Ikakasal na 'yung friend ko from kinder to elementary. 'Di na kami nag-usap after elementary days pero nag-reach out siya a few years back at sumama ang loob dahil ang snob ko raw. Hahaha. Actually 'di ko lang alam anong sasabihin and siguro naging acceptable excuse naman na busy ako sa school during those times habang karamihan sa mga batchmate e nagwowork na.
Nasabi ko sa kanya na siya 'yung unang friend na nag-invite sa akin sa kasal. Naawa yata siya or ewan ko anong interpretation niya dun, hindi ko rin naman kasi inexplain na 99% ng mga naging kaklase ko noong high school onwards eh hindi pa ikinakasal. 'Yung church friends mostly ang nagpakasal agad pero halos wala talaga in our circle of friends na active sa family-building. Iilan nga lang din sa friends ko ang may ka-relationship.
Ang true meaning ng sinabi ko ay isa siya sa mga maagang ikakasal or isa siya sa mga ikinasal talaga, since meron din pala kaming ibang kakilala na may anak nang marami pero asa pa rin sa magulang walang work hindi na yata nagbabalak magpakasal and that's okay kasi buhay nila 'yon pero huwag na sana silang magchat para mangutang or magpaawa kasi hindi cute.
P.S. May dalawang puting anak na 'yung mapapangasawa niyang afam pero I hope maging happy, healthy family sila for a long time. Nga pala, kasal na talaga sila sa US, mga 3 years na yata or more. Extra ceremony lang siguro 'yung dito para sa mga hindi nakaattend sa kasal nila abroad.












