First Week xx Second Year yayy!
Monday. Pumuntang school. Ayaw pa rin mag-enlist. Regular kasi. Balik na lang daw bukas.
Tuesday. Pumila. Kinancel lahat ng naenlist sa CRS. Nagpa-enlist uli ng iba. Yung fit sa sched. Pumuntang CAL. Pumila sa Eng 10. Malapit na sa dulo. Wala na raw slots. Sumuko agad. Shunga langs. Nakita sila Leiny. Pumila sa Kas 1. Wala na rin daw slots. Beterano na si Lei. Di agad kami umalis. Mas matatag na pagpila. Nakakuha ng slots. Yay! Magkaklase ule kami ni Lei. At sa small class na. Haha. Tumambay sa gilid ng kalsada. Kumain ng isaw kila Mang Larry. Umuwi.
Wednesday. Pinilahan ang Philo 1. Mas tinatagan ang pagpila. Buong araw nakapila. Ang korni ni Lei. Kami palang dalawa. Haha. Naloka sa Cookies and Cheese ni Ryza. Binantaan na tatanggalin yung braces ni Matt. Dumating si Nanay. Pumila sya sa STFAP. Natapos na sya sa pila. Pero ako, nakapila pa rin. Malapit na mag-four. Parang di pa rin magbubukas ng bagong section. Dumating yung OIC. Magbubukas na raw. Kinilig ako. Kainis. Kaso Saturday. Pero pwede na rin. At least meron. 3 units na lang. :D
Thursday. Tambay sa FC. Sa tapat ng room ng profs. Tinanghali na ron, pero wala pa rin yung prof na pagpeprerog-an sana namin. Nagtry ng iba. Natanggap naman. Kaso di pa i-enlist. Bukas pa raw pag nagpakita kami sa class nya. Umuwi. Umuwing wala pang form 5. Malungkot. Na masaya. Haha. Baliw lang.
Friday. Kailangan na talaga namin ng form 5. Pramis. Inabangan yung Prof na tumanggap sa amin. Pinakiusapan. Nagmakaawa. Hahaha. Pumayag naman. Na-enlist na kami ni Mica. Yayy. Nagpa-assess, validate sa DCS. Walang prof. Iyak. Nakita si Sir Kelvin. Yey. May adviser na ko. Navalidate na. Pumuntang theater. Nakabayad na. Enrolled na ko. Wuhooo! Naglunch sa KaTag. Umattend ng Eng 10. Kami lang ni Mica yung sophomore. Tumbling. Research interest nung freshie yung Math. *kamot-ulo* Free cut sa MPs tsaka sa Kas 1. SM North with Leiny. Ang tagal kasi ni Matt. Ano pa nga bang bago? NagKFC. Bucket meal. Anebeyy. Busog. Pumuntang Philcoa.
Umuulan. Walang payong yung mga high school students. Pinahiram ko muna yung payong ko. Nagstay sa Chowking. Joke lang yung Milk tea nila. Kainis. Dumating na yung pinahiram ko ng payong. At nakauwi rin. Finally.
Saturday. Medyo late nagising. Tinakbo yung AS. Yung hagdan sa AS. Wala pa sa room si Prof. Nag-onting lecture lang. Actually guidelines lang ata. Then okay na. Nagpavalidate ng id sa Eng’g Lib II. Pumuntang Main Lib. Sarado. Pumuntang SC. Kumuha ng readings. Freshie daw ako. Tumbling. Pumuntang CSWCD. Sarado rin yung lib. Umuwi.
First week pa lang yan. Haha. First week pa lang. :))













