Ang Anino sa Talahiban
Dinayo ko ang kahabaan ng daan
Madilim at makipot
Walang tao saan man ako lumingon
Pagod na rin ang aking mga paa
Ngunit kailangan ko maglakad
Nang matunton ang bulwagang-bayan
Nagsilabasan ang mga kulay
Langhap ang simoy ng ihaw na may halong pawis
Pero hindi pa ito ang aking hantungan
Dadaan pa ako sa kahabaan ng tulay
Ngunit kailangan ko maglakad ng mabilis
Ito na ang hinihintay na sandali
Mailalapag ko na rin ang aking bitbit
Malaman at mabigat
Walang tao sa paligid
Kaya sinimulan na ang paglibing
At nang malalim na ang bangin
Doon ko iniwan ang anino sa talahiban
Walang makakaalam
*patuloy na naglakad*








