Tita: What's wrong with you?? Pag ibang tao yan, excited na sila pumunta ng Manila..
Ako: Nope. Not me.
-- I don't really know what's wrong with me. Totoo nga, para sa probinsyanong katulad ko, siguro nga dapat excited akong lumuwas. Kasi nga may malls, maraming kainan, maraming mabibili, kaso ayoko talagang magpaManila. Weird ko lang. Siguro kasi ayoko sa matao. Ayoko sa mainit. Ayoko sa mausok. Ayoko sa malalaking lugar. Feeling ko kasi lalamunin ako ng katangahan ko tapos mapadpad pa ako sa kung saan saan.. Siguro nga tama yung sabi nung manghuhula sa akin nung college. "Pang Region II ka lang, iho. Hindi ka pwede sa labas." Nasense kaya niya yung takot at pagaalinlangan kong mapagisa o maging parte ng mas malaking lugar?
Kaso wala akong choice. Luluwas at luluwas parin ako kasi kailangan sa negosyo. 12 hours na naman na biyahe. Nakakabagot. Tapos pagdating ko dun magkukulong lang na naman ako sa bahay, for sure. Magpapadeliver lang na naman ako ng pagkain kapag wala akong kasama. Babasahin ko nalang yung isandamakmak na librong dadalhin ko para malibang.
Kung makita niyo man ako sa labas na gagapang gapang at nakahandusay sa harap ng Starbucks kasi ayoko ng kape, lapitan niyo naman ako. Tapos gala gala tayo. :)
















