Isang karangalan ang makasama sa Larry Alcala Tribute Exhibition dahil nagsilbing napakalaking inspirasyon ang mga likha ni Mang Larry (lalong lalo na ang seryeng Slice of Life sa likuran ng dating Panorama magazine) sa aking sining. Dahil gawa nga sa kape ang aking obra, isa sa mga tinanong ko kay Sir Larry Alcala, Jr. ay kung mahilig ang kanyang ama sa kape... Nanlaki ang kanyang mga mata at halos pasigaw na sinagot, "Aba, OO!" Tumpak. Inimagine ko tuloy si Mang Larry na nagpupuyat gabi-gabi habang giniguhit ang mga panels ng kanyang mga komiks, dinadamayan ng tasa ng matapang na kape. Siguro, ang ilan sa kanyang mga orihinal na likha ay may bahid pa ng mantsa ng kape. Napakaganda ng mga likha ng mga taga-Samahang Kartunista ng Pilipinas (SKP) at kapwa Ang Ilustrador ng mga Kabataan (AngInK) sa Larry Alcala Tribute Exhibit sa UP College of Fine Arts! Dalawin niyo po, at pwedeng bilhin din ang mga nakadisplay dun! #exhibit #larryalcala #larryalcalatribute #art #artph #illustration #painting #coffee #coffeeart #coffeepainting #coffeeartist (at University of the Philippines College of Fine Arts) https://www.instagram.com/p/BoVgt_BnlfP/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=1jg0p4b5aqbw4