Dear KASIPAGAN,
Kamusta ka na ba? Matagal na tayong hindi nagkikita. Nais ko sanang ipalam sa’yo na marami na'kong free time, namiMiss ko ng makipag-bonding sa’yo. Ayokong masira ang friendship nating dalawa dahil lang napapalapit ako kay KATAMARAN.
UWI KA NA BES! HINDI NA’KO GALIT. 😊
Nagmahal, Nasaktan,
Ang iyong kaibigan 😘
Noong mga bata pa tayo, naituro na sa atin ng ating mga guro sa GMRC o Good Manners and Right Conduct ang tungkol sa kasipagan at katamaran. At siyempre, hindi rin magpapahuli ang HEKASI kung saan itinuro nito sa atin ang kasipagan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Ang mga Pilipino sikat sa ibang bansa dahil sa mga kwento ng isang magsasaka na nakapagpatapos ng isang anak dahil sa pagsasaka. Sikat din tayo dahil maraming tambay sa ating bansa. Inom dito, inom diyan. Basagan ng ulo dito. Basagan ng ulo doon. Kadalasan, iniuukol ang isyung ito sa gobyerno lalo’t higit sa korapsyon.
Sa kabilang banda, ang malaking tanong: Ano nga ba ang pananaw ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ukol sa Kasipagan at Katamaran?
Ang sipag at tiyaga ay ang ebidensiya ng buhay
Ayon kay Dr. Jose Rizal, ang dugo’t pawis na ibinibigay ng isang tao ang kahulugan ng buhay nito – partikular ng isang ama na gagawin ang lahat para sa ikabubuhay ng kanyang mga anak. Ang kanilang trabaho ay tatak ng kanilang kabuhayan. Dapat raw ay handa nitong harapin ang kahit anumang hirap na darating sa kanyang buhay para sa ikabubuti ng kanyang pamilya. Patunay rito ay ang isang linya na mula sa “Himno ng Paggawa” na isinulat niya para sa mga kalalakihan ng Lipa.
Ang lalaking may sipag at tiyaga ang nais ng mga kadalagahan.
Ayon kay Dr. Jose Rizal ang mga kalalakihan, bata pa lamang, ay sinasalang na kaagad upang lumaban sa mga Kastila. At sa kanilang paglaki at sa pagpasok nila sa buhay pag-ibig, ang lalaking may sipag at tiyaga raw ang may “plus” sa mga kababaihan. Partikular na nga rito ay ang aspeto ng panliligaw o pagsusuyuan. Pinatunayan ito sa isang bahagi ng kanyang ginawa, “Himno ng Paggawa”. Pinaghihirapan daw dapat ng isang lalaki na suyuin ang kanyang nililigawan dahil ito ay isang desisyong panghabambuhay. Naniniwala rin daw kasi ang mga babae na kung ano ang meron sa isang ama ang maaaring mamana ng kanilang magiging anak.
Ang sipag ng isang ama ay kapalit ng pagmamahal ng kanyang asawa.
Ayon kay Dr. Jose Rizal, ang sipag daw ng isang ama ay sinusuklian ng pag-ibig ng kanyang kabiyak – ang kanyang asawa. Patunay dito ang isang linya mula sa kanyang isinulat na “Himno ng Paggawa”. Baliwala ang buhay kung walang kasama sa hirap o sa ginhawa. Dagdag pa rito, ang ina, na siyang ilaw ng tahanan, ang sumasalo sa kanyang asawa pag hindi na kaya ng ama. Kaya nilang lagpasan ang kahit anong pagsubok basta sila ay magkasama.
Ang katamaran ay dahil sa relihiyon.
Ayon kay Dr. Jose Rizal mula sa kanyang isinulat na “Indolence of the Filipinos”, isa raw sa mga dahilan kung bakit tamad ang mga Pilipino ay dahil sa relihiyon. Laging ipinapasa-Diyos ng mga Pilipino ang kanilang mga problema sa buhay. Hindi gumagawa ng sapat na aksyon ang mga Pilipino upang maresolba ang kanilang mga problema. Itinuturo kasi ng mga kaparian noon na tanging ang mahihirap lamang ang makakarating sa langit at ang mga inaapi ang mga pinagpapala. Huwag raw tayong maghangad ng mga bagay dito sa lupang ibabaw. Sabi kasi nila, ang dapat daw nating hangarin ay ang ating mga magiging buhay sa langit.
Ang katamaran ay bunga ng matinding init ng panahon.
Ayon kay Dr. Jose Rizal mula rin sa kanyang isinulat na “Indolence of the Filipinos”, isa sa mga dahilan kung bakit tamad ang mga Pilipino ay dahil sa klima ng ating bansa. Ang ating bansa ay nasa equator, dahilan upang maging mainit ang temperatura sa ating bansa. Magiging mahirap para sa mga Pilipino ang magtrabaho sapagkat mainit ang panahon. Ang init na ito ay maaaring makamatay kaya sa halip na nagtatrabaho ang mga Pilipino, sila ay nagpapahinga para makaiwas sa sobrang mainit na panahon.
Maraming kaisipan si Dr. Jose Rizal tungkol sa kaisipan at katamaran. Mapapatunayan ito sa kanyang mga akda na kanyang isinulat. Akdang sinulat ng buong puso at tiyaga. Lingid naman sa ating kaalaman na ang kasipagan ni Dr. Jose Rizal ang nagdulot sa kung nasaan man siya noong mga panahong iyon. Sa kabilang banda, lahat tayo may katamaran sa ating mga sarili. Ngunit ang isang malaking tanong, may katamaran nga bang natatago si Pepe? Yan ang ating aalamin.
Sabi mo, “daig ng masipag ang matalino.” Well siguro… may point ka naman. Pero hanggang saan ka dadalhin ng sipag mo? Ang pinapatungkulan ko lang dito ay yung mga taong pinasok ang isang mundo na halos ginagamitan ng utak ng tao.
May mga taong dinadaan sa sipag ang kakulangan nila sa katalinuhan. At may mga matalino na hindi masipag. At may mga tao na parehos angkin ang kasipagan at katalinuhan. Hindi madali maging masipag, pero kakayanin. Hindi madali maging matalino, lalo na kung hanggang doon lang talaga ang kaya ng iyong utak. May mga bagay na kaya mong pag-aralan sa pamamagitan ng kasipagan pero may limitasyon. Samantalang malawak naman ang sakop ng matututunan mo kapag matalino ka. Ang kasipagan madali lang naman talaga matutunan yan basta ba willing ka. Samantalang ang katalinuhan, hindi yan basta natututunan. Likas na sa tao yan.
May mga scenario kasi sa buhay na sobrang mali ng kasabihan na daig ng masipag ang matalino. Halimbawa. May takdang-aralin kayo sa “CALCULUS”. Napakasipag mong tao. Pinag-aralan mo. Sobrang pinag-aralan mo. Hindi mo pa rin naintindihan. Gustong-gusto na ng kasipagan mo na tapusin yung takda pero hindi talaga kaya ng utak mo. In the end, walang nagawa yung kasipagan mo. E pano naman kung matalino na tamad ka? Kapag pinag-aralan mo yung takda niyo, maiintindihan mo agad. Kailangan mo lang samahan ng kasipagan na hindi naman ganon kahirap mapag-aralan. Marami pang aspeto sa buhay ang daig ng matalino ang masipag. Dahil kayang mag-adjust ng matatalino.
Lahat naman ng tao matalino. In different ways nga lang. Ang pino-point out ko lang is sana wag na nating ipagsiksikan ang sarili natin sa lugar na alam natin na wala tayong patutunguhan. Dahil in the end tayo rin ang magdurusa. Nagsayang ka na nga ng panahon, wala pang magandang resulta yung pagsasayang na yun.
(Hindi ko intention na mang-offend) Lol.
Feb 19, 2015 Chinese New Year. Isang buwan mula nang umalis si Pope Francis sa ating bansa. Isang buwan at isang araw mula nang makita namin siya. Isang buwan at isang araw mula nang taimtim kong ipinagdasal na mapatawad ko na ang sarili ko dahil gusto ko nang maging masaya nang tuluyan at para makalimutan ko na lahat ng sakit na dulot ng iba't ibang aspeto sa aking buhay. Sa tingin ko nama'y pinakinggan ako ng Diyos at kahit mabagal, nararamdaman ko namang may pagbabago at gumagaan ang pakiramdam ko. Dasal ko naman ngayon ay kasaganahan sa aming pamilya, kasipagan sa aking mga kaibigan at kapayapaan sa buong bansa. :) Wala naman kaming dugong Chinese pero dahil pinagdiriwang rin ng mga Pilipino ang mga okasyon ng mga dayuhang minsang sumakop sa kanila, Kung Hei Fat Choi na rin!
Sa sobrang aliw ko sa mga Panda nakalimutan ko na yung dapat kong gawin -___- Espiritu ng Kasipagan please dapuan mo ko para wala na ako gawin sa mga Assignments kemeru hahahaha XD Please please