“all things unto me are spiritual”
this is this week’s ‘come, follow me’ lesson found in doctrine and covenants 29. habang binabasa ko ito, naisip ko bigla yung kamakailan lang na nangyari sa akin. bale, yung nilalaman ng mga panalangin ko ay puro paghingi ko ng temporal na mga bagay kagaya ng malakas at malusog na pangangatawan, lalo na yung pera. kasi diba, marami kaming kailangan bayaran, may mga gamot pa na kailangan inumin sila mama at dadi (maintenance), tapos kakasimula ko pa lang sa trabaho at ang balita sa amin na mga bago ay sa buwan ng mayo pa kami makakatanggap ng sweldo. syempre, naintindihan ko naman yun kasi nga bago pa lang kami. tapos may sarili din akong maintenance na kailangan bilhin at magpapa-check up pa sa may. so alam mo yun, sunod-sunod talaga yung mga problema hehe.
kaya kagabi, dininig ni heavenly father yung panalangin ko. i mean, dinidinig niya naman talaga especially sa health namin pamilya. pero instead of material things, yung binigay niya sa akin ay calling. ayos diba? ang galing talaga. tumawag si bishop sa akin kagabi para interviewhin ako tsaka nag extend na din ng calling as 1st coouncilor ng relief society. hindi na ako nagulat kasi hiningi ko na din naman na sana magkaroon na ako ng calling since malapit na maexpire yung temple recommend ko. kaya tinanggap ko kaagad dahil alam ko na galing kay heavenly father yung calling na yun.
bagong experience na naman ito sa akin kasi yung mga callings ko dati, himdi talaga sa core leadership ng ward. kaya hindi ko alam kung ano ieexpect ko pero ang alam ko lang, tutulungan ako ni heavenly father. atsaka, teacher din ako tuwing ika-apat na linggo ng buwan. so at least comfort zone ko pa rin.
alam ko na kapag ginawa ko yung part ko, mahalin yung mga sisters ng rs, tulungan si bishop at yung ward sa mga gawain, at magtiwala kay jesucristo bilang siya ang ating manunubos, yung mga temporal na panalangin ay susunod niyang ibigay sa amin. :) syempre, kasama na dun yung pinagdarasal kong eternal companion.
so anong plans ko? wala pa naman hehe! pero naeexcite ako kasi parang pwede siyang ipattern sa mission life. well, so far pinapattern ko naman talaga sa buhay ko sa mission.
speaking of pattern, kanina binasa ko yung article sa church news sa sinabi ni elder bednar tungkol sa pamamaraan kung paano tayo maghanda para sa nalalapit na general conference. “doctrine taught, invitation to act, promised blessings” ito daw yung pattern natin to make the most out of the conference. syempre, pinaghandaan yun ng mga speakers ng anim na buwan! kaya kailangan natin sulitin yung mga mensahe na nakapaloob sa bawat topic.
kaya ngayon, kahit gipit kami sa pera (actually less than 1k na lang yung pera ko at pera nila mama) alam ko darating din yung biyaya na makakasurvive kami bawat araw. one day at a time. :)
so lahat talaga ng nangyayari sa atin ay may epekto sa spiritual natin na kalagayan. at bawat utos na diyos ay para tayo lumago spiritually. i am forever grateful dahil sa gospel truths na ito, gumagaan yung pagsubok sa buhay. mas malinaw yung pag-asa. mas masarap mabuhay ng walang pangamba sa kinabukasan. hindi ko sinasabi na hindi na tayo kailangan maghanda, kailangan lang natin wag mangamba kasi alam ng diyos yung pangangailangan natin. kaya wag tayo huminto sa pagdasal at pagpuri sa diyos dahil siya lamang yung makakatulong sa atin sa lahat ng bagay. if we have the eyes to see, ears to hear, and hearts to feel, the lord will prepare the way before us. trust the process. :)