Ilang buwan, lingo at araw na akong hindi nagsusulat simula noong tinigil ko ang pagsusulat ko ng mga prosa’t tula sa taong(person) gusto ko dahil sinabi niya sa akin na hanggang prends lang daw kami. Wahahahahahaha. Charrr, oo. Nagsulat ako noong nakaraang gabi ng tula sa wikang ingles, dulot ng kadramahan. Gusto ko lang nang may maramdaman e, kung nakakadama pa ba ako ng pasakit o naging manhid na nga ba. Basta.
Nitong mga nakaraang gabi, sinabi ko sa sarili ko na magsusulat ako. Itutuloy ko ang ginagawa kong nobela, at pagkatapos, maghahanap ako ng maliit na publishing house at ipapasa ko ang gawa ko, bilang pagpapakita na rin ng supurta sa kanila, oo. Nakatutuwa kasi na makitang lumalago ang maliliit na publishing houses dahil sa supurta ng ilan[g] baguhang manunulat, o kaya yung mga beterano na na sumusupurta pa rin sa mga ganoong publishing houses. Pero instead na makapagsulat, ilang minuto akong nakatingin sa screen ng lappy ko dahil walang mga salitang pumapasok sa isip ko. Basta na lamang akong nakamulagat habang nag-aaksaya ng oras. Ganoong ang nangyari sa ilang gabi ng pag-upo ko sa harapan ng laptop.
Kailangan ko pa ng maraming kuwento para makapagsulat, oo. Pero hindi rin ako makapagbasa nang maigi. Nagbabasa naman ako, pero halos isang kabanata lamang sa isang araw ang nababasa ko, hindi katulad ng dati na isang upuan ko lamang ang mga bagong buklat lamang na libro. Alam kong hindi lamang sa mga libro ako makakakalap ng kuwento. May mga kuwento ng mga taong hindi ko kakilala sa tumblr, doon ako nagbabasa. Mula sa kanilang lovelife, sa mga araw-araw na nangyayari sa mga buhay nilang dinapuan daw ng kamalasan, mayroon ding sulating pampulitika pero iilan lang ang binabasa ko sa ganoong tema. Marami akong nasaba, nakaramdam ako ng kaunting pagkainggit dahil mas committed sila sa kanilang gawain, sa pagsusulat, sa trabaho, at sa kanilang mga bahay. Naisip ko, mas may nagagawa sila kumpara sa akin na maghapon na nga lang sa bahay e puro hilata, kain, at pag-i-scroll lamang sa social media ang ginawa. At oo, may mga kuwento rin akong nababasa sa facebook, mga bardagulan ang karamihan, mayroon ding kuwento ng mga batang magulang na sobrang proud pa sila na nagdagdag ng palalamunin ng mga magulang nilang hirap na mga sa paghahanap ng panggastos nila araw-araw. Wahahaha, nagiging Marites ako nito e. Pero kadalasan, ang mga ginagawa ko talaga sa facebook e ang pagshe-share ng walang-katapusang meme, na numero unong tinatangkilik ng mga tulad kong kabataang kupal! Wahahahaha. Pero char lang sa kabataan nu kasi medyo adult na ako, cry cry. Wagagaga.
So, ngayon na lang ulit ako nagsulat, hindi pa related sa ginagawa kong nobela. Kailangang tapusin ko na iyon kasi malapit na ang kalse, cry cry ulit hahaha. (kainis wala kasing emoji itong si msword, gusto ko pa naman maglagay ng emoji. Speaking of lagay hahahahahaha, sa Bisaya, iba na ang kahulugan ng salitang iyon. Bad influence ka kasi talaga Romuel Medija! Ikaw ang dahilan nito, ocgi, tin2 rebil nga wahahaha. Gusto ko lang talaga ng may maisulat 😊)
Ngayon, sa bahaging ito ng sulating ito, wala na naman akong maisip na maisulat. Ihihinto ko na sana kaso biglang sumagi sa alaala ko ang isa kong instructor sa byu-pathway connect, na nagbibigay ng magagandang feedback sa mga written works ko hehehe. Naalala ko, dahil sa mga ipinasa ko sa kanya, nabanggit ko na isa akong aspiring author. Itong instructor na ito ay nakatapos yata sa kursong AB in English, katulad din ng kinukuha kong kurso ngayon, hindi ko na maalala. Basta ang sinabi niya sa feedback niya sa ginawa ko, nagsusulat din daw siya noon, pero noong makapagtapos siya sa pag-aaral, at nakahanap ng trabaho, naging madalang na raw ang pagsusulat niya. At tuluyan na nga raw siyang nahinto sa pagsusulat noong nagkaroon na siya ng anak. Mas naging committed siya sa trabaho na may sahod at sa kanyang mga anak, kesa sa pagsusulat na hindi naman sigurado kung mababasa ba ng buong mundo ang mga isinulat. Natatakot ako na baka ganoon din ang mangyayari sa akin. Huwag naman sana. Matutuwa na lamang ako sa naging pasya ng instructor kong iyon dahil naging masaya pa rin naman siya sa huli.
Iyon lang ang sasabihin ko por tonayts bedyow. Good night!