Akala ko okay na..
Hindi pa pala.
Madaling sabihin na makalipas ang ilang linggo ay okay ka na uli. Na hindi ka na malulungkot, hindi mo na siya maiisip, hindi mo mamimiss, o kaya hindi ka na masasaktan.
Totoo naman, okay ka na. Pero di palagi.
May oras na malulungkot ka, kakainin ka ng kalungkutan, like putangina.
Alam kong mali, pero dun ako sumaya. O baka namiss ko lang yung ganung atensyon. Alin man sa dalawa, sa huli alam kong ako yung talo.
Ngayon, okay ako. Mamaya malungkot uli. Kailan ba to matatapos?
Lagi ko rin namang pinapalakas loob ko, kasi mababaw pa yun compared sa ibang relationship pero, tangina lang na minsan ka na lang magkakagusto, sa panandalian pa.
Ang hirap naman maglabas sa iba ng nararamdaman mo, baka isipin nila, super OA ko. Pero ang tagal ko kasing hinintay yung moment na yun eh, ayaw ko na nga sana matapos. Kaso kung gaano kabilis nagsimula, ganon katulin rin nawala.
Magiging okay ako, unti pa. Pero sana hababg kinakain ako ng lungkot, lagi kong maalala na masaya naman talaga ko kahit nung wala pa siya. Mas sumaya lang nung nakilala ko siya.
Pero ngayon, halos ayaw ko na makita na active siya. Naaalala ko kasi lahat ng saya namin noon. Hindi man ganun katagal pero masaya. Ewan ko rin paano pag nagkita kami, sana di awkward, sana casual lang.
Yung pangarap mo noon, dumaan lang sayo. Ganun kabilis. Pero atleast sumaya ako.
Salamat sa lahat, pero mas kailangan kong buuin uli ang sarili ko. Para naman pag may dumaan uli, okay ako.
Sana, yung susunod na darating, mag stay na..
Nakakapagod na yung paulit ulit na lang na panandalian lang..














