Pictorial para sa graduating students. Naghihintay ako sa pila nang mapansin ang isang photographer. Babae na tila ka-edad ko lang, malapit na sa pagiging skinny, fair ang complexion, average ang itsura, nakatali ang mahaba at dry na buhok pero messy look, may suot na big framed glasses, naka-chucks, nakapatong ang checkered polo shirt sa white sando at maraming tats—sa madali’t sabi, astig ang appearance.
“Ang astig ni ate, yong isang photographer. Dami niyang tattoo.” Sabi ng katabi ko sa pila sa kasama niya.
“Oo nga e. Gusto ko rin ng tattoo kaso kasi pag tumanda kana… (may sinabi pa siya pero hindi ko na maalala.)” sagot nong kausap niya.
“hindi na yan maganda pag matanda kana, pero okay lang kasi pag ikaw meron niyan parang hindi mo naman yan panghihinayangan. Parang expression mo yan.
“Tayo kasi na normal na tao lang, minsan hindi naappreciate yong ganyan. Art kasi yan.” (non verbatim, pero yan yong thought)
Nasa kalagitnaan na naman ako: habang naririnig ang usapan nila, tinitingnan yong photographer na pinag-uusapan nila at ako bilang ako.
Naalala ko si Ligaya (hindi niya tunay na pangalan), ang biktima.
Isa to sa mga midnight thoughts ko:
Sino ang nahihirapan?
Ang nasasaksihan ang kabaluktutan ng mundo pero walang magawa kaya kahit pinipiling maging bulag, pipi at bingi.
Ang nagugutom.
Ang biktima.
Ang nagmahal at naiwan.
Ang hindi tumanggap.
Minsan, ako lahat yan, madalas sila. Kaya ang sagot ko sa tanong, lahat nahihirapan.
Pero ngayon nakikita kong biktima si Ligaya at alipin siya ng “kalayaan” niya. At ako ang nahihirapan para sa kanya dahil hindi ko alam kung paano sasabihin na hindi na siya nakakatuwa.
Yong nag-usap na katabi ko sa pila, at si Ligaya ay iisa. Parepareho nilang hindi alam kung bakit sila nandito. Akala nila kilala na nila ang mga sarili nila, pero sa totoo lang wala talaga silang ideya kung sino sila.
“She’s trying to be the one she’s not.” Sabi ng kakilala ni Ligaya tungkol sa kanya.
Meron kasing picture si Ligaya sa isip niya ng taong gusto niyang maging ngayon. Picture na pininta niya. Picture na siya ang nagsketch. Picture ng interpretasyon niya ng pagiging cool. At ngayon kino-cosplay niya yon sa realidad.
Ayon sa WordWeb (na hindi ko alam kung reliable)
Neither warm nor very cold; giving relief from heat
Marked by calm self-control (especially in trying circumstances); unemotional
(colour) inducing the impression of coolness; used especially of greens and blues and violets
Psychologically cool and unenthusiastic; unfriendly, unresponsive or showing dislike
(used of a number or sum) without exaggeration or qualification
Fashionable and attractive at the time; often skilled or socially adept
The quality of being at a refreshingly low temperature
Great coolness and composure under strain
I’ll pick adjective form number 4. Yan din kasi yong iniisip kong cool ngayon. Pero hindi yan yong iniisip ni Ligaya.
I’ve been where Ligaya’s now. Kaya alam ko yong pakiramdam. Yon yong panahon na akala ko kilala ko na talaga ang sarili ko. Yon yong panahon na exhausted ako. Yon yong panahon na tinatanggap ko ang mga lason na binibigay ng mundo. At iniisip ko nuon, cool ako. Astig.
Hindi na astig yon sa kin ngayon.
Nasabi kong biktima si Ligaya dahil tulad ko nuon, hindi ko rin alam ang katotohanan. Naging alipin din ako ng “kalayaan” ko. Biktima rin ako nuon ng pagkakataon hanggang sa masumpungan ako.
Sabi nila nababaliw na raw ako.
Naghuhusga ang tao base sa mga nalalaman nila. Kaso, madalas, hindi naman talaga totoo ang mga basehan nila.
Baliw: (1) wala sa sarili (2) tinakasan ng katinuan (3) hindi alam ang ginagawa (4) madalas marumi (5) nangangagat (6) harmful
Ang definition ng mundo sa mga katulad nila (mga taong makikita sa mental institution, sa kalye at sa mga sulok ng kalsada)
Maliban sa mga nangangat at harmful, para sa kin, cool sila. Sila kasi ang tunay na malaya. They’re free from conformity, free from judgement, free from demands, free from life. Yes, because they’re alive yet not living.
Habang nandito sa lupa, patuloy tayong maghahangad ng katotohanan para sa IKABUBUTI natin; ‘yon ang totoong pamumuhay. Kaso hindi yon binibigyang pansin ng maraming marami, dahil abala sila sa pakikinig sa sinasabi ng mundo, sa pagtatanghal, sa paghahanap ng mga bagay na hindi naman nila dapat hinahanap, kaya nabibigyan nila ng ibang kahulugan ang katotohanan na sinasabi ko at patuloy na nilulunod ang sarili sa ilusyon na kilala na nila ang mga sarili nila.
Lahat biktima, pero hindi lahat alam yon. Lahat may sayad, pero hindi lahat tanggap yon. Lahat normal, pero hindi lahat naiisip yon.
I know myself so well. I am made to worship, to praise the one who created me, to honour Him and to glorify Him. That’s my purpose. And everyone’s I suppose.
Yong mga maliliit na detalye gaya ng pangarap para sa sarili at sa buong mundo, hindi naman masamang pagtuunan ng pansin kaso minsan kakatingin don, hindi na tuloy nakikita ang malaking larawan na mas dapat makita. Kapag napasilip tuloy sila sa katotohanan madalas, nasisilaw sila at nabubulag.
Bentang benta ang kwento sa teleserye na lumaki sa mahirap na pamilya o lugar ang anak ng mayaman. Bentang benta yong kwento na hindi alam ng karakter ang tunay niyang pagkatao at kapag nalaman na niya ay matatapos na ang palabas o drama. Bentang benta kasi maraming tumatangkilik. Maraming tumatangkilik kasi mukhang interesante. Mukhang interesante dahil sumasalamin sa bawat isa. Yon kasi ang totoo. Una, mabubuhay tayong hindi alam kung ano ang halaga natin, tapos susubukan nating alamin, tapos maniniwalang kilala na natin ang sarili natin pero kapag nalaman talaga yong totoo, HINDI TATANGGAPIN. Baliw diba?
Mahirap kasing tanggapin?
Sa una lang naman mahirap. Parang bisa ng droga kay Juan sa kanta ni Bamboo, sa una lang masarap. Nong hindi pa alam yong totoo may paghihirap pa rin naman. Sa lahat ng pagkakataon mahirap. Tanggapin o hindi, mahirap pa rin. Parang palabas lang yan na alam mo na ang kwento, kaya hindi mo na papanuorin dahil malungkot, namatay ang bida. Pero manuod ka man o hindi, mamatay pa rin yong bida. Tanggapin mo man o hindi, yon talaga ang totoo.
Yong sinilang sa sabsaban, na karpintero ang tatay alam niya kung sino siya. Kaya kahit maraming nanghusga at hindi siya tinanggap nuon, nagpatuloy siya. Pinalaganap niya ang katotohanan. Naging perpektong larawan siya ng ganap na pag-ibig. He did what He was called to do, and though he felt extreme pain He saved mankind. He saved me despite of the truth that He is a king. He is faithful regardless of me being unfaithful and dishonouring Him. He stays the same though I am inconsistent. He loves me very very much.
Astig siya at para sa akin, wala nang aastig pa sa taong kilalang kilala ang sarili niya, alam ang ginagawa niya at nabubuhay para sa iba.