KASALO Official Trailer | Vivamax | VERN KAYE , ALBIE CASINO | MARCH 26
seen from United Kingdom
seen from Türkiye

seen from Czechia

seen from Malaysia

seen from United States

seen from United States
seen from Netherlands
seen from China
seen from China
seen from Chile

seen from Czechia
seen from United States
seen from China
seen from United Kingdom
seen from United Kingdom
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from Singapore

seen from United States
KASALO Official Trailer | Vivamax | VERN KAYE , ALBIE CASINO | MARCH 26
Ikakasal na 'yung friend ko from kinder to elementary. 'Di na kami nag-usap after elementary days pero nag-reach out siya a few years back at sumama ang loob dahil ang snob ko raw. Hahaha. Actually 'di ko lang alam anong sasabihin and siguro naging acceptable excuse naman na busy ako sa school during those times habang karamihan sa mga batchmate e nagwowork na.
Nasabi ko sa kanya na siya 'yung unang friend na nag-invite sa akin sa kasal. Naawa yata siya or ewan ko anong interpretation niya dun, hindi ko rin naman kasi inexplain na 99% ng mga naging kaklase ko noong high school onwards eh hindi pa ikinakasal. 'Yung church friends mostly ang nagpakasal agad pero halos wala talaga in our circle of friends na active sa family-building. Iilan nga lang din sa friends ko ang may ka-relationship.
Ang true meaning ng sinabi ko ay isa siya sa mga maagang ikakasal or isa siya sa mga ikinasal talaga, since meron din pala kaming ibang kakilala na may anak nang marami pero asa pa rin sa magulang walang work hindi na yata nagbabalak magpakasal and that's okay kasi buhay nila 'yon pero huwag na sana silang magchat para mangutang or magpaawa kasi hindi cute.
P.S. May dalawang puting anak na 'yung mapapangasawa niyang afam pero I hope maging happy, healthy family sila for a long time. Nga pala, kasal na talaga sila sa US, mga 3 years na yata or more. Extra ceremony lang siguro 'yung dito para sa mga hindi nakaattend sa kasal nila abroad.
Kasalo
Kasalo - Joi Barrios
Ang babae ay hindi kaning inihain
sa mesa ng matrimony
iniluluwa kapag mainit at takot kang mapaso,
sinasabawan ng kape sa umaga
kapag ikaw ay nagkulang,
at itinatapong tutong sa kanyang pagtanda.
Ang babae ay hindi karneng dinuduro at kinikilo,
ginigisa ang laman sa iyong mga pangako,
nilalaga ang buto sa iyong pagsuyo
at ginagawang chicharon ang balat upang maging pulutan.
Ang babae ay hindi halayang
panghimagas sa iyong kabusugan
inumin sa iyong katandaan
o putaheng nilalaspag tuwing may handaan.
May tiyan din siyang kumakalam,
may sikmurang kailangang mapunan
at pusong dapat mahimasmasan.
Kasama mo siyang nagtatanim ng maisasaing,
katuwan na naghahanda
ng almusal, tanghalian at hapunan,
kaharap at kasalo sa kinabukasan.
Kasal, Kasali, Kasalo
KASAL, yan na yata ang pinaka malaking bagay na pwede mong gagawin sa isang relasyon, ang pag desisyonan na makasama ang taong mahal mo habang buhay. Ito na ung punto ng “this is it!” “Goodbye binata/dalaga life!”, dito no na iiwanan ang iyong pagiging malaya. Pero ano nga ba ang sinisimbolo nito? Bakit nga ba sa hinaba haba man daw ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy?
Marahil sa punto na to, masaya ka na sa kung ano ang meron sa buhay mo… O mas maigi sigurong sabihin sa buhay nyong dalawa.
Pero ang tanong, sigurado ka na ba talaga? Kaya mo na bang iwanan lahat ng mga kagaguhan mo sa buhay? Kaya mo na bang kalimutan lahat ng mga bagay na nakasanayan mo at lumugar sa tahimik? Dito ba papasok ang susunod na paksa.
KASALI, mayroon sa punto ng buhay mo ikaw ay nag loko. nanchicks ng madami, one night stand dito, inom doon, gimik dito, barkada doon. Yan ang karaniwang buhay ng isang binata. Marahil dumating din sa punto na feeling mo eh napaka gwapo mo, andami mong booty call, fubu at kung ano ano pa. Ung kapatid ng bespren ng pinsan mo, ung classmate mo sa chemistry 2, o ung online friend mo na one text away lang. Lahat ng yan nakasawsaw sa buhay mo. Lahat sila parte ng pagiging binata mo. Ang tanong, kaya mo na sila lahat talikuran? Kaya mo na bang ilibing sa limot ang “black book” na puno ng listshan ng iyong kabataan? Mahirap mangako pero dapat iwaglit mo na yan at tuluyang ilimot.
KASALO. banderitas ng panty, mabahong paa, malakas mag hilik, idol si Enchong o si Marian at Matagal maligo. Ilan yan sa mga “cute” na bagay na dati ay hindi major problem pero magkaiba na dahil kayo na ay mag kasama. Kaya mo bang sikmurain na makita ang pag mumukha nya sa araw araw na ginawa ni Lord? ang kadiwaraan nya sa buhay? Ang pagiging nagger nya at pag bili ng mamahaling bra? Uso na ngayon ang dry run. Yung mag lilive-in kayo muna bago kayo mag pakasal. Para sa ganon malaman mo ang tunay na pagkatao ng makakasama mo. For life na yan so dapat handa kang harapin lahat at pag desisyunan kung kaya mo ba tlagang mabuhay kasama ang tao na to. Di yan parang binili mong Tshirt, na pag di mo nagugustuhan ay isosoli mo nlng ulit. “Soli ko na po ung anak nyo, tama po pala kayo, sakit talaga sya sa ulo!” Di pwewede yan. Maraming factor ang dapat i consider kung dapat ka na ba talagang lumugar sa tahimik, wag kang magmadali di naman yan unahan. Kilalanin mabuti ang makakasama at ihanda ang sarili sa pang habang buhay na responsibilidad. Di yan biro birong desisyon, tandaan mo, pag kasal ka na, once you’re in, there’s no turning back.
:: P ê t i c k :: ¡Nueva Colección! materas y floreros inspirados en sólidos platónicos.
ver mas...