Day 25: #Farewell #Lastday #CPI
Okay. Isa na siguro sa pinakamasakit na bahagi ng buhay natin ay ang lumisan sa mga taong naging parte kahit papaano ng buhay natin.
HAHAHAHA. Ang drama ko. Hindi, kasi tapos na ako sa pharmacy internship. Hindi na ako makakapasok sa loob ng RX, at hindi na ako makakahawak ng iba't ibang gamot. Wala lang. Parang feeling ko mamimiss ko yung mga bagay na yun.
Nagsimula ang araw na nakatatak sa isip ko na huling araw ko na Community Pharmacy Internship (CPI). Sumagi na sa utak ko na hindi ko na sila makakatawanan. Hayyyyyy. Siguro, ganun talaga. Another ladder na ako ng pagaaral.
Umaga pa lang ay dinala na namin ang mga pakain. Para syempre, alam mo na. Kahit hirap ang inabot namin dun. HAHAHA. --i'M SERIOUS!
Mamimiss ko ang mga suking customers dun na laging bumibili, at syempre ang mga binibili nila. Kahit wala pang resibo, alam na namin. Siguro, di rin nila kame makakalimuta. Hahaha. Lels! XD
Mamimiss ko ang mga biruan at kwentuhan. Mamimiss ko ang CR, ang lababo at ang kunyari-kunyariang canteen. Mamimiss kong magdispense, at syempre, ang mapagsabihan sa wrong dispensing. Mamimiss ko ang paghikab kapag wala ng magawa. Mamimiss ko ang pagutos-utos nila, kahit mukha na kaming alalay nila. Mamimiss ko ang nagturing sa amin na parang nanay at para ring tropa. Hi MAMA Tina. XD Mamimiss ko ang kinakainan namin. Basta, mamimiss ko lahat.
Nagdala ako ng digicam para may remembrance man lang sa CPI ko. Wala pa kasi akong matinong piktyur. Hahaha. Ayun, nagpiktyur piktyur kame ssa loob ng RX, kahit bawal. Ang saya lang. :) Uwian na lang, pinagalitan pa ako ni ma'am rain, kasi nilagay ko sa palad yung gamot. Pasensya naman, naamaze lang talaga ako. Ang ganda kasi nya, gusto kong piktyuran. Pero syempre bumawi kame, binigyan namin sya ng chocolate na treats. Pati si MAMA Tina. At nagiwan kame ng message. :) Sabi ko, "TO MA'AM RAIN AND ELS. XD THANK YOU PU. BOW" Yan lang. Hahaha. Atleast. #Effort
Umuwi ako ng may ngiti sa huling araw na aking pananatili. Sana magtampo ulit ang ating mga landas. Salamat po. Okay. Diary na talaga yung blog ko. Wew!