Welcome to the club, Bitch!
24June2012
Sunday
I officially woke up around 11:30 AM. IDK why, aga ko naman rin natulog kagabi. Then ayon, ang gulo lang dito sa bahay. Kasaya, hahaha. Pinaggawa ko sila ng avocado shake. Hindi naman ako makainom kasi may naiisip ako sa avocado. HAHAHA!
Then maya-maya may nagtext, buti narinig ko.. si Kenneth pala asking nasaan na ako. Takte nakakaloko lang kasi usapan namin eh 2PM. Nakakaloko lang kasi nakakatamad pa kasi, hahaha. Pa-ikot-ikot muna ako bago gumayak. HAHAHA nagalit pa sa akin si Mommy at ang likot ko lang kasi may namamalantsa, nagugulo ko raw. XD
De ayun, I took my time sa paggayak pero OA ko lang sa biyahe, parang gusto kong lumipad hahaha. Adik lang kasi ni Kenneth, kung maka-text nakakaloko, ako naman uto-uto hahahah!!
Mag- 2:30 na ako nakarating sa mall, haha. Takte daming tao. Ay di ko pala na-mention, pupunta nga kasi si Daniel Padilla du`n. Gusto ko siya makita kasi nakakatuwa siya kaya ayun, and si Kenneth kausap kong kasama kasi, secret na namin yun hahahaha! XD
Grabe, paikot-ikot kami sa mall.. hindi ko na nabilang kung ilang beses kaming umikot hahaha. Ayun nga, sinamahan niya ako para kay Daniel.. ako naman sasamahan siya bumili ng damit at sapatos niya. So habang wala si Daniel, eh naghahanap na kami ng para sa kanya. Pero tumitigil kami every time naghihiyawan yung mga tao, sabi nga ni Choi, nag-oorgasm. XD Nakakainis lang. May point pa na tumigil kami sa isang place kasi sabi dun daw siya dadaan takte. About an hour rin ata kami naghintay doon. Sobra sakit na ng paa ko talaga. Then ayun, nayamot na rin ako.. tumigil na kami. Nag-decide na akong lumayas hahaha. Bwisettt! Tapos ayun, bumaba na kami at bumili ng damit niya. Nakakainis lang si Kenneth hahaha paano kasi di naniwala sa akin na mas bagay sa kanya yung darker tint na pink. TT_____TT hahaha!! Di ko lang talaga magets yung point of asking someone`s opinion, but in the end wala rin naman yun hahaha. Kalabo ko ba, sabagay kung ano talaga yung personal decision mo, `yun ang sundin mo. HAHAHAHA. Pero kasi, bagay nga yung binili nya, pero mas bagay nga kasi yung isa.. hahahahah ang kulet ko lang XDDD
Side story: Naisipan ko maglagay ng sticky note sa envelop ni choi haha grabe ang fail ko lang, ang tagal nya sa fitting room, pero di ko agad naisip yun. Naisip ko nalang nung matatapos na, nagmadali ako magsulat, hahaha ang panget ng sulat ko.. nagkakahulog-hulog pa gamit ko.. tapos nakita niya ako na nakabukas yung gamit niya hahaha fail! XD Manu nagtago ako XD
Tapos, may dalawang Koreana na dumating, yun yung habang nagsusulat ako. Grabe di ko agad napansin sila.. pero ang baho lang. as in. Amoy bawang na ewan. Hindi ko naman sinasabi na sobra bango ko pero basta ang off lang ng amoy nila, basta di maganda amoy. May sipon pa ako nun ha. At since tapos na rin ako, lumipat ako ng lugar. HAHAH tapos narinig ko saleslady, "grabe di ako tatagal diyan, sasakit ulo ko sa dalawang yan." ..sabi niya ..natingin ako at nagkangitian na lang kaming dalawa hahaha!
Tapos ayun, after noon, naglakad na naman kami ni Choi hahahah grabe lang talaga ..tapos nakita namin si Paolo at Rochel. Hahaha nagulat me, akala ko kasi si Pao na Pau... hahaha may problema na ata ako sa mata, di ko na nakikita agad-agad ang mga tao, sa dinami-dami ng tinuro ni Choi sa akin, wala akong nakita. T_T Nakakatuwa lang at nakita ko na si beb (Rochel) at unexpected pa, dapat kasi sa Tuesday pa kami magkita eh. Tapos ayun, hahaha. Nagkasama-sama kami. Manlilibre daw si Paolo haha. Punta kami sa Chowking. Tapos habang papunta, nakita naman namin si Kevin. Chika-chika muna. Tapos ayun.
Grabe, yung time na nagfi-fit si Choi ng damit, yun na ata yung time na paglabas ni Daniel. Hanggang dun sa makarating kami sa Chowking. Grabe lang hahaha. Nakita ko naman pala siya, yung likod niya hahaha. Kumanta nga, lip sync naman, ish. Tapos ayun, nung ano.. wala na tapos na. </3 LOL OK lang. Pero naiisip ko lang yung hinintay ko kanina kahit saglit lang yon, tae. Ayaw ko pa naman nakatayo ng matagal. HAHAHAH.
Tapos ayun, kumain na kami. HAHAH masaya naman though may mga awkward moments hahaha. Tapos may moment pa na yung mga adik kong kaibigan, si Kenneth at Paolo, ishhhhh!!! Nakakainis hahaha ..mano sabihin agad! >_________< Tapos ayun, after kumain, around 7 something pm, haha! Naghiwa-hiwalay na kami. Umalis na sila Rochel at Paolo, kami naman ni Kenneth, naglakad na naman tae hahaha.
Side story: Badtrip lang yung mga crew ng Chowking takte. Nakakainis. Toxic at stressed na mga pota. Kaasar si Kuya, kapal pa naman ng kilay niya. HAHAH I have a thing for makakapal na kilay na guys hahahah.. pero kanina talaga, sarap bunutin eh! So rude!! Twice pa siya na parang nagdabog. Tapos yung isa naman, grabe yung isang table, nililinis na niya kahit di pa tapos. Ish! MAdalas nila gawin yun, kulang na lang sabihin, umalis na kayo. BV.
Tumingin na kami ulit ng sapatos for him. Tapos ayun, nag-share na naman siya ng mga dreams niya. HAHAH Benta lang nung "Seize the Day!" XD Gusto ko lang yung Fairy Tail ..guild-insipred na cafe!!! <3 <3 <3 Sana matuloy yun hahahaha!!
Tapos ayun, after namin bumili ng shoes... nag-cr lang ako.. saka nagpa-load which, still.. involves ang walang humpay na paglakad. -___- then after noon, uuwi na kami. Mga 8PM na rin ata yon. Grabe, ang dami pa ring tao sa labas ng mall. At wala nang masakyan. Grabe -___- de tumawid na kami, ang tagal namin doon naghihintay, nakakapagod na talaga. Tapos biglang may nagsalita, ewan di ko talaga na naman siya nakita. Ang bulag ko na ata talaga, hahah.. pati sa color detection may problema na ata ako XD ..tapos ayun, nagulat lang ako kasi nasa harap ko na siya. Si Christopher pala. HAHAHA. Tapos ayun, galing raw siya sa Pampanga, RC meeting ng JPIA. Awww, member siya ng RC, bongga! Secretary General hahaha. Grabe lang, feeling ko ang galing niya. Since grade school naman kasi, studious na siya eh. Pero ngayon, manly na rin dating, hoho. Grabe kanina, muntik ko na masabi sa kanya na shit ang bango niya. Ang bango lang kasi, eh. hahaha. Sobrang kabaliktaran nung dalawang Koreana. XD ..pero cologne lang yung amoy niya pero okay lang hahaha! Sabi ni Kenneth ang awkward at ang lutang ko daw kanina. Grabe ewan ko ba, may problema ata talaga ako. T_T Tapos ayun, hahaha grabe lang pala.. kung uuwi na siya, at uuwi na rin ako.. kung uuwi kami pareho, pwede pang magkasabay kami, hahaha. Kaso lang di kami pareho uuwi eh. HAHAHA. Nakakatawa lang talaga kasi nga sa mga unexpected places kami palagi nagkikita. As in. Sa simbahan, tapos ngayon sa parang paradahan. HAHAHA. Too bad, wala kaming communication. Hanggang sa muling pagkikita na lang ulit ^_^
Side story: Para lang akong adik, tinanong ko pa siya sa name niya. Alam ko kasi, tanda ko pa.. pero kasi sobrang di ko siya mahanap sa Facebook hahahah!! Kaya ayun, lol.. tinanong ko pa name niya. ish ang lame at fail ko lang talaga hahaha!
Nagpaalam na kami ni Kenneth. De ayun, hahaha di ko na siya nilingon siyempre hahaha lol naman kasi. Di ko naman siya you know. XD Tapos tumawid na kami sa kabila para humanap ng masasakyan. Sobrang baba kasi ng supply ng trike kanina, pero ang taas ng demand hahaha! Tapos naka-kontrata kami, McDo tapos San Josef 50 XD ..takte lang yung trip namin kay kuya, halibas magmaneho ang hanep, lumilipad kami.. kaskasero lang.. gumegewang kami ni Kenneth hahahahahah!! Grabe. Alam mo yung pagod na pagod ka na tapos ganun pa yung biyahe mo hahahah!! Ako naman okay lang sa ganun, may thrill hahaha pero kasi super gabi na rin yun saka pagod ako kaya nakakatakot hahah.. Si Kenneth naman, natatakot baka di raw sya umabot sa board exam hahaha!! Grabe talaga kasi si Koya. XD Tapos ayun, nauna ako bumaba kaysa kay choi, hahaha.. Though nakakakaba rin for him, medyo malayo pa kasi siya.. tapos ganun pa si Kuya... haha nag-aalala lang ako, duwag pa naman si Choi. XD
Side story: Gumawa pa ako ng isang sticky note sa may Chowking, bbaguhin ko sana ung isang nilgay ko.. ang panget kasi ng sulat ko. HAHA ..kasama kasi siya o-order.. tapos bigla-biglang dumating ang hanep. Kainis hahah. nagsusulat pa lang ako eh. Tapos biglang sabi, ay fail. Akala ko tinutukoy nya yung stickynote ko,umoo pa ako.. tapos biglang hirit yung about kay Daniel, ewan ko kung iniba lang nun hahaha!! Tapos aun, dedma na lang rin ako kunwari hahah. Tapos ayun, sayang naman yung note ko, ibinigay ko na lang sa kanya habang nasa trike kami hahaha. Ang fail ko lang talaga forever >_< ..hahahah~! alang kwenta. Pero anu kasi yun, good luck note hahah!! Para sa board exam nila, niya.. eh since di ko naman na siya makita pa ..i just want to wish him good luck hahaha .. ang fail ng sweetness thought ko </3 hahahaha!!! pero at least naibigay hohoho~ tapos mdami pa kaming fail photos sa trike hahaha!! ako na talaga ang fail XD ..post ko maya hahahah!!
Then ayon, nasa McDo me.. nakipag-meet ako sa customer ko, loljk. sa Tita ko. Stay kami saglit doon. Then nagpasundo na rin kami afterwards. Tapos punta kami sa kanila. Kumain lang ako ng croissant, saka nagkape hahaha! You know, I won`t last a day w/o coffee XD ..anduon rin sila Mommy, Daddy, at Mama. Magkakaharap kami, kumakakain kasi ako noon. Tapos biglang naging serious na topic ng mga matatanda.. Grabe na-awkward-an lang ako.. kaya binilisan ko nlng pagkain ko.. tpos dinala ko na lang yung coffee ko sa may sala.. sumama ako kay Kuya JP hahaha. Tapos ayun nuod-nuod, net-net. Tapos MYX Top 20 eh, noh. May narinig lang akong kanta, ish. HAHAHA Badtrip lang eh, paano kasi kanta ata ng buhay ko yun amp! HAHAHA. Tapos ayun, hahahaha.. Uuwi na daw kami, hahaha. De ayun, umuwi na nga kami. XD Nagmusic lang ako, otw hahaha grabe lang yung mga kanta na nag-play. It gives me soo much to remember!! XD Pero good vibes me. Na-realize ko lang, na masaya ako hahaha!!
Naalala ko, same day last year... (June 24, 2011) ..wasted ako hahaha!! Basta nag-inuman kami non, slight lang siyempre, at sobrang wasted ako.. as in hindi nila alam paano ako uuwi kasi super wasted ko lang at dapat magko-commute ako. Pero masaya rin yung araw na yon. Tapos ngayon naman, hahaha.. sobrang normal ko lang.. pero ngayon grabe ramdam ko na wasted ako pano kasi pagod na pagod ako. Seryoso. Imagine almost 12nn na rin naman ako nagising, pero pagod pa rin ako ahahah!! Kamusta naman kaya si Choi? Nag-exam siya early in the morning kanina.. tapos mas malala pa siguro yung dinanas niya sa dinanas ko kanina.. tapos bukas luluwas pa siya.. tapos pressure rin sa exam.. grabe wawa naman kaibigan ko :( ..sana eh gabayan pa rin siya ni Lord at bigyan ng more energy at wisdom! Siyempre naman! :D ..ewan ko ba, favoritism aside, pero among all my friends, super xa gusto ko talaga na pumasa hahaha and i know he`ll can... surely can! :D I won`t be careful on what I`m wishing for cos I know I`m getting it hohoho XD ..pero siyempre sana talaga lahat ng kakilala ko na magte-take makapasa! :)
Another side story, ang dami kong sugat... not really sugat.. cuts. Kanina may apat na akong nakita.. sa mall. grabe naramdamn ko nlng na mahapdi na ..abot alcohol ko.. kahit ang hapdi hahahah tapos si choi naman abot asar na may aids na ako ish... welcome to the club pa daw. -_- ..kahit naaasar me, deep inside natatakot ako!! hehehe pero di ito :3 ..tapos ngayon, grabe may 2 pang cuts sa braso ko. ish talaga. para akong chopping board na gasgas XD kaloka lang at di ko alam kung san ko nakuha to -_-
So ayun, there goes my day hahahaha ang daldal ko XD ..ang saya ng araw kahit sobrang pagod ..for sure bagsak na naman ako sa pagutlog nito.. buti na lang at late pa pasok ko, makakagising rin ako ng late.. tapos na weekend, face studies na ulit ..aral-aral at gawa ng assignment <3 heheh!!
So yun lang... goodmornayt hahaha! XD











