1:30PM-7:30PM klase ko kahapon. Walang break, walang kaen-kaen. College Algebra at Chem Lab subject ko. Parehong heavy na subject. Malamang komang gutom na gutom ko niyan pag uwian na. Ang malas pa kasi freshmen night, maraming sumasakay at punuan ang jeep.Umulan pa. Malas talaga.
Nakasakay na kami ng 8:00A.M. 1 hour biyahe ko hanggang Marilao. Dahil gutom na gutom na rin ako at gutom na gutom na rin kasama ko. Pumayag na ako ako magmang-inasal kami.
9:00PM na kami natapos. Nagsasarado na nga SM. So yun umuwi na ako. Wala na akong load. Hindi ko na natext si Marteng mula pa noong nasa school ako. Ang last text ko ay pauwi na ako.
Nagpaload uli ako. Nagsorry na ngayon lang ako nagtext. Sabi ko galing ako SM, kumaen pa kasi ako. Ang bungad sakin ng loko, BAKIT? ANO GINAWA NIYO DUN? SINO KASAMA MO? ANO MERON? Sinagot ko naman, sabi ko si Jastine (babae siya) kasama ko at kumaen kami kasi ng GUTOM NA GUTOM NA KAMI. Ang sagot, BAKIT HINDI KA PA DUMERETSO SA BAHAY NIYO? SM MARILAO LANG YUN AH? MARILAO KA LANG? GABING-GABI NA!
Ako naman nainis. Kainis naman talaga kasi. Malamang gusto ko naman kumaen sa ibang lugar. Tinawagan ko, ang bungad NAG-EENJOY KA BA JAN? Paulit-ulit po. At NAKAKAASAR TALAGA! Parang kumaen lang sa SM galit na agad.
Nainis ako, sinagot ko. Sabi, ako pa daw naggagalit? My goodness. Napaka po. Pero dahil ang kinagagalit niya ay ang pag-uwi ko ng gabi. Nagpakababa na po ako. Nagbati din kami. :))
Ngayon. Kahit inis na inis ako sa kanya kagabi, narealize ko. Nag-aalala lang si Ka Marteng. So huwag na ako maginarte diba? Buti nga may nag-aalala pa. Narealize ko din na hindi naman naggalit si mama na umuwi ako ng gabi dahils sanay na siya kasi may gabi akong klase pero siya naggagalit. Napapangiti ako na naiinis. Hahaha. Letse. Ewan. :))