Sa mga nagmamarunong at mayayabang. (Swerte niyo nag-dedicate pa ko ng ganito para sa inyo)
Ano bang naidudulot ng sobrang katalinuhan? Syempre, nagiging kilala ka, mga opinyon at ideya mo ang paniniwalaan, at madami pang ibang magagandang bagay. Pero sa kabilang panig ng pagiging matalino, nagdudulot ito ng sobrang kumpyansa sa sarili na kung saan nagmumukha ka nang mayabang. Nagagawa mo na ring manlait ng ibang taong alam mong kinahihigitan mo pagdating sa kaalaman. At higit sa lahat, HINDI MO KAYANG TUMANGGAP NG PAGKATALO. eto ang malala
Personal na karanasan ko sa isang tao ang nagtulak sa akin para magsulat ng ganito. Nakakakita at nakakasalamuha kasi ako ng mga taong hindi na tama ang inaasal. Nagiging mayabang. Ayaw magpatalo. At pag natalo, nagiging sobrang emosyonal at maramdaming tao. Ano bang pakiramdam na magkaroon ng isang kakilala na lahat na lang ng bagay ay pinagyayabang niya?
Kagaya na lang sa simpleng kwentuhan. Magsasalita ang isa na nakabili na siya ng kung anumang bagay. At pag narinig na yun nung "mayabang", asahan mo bukas meron na din siyang ganun. Hindi lang mayabang, naging gaya-gaya pa. Ayaw nga naman magpatalo talaga oo. Tsk. Minsan mga ganitong tao din ay sunod sa uso. kahit hindi bagay, sige lang nang sige
Ineng, hindi lahat ng uso ay dapat mong sundin. Isipin mo din kung nababagay ito sa'yo.
Nakakawala ng gana ang makipag-kaibigan sa mga ganitong tao. Hindi mo naman sila makumpronta nang harapan dahil nga ayaw nilang magpa-talo at tumanggap ng pagkakamali. Baka humantong lang 'to sa mas malalang sitwasyon. Ayaw ko man isakripisyo ang pagkakaibigan pero kung hindi na matiis, bakit mo pa itutuloy? KIBER! Edi wag na lang pansinin, sila naman magmumukhang mangmang. May kasabihan nga tayo na "YOU CAN'T HAVE IT ALL." Hindi sa lahat ng oras ikaw ang masusunod, ikaw ang nasa taas, hindi rin lahat ng bagay ay makukuha mo. Kailangan mo rin dumanas ng pagkatalo at hirap. At kung hindi mo kaya, bahala ka diyan.
P.S.: Walang pangalan ng tao ang nabanggit dito, pwera na lang kung sapul na sapul ka. Problema mo na yan. :) Mag-ingat ka palagi. Dahil balang araw, makakahanap ka rin ng katapat mo na magmumulat sa'yo na hindi maganda ang dinudulot ng ugali mong dugyot. ;)
P.S. pa ulet: Wag mayabang! Tumanggap ng pagkatalo dahil dito tayo matututo! Wag gamitin sa maling paraan ang kaalamang handog ng Maykapal! Amen. Have a nice day po. :)