VICSON APOSTOL Katahimikan, akriliko sa kambas, 2022 #artPH
seen from United States

seen from United States
seen from Russia
seen from Türkiye
seen from China

seen from Russia

seen from United States
seen from United States

seen from Italy
seen from China
seen from China
seen from Palestinian Territories
seen from United States

seen from Indonesia

seen from United States
seen from Bangladesh

seen from Canada
seen from United States

seen from United States

seen from Malaysia
VICSON APOSTOL Katahimikan, akriliko sa kambas, 2022 #artPH
Silencio
#katahimikan PS mukha lang plastic yung smile dahil sa tirenes sa buong araw pero sigi plastic na lang din, hirap mag-explain e. 😑
KATAHIMIKAN
ni Maria Clara
Mga luhaang mata
Mga nanginginig na kamay
Nanlalamig na puso, tibok na bumibilis
Lahat nagdidilim
Mga bulong
Sumasabay sa hangin
Tumatakbong oras
Unti-unti
Katahimikan ang naghahari
Nagpapatuloy
Walang hanggang katahimikan
better alone 👌 #katahimikan
Shhhh... hayaan mo na. Nangyayari talaga yan. 😒 #ShhhhItHappens #DamingShtSaMundo #WagNaLangPatulan #Katahimikan www.linyalinya.ph
Katahimikan - Shimmer
Ang alam ko lamang minsan gawin ay katahimikan. Ang panonood nang pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito nang walang maibulalas na mga salita. Nakatitig lamang at masidhing pinagmamasdan ang mga kulay na naglalaro sa aking mata, iniintindi ang mga hiwatig nitong dala sa tao. Nakatikom lamang ang bibig at hindi hahayaang umikit ng reaksyon ang labi upang maging sagot sa mga katanungang bumabalot sa gitna ng pananahimik. Walang imik na magmumula sa emosyon o isip nang sa gayo’y hindi mapangunahan nang padalos-dalos na desisyon o pakiramdaman na sa huli’y maari kong pagsisihan. Katahimikan ang minsang sumasagot sa mga katanungan nang pagkakataong biglaang paglaho; sabi nga nila kapag binanggit mo ang salitang ito, ang lahat ay maglalaho. Walang kulay, ni hindi puti o itim. Walang tunog nang paglunok ng laway o pagbabasa ng labi. Sa puntong nais mong maging tiyak, sa puntong nais mong hindi maiyak, katahimikan ang sasalo ng mga luhang nagbabadyang bumagsak.
Tikom ang aking bibig sa gitna nang katahimikan ngunit bukas ang taenga,isip,puso,ilong at mata sa maari nitong ilabas na mga reaksyon. Kasabay nito ang paulit-ulit na alingawngaw ng kanyang boses. Ang pagtakbo niya sa aking isip. Laman nitong pagkabog ng dibdib ang kanyang pagktao. At siya ang nasa likod ng luha na bumabagsak mula sa aking mata.
Limang parte ng aking katawan ang siyang nag-iingay at nagsusumigaw ngunit ang nakabibinging katahimikan ang siyang nangingibabaw. Sapat na bang maging bihasa sa bagay na ito? Kung sa mga araw na tulad nang pinanonood mo ang pagsikat ng araw at hihinntayin ang paglubog nito, sa mga ingay na aking maririnig sa aking palagid at sarili, nakatitig lamang at pinagmamasdan ang pangyayari, wari’y katahimikan ang minsang gagapos sa aking katawan at maglalagay ng takip sa mga parte ng aking katawan na nais mag-ingay, at dito nagsisimula na akong masanay na isalba ang sarili.