Good morning!
'Di ko man lang alam kung umuulan ba o may araw ba o gabi na ba, parang kweba itong delivery suite
Apat na araw na lang lalaya na ako rito!
Nagtitingin nanaman ako ng mga condo-sharing or apartment for rent kahit wala naman akong balak na mag-rent
Nakakatawa 'yung iba kasi 22 sqm na nga lang 16,000 pa ang singil; 'yung location, wala pa 'yan sa CBD ah
Sobrang galing ng in-assist-an kong doktor kahapon, 'yun na ang most unique style na nakita ko sa paggawa ng cesarean section; ang ganda talaga ng lahat, parang walang nangyari
Makakauwi na ako in a few hours










