LITERARY: A Larkspur in Lacedaemonia
seen from China

seen from Malaysia
seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States

seen from Denmark
seen from Australia
seen from United States
seen from Canada
seen from Australia
seen from Singapore

seen from Australia
seen from China
seen from United States
seen from Hong Kong SAR China
seen from United States

seen from Singapore

seen from Malaysia
seen from United Kingdom

seen from United States
LITERARY: A Larkspur in Lacedaemonia
OPINION: 100% Banyagang kapital, Bagsak ang mga mag-aaral
Photo credit: Anna Gabrielle Dalet
“The 1987 Constitution was not written for the globalized world,” iyan ang pangunahing rason ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. para sa economic charter change (Cha-Cha) ng Pambansang Konstitusyon ng 1987 na ipinapanukala ngayon ng parehong kapulungan ng Kongreso.
Upang makamit ang globalized world na ito, nais pahintulutan ng administrasyon ang 100% foreign ownership sa mga institusyon ng edukasyon, advertisement firms, at public utilities ng Pilipinas. Ayon sa mga tagasuporta ng Cha-Cha, sa ganitong paraan makakahabol ang ekonomiya ng Pilipinas na matagal nang nahuhuli sa pandaigdigang merkado.
Idinadahilan nila ang kakulangan ng Foreign Direct Investments (FDI) sa Pilipinas bilang rason kung bakit naghihirap ang bansa. Ayon sa kanila, kung ikukumpara sa mga kalapit nating bansa katulad ng Singapore, Thailand, Indonesia at Vietnam, mababa ang ating FDI; at dahil doon, lugmok ang ating ekonomiya.
Ngunit kontra rito, mas mataas pa rin ang ating FDI kaysa sa pinagsama-samang FDI ng Cambodia, Myanmar at Lao PDR. Kamakailan lang, inulat din ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 27.8% ang itinaas ng FDI noong Nobyembre 2023 kumpara noong Nobyembre 2022. Kung kaya’t ang tanong: bakit isinusulong pa ang economic charter change?
Sa ganitong punto, makikita ang pagkukulang ng Cha-Cha at ng mga nagsusulong nito. Bukod sa mga kontradiksyon sa kanilang argumento, naghihirap pa rin ang sambayanang Pilipino kahit nagkakaroon ng upward trend ang FDI natin. Ayon sa ulat ng IBON, 75% o tinatayang 20.6 milyong pamilyang Pilipino ang lubog sa kahirapan.
Maliban pa rito, hindi rin angkop na gamitin ang FDI bilang sukatan ng kaunlaran dahil ang ipinapakita lang nito ay ang dami ng foreign investments. Malinaw na hindi ito nangangahulugang maayos na ang ating mga pampublikong serbisyo o walang paghihirap na nararanasan ang pangkaraniwang Pilipino.
Kailangan alalahanin na sa panghihikayat ng mga foreign investors na mamuhunan sa Pilipinas, ang potensyal para sa kita at expansion ang nagsisilbing pangunahing pakay. Kapalit nito ang pangako ng inobasyon at pagsasaayos ng ating mga industriya at ekonomiya. Ngunit dahil nagsisilbing itong investment, ang prayoridad ng mga investors ay kumita. Sa kabila ng kanilang pangako ng kaunlaran, ang kanilang pagpapakahulugan sa “pag-unlad” ay nakaangkla sa kanilang mga layunin at karanasan, hindi sa kalagayan ng bayan.
Sa usapan ng kasalakuyang Cha-Cha, malinaw na malaking kontradiksyon ang lente ng pagnenegosyo na ito sa pampublikong serbisyo at institusyon ng edukasyon na ang pangunahing layunin ay magsilbi sa sambayanang Pilipino. Kung ilalagay natin sa kamay ng mga banyaga ang ating mga paaralan, ang iiral sa silid-aralan ay ang pagpaparami ng kapital sa pandaigdigang merkado kaysa sa ating sariling kasaysayan at bayan. Ang tanging makikinabang dito ay ang mga dayuhang kapitalista at muling mapag-iiwanan ang masang Pilipino.
Noong Disyembre 14, anim na buwan mula noong naluklok bilang pangulo si Marcos Jr., inanunsyo ng House Committee on Constitutional Amendments ang plano nitong talakayin ang charter change pagkatapos ng holiday break ng Kongreso. Naganap ang unang pagpupulong para sa Cha-Cha ng administrasyon noong Enero 26, 2023. Sa loob ng 16 buwan, mangilan-ngilang bersyon at hearings na rin ang isinagawa upang itaguyod ang pagsasabatas nito. Ngunit, sa kabila ng lahat ng panahon at pakikipagtalastasan, isinasawalang-bahala ng pamahalaan ang taong bayan sa usapan ng pagbabago ng Saligang Batas. Ayon sa isang sarbey ng Pulse Asia noong Marso 27, three-fourths ng mga respondents ang umaamin na sila ay may “little to no knowledge about the 1987 Constitution.” Kasama na rito ang kung paano isinasagawa ang charter change.
Nakakaalarma ito dahil dapat pinagtutuunan ng pansin ang Konstitusyon at kung ano mang rebisyon ang nais gawin dito lalo na sa konteksto ng ating kasaysayan. Maaaring samantalahin ang kakulangan sa impormasyong ito upang basta-bastang baguhin ang Saligang Batas ayon sa interes ng iilan.
Ang Cha-Chang nais isabatas ngayon ng administrasyong Marcos ay isang amendment sa Konstitusyon. Nilalayon nilang dagdagan ang Artikulo 12, 14, at 16 ng “unless otherwise provided by law.” Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng sugnay na ito, mabibigyan ng kapangyarihan ang mga mambabatas na piliin ang mga institusyong maaaring maging 100% foreign-owned. Dito pa lang ay malinaw na maaari itong abusuhin at maging breeding ground ng korapsyon.
Dagdag dito, sadyang mahal ang economic charter change. Sa katotohana’y binigyan na ng Kongreso ang Commission on Elections (COMELEC) ng badyet na PHP 14 bilyon upang isagawa ang eleksyong plebisito, ngunit naniniwala sila na hindi pa ito sapat. Nangangailangan pa ng karagdagang PHP 12 bilyon hanggang PHP 13 bilyon upang maisagawa ito. “The COMELEC will have a financial crisis just in case a national plebiscite materializes this year,” sabi ng executive director na si Teopisto Elnas Jr.
Suhestiyon naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kung magkakaroon ng eleksyong plebisito, mas mainam ang dual vote na magaganap sa Mayo 12 sa susunod na taon, kasabay ng eleksyon sa 2024. “Dahil kung paghihiwalayin natin ‘yang election saka ‘yung plebiscite, parang dalawang eleksyon ‘yun e, napakamahal,” amin ng presidente. Ngunit, hindi pa rin nito isinasaalang-alang ang dagdag na materyales, kawani, at makinarya na kinakailangan—sumabay man ito sa isa pang eleksyon o hindi.
Bukod dito, nagkakaroon din ng imbestigasyon patungkol sa posibleng panunuhol sa pagsasagawa ng People’s Initiative. Sa unang bahagi ng Enero, ang mga nilagdaang dokumentong sumasang-ayon sa pag-amyenda sa Konstitusyon ay nagsimula nang kumalat. Ayon kay Albay 1st District Representative Edcel Lagman, mayroong ilang mga mayor na nakatanggap ng mobilization funds na nanggaling sa Ako Bicol partylist coordinators upang makakuha ng suporta sa petisyon. “Voters who would sign the petition or people’s initiative will be given PHP 100 each,” ani ni Lagman. Ito’y tinanggi ng Ako Bicol Representative na si Jil Bongalon at ng presidente ng League of Municipalities of the Philippines-Albay Chapter na si Raymond Adrian Salceda.
Hindi lamang umano sa Albay naganap ang sinasabing vote-buying. Ayon sa Kabataan Partylist, mayroong “template form” na ginagamit upang mangolekta ng mga lagda para sa People’s Initiative. Sabi pa ni Imee Marcos, “PHP 20 million total kada distrito ang inaalok, meron pa akong narining ‘nung malaking siyudad na pinangakuan din ng ganoon at ang sabi magproduce kayo ng 20,000 signatures by January 13.”
Mayroon ding nadagdag na PHP 26.7 bilyon na pondo sa naaprubahang 2024 badyet ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dapat para sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), na ayon kay Sen. Imee Marcos ay ginamit din na panuhol para sa People’s Initiative. Ang lalong nakababahala ay tila sorpresa ang ilang bilyon na ito, hindi lang sa Senado na nag-apruba ng badyet, kundi pati na rin sa DSWD. Ayon nga kay DSWD Undersecretary Fatima Aliah Dimaporo, ang PHP 26.7 bilyon ay isang “happy surprise.”
Bilyong-bilyong pera ang ginagastos para sa paglelehitimo ng charter change na dapat ilaan na lamang sa mga sektor na “nilalayon nitong paunlarin” tulad na lamang ng sektor ng edukasyon. Malinaw sa lahat ng pondong winaldas na sinasayang lang ng Cha-Cha ang oras at pera ng bayan at ang kinabukasan ng milyon-milyong kabataang Pilipino.
Lugmok na lugmok ang estado ng ating sistema ng edukasyon dahil sa pagsasawalambahala ng gobyerno. Hindi rin maikokonsidera ang 100% foreign ownership bilang solusyon dahil sa mahabang kasaysayan ng dayuhang impluwensiya sa ating edukasyon na nagdulot ng negatibong epekto sa kalagayan ng karaniwang mamamayang Pilipino.
“90% of Filipino children aged 10 struggle to read or understand simple text,” ayon kay Prop. Portia Padilla ng UP College of Education. Ngunit hindi lamang mga kabataan ang mababa ang reading comprehension. Ayon sa parehong pag-aaral, 200 na guro mula sa Bangsamoro Region na kasali sa programa para sa pagbabasa ng Department of Education (DepEd) ang nakakuha ng gradong “below 50% in reading comprehension.”
Maraming rasong makapagpapaliwanag sa mababang reading comprehension ng mga Pilipino. Maaari nating isipin ito bilang siklo kung saan ang mga guro at mag-aaral ay kapwa kulang ng kinakailangang kasanayan. Subalit, ang pinakamalaking salik ay ang pagpapahalaga ng ating gobyerno at mga paaralan sa wikang Ingles. Sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos Jr., binanggit nito ang importansya ng marketability natin bilang isang “English-speaking people” sa pandaigdigang merkado. Bunsod nito, nais ng pangulo isulong ang Ingles bilang midyum ng pagtuturo.
Matagal nang mahigpit ang hawak ng wikang Ingles sa edukasyong Pilipino. Simula pa noong pananakop ng mga Amerikano, ginagawang simbolo ng “karunungan” at ng pagiging “maabilidad” ang pagkabihasa sa Ingles. Dahil dito, naisasantabi ang iba pang wika sa Pilipians. Ayon kay Leila Areola, Director IV ng Curriculum and Instruction sa DepEd Bureau of Learning Delivery, na 78,872 lamang sa target na 305,099 na guro ang trained sa paggamit ng mother tongue bilang midyum ng instruksyon.
Kapalit ng paggamit ng wikang hindi atin para sa pandaigdigang merkado, nawawala sa pagsasalin ang ganap na pag-unawa at pagpapalalim ng mga konseptong dapat nakalapat sa karanasang Pilipino. Masasabing kapareho nito ng ideolohiya ang Cha-Cha kung saan nauuna ang marketability at napag-iiwanan ang ipinapangakong pag-unlad.
Dahil dito, hindi maipagkakailang maapektuhan din ng 100% foreign ownership ang karunungan ng mga mag-aaral na magbasa at magsulat sa sarili nilang wika. Sa mas matinding presensya ng mga dayuhan sa ating mga paaralan, lalong maisasantabi ang Filipino. Mananatiling midyum ng instruksyon ang wika ng mga banyagang nagmamay-ari ng ating mga paaralan. Kahit manatili mang asignatura ang Filipino, hindi sila bihasa sa ating wika at kasaysayan kaya’t sinong makakapagsabi na mabibigyan nila ng hustisya ito?
Ganito rin ang alalahanin sa magiging epekto ng dayuhang presensya sa kasalukuyang kurikulum. Wala pa nga sa kanilang kamay ang ating mga paaralan ay matagal nang binabastardo ang ating mga aralin upang iangat ang naratibo ng mga korap at abusado. Halimbawa nito ang baliktad na kwento at kulang-kulang na impormasyon na tinuturo sa mga estudyante patungkol sa mga pang-aabuso sa ilalim ng diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr. Bunsod ng isang memorandum ng Bureau of Curriculum Development (BCD) ng DepEd, ginawang “Diktadura” imbis na “Diktaduryang Marcos” ang pangalan sa yugto ng Batas Militar.
Patuloy na umuulit ang kamalian ng ating kasaysayan noon dahil itinatanggi at binabaluktot ito ng sistema. Mula pagkabata, tinuturuan ang mga Pilipino ng mali at kulang-kulang na impormasyon tungkol sa diktadura ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr.. Parehong-pareho lang ito sa mga paaralan at konserbatoryong itinayo ng mga banyaga noon na nagtuturo ng “malinis na bersyon” ng paghahari. Kaya hanggang ngayon, inaaral pa rin ng mga bata ang mga “kabutihang dala” ng pananakop ng mga Espanyol, Amerikano, at Hapon. Sinong makapagsasabi na hindi ito gagawin ng mga foreign investors, lalo na’t sila na ang nagmamay-ari ng ating mga eskwelahan?
Ngunit, ang pinakamalaking sala ng ating sistema ng edukasyon ay ang pilosopiya ng ating pamahalaan na “Basta nakakapasok ang estudyante.” Halimbawa nito ang No-Fail Policy na umiral noong kasagsagan ng Covid-19. Nais pa rin ng DepEd at CHEd na ituloy noon ang akademikong taon sa harap ng pandemya at ito ang nagsisilbing “solusyon.” Sa halip na tugunan ang krisis sa mental health ng kabataan, binigyan na lang nila ito ng band-aid solution sa pangakong hindi sila babagsak basta’t pumasok sila. Mayroon namang mga batang natulungan ng polisiya: basta’t tapusin lang nila ang kanilang mga gawaing pampaaralan, matiwasay na silang makakaakyat sa susunod na baitang. Ngunit, ipinapakita nitong iba ang prayoridad ng gobyerno patungkol sa ating edukasyon. Malinaw na sinisigurado lang ng ating sistema ng edukasyon ang regular na pagpasok ng mga mag-aaral at ang kanilang pagtapos sa pag-aaral sa lalong madaling panahon. Ang kurikulum natin ay nagsisilbi na lang checklist kaysa sa gabay sa pagtuturo. Dahil dito mas umaangat ang pagsasaulo ng impormasyon kaysa sa pagpapalalim ng pag-uunawa. Ayon kay Cynthia Bautista, EDCOM 2 adviser at dating dean ng UP Diliman College of Social Sciences and Philosophy (CSSP), ang ganitong pag-uugali ang bumubuo sa reputasyon ng ating mga paaralan bilang mga diploma mills. Bunsod nito, ang maakit din natin na paaralan mula sa mga dayuhang kapitalista ay kapwa diploma mills rin. Sa madaling salita, ang sisiguraduhin lang ng mga foreign investors ay ang bare minimum dahil ito ang nakikita nila mula sa ating pamahalaan. Dagdag dito, di hamak na mas maliit ang kinakailangang puhunan para sa mga paaralang bare minimum. Kahit ano man ang kalidad ng edukasyon, hanggang may mga mag-aaral na pumasok at makapagtapos, kikita sila.
Isa pang problema na kinakaharap sa ating institusyong pang-edukasyon ay ang mababang sahod ng mga guro. “The current salary level of teachers and other workers in government is not livable,” sinabi ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist Chairperson Vladimir Quetua. Ang sahod ng mga guro sa mga pampublikong paaralan ay PHP 36,000 lamang, habang ang mga guro naman sa mga pribadong paaralan ay sumasahod nang mas mababa sa halagang PHP 27,000. Sa patuloy na lumalalang “inflation, hindi ito sasapat sa lahat ng mga gastusin, lalo na ng mga may sari-sariling pamilyang binubuhay. At kung hindi sapat ang pagpapasahod ng mga pribadong paaralan natin ngayong investors pa lang ang mga dayuhan, paano pa kaya kung kanila na ang buong pagmamay-ari sa mga ito?
Ang lalo pang nakapanghihinayang ay mayroon nang mga panukalang batas ukol sa pagtaas ng sahod ng mga guro na hindi lang binibigyang-pansin ng gobyerno, tulad ng Senate Bill No. 4 at Senate Bill No. 1164. Ang Senate Bill No. 1610 naman ay ukol sa pagbibigay-daan sa mataas na kalidad ng pagtuturo sa state universities at ibang mga kolehiyo sa pamamagitan ng pagbigay ng libreng tuition. Dagdag dito, kung ikukumpara sa ating mga kapitbahay, kakarampot lang na pondo ang nilalaan natin sa edukasyon kada taon. Inilaan ng gobyerno ang 3.6% Gross Domestic Product (GDP) sa edukasyon mula 2014 hanggang 2022. Noong 2017 naitala ang pinakamataas na budget na umabot sa 3.9% GDP. Subalit, maliit ito kumpara sa Vietnam at Malaysia na naglaan ng 4.2% ng GDP at sa Singapore na naglaan ng 25.8% ng GDP noong 2018. Dahil dito, makikita natin na ang pag-amyenda sa 1987 Konstitusyon ang kanilang pangunahing layunin, hindi ang pagpapaunlad ng kalagayang pang-edukasyon ng ating bansa.
Hindi uunlad at magkakaroon ng matinong edukasyon ang Pilipinas kung patuloy na isusulong ang privatization ng mga paaralan. Ayon sa ulat ng IBON Foundation Setyembre 2023, 13.2 milyong “self-rated” na pamilya o 48% ng pangkalahatang populasyon sa Pilipinas noong ay nagmumula sa mahirap na pamilya. Dagdag pa rito, 18.2 milyon o 67% ng sambahayan ay mababa ang savings sa ikatlong kwarter ng 2023. Mula sa mga nabanggit na datos, masasabi nating ang karamihan sa mga Pilipino ay hindi makatatanggap ng matinong edukasyon hangga’t sila ay mahirap, at ang gobyerno ay patuloy na inaprayoridad ang pagtataguyod ng mga pribadong paaralan.
Ngunit sa kabila ng lahat, kailangan nating alalahanin na ang masang Pilipino ay hindi magpapaloko. Mangilan-ngilang kilos-protesta ang isinagawa laban sa economic charter change linggo-linggo, at araw-araw ring dumarami ang mga grupo, organisasyon, at mga network na nanawagan para sa tuluyan nitong pagbasura. Noong Marso 22 lamang ay nagkaroon ng kilos-protesta sa labas ng Commision on Higher Education (CHEd) ang iba’t ibang mga student organizations laban sa 100% foreign ownership sa mga institusyon ng edukasyon. Malaking bahagi rin ng paggunita ng ika-38 na anibersaryo ng EDSA noong Pebrero 25 ang pagkontra sa Cha-Cha. Nagpahayag din ng pagtutol ang iba’t ibang sektor ng UP sa pamamagitan ng papaskil ng mga poster at tarpauling nagtataglay ng panawagang “No to Cha-Cha!” sa buong campus.
Bukod dito, ilang grupo rin ang nabuo upang kondenahin at labanan ang Cha-Cha. Halimbawa nito ang Teachers, Education Workers, and Academics Against Charter Change (TEACH). Nanawagan ang grupo sa kanilang inilabas na pahayag, “Rather than open up our schools to foreign ownership, the Philippine government should be reminded that improving the quality of Philippine education is a state obligation.”
Hindi malulutas ng foreign ownership ang krisis sa edukasyon sa Pilipinas—maaari pa itong makadagdag sa mga kasalukuyang kakulangan sa ating kurikulum. Sa halip na ang pagtuunan ng pansin ay ang mga kapalpakan sa loob ng sistema ng edukasyon, inuuna pa ng administrasyong buhusan ng pera ang economic charter change na wala namang maipapangakong ganap na pagbabago.
Asahang sa araw na tuluyang maipatutupad ang Cha-Cha, tulad ng mga banyagang mananakop noon, gagawing westernized at for-profit ng mga foreign investors ang ating mga paaralan ngayon.
Dati nang kinontrol ng mga dayuhan ang ating mga institusyon ng edukasyon. Nagpondo at nagtayo sila ng mga paaralan upang turuan tayo kung paano maging mas masunurin bilang kolonya. Ginamit nila ang kanilang wika bilang panturo at itinuring nila ang kanilang kultura bilang nakaaangat sa sariling atin. Malaki ang posibilidad na mangyari ito sa pagsasabatas ng Cha-Cha, lalo na't wala sa mismong amendment ang mga regulasyon na maaaring makapagpatigil sa pang-aabusong tiyak na mangyayari.
Bilang mga mag-aaral, kailangan natin idiin sa mga nanunungkulan ang pagbabasura ng Cha-Cha. Sapagkat ang tunay na kailangan ng mga estudyanteng Pilipino ay isang sistemang pang-edukasyon na nakalapat sa kanilang mga karanasan at realidad bilang Pilipino. Manawagan tayo na mabigyan ng respeto ang ating kasaysayan at wika sa pagtuturo. Mag-anyaya tayo ng ating mga kamag-aral na gamitin ang ating wika at humanap ng mga paraan upang pahalagahan ito. Makiisa tayo sa mga kilos-protesta para sa sapat na sahod at benepisyo ng mga guro at staff ng bawat paaralan. Dagdag dito, suportahan natin ang mga unyon at ang mga indibidwal na namumuno sa mga pagkikilos na ito. Matitiyak lang natin ang ating karapatan sa dekalidad na edukasyon kung pagsasama-samahin natin ang ating mga boses.
Hindi malabong matugunan ang mga panawagang ito ng ating gobyerno lalo na’t may pondo namang nakalaan para rito. Huwag tayong magsawa sa pangangalampag at paggigiit na itigil ang Cha-Cha, at sa pangangampanya para sa makamasang sistema ng edukasyon! //nina Mayden Bartolabac, Japhet Casabar, at Eda White
#NoToChaCha
Mga Sanggunian:
Africa, S. (2024, February 4). The spectacular errors of economic cha-cha proponents. IBON Foundation. https://www.ibon.org/the-spectacular-errors-of-economic-cha-cha-proponents/
Ager, M. (2024, March 13). Bill on people’s initiative, penalties for signature buying, selling filed. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1917149/pimentels-bill-provides-for-pi-penalizes-signature-buying-selling
Canlas, R. (2024, March 6). Women organizations oppose ‘Cha-cha’. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2024/3/6/women-organizations-express-opposition-vs-cha-cha-on-women-s-day
Cayabyab, M. J. (2023, September 12). DepEd hit for rebranding of Marcos dictatorship. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2023/09/13/2295879/deped-hit-rebranding-marcos-dictatorship
Chi, C. (2024, January 13). Explainer: With students’ poor literacy, are all teachers now ‘reading teachers’? Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2024/01/11/2325063/explainer-students-poor-literacy-are-all-teachers-now-reading-teachers#:~:text=At%20 least%2090%25%20 of%20 Filipino,in%20the%20Philippines%20at%2070%25.
Chi, C. (2024, March 5). DepEd objects to foreign control of schools via Cha-cha, cites national security risk. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2024/03/05/2338262/deped-objects-foreign-control-schools-cha-cha-cites-national-security-risk
Chi, C. (2024, February 15). Salary hike for teachers? DepEd defers answer until World Bank study complete. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2024/02/15/2333571/salary-hike-teachers-deped-defers-answer-until-world-bank-study-complete
Chi, C. (2023, July 17). Most private school teachers paid less than entry-level salary in public schools — survey. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2023/07/17/2281732/most-private-school-teachers-paid-less-entry-level-salary-public-schools-survey
Chi, C. (2024, February 23). Philippines’ “diploma mill” rep may attract low-tier foreihn universities, expert warns. Philstar. https://www.philstar.com/headlines/2024/02/22/2335333/philippines-diploma-mill-rep-may-attract-low-tier-foreign-universities-expert-warns
Cigaral, I. N. P. (2024, February 13). Net FDI inflows soared to near two-year high in Nov 2023. INQUIRER.net. https://business.inquirer.net/445148/net-fdi-inflows-soared-to-near-2-year-high-in-november-2023
Communications, E. 2. (2024, February 20). Allowing foreign ownership is only a first step in promoting internationalization in education – EDCOM 2 Executive Director. EDCOM 2. https://edcom2.gov.ph/allowing-foreign-ownership-is-only-a-first-step-in-promoting-internationalization-in-education-edcom-2-executive-director/
De Leon, D. (2024, January 25). Why mounting a 2024 plebiscite on charter change will be a daunting task for Comelec. RAPPLER. https://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/issues-comelec-face-plebiscite-charter-change-people-initiative-2024/
De Leon, D. (2023, February 27). FAST FACTS: What does the House bill on charter change contain? RAPPLER. https://www.rappler.com/nation/things-to-know-key-provisions-house-bill-charter-change/
De Leon, D. (2024, March 1). Marcos says proposal to hold Cha-Cha plebiscite alongside 2025 polls for ‘practical’ reasons. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/marcos-proposal-simultaneous-conduct-charter-change-plebiscite-2025-polls-practical-reasons/
Felipe, C. S. (2021, February 6). ‘No-fail policy not good for students.’ Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2021/02/07/2075903/no-fail-policy-not-good-students
Galvez, D. (2022, July 25). Marcos wants to reexamine medium of instruction in schools. Inquirer.net. https://newsinfo.inquirer.net/1634255/english-speaking-people-marcos-wants-to-reexamine-medium-of-instruction-in-schools#ixzz7aA6ZU7H6
Gavilan, J. (2018, January 16). What you need to know about Charter Change. RAPPLER. https://www.rappler.com/newsbreak/iq/193718-charter-change-explainer-philippine-constitution/
Gorecho, D. (2024, February 21). “No to cha cha” in UP Fair and oblation run. INQUIRER.net. https://cebudailynews.inquirer.net/557610/no-to-cha-cha-in-up-fair-and-oblation-run
IBON Foundation. (2023, December 9). Marcos Jr admin fails to respect, protect, and fulfill social and economic rights. https://www.ibon.org/marcos-jr-admin-fails-to-respect-protect-and-fulfill-social-and-economic-rights/
Leon, D. (2024, January 23). Marcos now open to amending economic provisions of 1987 Constitution. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/marcos-open-economic-charter-change-january-2024/
Limlingan, V. S. (2024, March 11). EDCOM II Year One Report: Misreading the Philippine Education situation. BusinessWorld. https://www.bworldonline.com/opinion/2024/03/11/580722/edcom-ii-year-one-report-misreading-the-philippine-education-situation/
Magsambol, B. (2024, February 25). IN PHOTOS: On 38th People Power anniversary, groups oppose charter change. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/photos-protests-edsa-people-power-revolution-anniversary-2024/
Marcelo, E. (2024, March 9). Teachers oppose 100 percent foreign ownership of schools. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2024/03/10/2339415/teachers-oppose-100-percent-foreign-ownership-schools#:~:text=The%20TEACH%20pointed%20out%20that,are%20underserved%20by%20public%20schools.%E2%80%9D
Miguel, M. J. S. (2023, August 30). 2024 education budget: When will government learn? IBON Foundation. https://www.ibon.org/2024-education-budget-when-will-government-learn/
Philstar. (2022, October 17). DepEd to junk ‘mother tongue’ subject, but not as medium of instruction. https://www.philstar.com/headlines/2022/10/17/2217367/deped-junk-mother-tongue-subject-not-medium-instruction
Punongbayan, J. (2024, April 1). [In This Economy] Economic charter change is very unpopular – it’s time lawmakers listened. RAPPLER. https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/in-this-economy-economic-charter-change-very-unpopular-time-lawmakers-listen/
Quismorio, E. (2023, March 13). (Update) A short timeline: Cha-cha in the House, 19th Congress Edition. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2023/3/12/a-short-timeline-cha-cha-in-the-house-19th-congress-edition#google_vignette
Second Congressional Commission on Education. (2024). Miseducation: The failed system of Philippine education, EDCOM II year one report. Second Congressional Commission on Education. https://edcom2.gov.ph/media/2024/02/EDCOM-II-Year-One-Report-PDF-022924.pdf
Valmonte, K. (2024, January 10). Will you sell your soul for P100? Allegations vs charter change bid via people’s initiative. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/things-to-know-allegations-charter-change-via-people-initiative/
Valmonte, K. (2024, March 6). Why 4 lawmakers voted against RBH7, the economic charter change proposal. RAPPLER. https://www.rappler.com/philippines/why-lawmakers-opposed-resolution-both-houses-7-economic-charter-change-2024/
LITERARY: Given
FEATURE: Kalma…Palamig ka muna!
Panahon na ng tag-init; paniguradong mainit na naman ang ulo mo. Chill ka lang! Tara na sa UP Diliman para maghanap ng mga sulit, abot-kaya, at refreshing na mga inumin at panghimagas na siguradong makakapawi ng iyong uhaw!
VINZONS KIOSK
Pag-ja-jogging, paglalakad, at pag-aaral—ilan lamang ito sa ating mga karaniwang gawain sa loob ng campus. Kaya ‘di rin natin maiiwasang mapagod lalo na't panahon na ng tag-init. Buti na lang, may mga kiosk stand! Nasaang bahagi ka man ng unibersidad, tiyak na mahahanap mo ang mga ito at makakapili pa mula sa malawak na seleksyon ng mga inumin.
Ang Kiosk sa Vinzons ay maituturing na isa sa mga pinakamalapit na lokasyon sa UPIS—konting lakad lamang ang kailangan! Ang mga kiosks ay karaniwang kilala sa pagbebenta ng mga combo na pagkain, gaya ng pancit canton at fishball, pancit canton at tinapay, at iba pa. Sa kabilang banda naman, kakaiba at bago sa mga mamimili ang ibinebenta ng Marcelina Store—fried noodles at iba-ibang uri ng mga inuming magpapagaan sa pakiramdam ng mga mamimili!
Bilang tugon sa mainit na panahon, nagbebenta sila ng mga best seller nilang iced coffee at iced Milo. Meron ding mga fruit tea (na nilalagayan nila ng nata de coco) at lemonades na available rin sa iba't ibang flavors gaya ng strawberry, kiwi, lychee, at iba pa. Sa halagang Php 35 hanggang Php 65, mayroon ka nang pampagising, pampasigla, at pampa-refresh na inumin!
AREA 2
Isa sa pinakasikat na kainan sa loob ng campus ang Area 2. May kalayuan lang ito sa UPIS pero kayang-kaya namang puntahan. Pwedeng lakarin, pwede rin namang sumakay sa Ikot jeep. Ang lokasyong ito ay may hilera ng mga tindahan na nagbebenta ng sulit at abot-kayang mga pagkain.
Sa Iskorambol, patok na patok sa mga mamimili—mapa-bata, estudyante, o matanda man—ang panghimagas na ice scramble. Talagang buong taon ito dinadayo ng mga mamimili, anuman ang lagay ng panahon. Bukod sa abot-kayang halaga, talagang nakagiginhawa sa pakiramdam kapag natikman ang kanilang binebenta kaya rin ito binabalik-balikan.
Nagsisimula ito sa halagang Php 25 (12oz) hanggang Php 35 (16oz). Mayroon na itong kasamang gatas at syrup. Pero kung gusto mong maglagay ng add-ons, pwedeng magdagdag ng Php 5 para sa bawat add-on gaya ng mallows, sprinkles, pinipig, dinurog na oreos, choc-nut, frosties, coco crunch, stick-o, gatas, at dagdag pang syrup. Mayroon din silang mga tub na sulit para sa magbabarkada o pamilya; ang para sa 5pax ay nagkakahalagang Php 229, habang ang para sa 10pax naman ay Php 329; ang bawat tub ay may kasama na ring gatas, syrup, at tatlong add-ons na pipiliin ng mamimili. Ang kanilang bestseller ay ang Iskorambol na mayroong mallows at chocolate syrup sa ibabaw. O ‘di ba, sulit na!
Talaga namang napakaraming pagpipiliang toppings ang pwedeng mailagay, kaya’t anuman ang iyong hilig, tiyak na may magugustuhan kang kombinasyon ng Iskorambol!
Samot-saring tindahan din ng murang shakes ang makikita sa Area 2, at isa rito ay ang Nomie Fruit Shake and Eatery na nagbebenta ng mga lutong bahay at fruit shakes. Ang kaibahan nito sa iba pang tindahan na nagbebenta rin ng parehong produkto ay ang kanilang buy 1 take 1 promo sa murang halaga.
Marami ang pagpiliang flavor gaya ng mangga, dragon fruit, mansanas, avocado, strawberry, saging, at melon. Pwede ka rin mamili kung buy 1 take 1 o single; ito’y nagkakahalagang Php 65 (16oz) at Php 75 (22oz) para sa single fruit shake, Php 120 (16oz) at Php 130 (22oz) para naman sa buy 1 take 1 na fruit shake.
Para sa mango graham shakes naman, mayroon itong kasamang toppings na hiniwang mangga at nagsisimula ito sa halagang Php 70 (16oz) at Php 75 (22oz) kapag single, at Php 130 (16oz) naman kapag buy 1 take 1. Hinding-hindi ka rin madidismaya kapag binili mo ang kanilang bestseller na buy 1 take 1 mango graham shake (22oz) dahil bukod sa ito ay nakabubusog, makatitipid ka pa dahil ito’y hindi gaanong mabigat sa bulsa ng mga estudyante.
GYUD FOOD HUB
Isa sa mga pinakabagong tinatangkilik at patok na tambayan ng mga estudyante ang Gyud Food Hub na nagbukas noong Enero 2023. Matatagpuan ito sa kahabaan ng kalye ng Emilio Jacinto, kaya mainam na sumakay ng Ikot jeep para mapuntahan ito. Kumpara sa ibang mga lokasyong aming nabanggit, may kamahalan ang mga binebentang produkto rito. Ngunit, huwag madidismaya—para sa mga gaya naming estudyanteng nagtitipid, basta’t may dala kang UP ID, pwede kang makakuha ng discount!
Ang Frrrüt Shake ay isa sa mga tindahan sa Gyud Food Hub na nag-aalok ng discount sa mga estudyante—sa simpleng pagpresenta lang ng iyong ID ay maaari ka nang makakuha ng Php 10 na bawas sa bawat inumin na iyong bibilhin!
Matatagpuan dito ang iba’t ibang klase ng fruit shakes tulad ng mangga, saging, mansanas, guyabano, at melon na nagsisimula sa halagang Php 120 hanggang Php 160, at Php 160 hanggang 170 naman para sa kiwi, avocado, at strawberry na hindi kadalasang ibinebenta sa ibang mga fruit shake stand. Ang mga bestseller naman nila ay ang ripe mango shake at ang avocado shake.
Gaya ng mga naging tanyag na pangalan ng mga pagkaing nagsimula sa loob ng unibersidad tulad ng Rodic’s at Snack Shack, ang Fizz Stop naman ay may kaparehong layunin—ang makapaghandog ng mga inuming unique sa panlasa ng masa. Itinayo lamang noong Oktubre 2023 ang unang branch nito sa Gyud Food Hub. Napukaw ng bagong tayong establesimyentong ito ang interes ng mga taga-UPD dahil sa kanilang customizable na carbonated fruit drinks. At para naman sa mga estudyante ng UP, pwede ka ring makakuha ng Php 5 na discount sa bawat bibilhing inumin!
May tatlong klase ng inumin na ibinebenta sa Fizz Stop—ang Fresh Fizz, Pulpy Fizz, at Classic Fizz. Tulad ng pangalan, sariwang mga prutas ang ginagamit para sa Fresh Fizz na bestsellers ng stand. Nagkakahalaga ito ng Php 85 para sa lemon fizz, at Php 115 naman para sa orange fizz. Ang Pulpy Fizz naman ay nagkakahalagang Php 85, at maaaring mamili mula sa tatlong flavors na mangga, strawberry, o kaya naman ay blueberry. At panghuli, ang Classic Fizz naman ay ginagamitan ng iba’t ibang fruit syrups tulad ng green apple, lychee, melon, mixed berries, at marami pang iba. Upang mas maging masaya at kawili-wili ang pag-customize sa ating mga inumin, sa halagang Php 30 ay mayroon rin silang add-ons na vanilla ice cream, mixed jellies, at ang paboritong idagdag ng mga mamimili, ang Yakult.
KRUS NA LIGAS
Ang Krus na Ligas ay tahanan ng kalakhan ng mga miyembro ng komunidad ng UPD. Tulad ng mga naunang nabanggit na lokasyon, isang sakay lang din sa Ikot jeep ang kailangan para makarating dito. Bilang isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan nila ang pagbebenta ng iba’t ibang produkto, kaya kahit saang sulok ka man tumingin ay tiyak na makakahanap ka ng papawi sa iyong cravings.
Kabilang sa mga abot-kayang produkto ng mga maliliit na negosyo sa KNL ay ang halo-halo at mais con yelo—bagay na bagay sa tanghaling tirik na tirik ang araw. Matatagpuan ang munting stand ni ate Rowelita sa kalye ng Lt. J. Francisco, kahanay ng Southstar Drugstore, konting lakad lang mula sa arko ng KNL.
Ayon kay ate Rowelita, mas tinatangkilik ang paninda niyang halo-halo. Sa halagang Php 50, sa isang 16oz na baso ay kumpleto na ang mga sangkap ng malamig na panghimagas mula sa iba’t ibang kulay ng sago, nata de coco, saging na saba, kamote, gatas, hanggang sa leche flan at ube halayang nakalagay sa tuktok. Napagdesisyunan niya ring magbenta muli ng mais con yelo na nagkakahalaga naman ng Php 40 para sa isang 16oz na baso dahil sa hiling ng kanyang mga suki, at upang magkaroon ng variety ngayong mas tumitindi na ang init. Sagana rin siya sa paglalagay ng mga sangkap na, sa murang presyo, mataas pa rin ang kalidad.
Ang panghuli sa aming listahan ng mga lokasyon ay ang 1128 Tea and Cafe.Matatagpuan sa kalye ng V. Francisco, ang naturang lugar ay maituturing na hidden gem ng KNL. Maliban sa pagsakay ng Ikot jeep at pagbaba sa arko ng KNL, kakailanganin mo pang maglakad hanggang sa ika’y makaabot sa dulo ng kalye kung saan makikita rin ang simbahan at paaralan ng barangay. Maituturing mang pinakamalayo sa lahat ng aming nabanggit na tindahan, dito naman matatagpuan ang pinakamurang inumin!
May malawak na seleksyon ng mga inumin sa 1128: may iba’t ibang flavors ng milk tea, regular frappes, mga inuming may cheesecake, fruit teas, milk series, iced coffee, at maging mainit na mga kape. Mula sa presyong Php 28 ay maaari ka nang makabili ng medium-sized na inumin at Php 38 naman para sa large-sized. Ang itinuturing naman nilang bestsellers ay ang mga large premium frappe tulad na lang ng red velvet cream cheese, dark forest, at strawberry cheesecake na mabibili sa halagang Php 88. Kalakip ng kanilang murang mga presyo ay ang pagiging interactive ng mga staff sa kanilang mga kostumer sa social media page ng tindahan na talagang nakadadagdag sa nakaka-enganyong atmosphere.
Hindi lang din simpleng bilihan lang ang nabanggit na lugar. Sa ikalawang palapag ng establisyemento ay madalas na nagsasagawa ng libreng movie marathon para sa mga kostumer. Tinatangkilik din ito ng mga estudyanteng kagagaling lang sa kanilang mga klase.
Sa panahon ngayong tag-init, deserve nating kumain at uminom ng mga pampalamig upang pawiin ang ating uhaw. Dahil sa mga student-friendly na presyo, mga discount, at buy 1 take 1 na promo, tiyak na hindi ka mapapagastos nang sobra. At dahil sa malawak na variety na inaalok ng bawat lokasyon, mas mapapasaya ang iyong experience kung may kasama kang kumain at uminom ng mga inumin at panghimagas. Ano pang hinihintay mo? Halina’t yayain mo na ang iyong pamilya’t mga kaibigan at mag-food trip sa UPD!
//nina Eia Andaya, Daphne De Ramos, Bianca Regala
OPINION: DiliMall: Not a Mall for All
Photo credit: Lauren Nina Andres
For decades, the UP Shopping Center (SC) was a staple for the UP community. Filled with various stores from computer shops, school supplies stores, photocopying and bookbinding services, to food stalls, and beauty parlors, among others, the SC catered well to the needs of students, faculty, staff, and even residents of the campus. However, in 2018, the well-loved SC burned down, causing vendors to be displaced and its once affordable items and reliable services to no longer be easily accessible.
After the fire, the tenants experienced difficulties with relocating and rebuilding their establishments. According to an article by ABS-CBN, the University’s Business Concession Office drew lots for the affected business owners. Those that were picked were allowed to reopen in other locations on campus, such as Vinzon’s Hall, the Food Hub next to the Fine Arts Building, the Centennial Building, and the Acacia Building, among others. Some tenants were able to rebuild at the old tennis court nearby, provided by the administration as a temporary space, and others opted to reopen in Area 2. A month later, during the 1334th Board of Regents meeting held in April 2018, former UP President Danilo Concepcion announced plans for the rehabilitation of the SC into a more modern structure. And thus, “DiliMall” was born.
The move to rebuild and rebrand the SC as DiliMall was criticized by community stakeholders because the administration’s priorities seem to be misplaced as revealed in the proposed floor plan of the structure posted by the UP Diliman University Student Council (USC) last November 24, 2023. Robinsons Easymart and other known restaurants such as Mary Grace, Pancake House, and Army Navy take up the first floor, while the space given to UP vendors is found on the third floor. Not to mention, the vendors in the tennis court are at risk of being displaced once again since the space will be converted into a parking lot.
This begs the question of whether these “development plans” are truly for the benefit of the community or are merely ways for developers and businesses to capitalize on the university.
In light of this, last March 12, the “UP Not For Sale Network” was launched, consisting of various organizations namely, the USC, Shopping Center Association, UP Academic Workers Union, UP Workers Alliance, Movement for Democratic Governance, and Local College Councils. The network calls against the commercialization of DiliMall and pushes for the prioritizing of the UP Community.
DiliMall is not just the issue
DiliMall is not the first time the UP community has faced commercialization on campus. In an article by the Philippine Collegian, USC Councilor and Community Rights and Welfare Head Kristian Mendoza claimed that DiliMall is part of the implementation of the UP Master Development Plan (MDP), a land use policy approved by the Board of Regents in 2014 aiming to “proactively and systematically” develop UP’s land assets.
Before this, the UP Administration had already begun developing idle lands of the university, approving Ayala Land’s bid to convert 37.5 hectares of land into an information and technology hub in 2006—the UP Ayala Technohub.
The UP Integrated School (UPIS) community is familiar with this issue, as the old Grades 7-10 Building was replaced with the UP Town Center in 2013 by the same developer. From our 8-hectare land along Katipunan Avenue, we were moved to a building built and donated by the Ayala Corporation, a 5-structure facility with a main 4-story building, where the Narra Residence Hall once stood. The new 7-10 Building was budgeted at P180-million, from which P40-million was allotted for upgrades to the Grades 3-6 Building.
Only 10 years later, the Grades 7-12 Building is in a state of downfall, proving to be a great inconvenience and safety hazard to the UPIS community. During the Academic Year (A.Y.) 2022-2023, grades 3-12 students had to share the 3-6 Building since the structural integrity of the 7-12 Building was still being assessed. In A.Y. 2023-2024, although the 7-12 Building was cleared for use, parts of the building have been barricaded due to the degraded structure resulting in longer detours when moving from classroom to classroom and restricted movement among students, teachers, and staff.
The new Gyud Food Hub, which opened in December 2022, posed similar concerns as the development of DiliMall with failing to prioritize UP vendors that have long served the community. In this case, vendors displaced from the Main Library received a handwritten note from President Concepcion assuring them slots in the new facility. However, contrary to the administration’s promise, these vendors were not granted a space in the hub.
Moreover, the implementation of these establishments serves to exacerbate class disparity in the university by focusing on businesses catering to higher-income consumers that exclude students and lower-income community members. Again, the firms affected by the 2018 fire incident in the Shopping Center are still grappling with getting proper spaces allocated among them where established businesses have taken precedence over them.
Additionally, vendors and business owners are not the only ones being displaced by UP’s development plans, but as well as its residents. Homes and residences were demolished and claimed in accordance with the UP MDP. Some of the affected communities were Pook Village C, residents located at the UP Arboretum in 2020, and farmers from Pook Aguinaldo in 2021. These communities and families have been residing in the said areas for decades without any issues, only for them to be evicted from their homes; their livelihoods taken away to give space for “sustainable” infrastructure projects, without proper plans for relocation.
This further demonstrates how commercialization discriminates against marginalized individuals within the UP Community and society.
Additionally, the commercialization in UP Diliman may lead to the phase-out of small local businesses and vendors that have long been an integral part of the community. This greatly affects not only their livelihood but also the culture and diversity of the university’s environment.
Concerns and detractors from the UP community continue to rise towards this issue as stakeholders of the community are negatively affected and neglected by the university. Examples of affected sectors are dormitories, classrooms, and faculty buildings, all of which are experiencing problems with their space, functionality, and facilities.
It is important to maintain and improve the academic environments of UP as this will keep the university’s name, provide equal learning opportunities, liaise with the communities, and secure student wellbeing. These areas are fundamental in the institution for they facilitate learning and contribute towards its success as a top-ranked higher learning institution. To uphold the eminence that characterizes UP, we need to give priority to the conservation and upgrading of academic spaces.
Commercialization for who?
The university insists that converging with the private sector is beneficial as income generated from these rented spaces can be directed to academic and community needs. However, based on the 2016 audit report by the Commission of Audit, it is revealed that Ayala Land Inc. has 209.2-million pesos worth of unpaid obligations to UP. The amount comprises underpayments in rent income and late interest payments for the spaces at UP Technohub and UP Town Center. This raises the question as to why the university continues to commercialize its land when the previous corporation failed to keep up with its lease agreements.
Nevertheless, the university is still in dire need of other means of income. Government funding shortages can be pointed as to why the university insists on commercializing its land assets. Despite the fact that UP’s 2024 budget increased by P508-million, amounting to P24.771-billion this year, 80% of the funds were allocated for the university’s infrastructure projects. Sectors such as utility and maintenance incurred a P1.3-billion cut, and the budget for university operations was reduced for the new budgetary focus. According to an article by the Philippine Collegian, even if the funds for infrastructure were excluded, UP still suffered a P873-million cut. Additionally, P943-million will be cut for the provision of higher education services—which may result in fewer resources allocated to quality education for students. Taking all of this into account, it can be understood why commercialization may appeal to UP—as the university is getting increasingly pressured by almost all sides of its community to take action for its funding shortfalls.
Even so, our integrity as a public education and service institution must come first. It must be emphasized that UP serves as the nation’s model for quality education, and when we allow commercialization and privatization to be fostered within our institution, it may invite other educational institutions in the country to also be dependent on for-profit provisions. Reinforcing this notion, the presence of privatized businesses as stakeholders in the university may greatly influence university decisions, academic programs, and student policies.
In the end, UP must decide between prioritizing the community's interests or pursuing commercialization at the expense of its constituents. However, we’ve experienced the effects of this firsthand: the building we’ve sacrificed for profit forced us to settle for our current building–one that is deteriorating, crumbling piece by piece. We must ask ourselves: are we going to let this happen again? If the university chooses to commercialize its spaces for funding, attention, and care for its students and community must still be sustained.
Therefore, we need to oppose the commercialization of spaces and services in our university, assert our right to quality basic academic spaces and student facilities, stand with the vendors, employees, and families affected, and call on the administration to negotiate better terms with business partners—terms that put the benefit and interest of the UP community first. Furthermore, it is important to stress the need for more funding from the government to be able to run UP’s essential activities and programs successfully. We should come together to protect the good name of our institution and meet its responsibility to the UP community and the Filipino people.
// by Kela Alcantara, Grace Gaerlan, Xia Mentes
Sources:
Abello, L. T. (2024, February 6). UP students protest increasing commercialization of campus spaces. Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2024/02/07/2331536/students-protest-increasing-commercialization-campus-spaces
Abello, L. T. (2024, March 12). UP community on ‘DiliMall’ opening: ‘Do not commercialize the services to the people’. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2024/3/12/up-community-on-dili-mall-opening-do-not-commercialize-the-services-to-the-people-1
Chua, C. (2022, July 6). UP’s Proposed 2023 Budget Set to Fund DaniCon’s Infra Splurge in His Last Year in Office. Philippine Collegian. https://phkule.org/article/586/ups-proposed-2023-budget-set-to-fund-danicons-infra-splurge-in-his-last-year-in-office
Daduya, J. (2023, January 28). “Nabudol kami!”: UP’s small-time vendors cry foul over Danicon’s unfulfilled promises.https://csspsinag.wordpress.com/2023/01/28/nabudol-kami-ups- small-time-vendors-cry-foul-over-danicons-unfulfilled-promises/
Gavilan, J. (2018, March 8). From photocopying services to Rodic’s: What’s inside UP Shopping Center. Rappler. https://www.rappler.com/newsbreak/iq/197714-things-to-know-up-diliman-shopping-center/
Gonzales, I. (2016, February 25). Ali reviews COA findings on unpaid obligations to UP. Philstar.com. https://www.philstar.com/business/2016/02/02/1549017/ali-reviews-coa-findings-unpaid-obligations-up?fbclid=IwAR2xWm74RVI8zYPn3EHJ9eUw0jaLyj3TMVziHv6i9RFSKZuwoHnDfz-zZsU
Lara, R. (2018). Decisions of the Board of Regents 1334th Meeting, 6 April 2018. The University of the Philippines Gazette, 49(3), 23-24. https://osu.up.edu.ph/2018/04/1334/
Lirio, A. (2023, December 24). An increase with setbacks: A look into the UP System’s 2024 budget. Tinig ng Plaridel.
LITERARY: Always, Me
LITERARY: Color Me Blue
UPIS, nagkaisa upang manatiling #BuhayAngEDSA
Nakiisa ang komunidad ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) sa paggunita ng ika-38 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution noong Pebrero 25 na pinangunahan ng Departamento ng Araling Panlipunan mula Pebrero 26 hanggang 29 sa loob ng UPIS sa pamamagitan ng pagsusuot ng bibe hair clip.
Ang pagsuot ng bibe hair clip ay pakikiisa sa mas makabagong paraan ng pagpapakita ng protesta. Simboliko ang pagsusuot ng bibe hair clip dahil maiuugnay ito sa nangyaring protesta ng mga mamamayan ng Taiwan at Hong Kong laban sa opresyon ng Mainland China na hindi kinikilala ang soberanya ng mga teritoryong ito.
Bilang panimulang gawain, naglabas ng pahayag ang Departamento ng Araling Panlipunan noong Pebrero 26 sa Facebook na nagbahagi ng pakikiisa ng departamento, Kilusang Araling Panlipunan (KAP), at buong komunidad ng UPIS sa paggunita ng anibersaryo. Sa pahayag na ito, ipinaalala ang ikinakatawan ng anibersaryo—ang pag-aalala sa pagkakaisa at pakikibaka ng taumbayan na siyang nagbigay-daan sa panunumbalik ng demokrasya at kalayaan sa bansa sa pamamagitan ng mapayapang rebolusyon. Inilatag rin ang isyu na tinanggal ito sa mga araw ng non-working holiday ng taon at ang isyu ng Charter Change na banta sa demokrasyang ipinaglaban ng mga Pilipino ng nakaraang 38 taon. Winakasan ito sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng demokrasya sa lipunan at sa patuloy na pag-alala ng komunidad ng UPIS sa mga pangyayari sa kasaysayan sa gitna ng ginagawang pagpapahina at pagbubura ng diwa ng EDSA sa kasalukuyan. Kasama rin sa inilabas ang imbitasyon ng departamento na makilahok ang mga mag-aaral sa pagsusuot ng bibe hair clip.
Bukod sa pagsusuot ng bibe hair clip, naging bahagi rin ng mga gawain ang mga dilaw na ribbon na itinali sa iba't ibang gate ng gusali ng K-2, 3-6, at 7-12 pati na rin sa mga pinto ng mga silid bilang simbolo ng pagkakaisa laban sa rehimen ng Diktadurang Marcos Sr. at bilang pagpapakita ng dedikasyon sa demokrasya. Nagmula ang tradisyong ito bilang pagsalubong sa pagbalik ni Dating Senador Ninoy Aquino matapos ang tatlong taong pagka-exile sa Estados Unidos, tulad ng isinasaad sa kantang “Tie a Yellow Ribbon Round the Ole Oak Tree” na tungkol sa paglaya at pag-uwi ng isang ex-convict. Bilang tugon sa tema ng EDSA, naglagay rin ang KAP ng isang freedom wall sa labas ng Departamento ng Araling Panlipunan upang mahikayat ang mga estudyante na malayang isulat ang kanilang mga nalalaman sa paksa.
Ayon kay Ginoong Joseph Tablizo, ang tagapayo ng KAP, hangarin ng programang maipaalala at hikayating makiisa ang buong komunidad ng UPIS sa paggunita sa halaga ng EDSA People Power sa ating kasaysayan, at maipakita ang diwa ng demokrasya sa pamamagitan ng napapanahong paraan ng pagpoprotesta. Umaasa rin ang tagapayo na may napulot na aral ang mga mag-aaral mula sa programang ito.
Sa mga salita ni Ginoong Joseph Tablizo, “...masasabing iba-iba na ang depiksyon ng mga mag-aaral ng UPIS sa demokrasya… Ito ay nagpapakita na nabubuhay pa rin ang kahulugan ng kalayaan sa kabataan, iba-iba man ang interpretasyon nila.” Sa pagdiriwang ng ika-38 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, sana ay alalahanin ang tunay na kasaysayan ng Pilipinas sa harap ng lahat ng nangyayaring historical distortion sa lipunan. Hindi dapat kalimutan ang ipinaglaban ng mga mamamayang Pilipino para sa demokrasya; gawin itong lakas upang makamit natin muli ang tunay na kalayaan. //nina Martin Arevalo, Sophia Dormiendo, at Elis Reyes



