mga pagod na tanging ikaw na lamang ang nakadarama,
manhid, malalamig na tila bangkay ang kasama,
sa paglipas ng mga oras bumabaon, lumulugmok, pabulusok,
pagal ang katawan, isip, damdamim, maging kalulwang nasusulasok.
hanggang saan dadalhin ng hanging malamig,
yaong katawang sa pagod nanginginig,
nais mahimbing, nais magupiling, kahit sandali oras ay maangkin,
gaya ng oras na lumilipas, gaya ng katawang naagnas,
puso'y natutuyot, wala nang nadarama,
malayo na sa paglalambing, lungkot ang lumalambong,
sa madilim na sulok, sa mundong nais kong maging ako,
mag-isa ay sapat na, wag ng susundan pa, pagkat di nais makaagapay ni makasabay,
iniiwas na aking mga kamay sa inyong pag-imbay,
nanatak ang luha, natapos ang pag-asa,
latak, said, wala ng natira kahit kaunti mang sa iyo ay pagsinta.