Parecoy!
Happy 38th birthday sa'yo. Shet, ang tanda mo na. Haha.
Si parecoy, isa yan sa pinaka thoughtful at ma-effort na kaibigan na nakilala ko. Lagi yan nag ppm saken sa chat kahit na naka offline ako. Tapos nagagawa ring magtext at tumawag saken kahit na ibang network ang gamit nya. Naalala ko pa nga nun nung unang tawag nya saken nun halos 30 minutes kami magkausap. Hindi siya naka-unli nun ahh tapos magkaiba pa kami ng network. Yan ang patunay na kapag gusto mo talagang maka usap ang isang tao, eh gagawa at gagawa ka ng paraan para lang magka-usap kayo. Kapag ayaw may dahilan, kapag gusto may paraan. Diba parecoy? Haha. At kahit na busy yan, gumagawa parin yan ng paraan para mabigyan nya ng oras ang mga kaibigan nya. Yan si parecoy. Naks!
Hello parecoy, sensya ka na dito sa birthday gift ko sayo ahh. Medyo sabaw ako ngayon kaya hindi masyadong malaman haha. Nung isang linggo pa dapat kita balak gawan ng birthday post eh kaso lagi naman akong sabaw. Hanggang ngayon parin naman kaya pagpasensyahan mo na. Bawi nalang ako sa next birthday mo haha.
Saka sana wag mong kakalimutan na sa ika-38th birthday mo eh ako ang unang bumati sa'yo ahh? (Ako nga ba talaga yung nauna? haha) Ang effort ko lang dahil tumawag pa ako sa'yo at kinantahan ka ng happy birthday. Buti sakto yung pagtawag ko sayo nun kagabi. Maghihilamos muna dapat ako nun eh kasi nung pagkakita ko sa phone yung oras, 12 na pala. Kaya dali dali na kitang tinawagan. Haha. At saka buti nagising ka pa nung tinawagan kita hehe.
Happy 38th birthday ulit parecoy. Thanks sa lahat ng nagawa mo saken. Kahit na puro pang aasar lang naman yun. Thanks sa friendship.
Haha. Enjoy! :)










