May 24, 2020 7:49pm
Heto na naman ang lungkot
Ginawa ko naman ang lahat
Pero bakit parang ako lang
Andyan ka pa ba? Para pakinggan ako at kompletohin
Masakit na may oras ka sa iba
Na mas natutulungan mo sila kesa sakin
Ano ba talaga tayo Girlfriend kita pero mukhang nasa iba ang pansin mo
Sinasabi mong nagkukulang ka
Pero bakit ganun wala kang ginagawa
Tayo pero bat parang ako lang ang kailangang bumuo sayo
Sincere ako sa lahat ng ginagawa at binibigay ko sayo
Pero bakit? Bakit ko nararamdaman ang bigat ang sakit at pagkukulang
Humihingi ka ng tawad
Palagi kong sinasabi na okay lang at iniintindi ko na lang pero wala parin
Sa mga araw na lumilipas mas madalas na tayo mag-aaway
Iniintindi parin kita at sa huli di rin naman kita matiis
Pero di ko alam kung hanggang kailan ko pa kakayanin
Isang iloveyou mo lang wala na sakin lahat napatawad na kita agad
Never akong nagrant sayo sa mga bagay na tingin ko di mo makita
Pero ewan ko nasasaktan lang ako na parang ako lang ang may gusto ng lahat
Kita ko naman sa mga mata mo na sincere ka
Pero bakit ganun mas sincere ka pa ata sa iba hahaha
Binigay ko na lahat at pinaramdam ko na lahat pero bat parang kulang parin
Palagi na lang akong kulang para sayo
-(c)vellius















