Conservative si lolo e.
Kanina habang hinihintay ko si Paolo sa Monumento, nandun muna ko sa may malapit sa ukay-ukay, tinitingnan ko lang sila pumili ng damit.
May mag-asawang matanda, lolo saka lola na siguro sila. Yung matandang babae, kinuha yung dress na sexy ang dating, sabay tawag sa asawa nya..
Lola: Bagay ba?
Lolo: Hindi! Panget yan! Dun ka pumili! *sabay nguso sa mga damit na may pagka-conservative
Natuwa lang ako sa lolo, kase kahit bagay naman yung dress dun sa asawa nya, sinabe nya hindi kase ayaw nya ipabili kase ang sexy tingnan nung damit. Ayaw lang nya pag-suotin ng ganun yung asawa nya, kala mo mga dalaga't binata pa e, ang cute talaga tas yung lola sabay nguso tas simangot nung sinabe nung asawa nya na di bagay sa kanya.
Ganyan din kase si Paolo, pag medyo sexy yung damit na bet ko, sasabihin panget tas pag binitawan ko na at may nabili na kong iba, sasabihin nun "Maganda naman yung pinakita mo e, masyado lang sexy kaya sinabe kong panget. Mababastos ka kase pag sinuot mo yun." Naiintindihan ko naman si Pao pag ganun, sweet nga yun diba? :">










