagamitan, at nagdulot ng pagluha ng sambayanang Pilipino.
Let's pray not for class suspensions but for every Filipino's safety.
BASURA: Ang ugat ng mga delubyong naganap.
Ika nga ng kasabihan, ang basurang tinapon mo, tiyak na babalik din sa iyo. Maliban sa tunog na kahalintulad ng karma, iyan din ang moral lesson kay Bessy Basura, isa sa mga antigo (at noong panahon na iyon ay sa Linggo ng gabi lang umeere) na episode ng sotry-telling program ng ABS-CBN na Wansapanataym. Kung sa bagay,una ko yan napatunayan sa aking sarili iyan noong nanalasa ang bagyong Ondoy noong 2009, kahit sa totoo lang, hindi ako palatapon ng basura sa kung saan-saan lang. Noong kamakailanlang, tone-toneladang basura ang naglutangan sa baybayin ng Manila Bay, at noong panahon nan iyun, nagmistulang extension ng dagat ang kahabaan ng Roxas Boulevard. Aba, ilang trak din ang nagkarga ng mga iyan, no? At sa dami ba naman ng naglipana sa mga daluyan ng tubig, lalo na sa mga ilog, ang mga basura ang pinakapansinin sa lahat. Mula sa mga sanga ng puno, kahoy na natapyas na furniture, inanod na speaker, ayan, hanggang sa ultimo mga wrapper ng kendi, diaper ng batang may laman pa, at kung anu-ano pa na napakanibangan na natin, at kahit yung mga bagay na hindi na mapakinabangan pa matapos malubog ito sa pagbaha… kapag ito ay hindi naisalba. Wala na. basura na. Sa dami ng tone-toneladang mga basurana tinatapon natin araw-araw, e may mapglulugaran pa ba kaya ang mga ito? Lalo na sa panahon na ang Payatas ay tila isang kommunidad na? o sa kabilang banda, sa totoo lang, ganun ba kawalanghiya ang karamihan sa atin? As in walang disipilina sa sarili? Madaling sumagot, madaling mamintang, madaling manisi na balasubas at tarantado ang mga iyan. Yun nga lang, maihrap pangatawanan kahit napakadaling manghusga. Pero iyan kasi ang realidad e. lalo na ngayon na unti-unti nang nagbabago ang klima ng mundo. Ang kawalan kasi ng disiplina sa ating sarili ay ang siya ding nakakapgpahamak sa ating mga sarili, lalo na sa mga panahon na sinisingil na ng Inang Kalikasan ang bawat isa sa atin. Maaring hindi ito alam ng karamihan, pero ang simpleng bagay ngayon ay nagbibigay ng higit-sa-simpleng mga epekto. Ang simpleng pagtapon ng basura ay tila magdudulot ng isang napakalaking trahedya sa kapaligiran bilang kabayaran sa hinaharap. Ang simpleng wrapper ng kendi pag tinapon mo sa kanal, baka bumalik sa iyo yan pag baling araw binaha ka at naglinis ka ng iyong lugar na sinalanta ng masamang panahon. Katulad ng pagputol ng puno, pagkakaingin, pagtatapon ng mga nakakalasong kemikal sa daluyan ng tubig at iba mga simpleng akto na posibleng magbigay ng malaking dulot sa ating kapaligiran. Hindi natin mapipigilan ang climate change. Pero kaya pa natin na mapabagal ang paglaganap ng mga epekto nito habang may panahon pa. Kaya mabuti pa na ikabubuti ng ating kapaligiran. Ika nga ng kantang “Sala” ng Pupil na banda ni Ely Buendia: “Iisa lang ang iyong mundo. ‘wag mong tatapusin.” Ang simpleng pagtatapon ng basura sa tamang lugar ay higit na makakatulong sa ating naghihingalong kalikasan. author: slickmaster | date: 08/11/2012 | time: 12:02 a.m. © 2012 september twenty-eight productions
Ang mabigat na bagahe ni Habagat noong Agosto 7, 2012.
<!-- /* Font Definitions */ @font-face {font-family:"Cambria Math"; panose-1:2 4 5 3 5 4 6 3 2 4; mso-font-charset:1; mso-generic-font-family:roman; mso-font-format:other; mso-font-pitch:variable; mso-font-signature:0 0 0 0 0 0;} /* Style Definitions */ p.MsoNormal, li.MsoNormal, div.MsoNormal {mso-style-unhide:no; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; margin:0in; margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:12.0pt; font-family:"Times New Roman","serif"; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-language:EN-US;} a:link, span.MsoHyperlink {mso-style-unhide:no; color:blue; text-decoration:underline; text-underline:single;} a:visited, span.MsoHyperlinkFollowed {mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; color:purple; mso-themecolor:followedhyperlink; text-decoration:underline; text-underline:single;} .MsoChpDefault {mso-style-type:export-only; mso-default-props:yes; font-size:10.0pt; mso-ansi-font-size:10.0pt; mso-bidi-font-size:10.0pt;} @page Section1 {size:8.5in 11.0in; margin:1.0in 1.25in 1.0in 1.25in; mso-header-margin:.5in; mso-footer-margin:.5in; mso-paper-source:0;} div.Section1 {page:Section1;} -->
Minsan ko napagtanto ang mga linyang ito habang pinagmamasdan ang baha sa aming magkakapitbahay na tumataas sa halos lampas-tao na ang antas: “Hindi nga ‘to isang bagyo tulad ni Ondoy, pero grabe ang hagupit, kasing tulad na nito.” Bagamat ang nasa isip ko pa rin nun ay hindi na kasing-sama ni Ondoy ang magiging dala nito. Pero isang bagay lang ang sigurado: Nagbabago na talaga ang panahon. Aba, sino ang hindi mag-aakala na ang mga simpleng buhos ng ulan pala dati ay nakakapaghatid na ng isang malaking delubyo ngayon?
At hindi ito usapin ng bagyo, ha? O typhoon, tropical storm, tropical depression o kahit ultimo ang low pressure area. Ang nangyaring kalamidad sa Kalakhang Maynila at sa iba pang mga kalapit na lalawigan? Dala lang ng tinatawag na “hanging habagat.” Iyan ay ayon sa mga ulat-panahon. Southwest monsoon, o yung mga hangin na galing pa ng timog kanluran. Literal. Yung may dala ng mabibigat na ulap na papawirin na may dalang pagkulog at pagkidlat (tama ba?). Kadalasan ito tumatama sa ating bansa, mula kalagitnaan ng Mayo hanggang Oktubre kada taon. At sa panahon na din ito madalas tumatama ang bagyo sa ating bansa na isa sa mga tropical na lugar sa buong mundo.
Sa panahon na isinusulat ko ito, 49 na katao (26 sa National Captial Region) na ang kintil ng Habagat na iyan, isama mo na ang bilyong pisong danyos sa mga ari-ariang imprasraktura sa 80 lungsod at munisipalidad na apektado nito, agrikultura at iba pa, basurang naglipana sa nga lugar na binaha at 2 milyong kataong apektado ng sama ng panahon. At sa malamang, ang karamihan sa mga ito ay nawalan ng tirahan, nasiraan ng mga gamit sa loob ng bahay, may-ari ng tumaob na ilang mga sasakyan, nastranded sa biyahe, nalugi ang negosyo, hindi nakapasok sa klase’t trabaho, at iba pang mga bagay na may kaugnayan sa mga pangyayari noong Agosto a-7, taong 2012 isama mo na dyan ang humigit-kumulang 580 libong katao na naging pansamantalang tirahan ang mga evacuation centers. Ayon iyan sa huling ulat ni Kim Patria sa Yahoo! News.
Sa sobrang kasalimuotan na dala ng hanging habagat dito sa nakaraan na mga araw, suspendido ang mga klase sa lahat ng antas at pati na rin sa mga opisina ng pamahalaan at ilang mga kumpanya (depende sa diskresyon nila) noong araw na iyun sa NCR, at mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna. Idineklara iyan sa bisa ng Presidential Proclamation #33 madaling araw ng Agosto 7, 2012. buti na lang, nag-abiso kagad ang Malakanyang. Yun nga lang, isang linggong walang pasok ang mga estudyante nito, parang noong Ondoy lang. And not to mention, ilang Lunes na kaya na walang pasok ang mga bata sa nagdaang mga linggo, ‘no?
Makalipas ang ilang mga araw, idineklarang Stateof Calamity ang mga lugar sa NCR at ang mga apektadong lalawigan sa Luzon.
May mga naglabasan pa na spekulasyon. Coincidence nga ba ito sa berso ng Genesis 8:7-12? Ang nasabi kasi sa mga berso na yan sa bibliya ay ilan sa mga linya ukol sa arko ni Noah. At dahil nangyari ang nasabing delubyo sa Luzon 1 araw matapos ang nakatakda sanang delibersayon ukol sa RH Bill, bagay na tahasang tinututulan ng mga grupo ng Simbahang Katolika dito sa Pilipinas. Naku naman, wag nyo nang lagyan ng kulay ang petsa at ang mga pangyayari. Ika nga ni Fr. Melvin Castro, executive secretary of the Episcopal Commission on Family and Life of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, hindi dapat mag-jump sa conclusion ang mga Pinoy. Ayan ha, respeto naman sa taas, oh.
Pero sigurado sertipikado, sapaw na naman ang isyu ng RH bill na iyan pati na rin ang pagpili sa susunod na uupo sa napatalsik na Chief Justice Renato Corona niyan.
Sa bigat ng debastasyong dala ni Habagat, halos kasingdami na o lagpas pa nga yata diumano ng ulang naibuhos nito ang nagawa ng Bagyong Ondoy nooong Setyembre 25-26, 2009. Aba, ilang araw din kaya ang walang tigil na pagbuhos ng ulan noon. Grabe lang.
Kaya nga naitala na naman ang isa sa mga pinakamataas na antas ng tubig na umapaw sa Ilog ng Marikina ng mga sumuod na araw. Pangalawa lang ang naitalang 21.5 meters noong mga nakaraang araw kung ikukumpara sa lebel ni Ondoy noon na umabot sa mahigit 23 metro. At ang basehan naman nun? Maliban sa mga naka-display na marka sa mga tulay ng ilog ay ang leeg ng statwa ni Marikit sa Marikina River Park, Sta. Elena ng nasabing lungsod. Pero either way, ang tindi ng epektong hatid nito. Nalubog ang mga kalsada sa tabi ng ilog, pati na rin ang mga kabahayan, halaman at kahit ang istatwa ng kalabaw sa tabi ng mall dun. Kung sa Marikina na kinatitirkan ko sa halos buong 22 taon ng buhay ko ay ganun ang inabot, e pano pa kaya ang ibang mga lungsod at probinsya? Mga salaysay ng mga nabiktima, litrato’t bidyo ng mga balita lang ang mga tanging saksi sa mga ganyan.
Sa sobrang lakas ni Habagat, naging instant swimming pool na naman ang underpass sa Quiapo, at isama mo na dyan ang Lagusnilad. At hindi rin madaanan ang ilang portion ng North Luzon Expressway. Aba, ang isa sa mga premyadong highway sa Pilipinas, binabaha ng ganun lang? Ang kalye ng España? Aba, lagi naman dyan e. Hindi na ko magtataka.
Ayon sa mga ulat-panahon at balitang napanood ko sa TV at napakinggan ko rin sa radyo (kung tama nga ang pagkakaalala ko sa mga yun dahil pahapyaw ako makasagap e dala na rin ng pagkawala ng kuryente sa aming lugar) ay kaya ganun na lang ang mga nangyayari sa nakalipas na araw dahil sa mga ilang araw na bumubuhos ang ulan. Nagiging saturated na daw ang lupa, hindi na makasipsip ng mga tubig na binubuhos pa ng kalangitan. Ang iba, nagpakawala pa ng tubig ang mga dam. Nasaktuhan pa na umaapaw ang Laguna de Bay yata. Ayan na naman tayo e. Baka may mag-gigisahan pang magaganap sa Senado ‘to ha? Dapat nga natuto na tayo mula pa kay Ondoy e.
Isang bagay lang ang sigurado dito: NAGBABAGO NA TALAGA ANG PANAHON. Ang mga simpleng buhos ng ulan, hindi mo sukat akalain na grabe pala ang maidudulot nila sa ating paligid. Huwag sisihin ang PAGASA dahil sa mga hindi kongkreto ang mga pasintabi nila sa mga bagay-bagay (kaya nga may cellphone, media at internet naman, ‘di ba?) o ang mga pulitiko’t kumpanyang naghahatid ng relief goods kung bakit isang pakete lang ng biskwit o isang styro lang na ang laman ng lugaw ang kanilang dala-dala (aba, kayo pa ang may lakas na magdemand? Buti nga binigyan pa kayo e. Daig nyo pa ang pulubing humirit sa akin ng “pwede bang barya, kuya? Ayaw ko ng pagkain e.”). Pambihira naman oh.
Dahil hindi na talaga matantiya ang panahon, (at teka lang, kelan ba naging predictable ang mga ito anyway?) isang salita lang ang ating katapat: MAGHANDA.
Author: slickmaster
Date: 08/10/2012
Time: 3:41 a.m.
Sources:
1 http://ph.news.yahoo.com/monsoon-flood-death-toll-up--state-of-calamities-declared.html
2 http://ph.news.yahoo.com/monsoon-flood-death-toll-up--state-of-calamities-declared.html
3 http://ph.news.yahoo.com/current-rainfall-tops-2009-ondoy-s-rain-volume.html
4 http://www.abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/08/10/12/marikina-river-alert-finally-lifted
5 http://wiki.answers.com/Q/What_is_southwest_monsoon
6 http://www.pgyc.org/monsoon-weather.php
7 http://wiki.answers.com/Q/What_is_the_meaning_of_southwest_monsoon_in_the_Philippines
© 2012 september twenty-eight productions.
kahapon kulog at kidlat at ulan, ngayon mga lindol naman. what's next?