Pool Party Meet Up - 02.22.14
Eto na talaga. Tuloy na tuloy na. Halos hindi na nga kami nakatulog kakaisip sa gagawin at mangyayari mamaya. Bitbit ko ang component namin, Mic, Water Container, at Pagkain. Oh diba? Sinong hindi maha-hassle sa lagay kung yun.
Nag pasama ako kay Rein (masterpaker) para may kasabay akong pumunta ng resort at may makasama mag dala ng gamit ko. Mag kikita nalang kami sa EDSA tapos mag ta-taxi. Si Chii (greenchii) na galing pa sa night shift na trabaho sasabay nalang rin samin para naman may makatulong rin ako sa gamit. Si Jhico (justjhico) sumabay narin samin. Bale apat kami sa taxi.
Nag kita kaming apat around 6:30am-7:00am na dapat 6:00am talaga, para makapag ayos pa kami sa venue. Sabi namin sa taxi. C5, Ugong. Nadaan pa nga kami sa SMNorth e. Fastest way sana yung Mindanao Ave. Tapos biglang dumeretso papuntang Commonwealth tapos lumiko sa UP tapos nagulat nalang ako nasa Eastwood na kami papunta ng UGONG PASIG!!! Tanginaaaaa! Hindi kami nagkaintindihan ng Driver. Balik kami. Ayun nag hanap ng short sa lahat ng shortcut. Finally nakarating rin kami ng Resort sa halagang 370+php na ginawa nalang 300. Hahaha. Fail.
Naunahan na kami ni Yuri (yuurimonster) sa resort. Edi pag dating namin nag set up na agad kami ng mga dapat i-set up. Si Dioms (anythinggoesaround) sumunod narin samin.
Props para sa games, Check! Tarpulin, Check! Nametags, Check! Registration, Check! Souvenirs, Check! Attendees nalang kulang.
Hindi pa nakakarating yung ibang attendees may ibang mga grupo naring sunod-sunod na nag pupuntahan. Isang buong pamilya. Buong barkada. Buong klase. Mga bata. Basta andami na. Maya-maya dumataing narin yung mga nag comute papunta ng resort. Sila Francis (papapapapapapransis), JRenz (dakilang-doodlero), Hillary (hillayngets), Thine (sadistine) at Mika (mikanggutom). Hindi ko muna sila pinapasok sa loob, inipon ko muna sila sa entrance ng resort para hintayin yung iba para sabay sabay naring pumasok.
Bumalik ako sa pool tapos nakita ko nalang yung mga props namin para games pinakielaman ng mga Highschool students. Pinag laruan. Edi si Yuri at Chii galit na galit. Buti nalang marami kaming extrang props kaya gumawa nalang ulit kami. Inalis yung Tarp,. Nilagay sa cottage. Tuloy ang Meet Up! Hahaha.
Si Val (banaterongbinataa) yung tinoka ko sa pag sundo sa mga a-attend. Sa MCDO Mindanao Avenue yung hintayan. Na dapat 6:00am-8:00am lang dahil sa laging kakabit na aberya ng mga meet up. Nauwi na 10:00am yung hintayan. Nakapunta sila sa Resort around 11:00am na.
As usual andun sila Baste (baliwnabaste), Ara (aranola), Kei (keiapooo), Jawn (akoisme), Tin (daldalerangtinteng), Angela (anongshityan), Kat (bawalsabihinurl), Hannah (akonadentistamo), Dan (dumadalandan), Alex (alexgreenisforever), Mem (tenzaiga) at Joms (backreader). Sinalubong ko sila sa entrada. PeroInexplain ang mga unexpected groups na makakasama namin sa resort at ang mini aberya na naman about props. Edi ayun! Galit na galit rin sila. Hahaha.
Pag dating sa entrance, pinag register muna namin sila. Para sa raffles and Games. Tsaka ko sila sinamahan sa Cottage namin. Mukhang Birthday Party nga daw ang itsura ng cottage namin.
After namin kumalma. Nag padingas na kami ng uling para makapag luto na at makakain muna bago mag games at maligo. Yung grupo nila Mika nag baon ng spaghetti. Buti yung dala nila luto na. Samin iihawin palang. Inabot kami ng siyam-siyam sa pag papadingas ng uling. Nakakabuang. Hahaha.
Sumunod narin sila Tin (nakalimutin), Onie (onienalang), Aj (creatingmyownworld), Sam (jr-salazar), Jon ( kuyazoned-deactivated20140209), Abby (chinitongkirat), Niel (Hindi ko alam url), Jed (jedmadameee), at Rhod (paparhodspeaks). Naabutan pa nila ang kainan. Hahaha.
After lumamon. Nag pagames narin kami. Pumunta na kami sa gaming area namin.
1st Game. Putukan na.
2 Groups / 11 Members
1 Winning Group
Prize: 1 Pin / Person
May pagkakapareho sa palaro ng "Willtime Bigtime". Kaso ang balloons hindi hangin ang laman kundi tubig. Hindi sila nakaupo, kundi nakatayo. Tapos puputukin nila yung balloons gamit ang pwetan. Hanggang sa maubos ang members ng bawat team.
2nd Game. Thug War.
Pairs
1 Winning Pair
Prize: 2 Pins / Person
Eto yung game sa pool. Pair sila tapos yung girls nakapasan sa balikat ng boys tapos mag lalaban silang lahat hanggang sa matira yung matibay.
3rd Game. Eat my Banana.
Pairs
3 Winning Pairs
Prize: 3 Pins / Person
Eto yung typical eating banana. Hawak ng babae yung saging tapos yung guys naka luhod babalatan ang saging gamit ang bibig tapos kakainin. Paunahan lang ito. Dapat talaga Lalaki yung may hawak ng saging kaso nag protesta. Maiba naman daw. Kaya babae ang nag hawak.
Dapat may dalawa pa kaming games. "Talong Race" at "Sisid Relay" kaso pagod na. Kaya yung talong inihaw nalang namin tapos nag umpisa na kaming mag babad sa Pool. Doon may kanya-kanyang trip yung bawat isa. May mga "Gang" pa nga raw na nabuo.
Hanggang 5pm lang yung Morning swimming. Pero may ibang sumunod pa at mga susunod pa daw. Si Nikka (umaasaparinsayo), Leo (coffeenelly), Alex (malditanglalake), Chamx (dalagangchixx), Mark (akonaangmarc), Tipp (baklangbabae), at Khae (ohmisskhae). Around 3:00 onwards na dumating. Tapos na yung Games namin.
Haggard na Haggard pa kami dahil sa gusto ng iba na mag overnight kaso kulang sa 25+ na kota ng resort. Buti may iba pang grupo na dumating at mag oovernight swimming edi kahit hindi na kami umabot sa 25.
Nag paraffle na kami para sa di ko na alam kung siyam o sampung Lanyard ang pinaraffle at sa dalawang tumblr shirt. Hindi ko na maalala kung sino-sino yung mga nabunot sa Lanyard pero sa TShirt ang nabunot sa Girls si Alex (girl) sa Boys si Onie. Nag bigay rin si Khae ng souvenirs niya saming mga organizers yung Ifel Tower, Card, at Pin. Nakakatuwa lang pati kami natanggap ng souvenirs. Hahaha. Nag Group Picture muna kami tapos umuwi na yung iba. Naiwan yung mga mao-overnight.
Marami ring nag paiwan para sa overnight. Maraming napilit. Maraming ring naabunohan. May humabol pa. Sila Derick (antukingpogi) na sinundo pa ni Yuri. Si Letlet (nagboblowdry) na pinasunod naman ni Jon at sila Leinard (illtakeyouaway) at Theo (holliezontal) na nag dala ng inumin para naman may mapag kaabalahan kami.
Wala ng plano ngayon. Nairaos na yung magulong pag didiskusyunan sa overnight. Yung iba pagod na. Lalo na kami. Nag iinuman nalang yung iba. Tapos nag lalaro ng baraha. Nanunuod ng movie. Nag sa-soundtrip. Nag jajamming at yung iba naman nasa pool na. Kami tamang trip nalang. May iba natulog na. Kung saan-saan pa napunta humahanap ng magandang pwesto. Maagang umuwi sila Rhod, Sam at Alex (boy).
Night swimming lang rin ako nakapag babad ng matagal sa pool. Busy kasi nung morning. Kaya hindi rin ako nangitim masyado. Masaya nung nasa pool na kami. Yung kaninang morning na balot na balot sa pagligo ngayon mga naka two piece at underware nalang. Hahaha. Kung ano-anong katripan ang pinag gagawa namin sa pool. Picture dito picture doon. Slide dito slide doon. Kanta dito kanta doon.
Nagutom narin kami. Wala ng rice pero may hotdogs pa. May mapapapak pa kami. Lumabas na yung iba para maghanap ng makakainan. Pag balik may mga bitbit ng pasalubong. :)
Mga 3:00am na siguro ng magsi-banlawan na yung karamihan. Ayaw na. Pagod na. Tinamad na. Edi umidlip nalang kami. Palipas oras. Hinihintay nalang na mag 5am. Para makauwi. Ang gara lang ng Cottage namin kasi andaming lamok. Buti nga walang na dengue samin e. Hahaha.
Sinabay ko pag uwi sila Nikka at Jawn. Pareho naman kasi kami ng mga way. Nag taxi ko pauwi. Dahil sa dami ng bitbit ko.
Doon na natapos yung buong PPMU ko. Nakakapagod pero worth it.
Pag uwi ko? Ayun deretso tulog na ko. Nagising ako mga hapon na. Sobrang masakit ang buong katawan ko. Ubos ang yaman ko. Pero masaya ako.
PAHABOL!
Nag backread ako sa tracktags ng PPMU. Grabe! Hindi ko alam kung maiiyak ba ko ta tuwa. Pero halos ganun yung feeling. Ansayang malaman na nag enjoy sila. Siguro parang binawi lang namin ni Yuri yung last Overnight Swimming Mini Meet Up (TDMMU) namin na walang matinong plano. Basta lang magkaroon ng swimming.
Hindi ko akalain na nag enjoy pala yung mga umattend. Hindi ko rin siguro sobrang na notice kasi busy ako/kami. Nakakatuwa ansarap lang ulit-ulitin basahin. Kahit pa konti lang yung bilang ng mga pumunta kumpara sa bilang ng inaasahan kong pupunta. OKAY lang. Kasi tapos naman na. Hahaha. Sana next year mas dumami pa yung mga makakapunta. Mas bobonggahan pa namin yung event. Pero plano palang yun. Lol.
Salamat talaga sa mga napilit. Mahal ko na kayo. Hahaha. :D
LAST PAHABOL!
Hindi na ko ang proof reading. Kung may mali-maling wordings or url dyan. Sorry na. Basta ako habang ginagawa ko to. Type lang ako ng type habang nag kukwento. Hahaha. Ge.