maraming tao ang pinipili na lamang tumahimik kaysa isabahagi ang kanilang naiisip, nararamdaman. kahit kung minsan ay parang papatayin na sila nito dahil sa bigat. sari-saring dahilan kung bakit. ngunit, isa lang ang nakikita kong dahilan, karuwagan.
naduduwag ang tao na sabihin ang kanilang nararamdaman dahil hindi sila handa sa magiging epekto ng isisiwalat nilang saloobin.
ngunit, mapanganib ang saloobing hindi nasasabi. isipin mo na lang ang epekto ng kapeng umapaw sa isang tasa na nasa ibabaw ng lamesang may puting mantel. at kung hindi mo aagapan ang pag-apaw nito, lalong lalaki ang mantsa, lalong mas mahirap tanggalin ang mantsa. mahabang panahon at tiyaga ang kakailanganin mo upang mabalik sa dating linis at kaputian ng mantel. at yun ay kung maibabalik pa.
karuwagan. hindi ko mawari kung paano ko ito masusulusyonan. dahil hanggang ngayon, mas ninanais ko pa ring itikom ang bibig, saloobin ang damdaming nais kumawala.
hahayaan ko na lamang ang panahon na hubugin ako.