[holds You in my hands]

seen from Uzbekistan
seen from United States

seen from Australia
seen from Singapore

seen from United States

seen from France

seen from China
seen from China
seen from United States
seen from China
seen from China

seen from Russia
seen from United States
seen from China
seen from South Korea

seen from United Kingdom
seen from China

seen from United States
seen from Malaysia
seen from Malaysia
[holds You in my hands]
" Kung hindi kalabisan na ika'y ibigin, kahit palihim ay ayos na saakin ... "
-PilosopongIpi
8:03
Distansya,
ang pinakamahirap na kalaban ng pusong nangungulila
Naririto ka sana,
pero pagitan nati'y milya-milya
Hanggang kailan pa nga ba
hahanap-hanapin ang yakap mo, sinta?
n.s.
Magkita tayo sa panahong buo na ako at kaya ka nang panindigan,
kapag tama na ang lahat, kapag kalmado na ang dagat,
'yung wala nang bibitaw.
Magkita tayo roon,
hihintayin kita, mahal.
n.s.
Ikaw ang nagsisilbing tinta sa mga panulat ko. Dahil sa lahat ng pait at sakit na sa lalamunan ko'y gumuguhit, sa mga suntok at tadyak sa puso kong napupunit, sa dami ng iniluha ko, ilang panyo na ang nagamit, Kinakailangan kong isulat ka para makakapit.
n.s.
Sa tuwing mag-isa ako at walang ibang magawa kundi pagnilayan ang mga bagay-bagay sa mundong ito, Naisip ko, bakit kaya pula ang kulay ng dugong dumadaloy sa mga ugat ko? Samantalang pwede namang dilaw o indigo. Bakit kaya asul ang kulay ng kalangitan, eh kung tutuusin, mas maganda siguro kung kulay rosas ang aking matatanaw sa pagtingala ko. Ano kaya ang naging basehan ng Lumikha sa obra Niyang ito?
Pero may isang bagay na talaga namang nakapagtataka, May mga pagkakataon kasing lumalamlam ang paligid at nawawala ang kulay nila. Nagiging itim at puti bawat matanaw nitong aking mga mata… maliban sa kaniya.
n.s.
Ingat
Sa tuwing aalis ako ng bahay, hindi pwedeng hindi ko maririnig ang mga salitang “ingat ka”. Pag pupunta ako sa eskwela, “mag-ingat ka” Kahit bibili lang ako ng chocnut sa tindahan sa kabilang kanto, “ingat ka” Masarap pakinggan dahil syempre ramdam kong mahalaga ako sa kanila. Hindi nila gustong may mangyari sa aking masama Pero ang hindi nila alam, panganib ko'y wala sa kalsada.
Sa tuwing dadaplis ang tingin ko sa iyo, binubulungan ko ang sarili ko, “mag-ingat ka” Sa mga pagkakataong ang mga paa ko'y dinadala ako sa direksyon mo, paulit-ulit, “mag-ingat ka” Sa bawat salitang lumalabas sa mga labi mo, isa pa, utang na loob, “mag-ingat ka” Dahil itinatak ko na sa utak ko na hindi ko na hahayaang pagkalunod ko sa'yo, maulit pa. Mahirap na, baka hindi na ako muling makaahon pa.
n.s.