Day 6 — What attracts you to someone?
Sa tuwing may magtatanong sa akin kung anong tipo ko, tatlong salita lang ang sinasagot ko.
Funny.
Mabango.
Smart.
Funny kasi iba yung kilig kapag napapatawa ka ng taong mahal mo parang mapapabuntong-hininga ka na lang sabay sabing “Tangina, ang sarap mo talagang mahalin.” Dati pa naman, malakas na yung dating sa akin ng mga taong funny kasi feeling ko ang intimate ng relationship kapag gets niyo na kung ano yung kiliti ng isa’t-isa. Ang sarap lang magmahal kapag alam mo yung timpla ng karelasyon mo, mas madali pagaanin loob ng isa’t-isa.
Mabango kasi partikular talaga ako sa amoy. Syempre, gusto ko naman siya yakapin at gusto ko magawa yun nang hindi ko kailangan maduwal. Basta mas dadali buhay naming pareho kung mabango kami. Hahaha.
Smart kasi gusto ko nakakausap ko siya nang matino, nang malaman, at nang may kwenta. Papasok din dito yung kung ano ba yung tipo ng pagiging funny niya kasi malaking usapin din yun. Hindi ko kailangan man maaappreciate ang rape jokes, sexist jokes, racist jokes, at iba pang kabobohang di ko alam ba’t nag-eexist pa rin hanggang ngayon. Ang laking hatak ng pagiging smart kasi binibigyan ko ng halaga yung kung ano bang matututunan ko sa magiging karelasyon ko. Gusto ko may mapulot ako sa kanya at ganon din siya sa akin. Hindi book-smart, mas life-smart. Hahaha!
Hindi na ako masyado nagbabase sa pisikal na katangian, masyadong superficial at napakababaw na basehan para magmahal.












