'Yung moment kanina na after work, gustong gusto ko nang umuwi, so inaayos ko na yung mga notes at report na dapat kong isend. Uwing uwi na talaga ako eh. At bad trip na bad trip pa dahil sa OT, eh ang kaso, 'yung crush ko tumambay pa sa may likuran ko. Walang malisya o pagka assuming ako kasi alam ko namang panay kuda lang siya sa friend niya na katabi ko ng work station kaya andoon sa malapit sakin. Pero syempre, kilig to the bones naman ang lola mo. Patay malisya lang ako kanina at play dead, focus kunware sa harap ng computer. 'Tang ina talaga, sumakit yung leeg ko 'wag lang lumingon sa kanya at yung panga ko kakapigil sa pag ngiti dahil sa kilig (kahit na so close yet so far ang drama ko kanina). So, ayon lang. Hanggang tingin lang naman ako. Actually, hindi nga lang tingin, titig pa more kapag may time. 'don lang talaga. Sabi nga kasi nila 'Si crush, para math problem lang 'yan. Kung 'di makuha, eh, titigan na lang'. PLOT TWIST: sa sobrang acting ko na focus ako sa ginagawa ko at tutok na tutok sa harap ng computer, eh nawala yung mga files at reports na dapat kong isend. Hindi ko na maretrieve, tinamad na din akong iretrieve kasi umalis na si crush. Mwehehehe. 'Yan ang kwento ko. Medyo malandi lang naman eh. :)