Sabado, ikalabing-walo ng Marso taong dalawang libo’t labing pito. Alas sais ng gabi, sumakay ako ng bus, pupunta ako sa bahay ng mahal ko, halos tatlong oras din ang magiging byahe. Gusto kong maidlip pero hindi ako makatulog dahil sa nananadyak na amoy ng katabi ko sa bus, amoy bulok na sibuyas. Tiniis ko na lang, tutal diyan naman ako sana'y, ang mag tiis.
Pagkaraan ng labing limang minuto biglang huminto ang sinasakyan kong Bus sa may Bus Stop at may mga paseherong sasakay. Pinagmasdan ko ang mga paseherong paakyat baka sakaling may cute akong makakatabi nang sa gayun ma inspire naman ako sa byahe dejoke. Hanggang sa sumakay sa bus na sinasakyan ko yung EX ko at yung boypren niya. Nagulat ako hayufff, hindi ko inaasahan na makikita ko ulet ang pagmumukha niya matapos ang mahigit isang taon. Mukhang haggard siya, baka ina-araw araw ng boypren niya.dejoke. Boypren niya ba yun? Akala ko tatay niya, mukha kasi silang mag ama.dejoke.
Nagtinginan kami mata sa mata, biglang nagflash back sa ala-ala ko yung mga panahong hinahalikan ko yung singit niya este yung mga panahong nagpaka tanga ako sa kanya, agad akong tumingin sa may bintana tas siya umupo sa katabing upuan ko. Hindi ako lumingon sa kanila, yung feeling na masi-stiff neck na ako sa kakatingin sa bintana ng kalahating oras dagdag pa yung nakakahilong amoy ng katabi ko.
Pagkatapos ng isang oras na byahe eh bumaba na ako sa bus, hindi ako tumingin sa direksyon nila. Nakamove on na ako, nabura na lahat ng sakit dito sa puso ko pero hindi ibig sabihin nun eh nakalimot na ako at hindi ibig sabihin nun eh pwede kaming bumalik bilang magkaibigan katulad ng dati na para bang walang nangyari, na hindi niya ako ginamit, sinaktan at ipinagpalit. Geh bye.