Mapagpanggap
Gumigising sa bawat araw, nagpapadala ng mensahe kahit hindi mo binabasa :( O babasahin mo lang kung kailan mo matripan.
OO mapagpanggap ako :( sa kabila ng lahat ng mga gusto kong sabihin sayo at itanong:
kung ano nga ba tayo, kung mahal mo ba ako, kung ano ba ang nangyayare sayo, kung naiisip mo rin ba ako, kung kumain ka na ba, kamusta araw mo, may masakit ba sayo, kailan tayo magkikita :( , kamusta ang work mo, pag aaaral mo, may iba ka na bang nakakausap kaya di mo na ako naaalala :( , bakit ka biglang nagbago :( , bakit ngayon pa.
Bakit ngayon pa kung kailan hulog na hulog na ako sa pagmamahal ko sayo :( Na sa bawat araw ninanais ko na makita ka, makausap :( o kung maaari makasama.
Bakit ngayon pa :( kung kailan mahal na mahal na kita :( bumubuo na ko ng mga pangarap ko at mga plano na kasama ka :(
Iniisip ko, pero sa totoo lang ayokong sabihin na sana di na nangyare lahat :( Na pinaramdam mong espesyal rin ako sayo :(
Pero sa isang iglap bigla kang mawawala :( HIndi ko alam kung ano bang nangyare o busy ka lang talaga pero sadya bang ganun? Parang inalis mo na ako sa iyong sistema :(
Parang ayaw mo na akong kausapin :( Kung di pa ako ang magpapapansin :( Kung di ako gagawa ng paraan :(
Napapagod na akong magpanggap na kaya ko dahil unti unti akong dinudurog :( Nanghihina ako :( Kinakain ako ng mga pag aalala ko :( Ang hirap magpanggap na okay lang ang lahat, na masaya ako, na hindi kita hinahanap :(
Ang hirap magpanggap na kaya ko :(
Ang hirap magpanggap na matatag ako :(
Ayokong tuluyan kang lumayo pag nalaman mo ito :( Ayokong mawala ka :(
Pero anong magagawa ko?
Hindi ko alam kung sino sa ating dalawa ang nagpapanggap?
Nagpapanggap ba akong kaya kong ganito tayo?
O nagpapanggap ka lang na minsan naging mahalaga ako sa buhay mo?











