Ang pinakasuliranin ng bansang ito ay hindi ang pagiging hati-hati bago ang eleksyon kundi ang pagiging hati pagkatapos ng halalan. Tapos na ang botohan. Tapos na ang bilangan. Kung nanalo ang binoto mo, mabuti para sayo. Inaasahan ko na higit sa pagpopost mo sa social media ay may gagawin ka pang ibang hakbangin upang mapabuti ang bansang ito sa ilalim ng binoto mong mga pinuno. Kampanya ka ng kampanya online pero wala kang gagawin in real life? Hindi maaalis ng mga status mo sa Facebook ang katiwalian sa pamahalaan. Hindi masosolusyonan ng paglalalike mo sa mga memes ang kahirapan at kawalan ng edukasyon. Inaasahan kong mangunguna ka sa mga pagbabago. Babantayan kita. Kung hindi nanalo ang binoto mo, hindi ka nito binibigyan ng karapatan na maghuramentado sa social media sa loob na darating na 6 na taon. Masyado nang madaming negative vibes sa mundo, huwag ka na makidagdag. Hindi ka nakakatulong. Kung hindi ka titigil sa pagiging nega, hindi ako mag-aatubiling i-unfriend ka. Bakit, bukod sa pagpopost sa social media, ano bang ginawa mong malawakan para bigyan ng sapat na edukasyon ang mga kapwa kababayan? Kung wala, huwag ka na magreklamo. Ipinapakita mo ang halimbawa ng tunay na kababawan at kamangmangan. Sa halip, ipakita mo na lang ang tunay na maturity at makiisa sa magagandang adhikain ng darating na administrasyon. Kung meron kang mapansing mali, sige ihayag mo ang saloobin nang maliwanag at walang bias. Magreklamo ka pero kumilos din ng naaayon. Bigyan mo din ng pagkakataon ang mga pinunong ito na makagawa ng mabuti. After all, walang perpektong lider. Ang binoboto ng nakakarami, siya ang nananalo. Demokrasya ang ginusto nating sistema ng pamahalaan for the longest time hindi ba? Diyan tayo malaya hindi ba? Huwag niyo na kwestiyunin kung bakit yang pare-parehong apelyido (Marcos, Aquino, Macapagal, Drilon, Sotto, Ejercito, Binay etc) ang nakikita nating naluluklok sa pwesto. Kung sawa ka na, kung hindi ka sang-ayon, ano na bang malaking ginawa mo para mabago ito? Hindi hinihingi sa kalangitan ang pagbabago. Ginagawa ito ng bawat tao sa kanyang isip at puso. What good is a leader kung hindi disiplinado at walang will and teamwork ang mga mamamayan niya? #UnitedWeStandDividedWeFall #UnitedWeStand #DividedWeFall